Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 37

A/N: I would like to say sorry for the super duper late update, and also dahil nagpromised ako na maguupdate noong last Saturday but didn't got the chance to do it dahil umuwi ako sa province and walang wifi doon.

As of now, this is the longeeeest update I've done so far, almost 5k words na rin siya and I'm nervous dahil hindi ako satisfied sa chapter na ito but still, I'm hoping that you will like it. I really tried my best to make into the interesting scenes pero masyado ng mahaba ang chapter na ito and it should be seperated into two.

So dahil super late ako nagupdate, maguudate ako ng dalawang chapters! Yey! Lovelots and Enjoy!

##########

KABANATA 37
The reward

[ASTRA DELA FUENTE]

"I JUST recently got back here 'cause Sir Etienne always puts me at the Kingdom. Parang isa na rin kasi sa responsibilities ko ang bantayan ang mahal na hari, though I also have responsibilities here kaya nabalik ako pag may time ako."

Nakatutok lamang ang mga mata ko kay Nate habang nagsasalita siya. May inabot siya sa'kin na healing candy, sandali ko ito tinitigan bago tinanggap.

"Isa akong healer, di ko naman kailangan 'to," Tugon ko sakanya at ngumiti naman siya, yung halos ngumiti na rin ang mga mata niya. Hindi ko namalayan na para akong tanga na nakatitig lang sakanya, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya pero hindi ko matandaan kung saan at kailan.

"Astra?" Napabalik ako sa realidad at ilang beses na napakurap. Tinatawag pala niya ako pero heto ako at tulala lang sakanya. Lintek Astra, baka isipin ng lalaking 'to nabibighani ka sa kagwapuhan niya. Oo gwapo siya, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ko siya tinititigan.

"Ayos na ba pakiramdam mo?" Dagdag pa niya ag tumango naman ako.

"Kaya ko naman pagalingin ang sarili ko kapag nabalik ko na yung lakas ko at may sapat na ako na kakayahan," Tugon ko sakanya.

Kumunot ang noo niya, "May healing candies naman, ayun nalang ang gamitin mo. You should rest, h'wag ka magalala, ipapaalam ko kay Sir Etienne ang nangyari."

"Naku! Kahit wag na, at isa pa, hindi naman ako estudyante dito," Sagot ko dito sa mataas na boses. Ayoko naman makarating pa 'to sa headmaster at baka lumaki lang. Paniguradong mas pagiinitan lang ako ng mga Ezeans na 'yon.

Ilang beses siyang umiling, "Kahit na, they should know how to respect. Hindi tama ang ginawa nila sa'yo. Nagiisa ka lang at marami sila, to think na mas malakas ang kanilang kakayahan kaysa sa'yo."

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Oo nga't mas malakas ang kakayahan ng mga 'yon sa'kin dahil nagtataglay sila ng offensive power, pero kaya ko naman lumaban kanina. Hindi ko lang ginawa dahil wala ako sa lugar namin. Wala ako sa Vershia.

"Hay nako, Nate. Basta h'wag mo nalang ipaalam sa headmaster, tsaka hindi ko naman alam yung dahilan nila kung bakit nila ginawa 'yon," Bigla ay naalala ko ang nangyari kanina. Ang hitsura ng Ezea High. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong nangyari at p'anong nangyaring nawasak ang main hall.

"You don't know?" Aniya Nate kaya napatingin ako sakanya. "Hindi mo alam na lumusob dito ang Dark Alkirvia?"

Natigilan ako at natulala. Para bang saglit na huminto ang pintig ng puso ko dahil sa narinig ko. "A-anong ibig mong sabihin?" Hindi ako makapaniwala, paano nangyari 'yon? Habang wala ba akong malay, biglang lumusob ang Alkirvia? Pero paano? Nakuha na namin ang crux pendant, hindi na dapat basta-basta sila makakapasok dahil may barrier ang academy!

Isang buntonga-hininga ang pinakawalan ni Nate bago magsalita, "Nasa labas pa kayo n'on para sa mission niyo noong umatake ang Dark Alkirvia. Ang dami nga daw nila eh, pero wala ako dito nung nangyari 'yon, I was at the Kingdom."

Naalala ko na wala masyadong Dark Alkirvia sa Kaharian ng mga 'to. Kaya pala nung araw na 'yon ay kaunti lang sila dahil ang puntirya nila ay ang Ezea High!

"Pero...bakit?" Tanong ko sa labis na pagkalito. Nasa kanila naman ang crux pendant nung araw na 'yon, ano ba talaga pakay nila?

"Hindi mo pa rin ba talaga alam?" Nate's eyes squinted. "Kinuha nila ang katawan ng kaibigan mo. Si...Keya ba 'yon?"

Para bang nabingi ako sa huling sinabi ni Nate. Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko at nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi niya. Hindi ko namalayan na nangingilid na pala ang mga luha ko.

"A-anong...anong s-sabi mo?" Pagtatanong ko ulit, umaasa na baka mali lamang ako ng narinig. Bakit? Imposible ang sinasabi niya. Walang dahilan ang mga Dark Alkirvia para kunin ang kaibigan ko!

"Ahh..I see, so di pala nila sinabi sa'yo?" Ani Nate at umiling na parang dismayado. Sila Azriel? Alam ni Azriel? Bakit hindi niya sinabi sa'kin?!

"Nagbibiro ka ba?" Peke akong tumawa at makailang beses na umiling. "Walang rason ang mga Alkirvia para kunin ang kaibigan ko!" Ramdam ko ang paginit ng aking mga mata, namumuo ang mga luha dito na nagdudulot ng paglabo ng aking paningin.

Bakas ang lungkot sa mukha ni Nate, tila ba nagsusumigaw ng sinseridad ang mga mata nito hiwatig na hindi siya nagbibiro. Ramdam ko ang pananakit ng lalamunan ko dahil sa pagpigil ko sa aking mga luha. Hindi...Hindi totoo 'yon.

Walang pasabi na tumakbo ako palabas ng Healing Center. Mabilis ang akong pagtakbo kaya naman may muntikan na akong mabangga habang ang iba ay nagtataka sa kinikilos ko. Hindi ako maniniwala hangga't hindi mismo nakikita ng dalawa kong mata na kinuha talaga si Keya.

=====

"BITCH!" ISANG malakas na sampal sa mukha ang dahilan para magising ako at matauhan. Nilibot ko ang aking tingin at narito pa rin ako sa hardin ng Ezea High na wala masyadong tao. Dito ako dinala ng paa ko at dito ko inilabas lahat ng luha at hinanakit ko.

Kumunot ang noo ko ng makita si Sam sa harapan ko na masamang nakatingin sa'kin. Teka, siya ba ang sumampal sa'kin? Agad akong napatayo at inayos ang aking damit para harapin siya ng may nagtatakang mukha.

"S-sinampal mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko. At ano naman ang dahilan niya para sampalin ako? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawang masama sakanya at siya pa itong pinagaling ko.

Tumaas ang kilay niya sabay humalukipkip, "Yes! I slapped you and you deserve it!"

Naningkit tuloy bigla ang mga mata ko. "Bakit? Anong ginawa ko sa'yo?" Hindi kaya'y nahawa na rin siya sa ibang Ezean na pinagbibintangan ako sa nangyari sa academy? Pero bakit ba ako ang sinisisi nila sa paglusob ng mga Alkirvia, eh wala naman ako dito noong nangyari 'yon!

"Kunwari ka pang walang alam. You're fake and you're trying to seduce Azriel to gain his attention! Pinapaikot mo ang ulo niya!"

Napanganga tuloy ako sa sinabi niya. Anong sinasabi niyang inaakit at pinapaikot ko si Azriel? Alam ko sa sarili ko na hindi ako gan'on at ang tanging hangarin ko lang ay ang pakisamahan ang mga taong tutulong sa'kin para mailigtas ang kaibigan ko.

"Nababaliw ka ba? Wala akong alam sa sinasabi mo," Depensa ko habang umiiling ng ilang beses. "Wala akong oras para sa kahibangan mo, Sam. Aalis na ako," Hindi pa man ako nakakahakbang ay agad na hinablot ni Sam ang braso ko at iniharap ako sakaniya. Isang sampal muli ang natanggap ko mula sakanya na siyang nagpatigil sa'kin.

"Yes, I was thankful to you for saving me, pero this is different. Alam mo dapat kung ano ang lugar mo dito. You're just a Vershiatist who begs for help!" Nanlalaki ang mga matang aniya Sam, nababasa ko mula rito ang pagkainis. Hindi ko alam kung naiinis ba siya dahil sa nangyari sa Ezea High o tungkol kay Azriel.

"Alam ko ang lugar ko, Sam. Hindi mo na kailangan ipaalala pa," Kalmado ngunit mariin kong tugon sakaniya.

"Then stay away from Azriel!" Sigaw niya. "Stay away from the Elementalists! Tapos na ang mission niyo at dito na matutuldukan ang pakikisama mo sakanila. I know Sir Etienne will get you back to Vershia for good."

Para bang may karayom na tumusok sa puso ko. Nakaramdam ako ng kirot dahilan para matigilan ako sa sinabi niya. Nabigo kami sa pagligtas kay Keya kaya alam kong tutulungan pa ako ng Elementalists. Kahit papaano naman ay naramdaman ko na tinuring nila akong kaibigan at naging mahalaga na rin sila sa'kin.

"Naging malapit na din sila sa'kin, Sam. Hindi mo ako hawak sa leeg para sundin ko ang sinasabi mo," Tugon ko.

Napanganga siya sa sinabi ko, "So ayaw mo talaga lumayo dahil balak mong agawin sa'kin ang atensyon ni Azriel, gan'on ba?!"

"Hindi iyon ang ibig kong--"

"You wanted his attention! Gusto mo siya agawin sa'kin!" Napaatras ako ng duruin niya ako. Hindi ako makapagsalita dahil sa galit at selos na nakikita ko sa mga mata niya. "Isang taon akong nawala pero hindi ibig sabihin n'on ay hindi na niya ako mahal."

Nagkatitigan kami ni Sam. Hindi ko mawari kung anong ekspresyon ang pinapakita ko pero hindi ko gusto ang mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa sinasabi niya.

Tanda ko pa iyong gabi nung umamin sa'kin si Azriel. Malinaw kong nasaksihan ang kislap sa kaniyang mga mata ng bigkasin niya ang mga salitang hindi ko inaasahan. Malinaw din sa aking pandinig kung gaano siya kaseryoso sa sinasabi niya.

Pero...malinaw din sa'kin iyong araw na nakita namin si Sam sa kulungan ng Alkirvia. Nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Kung paano naging malamig ang mga mata niya na hindi ko man lang mabasa.

"Mabait naman ako, Astra, that is if you will be a good girl, okay?" Ani Sam sabay nagpamalas ng matamis na ngiti. Alam kong peke ang mga ngiting 'yon. Hindi ko akalain na iyong taong tinulungan ko ay ganito ang magiging pakikitungo sa'kin. "Makakaasa ba ako na lalayuan mo na si Azriel?"

Malinaw na sa'kin na hindi ako nababagay sa lugar na ito. Panandalian lamang ako dito at dapat kong tanggapin na iiwan ko din sila, lalo na si Azriel.

Mapait akong napangiti, "H'wag ka magalala, kung may namamagitan man sainyo ni Azriel, nirerespeto ko 'yon. Hindi ako magiging hadlang sainyo."

=====

MABIGAT SA loob ko ang sinabi ko kay Sam pero sa tingin ko ay tama lang ang ginawa ko. Oo, umamin sa'kin si Azriel tungkol sa nararamdaman niya, pero ano bang alam ko sa totoong nararamdaman niya? Ano ba alam ko kung nagsasabi siya ng totoo o hindi? Bigla ay kumirot ang aking dibdib. Hinawakan ko ito at huminga ng malalim, hindi ko gusto ang pakiramdam na ito.

Matapos kong bitawan ang huling salita ko ay agad na rin akong umalis d'on. Noong una ay hindi ko pa alam kung saan ako pupunta dahil panay masasamang tingin ang natatanggap ko sa mga estudyante dito kada dadaan ako. Mabuti na lamang at nilapitan ako ng isang babae at sinabi na pinapatawag ako ni Sir Etienne kaya naman patungo ako ngayon doon.

Huminga ako ng malalim ng sa wakas ay nasa tapat na ako ng pintuan. Ito na siguro ang sinasabi ni Sam na pababalikin na ako ng Headmaster sa Vershia at...hindi ko na makikita ang Elementalists. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng pangalawang pamilya sa ikalawang pagkakataon.

Gustuhin ko man dumeretso sa Technology Center para alamin iyong totoo tungkol kay Keya pero mas mabuti nalang siguro kung tanungin ko muna si Sir Etienne.

"Mabuti naman at n'andito ka na, Astra," Pagbungad na bati sa'kin ni Sir Etienne ng makapasok ako. "Take a seat, I have something to say to the both of you."

Nanlaki ang mga mata ko ng ibaling ko ang aking tingin sa kanan at nakita si Azriel na seryoso ang mukhang nakatingin sa'kin. Ang parehong kilay niya ay magkasalubong, pakiramdam ko ay bumalik yung araw na una ko siyang nakita dito sa Headmaster's office ng bigla niyang suklayin ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri.

"What happened to you?" Ilang beses akong napakurap ng tanungin ako ni Azriel. Ngayon ko lamang napansin na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Lintek, hindi ko pa pala napapagaling ang mga natitirang sugat ko!

"Oh, saan mo nakuha mga sugat mo?" Mukhang ngayon lang rin napansin ni Sir Etienne ang mga sugat sa katawan ko. Imposible nga namang hindi nila mapansin ito dahil litaw na litaw ito sa katawan ko.

"Ah...s-sinubukan ko lang sugatan ang sarili ko p-para malaman kung maayos na ba ang aking healing," Pagsisinungaling ko at nagiwas ng tingin. Naiilang kasi ako sa pagtitig sa'kin ni Azriel. Talagang kinikilatis niya kung nagsasabi ako ng totoo.

"O-okay?" Sabi nalang ni Sir Etienne, para bang nawiwierduhan siya sa'kin. Sino ba namang hindi mawiwierduhan sa palusot mo Astra, napakaengot mo talaga. "Maupo na kayo."



"Tanda niyo pa ba yung third physical combat natin?" Tanong ni Sir Etienne kaya naman parang bata na sabay kaming tumango ni Azriel. "Today is the day you will receive your reward."

Napaayos ako ng upo at napatingin kay Azriel ngunit seryoso lamang siyang nakikinig kay Sir Etienne. May reward pa pala kami, akala ko talaga mema lang 'yon. Pero, bakit pati ako may reward, eh hindi naman ako isang Ezean?

"K-kasama po ba ako d'yan?" Walang kwentang tanong ko. Napabungisngis tuloy si Sir Etienne habang si Azriel ay napataas ang kilay.

"Of course, hindi ba kayong dalawa ni Azriel ang nanalo?" Tugon ni Sir Etienne.

"Pero hindi ako isang Ezean. Unfair po siguro sa iba kung magkakaroon ako ng reward kahit hindi naman talaga ako nagaaral dito," Sabi ko pa.

Naku, unang tapak ko pa nga lang sa lugar na ito ibang klaseng tingin na ang sumalubong sa'kin, iyong nandidiri at masasamang tingin pa. Mas lalong magagalit ang mga Ezean na iyon kung malaman pa nila na nagantimpalaan pa ako kahit wala naman talaga akong nagawa noong araw na 'yon.

"Even so, you're still the other person standing and that is our rule. You're not an exemption, Astra. You're one of us that day," Nakangiting sabi ni Sir Etienne kaya naman hindi nalang ako nakapagsalita, hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko rin sana itanong ang tungkol kay Keya pero humahanap pa ako ng tyempo dahil nagsasalita pa siya.

Palihim kong sinulyapan ang katabi kong si Azriel, hindi kasi siya umiimik at prenenteng nakaupo lamang habang nakahalukipkip. Noong tumingin siya sa'kin ay saka lang ako nagiwas ng tingin. Bakit na naman ba ang seryoso ng mukha ng yelong 'to?

"And that reward, the both of you will get it from Ezea Kingdom,"

Ezea Kingdom? Hindi ako makapaniwala! Hindi pa ako kailan man nakatatapak sa Kaharian ng Ezea Kaya naman manghang-mangha ang 'itsura ko ngayon. Teka, ano naman ang gagawin namin doon?

"You two will serve and protect the King as well as the Kingdom from any Dark Alkirvias."

Tuluyan nalang akong napanganga sa huling sinabi ni Sir Etienne. Seryoso ba siya? Ang isang healer na tulad ko, pagsisilbihan at poprotektahan ang mahal na hari?! Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko.

"H-ho? Pero...isa lamang po akong healer, paanong---" Biglang pinutol ni Azriel ang sinasabi ko.

"It's final, you can't do anything about it. At isa pa, I've seen how you fight and protect other people," Sabi nito habang nakatitig mismo deretso sa mga mata ko.

"You will leave tomorrow in the morning," Sabi ni Sir Etienne kaya naman nanlaki bigla ang mga mata ko. Agad-agad?! Hindi ba man lang sila magtatanong kung sangayon ba ako at kung kaya ko ba? That is a big responsibility! Protecting the King is the most important of all responsibilities!

Magsasalita pa sana ako kaso biglang may kumatok sa pintuan, hindi namin ito makita dahil nasa labas lang siya ng pintuan. Inexcuse ni Sir Etienne ang kaniyang sarili upang puntahan ito.

Ilang segundong katahimikan, nagulat ako ng hablutin ni Azriel ang braso ko na may pasa, kagagawan ito nung lalaking siga. Nakakagigil talaga sila.

"Where did you get this?" Magkasalubong ang kilay niya ng tanungin niya iyon. Hindi ko siya pinansin at nagiwas nalang ng tingin.

"Oy!"

Kumunot ang noo ko ng magsalita ulit siya, "H'wag ka nga sumigaw, may kausap ang Headmaster," Suway ko sakaniya. Oy? Seryoso?

"You're not answering me," Ngayon naman ay nakanguso siya. In fairness, hindi masungit ang dating niya ngayon.

"B-basta!" Sagot ko nalang at tumingin sa harapan. Gusto ko siya kausapin, iyon ang nararamdaman ko, pero sa tuwing naaalala ko iyong sinabi ni Sam, pakiramdam ko kailangan ko na talaga ilayo ang sarili ko sakanila.

Kung sabihin ko kaya na binully ako dito? Hay nako, wag na. Ayoko lumaki iyong gulo atsaka, hindi naman ako isang Ezean. Naligaw lang naman ako dito.

"Ano nga?" Pangungulit pa niya. Napabuntong-hininga nalang ako at hinarap siya.

"D-diba sabi ko ako may gawa niyan? Kailangan ko itest ang healing---"

"Who are you fooling?" Pagputol niya sa sinasabi ko. Natigilan ako at natameme. Oo nga, Astra. At talagang kay Azriel ka pa nagsinungaling? Lintek na palusot kasi 'yan, uto-uto nalang ang maniniwala.

Syempre, kailangan ko panindigan iyong sinabi ko kaya binawi ko sakaniya ang kamay ko at taas-noong tiningnan siya. "Totoo ang sinasabi ko. Gawain talaga naming mga healer iyon upang masigurado na maayos pa ang epekto ng aming kakayahan."

Totoo iyon, pero hindi totoong kailangan namin saktan ang aming sarili. Kapag kasi dumating sa punto na nanghina ang isang healer, mahihirapan siyang gampanan ang kaniyang responsibilidad bilang isang healer. Hindi minsan tumatalab ang healing dahil sa kakapusan sa enerhiya. Kaya naman upang masigurado ito ay sinusubukan namin ito sa mga hayop na sugatan.

Magsasalita pa sana siya pero biglang dumating si Sir Etienne. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Sa pagbalik niya ay may kasama na itong lalaki. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ito.

Napatayo kami ng sabay ni Azriel.

"Azriel and Astra, this guy beside me is coming also dahil isa rin siya sa nagbabantay sa Kaharian. I know you already know him, Azriel," Ani Sir Etienne at tumingin sa'kin at iminuwestra ang pwesto ko, sabay tingi sa lalaking kasama. "By the way, this is Astra, isang Vershiatist."

Inilahad niya ang kaniyang kamay sa'kin at ngumiti, kagaya lamang ng ngiti na ipinamalas niya sa'kin kanina. "Hi Astra...I'm Nate, Nate Fuego. It's nice meeting you...again?"

Pero bago ko pa man tanggapin ang kamay ni Nate, isang ubo mula kay Azriel ang pumutol dito. Napatingin kami sakanya.

"I didn't know you're already here, Fuego," Ani Azriel habang mariing nakatitig kay Nate na nakangiti lamang.

"President Guevarra," Tugon naman ni Nate. Napakurap ako habang nakatingin sakanilang dalawa. President? Si Azriel? Isa siyang officer sa Ezea High? Sa pagkakaalam ko, may president na ang Ezea High.

"Sir Etienne, bakit pa ba kailangan kasama pa tong nilalang na 'to? He doesn't have any business here," Naiinis na lingon ni Azriel kay Sir Etienne sa isang gilid.

"He's a Kingsman, Azriel. Isinama ko si Nate para may gabay kayo roon," Kalmadong sagot sakanya ni Sir Etienne kaya naman hindi na nakapalag pa si Azriel. Nakikita ko ang pagtiim ng panga niya habang nakanguso.

"Cute mo sana kung hindi ka lang isang yelo," Bulong ko sa isang tabi, mukhang narinig niya ata ang sinabi ko dahil napataas ang kilay niya.

"What did you say?"

"Wala," Tipid ko nalang na sagot.

=====

PAGKALABAS NA pagkalabas palang namin ni Azriel sa Headmaster's Office ay sinalubong agad siya ni Sam ng mahigpit na yakap, feeling mo naman ay napakatagal nilang hindi nagkita. Napangiwi ako at awtomatikong nagiwas ng tingin, tila ba binagsakan ng bato ang puso ko. Ayoko makita ito, hindi ko rin dapat maramdaman ito. Hindi pwede, Astra.

"I miss you already!" Puno ng lambing ang boses ni Sam habang nakayakap kay Azriel, inipit pa niya ang boses niya para magboses bata pero hindi naman bagay sakaniya.

"S-Sam...c-can you let go?" Nagaalinlangang tugon ni Azriel, nakangiwi siya habang hindi sinusuklian ang yakap ng dalaga. Sumusulyap pa ito sa'kin at nakikita ko sa mga mata niya na humihingi siya ng tawad. Teka, ano meron sa tingin na 'yan? Hindi ba dapat masaya siya dahil kasama na niya si Sam?

Humiwalay sa pagkakayakap si Sam at nakangusong tumingin kay Azriel, nag-puppy eyes pa siya, patunay na maamo lamang siya kapag kaharap si Azriel, ngunit sa maamong mukha na iyan ay ang nagtatago niyang tunay na ugali.

"Why? You didn't missed me? Hindi tayo nagkikita this whole day, you're not even visiting me noong napuruhan ako," Aniya sa malambing na pananalita pa rin. Nalipat ang tingin niya sa'kin at napataas ang kilay, pero laking-gulat ko ng lumapit ito sa'kin ng may malawak na ngiti at hinawakan pa ang magkaparehong kamay ko.

"Astra! Thank goodness, if it wasn't for you siguro nakahimlay na ako at sinusundo ng mga alipara."

Hindi matago ang gulat sa mukha ko. Nagbago ata ang ihip ng hangin? O heto na naman siya sa pagiging plastik niya sa'kin? Hindi ako nakasagot sakanya at wala rin akong balak sagutin siya.

Ang mga alipara na tinutukoy niya ay ang mga mahihiwagang paro-paro na siyang sumusundo sa mga namayapang users. Pili lamang ang sinusundo ng mga alipara, mga taong may mabubuting kalooban na nararapat makatungtong sa Neshka, lugar ng mga dyos at dyosa.

Tumaas ang kilay niya at tumalim ang tingin, hindi naman iyon nakikita ni Azriel dahil nakatalikod sakaniya si Sam. "Act natural. Don't ever dare blow up anything, I'm warning you."

Sabi ko nga, plastik siya.

"If you would excuse us, we have some business to do Sam," Azriel interrupted at humakbang papalapit sa'min. Tumabi ito sa'kin na mas lalong ikinatalim ng tingin ni Sam, mukhang hindi naman ito napansin ni Azriel dahil nagbago din agad ang ekspresyon ng dalaga. Bumalik ito sa masayahing mukha.

"What business? Pwede ba ako sumama d'yan? Tamang-tama, I'm all healed now and---"

"You can't," Inunahan na agad siya ni Azriel. "It's just between me and Astra, you're not allowed there unless I would love to...but I don't."

Nawala ang ngiti ni Sam at hindi makapaniwala, "What? Tama ba ang narinig ko? You don't love being with me?" Tumaas ang boses niya, nawala ang lambing dito. Bumalik ang boses na pinapakita niya kanina gamit ang tunay na ugali.

Pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng dumadaan at nagbubulungan, bulong iyon pero rinig namin. Hindi daw sila makapaniwala na buhay si Sam, totoo nga ang balita na narito daw ito at walang pinagbago ang 'itsura.

Hindi ko maipagkakailang maganda si Sam, mula sa maliit at bilugan nitong mukha, makinis at maputing balat, idagdag mo pa ang hubog ng katawan niya na talaga namang nakakaakit maging ang buhok niyang kulay pink na kapansin-pansin.

Itong babaeng ito, walang-wala ako sakaniya. Walang-wala ang isang dugyot na healer na katulad ko sakaniya.

Nahihiyang inilagay ni Sam ang buhok sa likod ng tainga at pilit na nginitian ang mga estudyanteng nadaan. Ang hindi nakatakas sa pandinig ko ay ang binulong ng isang babae sa kaniyang kasama.

"Si Sam at Azriel iyon diba? They must be together again, matutuloy na ulit ang naputol nilang pagiibigan."

"Yeah, and bakit ba nila kasama ang dugyot na Vershiatist na 'yon? Panira siya sa moment ng dalawa, ah!"

"Sinabi mo pa! Mukhang balak nga agawin si Azriel kay Sam, duh? As if magkakagusto sakaniya ang president eh ang panget niya kumpara kay Sam!"

Nanggaliti ang ngipin ko sa inis at imbis na magsalita ay umalis nalang ako roon. Hindi nila kailangan gumawa ng kwento dahil kahit kailan ay di ako magbabalak na mapasakin si Azriel.

"Tabi!"

Nanlaki ang mga mata ko at hindi napansin ang paparating na si Xynos. Nakasakay siya sa isang hoverboard na nalutang na mabilis ang takbo. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at hinintay ang pagbangga niya sa'kin, pero bago pa man ako madali ni Xynos, isang kamay ang humablot sa'kin at itinago ako sa mga bisig niya.

"Fvck! Tingnan mo nga ang dinadaanan mo!" Inis na sigaw ni Azriel. Natigilan si Xynos at nagtaas ng kilay bago bumaba sa kaniyang flying hoverboard. Habang ako naman ay umalis sa pagkakayakap sa'kin ni Azriel.

"My fault, lady," Nakangising aniya at hinawakan ang kamay ko. Nanlaki ang nga mata ko ng halikan niya ang likod ng palad ko. What the hell? At kailan pa naging playboy itong batang ito?

Mabilis naman na kinuha ni Azriel ang kamay ko na nakapagpatawa kay Xynos. Nagiigting ang panga nito habang matalim ang tingin sa binata.

"Do you want to die?" Mariing wika.

Xynos chuckled and brushed his hair, "Brother mine, it's my way of saying sorry to a lady."

"Then I don't need your fuckin' sorry," Diin ni Azriel.

"Ow, I remember! You're Astra, diba?" Turo sa'kin ni Xynos, wala sa sariling napatango ako. Geez, anong nangyari at mukhang umihip yata ang hangin? Anong nangyari sa bad boy na si Xynos?

"HOY XYNOOOOS! BUMALIK KA DITO!"

Sabay kaming napalingon sa likuran at nakita ang isang babaeng tumatakbo na kaedad lamang ni Xynos. Tanda ko siya, hindi pa rin nagbabago ang hairstyle niya na nakaponytail na dalawa sa magkabilang gilid.

"Shit, Avery!" Mura ni Xynos at madaling sumakay sa kaniyang hoverboard. Tumingin siya kay Azriel. "Hoy ulupong! Pigilan mo 'yung babaeng 'yon!" Huling salita nito bago pinaharurot ng pagkabilis ang sinasakyan.

Napasinghal nalang si Azriel sa tabi ko at mukhang hindi makapaniwala.

"Hala Kuya Azriel! Bakit mo siya pinakawalan!" Napapadyak si Avery sa inis at ngumuso ng makalapit siya sa'min. Hindi naman siya nagtagal dahil umalis kaagad siya para habulin ulit ang pilyong si Xynos. Ano na naman ba ang ginawa n'on?

"Let's talk."

Bago ko pa malaman, nagulat nalang ako ng hilahin ako ni Azriel sa kung saan. Hindi na ako nakapalag pa dahil mabilis ang bawat hakbang niya.

"H-hoy teka! Kaya ko naman maglakad!" Halos pasigaw na sabi ko sakaniya habang kinakaladkad pa rin niya ako. "Dahan-dahan nga! Tungkol saan ba ang paguusapan natin at nagmamadali ka?"

Huminto siya at ngumisi, "You've got a lot of explanation to do, miss."

**********

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT! It will be highly appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro