Kabanata 36
##########
KABANATA 36
Home
MASAKIT. SOBRANG SAKIT. Iyon ang nararamdamang sakit ni Astra na bumabalot sa buong katawan niya na animo'y binabalatan siya ng buhay. Ito ang sakit na kahit kailan ay hindi niya gugustuhing muling balikan, ngunit ang sakit na kaniyang nararamdaman ay walang-wala kumpara noong mga nakaraang araw kada sasapit ang hating-gabi. Ang sakit kung saan una niyang naramdaman noong una siyang halikan ni Azriel. Wala siyang magawa kun'di ang umiyak sa sakit.
"Shh...I'm here."
Isang haplos mula sa pisngi ang nagpagising sakanya. Para siyang sumabak sa isang bangungot dahil sa paghahabol niya ng kaniyang hininga. Ang sakit na kaniyang nararamdaman kanina ay para bula na biglang nawala ng sumalubong sakanya ang mga mata ni Azriel na nagaalala. Napalitan ng ginhawa at kaligtasan ang sakit na kaninang nararamdaman.
"K-kamusta?" Nauutal na tanong ni Azriel habang iniiwas ang tingin mula sa dalaga. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya dahil para siyang hinihigop ng mga tingin nito.
Mabilis na napabangon si Astra ng magproseso sa kaniyang utak kung nasaan siya. Nasa isang kwarto siya na kulay asul. Malawak at maganda ang kwarto na para bang pagmamay-ari ng isang taong may mataas na posisyon.
"A-anong...anong nangyari?" Tanong ni Astra sa naguguluhan na tono habang nakakunot ang kaniyang noo. "Nasaan tayo?" Natigilan siya at mas lalong nanlaki ang mga mata ng may biglang maalala. "Yung crux pendant! Si...si Keya..."
Inalalayan naman ni Azriel si Astra ng tumayo ito. Astang lalabas si Astra sa kwarto pero agad siyang pinigilan ni Azriel at hinawakan ang braso nito, napalingon sakanya ang dalaga ng may nagtatanong na mga mata.
"M-magpahinga ka na muna," Tugon ng binata at pumalabi. Mas lalong kumunot ang noo ni Astra.
"Nasaan tayo?"
"Ezea High. You're at my...room," Nagiwas ng tingin si Azriel ng banggitin ang huling sinabi.
Saglit na natulala si Astra at dahan-dahang ibinaba ang kaniyang tingin sa kaniyang katawan habang napapalunok pa. Natauhan siya ng bigla siyang pitikin ni Azriel sa noo.
"Aray!"
"Tss, stupid. What are you thinking?" Singhal nito. "Wag kang feeling, wala akong ginawa sa'yo," Tugon pa nito habang nagiiwas ng tingin.
Ilang segundo bago magproseso sa utak ni Astra ang mga nangyayari. Doon lamang nanlaki ang mga mata niya sa labis na gulat at deretsong napatingin kay Azriel. "Nasa Ezea High tayo?! P-paano nangyari 'yon?! Hindi ba nasa Alkirvia pa tayo?! Y-yung crux pendant...si Keya! Anong nangya---"
"I'll explain to you later," Pagputol sakanya ng binata na mas lalong ikinadikit ng dalawang kilay ni Astra.
"Later? Bakit hindi pa ngayon? Nalilito ako! Paano tayo napunta dito? Bakit tayo bumalik? Anong nangyari? Wala akong matandaan!" Sunod-sunod na saad ni Astra habang hindi mapakali at nagsimulang maglakad paikot sa kwarto ni Azriel. Nalilito siya sa nangyayari. Parang kanina lamang ay nasa loob sila ng Kaharian ng Alkirvia, kalaban niya si Cyrus at hawak pa nito ang crux pendant, pero ngayon ay nakabalik na sila sa Ezea High. Hindi na niya maalala ang mga sumunod na nangyari.
"You should rest—"
"Ilang oras ako walang malay?" Pagputol ni Astra sa sasabihin ni Azriel. Saglit na tinitigan ni Azriel ang mata ng dalaga bago sumagot.
"Well, just two days," Nakangising aniya bago ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Nanlaki ang mga mata ni Astra at hindi makapaniwala sa gulat.
"Seryoso?!" Gulat na sigaw niya, hanggang sa unti-unti niyang narealize na...hindi pa pala siya naliligo. Mabilis siyang tumakbo papalayo kay Azriel at binuksan ang lahat ng pinto na kaniyang makikita hanggang sa tuluyan na niyang mahanap ang palikuran o banyo.
Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin at halos hilingin niya sa lupa na lamunin siya nito dahil sa histura niya ngayon. Hindi siya morning person kaya naman parang namamaga pa ang kaniyang mga mata habang nakadungaw pa dito ang kaniyang muta. Magulo din ang kaniyang buhok at malalim ang eyebags.
Narinig niya sa labas ng pinto ng banyo ang dalawang katok ni Azriel kaya naman nabigla siyang napaiwas sa salamin at madaling naghilamos at inayos ang sarili. Maging ang kaniyang hininga ay amoy panis na rin.
"Azriel," Boses iyon ni Paige na bagong pasok lamang. Napatingin sakanya si Azriel sa normal nitong malamig na tono at tingin. Isinuksok pa niya ang kaniyang magkabilang kamay sa kaniyang bulsa.
"Where's Astra?" Napataas ang kilay ni Paige ng mapansin na wala si Astra kama ni Azriel. Mas lalong napataas ang kilay niya ng ibalik nito ang tingin sa binata. "And why are you here? Dapat nandoon ka sa kwarto ni Sam. You know that she needs you."
"So? This is my room. Hindi ba ako pwede pumasok sa kwarto ko?" Azriel replied in sarcasm. "And besides, Paige, Sam is completely fine now. I don't see any bruises no more."
"What?" Natatawang tugon ni Paige, tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ni Azriel. "Okay, so 'asan siya? Gising na pala siya, then why don't you tell her that—"
"Why are you even here?" Aniya Azriel sa naiinis na tono at sinamaan ng tingin si Paige. "Go out. I can handle this."
Napairap si Paige, "Sir Etienne is calling you, you better go there now." Pagkatapos n'on ay nagmartsa na palabas si Paige. Napailing naman si Azriel.
Sa kabilang banda ay nakikinig si Astra sa usapan ng dalawa. Napasinghap siya ng marinig ang boses ni Azriel sa labas ng pintuan nv banyo. Pumalabi naman si Azriel bago magsalita.
"Hey," Panimula nito. "I want you to stay here. H'wag ka munang lalabas unless I say so. It's an order so you better follow, okay?"
Magsasalita pa sana si Astra pero narinig nalang niya ang paalis na yabag ng mga paa ni Azriel at ang pagsarado ng pinto. Napangiwi ang dalaga at lumabas nalang ng banyo. Hindi niya alam kung bakit ayaw siya palabasin ni Azriel, pero wala naman siyang magawa kun'di ang sumunod dahil hindi naman siya taga-rito. Hindi naman siya isang Ezean para magliwaliw, kaya naman mas pinili nalang niya maglibang sa kwarto ng binata. Iginala niya ang kaniyang paningin sa malaking kwarto nito na kung tutuusin ay tatlong bahay na sa Vershia.
Napangisi si Astra at napailing, "Iba nga talaga kapag angat ka sa buhay. Mayaman ka at maganda ang pamumuhay mo. Swerte sila. Swerte sila dahil hindi nila nararanasan ang hirap ng pagiging isang Vershiatist." Kumunot lamang ang noo niya ng mahagip ng mga mata niya ang isang maliit na lollipop na nakapatong sa side table ni Azriel. Nilapitan niya ito at kinuha bago tinititigan ng maiigi, tila pamilyar ang bagay na iyon. Hindi niya malaman kung bakit ilang minuto niya ito hindi tinantanan at tinitigan.
"Saan ko nga huling nakita 'to?" Tanong niya sa sarili.
=====
Sa kabilang banda, sa lugar ng Technology Center ay naroon si Sir Etienne, Sir Paulo at si Azriel. Isang papel ang nilapag ni Sir Paulo sa kaniyang mesa at isang bote na naglalaman ng karampot na dugo.
"The test is denied," Panimula ni Sir Paulo na ikinakunot ng noo ni Azriel. Napatingin siya kay Sir Etienne bago ibinalik ang tingin kay Sir Paulo. Tahimik lamang si Sir Etienne dahil napaliwanag na ito sakanya ni Sir Paulo.
"Astra's blood is denied," Paguulit ni Sir Paulo habang hindi naman agad nakapagsalita si Azriel. Alam niya, at ng Elementalists ang pagkuha ni Sir Paulo ng dugo kay Astra habang wala itong malay. Ito ang kauutusan ni Sir Etienne at ipinaliwanag nito sakanila na nakatanggap siya ng sulat mula sa Kaharian ng Lifarshia.
Hindi man sangayon si Azriel dito pero wala rin siya nagawa. Matapos ang kanilang misyon sa Alkirvia ay tagumpay nilang nakuha ang Crux Pendant. Noong araw na iyon ay binalikan ni Azriel si Astra, ngunit huli na dahil nakita niyang wala ng malay ang dalaga habang naroon ang isang lalaki na mababakas ang pagaalala.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ni Azriel ang pagtatagpong iyon nilang dalawa ni Cyrus.
"Iuwi mo na siya," Aniya Cyrus habang buhat ni Azriel ang walang malay na si Astra. Nagigting ang panga ni Azriel at akmang magpapalabas ng kapangyarihan pero nginisian siya ni Cyrus.
"Binibigyan kita ng pagkakataon para makaalis sa lugar na ito ng ligtas," Tugon pa nito. "Siguraduhin niyo lamang na hindi na kayo babalik pa rito." Kasabay noon ay biglang sumeryoso ang mukha niya. May kinuha ito sa kaniyang bulsa at inihagis kay Azriel na agad naman niyang nasalo. Nanlaki ang mga mata niya dahil ito ang crux pendant na kanilang hinahanap. Naroon din ang parteng pagtataka at hindi makapaniwala dahil ibinigay ito ng isang kalaban.
"Hindi ito ang magiging huli nating pagkikita...Azriel."
"Meaning to say, her blood was resulted as unidentified," Nakuha ng mga salitang iyon ang atensyon ni Azriel kung kaya't biglang nawala ang gumugulo sa kaniyang isip.
Mas lalong kumunot ang noo niya dulot ng pagtataka, umuwang ang kaniyang bibig at sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang tibok ng kaniyang puso.
"A-anong ibig sabihin n'on? Is it really possible that she is a Dark Alkirvia?" Tanong niya. Puno ng pagtatanong ang kaniyang utak, at nangangamba rin dahil baka mapahamak si Astra lalo pa't nakarating sa Ezea High, kay Sir Etienne, ang pangyayari kung saan nahuli sila ng mga Lifars at naakasuhan si Astra bilang isang Alkirvia. Mabuti na lamang at hindi pa ito nakararating sa Haring Matsu, dahil kapag nangyari iyon ay paniguradong malalagay sa panganib si Astra.
Tumikhim si Sir Paulo at sumandal sa kaniyang swivel chair, "Hindi ko masasabing isa siyang Alkirvia. Doesn't mean the tests are unidentified means she's one of those, the Alkirvia's, I mean." Aniya sa mahinahong tono. Huminga muna siya ng malalim bago muling nagpatuloy. "As you can see, Azriel, mayroong limang kaharian sa Azmar: Ezea, Lifarshia, Alpheniel, Vershia, at isama na rin natin ang Alkirvia. My technology center can not just identify if a person is an Ezean, I can also detect or tests if that person came from other Kingdom."
"Just get straight to the point. Anong ibig mong sabihin?" Naiinip na tugon ni Azriel habang magkasalubong ang dalawang kilay.
"Calm down, Azriel. Ineexplain ng ayos ni Sir Paulo para mas maintindihan mo. Wag mo pairalin ang pagkainipin mo," Sermon sakaniya ni Sir Etienne kaya naman bagsak ang balikat na napasandal nalang ulit si Azriel sa kaniyang kinauupuan bago tumingin sa kawalan habang si Sir Paulo ay napapailing nalang.
"A person's real identity can be easily identified kapag kinuha ko ang dugo nila at nilagay sa aking scanner. Nakapagtataka lang dahil wala akong nakita, kahit ang pagiging Vershiatist niya knowing that she possess healing," Pagpapatuloy ni Sir Paulo, maging siya rin ay hindi maintindihan ang nangyayari. "I already tried it twice but the result remains the same."
"So you're saying that she is not a Vershiatist?" Tanong ni Azriel na sobrang naguguluhan na.
"Hindi ko alam, pero isa lang ang sigurado ako. Hindi siya nagmula sa Azmar. She's not one of us."
Natulala na lamang si Azriel sa sinabi ni Sir Paulo. Mas nagpagulo ito sa kaniyang isipan, hindi niya alam kung p'ano nangyaring hindi nagmula sa Azmar si Astra kung gayon nagtataglay ito ng kakayahan ng pagiging isang Vershiatist. Sabay nilang tinahak ni Sir Etienne ang lugar kung saan naroon ang katawan ni Keya.
Walang umimik sa kanilang dalawa at naghihintay kung sino ang mauunang magsalita.
"Hindi ko talaga akalain na lulusubin ng Alkirvia ang Ezea High ng gan'on kadali. Nasira nila ang ibang parte ng Ezea High, nakipaglaban sila sa amin para lamang makuha ang katawan ni Keya."
Nakatitig lamang si Azriel sa loob ng glass na iyon kung saan ang dating nakahiga roon na katawan ni Keya, ay wala na. Nawala dahil sa paglusob ng Alkirvia. Iyong araw na iyon ay ang araw kung saan nakapasok sila sa Kaharian ng Alkirvia ng walang kahirap-hirap, ngunit kaya naman pala wala masyadong Dark Alkirvia sa Kaharian na iyon ay dahil pinlano nilang pasukin ang Ezea High.
"Hindi ko alam kung anong mayroon sa dalawang magkaibigan na iyon at kung bakit sila pinagiinteresan ng Alkirvia, lalo na si Keya," Pagpapatuloy ni Sir Etienne at ibinaling ang tingin kay Azriel. "Gaya ng pangako ko noong physical combat natin, ang mananalo sa aktibidad na iyon ay magkakaroon ng premyo, at kayong dalawa 'yon ni Astra, Azriel."
Tila ba nagpantig ang tenga ni Azriel sa kaniyang narinig kaya naman mabilis siyang napabaling kay Sir Etienne. Binilin nito sa binata na samahan si Astra sa kaniyang Headmaster's Office upang mas maipaliwanag ang kaniyang sasabihin.
=====
"NAKITA KO rin siya na kumakain ng lollipop noong araw na umatake ang isang Alkirvia. Mahilig pala siya sa lollipop," Natawa si Astra sa kaniyang naisip. Bukod sa nakita niya ang isang pirasong lollipop sa ibabaw ng side table ni Azriel ay nakita din niya ang ilang balot ng plastik ng lollipop. Pero iba ang tatak ng mga 'yon sa nauna niyang nakita.
Iyong nagiisang lollipop kasi ay nagyeyellow na ang stick, batid niyang matagal na ito at hindi na nakain pa. Nasa ganoong posisyon siya habang nakatitig sa lollipop ng biglang pumasok sa isipan niya ang kaibigan na si Keya. Bigla ay nanlumo siya at lumungkot ang mukha, nagbadya ang luha sa kaniyang mga mata na mabilis na tumulo sa kaniyang pisngi na agad naman niyang pinunasan gamit ang likod ng kaniyang palad.
"H-hindi kita nagawang iligtas, Keya..." Paos ang kaniyang boses ng bigkasin niya iyon. Puno ng lungkot ang puso niya ng matauhan siya na hindi siya nagtagumpay sa kanilang misyon. Hindi niya nagawang iligtas ang kaniyang kaibigan na matagal na niyang gustong makasama at yakapin. Naalala niyang naandito nga pala sa Ezea High ang katawan ng kaniyang kaibigan, kaya naman inayos niya ang kaniyang sarili at walang alinlangang lumabas ng dorm ni Azriel upang pumunta sa Technology Center. Nawala sa kaniyang isipan ang bilin ng binatang si Azriel dahil sa sobrang sabik na masilayan ulit ang kaibigan.
Nang tuluyan na siyang nakalabas ay napahinto siya sa labis na pagkabigla. Tila ba kinapos siya sa hininga at napako sa kinatatayuan habang nililibot ng mata ang buong kapaligiran, ang buong Ezea High, na dati ay kumikinang sa ganda pero ngayon, marami ng basag na mga pader at gamit. Halos hindi na nga makilala ang Main Hall. Ang mga estudyante ay sama-sama at tulong-tulong na inaayos at binabalik ang dating ganda ng Ezea High. Hindi ito ganoon kadali dahil malaking pinsala ang nangyari, na para bang nagkaroon ng matinding lindol.
Napatingin sakanya ang mga estudyante at nagsimulang magbulungan. Ang mga ito ay masama ang tingin kay Astra habang yung iba ay nandidiri sakanya.
Para bang nanliit si Astra at napayuko. Hindi niya alam kung anong nangyari, at iyon ang gusto niya malaman. Kaya ba ayaw siya palabasin ni Azriel ay dahil dito? Bakit? Bakit hindi niya sinabi agad na may ganitong pangyayari?
"Hoy, hampaslupa!"
Napaangat ang tingin ni Astra sa isang estudyanteng babae na nasa harapan niya. Maganda ito at mukhang mataray, nakiusyoso na rin ang ibang estudyante at pinalibutan siya.
Napangisi ang babae at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Astra, "How dare you! It's because of you kaya naging ganito ang Ezea High!"
Nagsimula ulit magbulungan ang mga estudyante at nagtapon ng masasakit na salita kay Astra. Hindi naman alam ni Astra kung bakit siya ang sinisisi ng babae.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo," Tugon nito.
"Ikaw at ang patay mong kaibigan ang nagpapahamak sa tahimik naming buhay!" Sigaw naman nung isa. "We are againts having peasants like you here! In the first place naman, you don't have the right na makaapak dito because you're just a lowly Vershiatist!"
Para bang sinaksak ng ilang dagger ang puso ni Astra sa kaniyang narinig. Kumuyom ang kaniyang kamao at gusto niyang sapakin ang babaeng nagsalita pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili dahil wala naman siya sa Vershia para manggulo.
"Oo nga! Aside from that, look at yourself! Nakakadiri ka! Ang dugyot mo, ang dumi ng damit mo! Even our servants here look more decent than you!" Sigaw naman iyon ng isa.
"At ang kapal din naman naman ng mukha mo na umapak at matulog sa kwarto ni Azriel! You think we don't know that you're being served by the Elementalists?!" Sigaw ng babaeng kaharap niya, na naunang sigawan siya. "Dapat nga ikaw ang nagaayos sa mga nasira dito because it's all your fault! Ang dapat sa'yo ay tinuturuan ng leksyon! A lesson which will make you realize that you, a lowly Vershiatist, don't belong here!"
Nagsi-sangayonan ang mga estudyanteng nakapalibot sakanya. Ang mga ito ay minumura siya, sinisigawan, hanggang sa bigla na lamang may nambato sakanya ng itlog na saktong tumama sa kaniyang dibdib. Nanlaki ang mga mata niya at nakita ang isang estudyanteng lalaki na mukhang siga na kararating lang kasama ang iba pa nitong sigang kaibigan. Ang mga ito ay may dala na malalaking pamalo at ilang balde ng harina at itlog.
Tila ba nanlamig si Astra sa kaniyang kinatatayuan dahil paniguradong hindi magdadalawang isip ang mga ito na saktan siya.
"S-saglit lang!" Sigaw ni Astra. "H-hindi ko alam ang sinasabi niyo! Wala akong kinalaman sa nangyaring gulo dito, m-maniwala kayo—" Bago pa man niya madepensahan ang sarili ay binatuhan ulit siya ng mga ito ng itlog, ngunit sa pagkakataong ito ay sunod-sunod na ang pagbato sakanya. Masaya pa ang mga estudyante at nagtatawanan habang ginagawa iyon, at tanging kayang gawin lamang ni Astra sa oras na iyon ay ang pumikit at damhin ang sakit dahil ang mga egg shells nito ay tumatama sa kaniyang balat na parang isang bubog.
Sunod ay binuhusan siya ng lalaking siga ng isang balde ng harina. Agad silang nagtawanan at nagbato ng masasakit na salita kay Astra. Ang kaawa-awang dalaga ay naestatwa nalang sa kaniyang pwesto, tila ba nag-echo sakanya ang tawanan ng mga estudyante at mga panlalait nito. Sumasakit ang kaniyang lalamunan dahil na rin sa pagpipigil na lumuha.
'Hindi, hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak dahil lang dito at mas lalong hindi ako iiyak sa harapan nila. Kaya ko to...sanay na ako,' Saad niya sa kaniyang isipan.
"Ano? Hindi ka pa aalis dito ha?! Tingin mo ba talaga nababagay ka sa Ezea High? Eh, sa itsura mo ngayon talo mo pa basahan namin eh!" Sigaw nung lalaking siga na ikinatawa ng lahat.
"As of now girl, wag ka ng magfeeling na belong ka dito, ha? Hindi kami tumatanggap ng isang basura!" Aniya naman ng babaeng kaharap ni Astra, nakakrus pa ang braso nito. "At isa pa, wala ka sa mga tulad naming mayayaman. You're just a trash! You, and you're dead friend are nothing but trash!"
Doon natigilan si Astra at nagpantig ang tenga. Walang emosyon siyang tumingin sa babaeng nagsalita na iyon na halos kulang na lang ay ibuhos ang harina sa mukha dahil sa sobrang kapal ng makeup.
Hindi nagustuhan ni Astra ang kaniyang narinig. Hindi niya nagustuhan na pati ang walang malay niyang kaibigan ay nadadamay.
"Anong sabi mo?" Malamig na tanong ni Astra, ang mga mata nito ay hindi mo kakikitaan ng kahit na anong emosyon sa sobrang lamig. Napaamang tuloy ang babae na kung kanina ay ang tapang-tapang, ngayon ay nagmamatapang nalang.
"Y-you're just a trash! Kayong dalawa ng kaibigan mo—a-aray!" Isang maling salita ay agad na hinablot ni Astra ang pulsuhan nung babae at inikot ito. Nagsisisigaw sa sakit ang babae at nagsasabing bitawan ito.
"Aray! L-let me go, bitch!"
Nanlilisik ang mga mata ni Astra ng titigan niya deretso sa mata ang babae, "Oo, mahirap kami, mayaman kayo. Pero kung tutuusin, mas basura ka pa tingnan kaysa sa madumi kong damit." Hindi naman nakasagot ang babae dahil sa takot, ang boses kasi ni Astra ay may halong pagbabanta na katatakutan talaga. "Ang nararapat sa matabil mong dila ay putulin—"
"At ang kapal naman ng mukha mong saktan si Jenny ko!" Sigaw nung sigang lalaki at pwersahang tinulak si Astra kaya napaupo ito sa semento. "Hoy! Wala kang karapatan saktan siya dahil hindi ka taga-rito! Ano pang hinihintay niyo? Tirahin niyo na 'yan!"
Bago pa man makapalag si Astra ay sinugod na siya ng mga estudyante. Ang iba ay sinasabunutan siya, hinahampas siya, binabato, habang ang iba ay nanonood lamang, nagbubulungan at walang pakielam. Sa lahat ng hampas at sabunot na natatanggap niya ngayon, wala iyong sakit na iyon sa sakit na nararamdaman niya kada maaalala ang mga masasakit na salita na kaniyang natanggap, at higit sa lahat, ang pagkawala ni Keya.
"Anong kaguluhan iyan?!"
=====
"SAM, SIGURADO ka bang wala kang nararamdaman na kahit ano?" Nagaalalang bigkas ni Echo sa kaibigan na si Sam. "Hindi ko talaga akalain na buhay ka. You suffered alot, hindi ko ma-imagine kung gaano kalungkot at kahirap ang pinagdaanan mo."
"Well, I'm a bit okay naman na," Sagot ni Sam at nagkibit-balikat habang nakahiga sa kaniyang higaan. "I think gawa nung healer na kasama niyo sa misyon niyo. She healed my wounds kaya gumaan kahit papaano pakiramdam ko."
"Si Astra?" Sabat naman ni Fauna.
"Ay hindi, hindi si Astra, Fauns. Baka si Dara. Syempre si Astra, siya lang naman ang healer sa'tin!" Pamimilosopo ni Echo na ikinairap ni Fauna.
"Ewan ko sa'yo, Echo! Utak mo maliit!"
"Aba hoy! Kung may maliit na utak dito kay Dara 'yon dahil siya ang maliit dito!" Depensa ulit ni Echo, natawa naman si Sam habang si Dara na dapat ay matutulog ay biglang napamulat ang mga mata at tumingin kay Echo.
"Hoy, bruha! Ano na namang dinadakdak mo d'yan at dinadamay mo na naman ang maganda kong pangalan!" Sabat ng maliit na boses ni Dara dahilan para mas lalo bumungisngis si Sam.
"M-matagal na kayong magkaibigan?"
Napalingon si Echo muli kay Sam ng kausapin siya nito. Nginitian niya ang kaibigan, "Yang Witch na 'yan? Nakilala lang namin 'yan noong mission, palaboy-laboy kasi sa daan."
"Bruha, gusto mo maging palaka ulit?" Nakangiting pagbabanta ni Dara. Nilingon ulit siya ni Echo at matamis na nginitian.
"No thanks, witch. Kuntento na ako sa ganda ko," Tugon nito sa mapangasar na tono.
"Kows, may ganda ka?! Kaya pala kinukulangan ka sa paggamit ng beauty potion ko at kulang nalang ay lumuhod ka sa harap ko!" Pagbubuking ni Dara dito, nanlaki tuloy ang mga mata ni Echo habang si Fauna ay muntikan pang mabilaukan sa kaniyang kinakain.
"Sinungaling ka!" Sigaw ni Echo at tumayo pa habang tinuturo si Dara.
"Hays, para kayong bata! Magtigil nga kayo d'yan," Sermon sakanila ni Fauna.
"No, what I mean is...si Astra right? Iyong..healer?" Pagdaragdag ni Sam. Pumalabi naman si Echo at nakisiksik kag Sam sa hinihigaan nito. "M-matagal niyo na siyang kilala?"
"Um, actually medyo kasabayan lang siya ni Dara. Nakilala namin siya noong nanakaw mula sa Ezea High iyong crux pendant. She asked for our help kasi dahil sa'min kaya nadamay ang kaniyang kaibigan," Saglit na tumigil si Echo sa pagsasalita at bumuntong hininga. "Nakakalungkot lang dahil di namin nagawang ibalik si Keya."
"By the way, Echo, gising na ba si Astra? It's been two days, hindi pa rin siya nagkakamalay?" Aniya Fauna habang ngumunguya ng cookies.
"I don't know. Ayaw naman magpapasok ni Azriel sa dorm niya, hmp!"
Kumunot ang noo ni Sam at bahagyang tumagilid ang ulo dahil sa sinabi ni Echo. "S-sa dorm ni Azriel? N-nandoon ba si Astra?"
"Oo, 'di mo alam? Si boss nag-insist dahil gusto niya siya ang magbabantay kay Astra," Sagot naman dito ni Echo. Hindi na sumagot pa si Sam at nanatili nalang tahimik habang malalim na nagiisip. Hindi niya akalain na sa maikling panahon na kasama ng Elementals si Astra ay ganoon kabilis nahulog ang loob ni Azriel dito.
Umigting ang kaniyang panga at tumingin sa kawalan habang kung ano-anong bagay ang pumapasok sa kaniyang isipan.
=====
MALABO MAN ang paningin ni Astra dulot ng harina ay sinubukan niya pa rin sulyapan ang lalaking sumigaw. Nagsihawian naman ang mga estudyante ng humakbang ang lalaki papalapit sa pwesto ni Astra. Lumuhod pa siya upang pantayan ang mukha ng dalaga na kaawa-awa ang 'itsura. Napailing siya sa kaniyang sarili at kinuha ang panyo sa kaniyang bulsa at pinunsan ang mukha ni Astra, dahilan para maging malinaw sa paningin ng dalaga ang lalaking kaharap niya ngayon.
"Hindi ka dapat nila sinasaktan."
Natulala si Astra sa sinabi ng lalaki, napansin ng binata ang titig ni Astra kaya napatingin siya dito at nginitian ang dalaga. Hinawakan niya ang pisngi ni Astra at mas inilapit ang kaniyang mukha.
"Sa susunod, matuto kang humingi ng tulong, hm?" Isang matamis na ngiti ang ipinamalas ng lalaki bago tumayo at inalalayan si Astra na tumayo din. Napayuko na lamang ang dalaga dahil sa nangyayari.
Ang taong inaasahan niyang darating ay wala ngayon. Wala siya ngayon upang tulungan siya. Wala si Azriel upang samahan siya sa kaniyang tabi.
"V-Vice President," Nanginginig na aniya lalaking siga na nagbuhos kay Astra ng harina.
"Tandaan niyo, lahat ng nandito at kasabwat sa gulong nangyari ngayon, hindi ko ito palalagpasin," Matigas na sabi ng lalaki na kilala bilang Vice President sa Ezea High. Iginaya niya si Astra palayo sa mga taong iyon upang dalhin sa clinic. Hindi sinasadya na nasulyapan ni Astra ang gilid ng dibdib ng binata kung saan naroon ang kaniyang nameplate.
'Salamat...Nate.'
**********
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT! It will be much appreciated showing your support!
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro