Kabanata 34
Happy New Year guys! Sorry late update. Ngayon lang ako sinipag hehe
##########
KABANATA 34
Risk
[ASTRA's POINT OF VIEW]
BUMIBIGAT NA ang talukap ng aking mga mata. Ayoko pa sana sumuko ngunit hindi nakikisama ang katawan ko. Tuluyan na akong nauubusan ng hangin at wala ng kakayahan pa'ng magpumiglas sa mga dahong humihila sa'kin paibaba. Tila ba may sariling utak ang aking katawan at sumasabay nalang ito paibaba sa tubig.
'No! Astra!'
Kumunot ang aking noo nang makita ang isang bulto ng tao na lumalangoy patungo sa aking direksyon. Bumungad sa aking mata ang napakagandang babae. Ang kanyang kumikinang na berdeng mata ay nakatitig sa'kin. Gulat akong napalayo ng mapagmasdan ang kaniyang kabuuan.
Isang sirena! Ang napakadelikadong mga sirena!
Tila ba napabalik ako sa wisyo at muling nagpumiglas sa mga dahong nakakapit sa'kin!Mas lalo akong nataranta ng ilapat nito ang kanyang palad sa aking noo. At doon, hindi ko na alam ang sumunod pa na nangyari.
Naalimpungatan ako ng makaramdam akong may dumapong insekto sa ilong ko. Napakamot pa ako dito habang unti-unting iminumulat ang aking mga mata. Bumungad naman sa mga mata ko ang mga nagliliparang alitaptap. Tila ba manghang-mangha akong nakatingin sa mga ito.
"Ang ganda, hindi ba?"
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napabangon. Lumakas ang tibok ng dibdib ko sa kaba ng makita ang tatlong sirena sa harapan ko. Para silang mga dyosa na nakaupo sa kanilang trono. Sa gitna roon ay nakaupo ang babaeng ginto ang buhok, mata, maging ang kaniyang buntot na kumikinang pa. Ang ganda niya! Nang tingnan ko ang iba ay mas lalo tumambol ang puso ko sa kaba. Napapaatras pa ako.
Sa kaliwa ng sirenang iyon ay ang sirenang pula naman. Gaya ng sirenang ginto, ang kabuuan at buntot nito ay pula rin. Sa kanan naman ay berde. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong siya yung sirenang nakita ko bago ako mawalan ng malay!
"N-nasaan ako?" Nauutal 'kong sagot sa mga ito. Posible bang nasa ilalim kami ng karagatan? Pero, paano ako nakakahinga? Dapat ay patay na ako kung gan'on!
"Ikaw..at ang kaibigan mo...ay nasa ilalim ng aming kapangyarihan," Tugon ng sirenang nasa gitna.
Kaibigan ko? Sino sa Elementalists ang tinutukoy niya? Pakiramdam ko ay bigla akong nabuhayan ng pag-asa. Hindi ako nag-iisa!
"S-sinong kaibigan ang tinutukoy niyo?" Kinakabahang tanong ko habang nakakunot ang noo.
Tumingin sila sa kanilang gilid. Nagtataka man ay sinundan ko rin ito ng tingin. Gulat akong naman ako ng maluwag doon.
"Ang iyong kaibigan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng inang dagat. Siya ang sumalo ng lason na dapat ay sa'yo," Dinig kong sabi ng sirenang ginto.
Napalingon ako sakanya at kumunot ang noo, "A-anong ibig mong sabihin?" Mas lalong lumalakas ang pagtambol sa dibdib ko, lalong lalo na ang takot na nararamdaman ko sa mga sirena. Delikado silang nilalang at natatakot ako sa maaari nilang gawin at sabihin.
Hindi sila nagsalita. Nananatili lang silang nakatitig sa'kin. Sa paraan ng pagtitig nila, pakiramdam ko nalulunod ulit ako. Nanlaki ang mga mata ko ng lumabas ang imahe sa utak ko.
'Isang sirena! Ang napakadelikadong mga sirena!'
Ang kulay berde nitong mga mata ay tila ba hinihigop ako. Sinikap kong makawala sa mga halamang dagat nanakapulupot sa'kin. Bago ko pa man abutin ang dagger na nakasuksok sa damit ko ay bigla na lamang ako hinawakan nito.
Akala ko ay kung ano na ang gagawin nito ngunit bigla na lamang siya lumangoy palayo sa'kin. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik ngunit doon ka lang na-realize na...hindi pa rin ako makahinga!
Pero...hindi ko na kaya. Patuloy akong hinihila pailalim ng halamang dagat at hindi ko na magawa pang manlaban. Nauubusan...na...ako...ng...hangin....at wala na akong magawa kundi ang ipikit nalang ang aking mga mata.
Hanggang dito nalang ba ako? Hindi ko na ba talaga maliligtas si Keya? Patawad...Keya....
'No! Astra!'
Muli akong napamulat nang maramdaman kong may humawak sa pisngi ko. Para akong natulala ng makita ko sa aking harapan si....Azriel.
Kumunot ang aking noo ng mapansin na tila ba nahihirapan siya. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize kong nakakahinga na ulit ako! Paanong—? Hindi....Ibinigay ni Azriel ang kanyang crystal amulet sa'kin! Hindi!
Doon ko lamang rin napansin na nakapulupot na rin sakanya ang halamang dagat na kanina ay nasa akin. Mas lalong lumubog ang puso ko sa takot at kaba ng mapansing mas umagos ang pagdurugo ng sugat ni Azriel na kapansin-pansin gawa ng tubig.
Huhubarin ko na sana yung crystal amulet at ibabalik sakanya ngunit pinigilan niya ako kasabay ng kanyang pagiling. Ramdam ko na nahihirapan na din siya huminga, at mas lalo siyang nahihirapan gawa ng sugat niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sakanya!
Pero nagulat ako ng biglang may mga kamay ang pumulupot sa katawan ni Azriel. Muli akong natakot ng makita ko ulit yung sirenang nakita ko! Hindi! Anong gagawin niya kay Azriel?!
Inabot ko ang dagger na nakasuksok sa aking damit at sinugod iyong sirena pero bago pa man ako makalapit dito, natigilan ako dahil hinawakan niya ang noo ko at...nawalan ako ng malay.
Namumutla ang buong mukha ni Azriel, at maging ang labi niya ay nawawalan na ng kulay. Ang kanyang braso ay nagsisimulang mangitim gawa ng lason, ayon kay Aghinaia, ang sirenang ginto ang buntot.
Ginamit ko ang healing ko pero wala akong maramdaman na tumatalab ito sakanya at dahil doon tuluyan akong napaluha at marahang tinitigan ang mga sirena. Si Aghinaia, Luwalhati (sirenang berde), at Martea (sirenang pula).
"Tanging ang mga sirena lang na kagaya namin ang maaaring makapagpagaling sakanya, sapagkat ang lasong natamo niya ay nagmula sa mahiwagang mga halamang dagat," Aniya Aghinaia.
Tinitigan ko muna sila isa-isa bago sumagot, "At papagalingin niyo siya?" Umaasang tanong ko. Umaasang pumayag ang mga kilalang delikadong sirena kahit na napakaimposible. Kung papayag man sila, nasisigurado kong mayroon iyong...
"May kapalit ang bawat buhay na inililigtas namin," Tugon naman ni Luwalhati. Tama nga ang hinala ko. "Gusto mo ba malaman kung ano iyon?"
"A-ano?" Kinakabahang sagot ko.
"Batid namin na patungo kayo ng iyong mga kaibigan sa kaharian ng Alkirvia upang kunin ang nagiisang Crux Pendant ng Ezea, at higit sa lahat, upang iligtas ang iyong kaibigan. Tama ba ako?" Nakangiting ani Martea, habang ako ay nagulat sa sinabi niya. Paano nila nalaman 'yon? Hindi kaya isa iyon sa kanilang kakayahan? Hindi na dapat ako nagtaka pa. Makapangyarihan ang mga sirena, hindi na lamang ako nagtanong pa.
"At upang mabuhay ang kaibigan mo..." Patuloy pa niya dahilan para tumambol na sa kaba ang puso ko. H'wag naman sana tumama ang naiisip ko pero... "Sa oras na nakuha niyo ang Crux Pendant, ibibigay mo iyon sa'min....kapalit ng buhay ng kaibigan mo."
Pakiramdam ko ay nanlambot ang tuhod ko. Tuluyan ng bumagsak ang kanina pang nangingilid kong mga luha. Tama ako. Tama ang hinala ko. Gusto rin nila mapasakanila ang Crux Pendant upang magkaroon din ng sariling proteksyon ang buong karagatan.
"Kung papayag ka sa gusto namin ay gagaling ang iyong kaibigan. Ngunit sa oras na traydurin mo kami...buhay mo ang mawawala," At doon, tila tumigil ang mundo ko sa sinabi ni Aghinaia. "Magagawa mo ba iyon.....Astra?" Nanghahamon ang tonong dagdag niya. Pinilit ko ayusin ang sarili ko at maging matapang sa paningin nila.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Napatingin ako sa mahimbing na natutulog na si Azriel. Muling tumulo ang butil ng luha sa mata ko. Kapag ginawa ko ang gusto nila ay tiyak na magagalit sa'kin si Azriel, ang Elementalist, at ang buong Ezea. Mawawalan ng saysay ang paghihirap ng Elementalist. Malalagay sa panganib ang buong Ezea maging ang Vershia.
At kung hindi ko naman gagawin...mawawala si Azriel. Bagay na ikalulungkot ng Elementalists at panigurado ng buong Ezea High. Bagay na ikasasakit ng dibdib ko...
Hindi ko pwedeng hayaan mamatay nalang ng ganoon nalang si Azriel ng dahil sa'kin. Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko kung bakit siya nasa ganitong sitwasyon. At kapag nawala siya, maraming manghihinayang. Isa sa pinakamalakas na estudyante ng Ezea High si Azriel, masungit man minsan ay nagagampanan niya ang kanyang tungkulin at mga misyon. Isang napakaimportanteng nilalang kumpara sa'kin....
Kumpara sa'kin na isang hamak na healer lamang. Walang manghihinayang. At walang mawawalan kung ako iyong mawawala. Bukod doon ay mawawala na si Zed sa katauhan ko.
Pinahid ko ang mga luhang patuloy na bumubuhos pababa sa aking pisngi at muling hinarap ang mga sirena na naghihintay sa aking sagot. Aking sagot na sa tingin ko'y di ko naman pagsisisihan.
"G-gagawin ko. Gagawin ko ang gusto niyo...Iligtas niyo lamang siya."
=====
NAPABUGA AKO ng tubig at inubo ng magkaroon ako ng malay. Nakita ko ang Elementalist na nagpapanic, at natuwa sila ng magising ako. Napansin ko na basa rin sila.
Napatingin din ako sa gilid ko kung saan nandoon si Azriel na umuubo na rin ngayon ng tubig. Halos pareho kaming naghahabol ng hininga. Natigilan ako ng maalala ko yung nangyari. Paniguradong hindi alam ni Azriel na nakasagupaan namin ang mga sirena, at muntikan na siyang mamatay.
"Huhuhu! Pinagalala niyo ako! Kami!" Naiiyak na sabi ni Echo.
"W-what happened?" Kunot-noong tanong Azriel at napatingin sa'kin. Saglit kaming nagtitigan bago namin naisipan na magiwas ng tingin. Napalunok ako.
"Muntikan lang naman na kayong lamunin ng mga halamang dagat!" Bulalas ni Dara.
"At ikaw naman boss, alam mo namang may sugat ka, lumusong ka pa—-wait, asan na yung sugat mo?" Kumunot ang noo ni Echo. Nanlaki rin ang mga mata ko at napatingin sa tagiliran ni Azriel at...wala na nga siyang sugat! Gumaling na ito. Pinagaling siya ng mga sirena at dahil doon ay malawak akong napangiti.
"Ikaw ba nagheal sakanya?" Tanong ni Cadell. "Imposible 'yon, pareho kayong nawalan ng malay noong—" Pinutol ko ang sasabihin niya. Alam kong magtataka sila kaya inunahan ko na si Cadell.
"Ah! Binigyan ko na siya ng pangunang lunas habang n-nasa laban kami sa ilusyon ni V-Valentina," Sagot ko sakanila. Mukha naman silang naniwala sa sinabi ko, pero si Azriel ay nananatiling nakakunot ang noo sa'kin. Batid kong alam niyang walang nangyaring ganoon dahil hindi siya pumayag na i-heal ko siya at bukod doon, hindi kami makakuha ng tyempo gawa ni Valentina.
"Good thing at sumunod kami sainyo at binigay ni Paige yung kanyang crystal amulet. She won't be needing that anyway since she's a water manipulator," Sabat pa ni Echo dahilan para matigilan ako.
"Guys! Nakita na namin yung daan—omygosh! Gising na kayo!" Napatingin naman kami kina Fauna at Paige na sumulpot bigla sa kakahuyan. Ngayon ko lamang napansin na wala pala sila kanina. Naghanap pala sila ng daan palabas dito at papasok naman sa Alkirvia.
Agad kaming niyakap ni Azriel ni Fauna ng sabay. Nagulat pa ako ng dumikit ang balikat namin dahil sa pagsunggab sa'min ni Fauna.
Pinatuyo muna namin ang mga sarili namin bago kami nagsimulang maglakbay ulit. Nangunguna sa paglalakad si Fauna at Paige na pinapamilyar ang lugar, sa gitna namang tatlo na sina Cadell, Echo at Paige habang ako ay nakasunod lamang sa kanilang likuran. Si Azriel ay nasa likod ko naman dahil siya ang nagsisilbing taga-tingin kung sakaling may kalaban na dumating.
Aangal pa nga dapat si Cadell dahil nagaalala pa rin ito sa kalagayan ng binata pero sinabi niyang maayos na ang lagay niya, at bumalik na ang kanyang lakas. Totoo ngang nawala na ang malubhang sugat ni Azriel at dahil iyon sa mga sirena. Dahil sa pagpayag ko sa kanilang kasunduan...
Maya-maya pa ay napatigil sila kaya napatigil din ako. Pumunta sa'min si Fauna na mukhang may hinahanap.
"Nakita niyo ba yung mapa?" Tanong niya sa'min. Napakamot pa ito sa kaniyang ulo.
"It's in your bag right? Gosh! Wag mo sabihing naiwala mo?" Gulat na aniya Paige at napahalukipkip pa. Dahil doon ay tiningnan namin isa-isa ang aming bag ng biglang nagsalita si Echo.
"Basa na siya..." Hawak niya ang basang mapa at nanlumo tuloy kami bigla. Oo nga pala't lumusong kami sa tubig ng biglaan kung kaya't hindi na namin naalala pa ang mga bagay na nasa aming bag.
"Fvck! Tapos sira pa yung communicator voice natin," Naiinis na sabi ni Cadell habang tinititigan ang kanyang communicator voice.
"Hala! Ibig ba sabihin nito naliligaw tayo?!" Bulalas ni Dara sa gulat at napatakip pa siya sa kaniyang bibig gamit ang kaniyang maliliit na kamay.
Napakamot naman sa ulo si Paige sa inis at napapadyak pa sa lupa. Si Fauna naman ay mukhang malalim ang iniisip habang si Azriel...nilingon ko ito at nakitang kalmado lamang siya. Bumalik sa walang ekspresyon ang kaniyang mukha.
"At hindi na rin siya nababasa!" Sabi pa ni Echo habang nakatitig sa hawak niyang mapa. Bumagsak ang balikat ko dahil doon. Basang basa ang mapa at nagkalat na ang tinta nito. Halos wala na talagang maintindihan sa nakalagay dito. Hays! Kung kailan naman malapit na kami sa Alkirvia, saka naman kami magkakaproblema.
"Give me that," Nagulat ako ng biglang hinablot ni Azriel kay Echo ang mapa at itinapon ito sa isang gilid. "We won't be needing that anymore. Don't worry, may alam akong sikretong daan. Let's go."
Hindi na kami nakapagtanong pa at sumunod nalang kay Azriel. Hindi ko maiwasang hindi magtaka. Paanong may alam siyang daan kung hindi pa naman siya nakakapunta dito?
Napansin niya ata na nakatitig ako sakanya kaya bigla siyang lumingon sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling nagiwas ng tingin. Parang biglang...naging awkward ang lahat sa isang iglap...
=====
"OMYGOSH! SERYOSO KA?!" Sigaw ni Echo matapos namin makita ang sinasabing sikretong daan ni Azriel. Maging kami ay napanganga at hindi makapaniwala na dito kami dadaan!
"Nope! Hindi ako dadaan diyan," Maarteng ani Paige at humalukipkip. Ang daang sinasabi ni Azriel ay isang hole at puro putik ang nilalabas noon. Paniguradong gagapang kami para lamang makapasok doon. Okay lang naman sa'kin kung doon kami dumaan at wala akong pake kung madumi man dahil sanay naman na ako.
"Boss, sure ka na may daan talaga d'yan?" Napakamot pa sa kanyang kilay si Cadell habang sinisilip-silip ang butas.
"Teka! Eh, parang labasan ata ng mga tae 'yan eh!" Alma pa ni Echo na ikinalaki ng mata namin at ikinatawa naman ni Cadell.
"Yuck! Kadiri ka naman, bruha!" Tugon naman ni Dara ng may nandidiring mukha.
"Baka naman may iba pang daan. We're not sure about what's in there," Sagot naman ni Fauna na mukhang nagaalinlangan rin. Sinamaan naman sila ng tingin ni Azriel kung kaya't naitikom nila ang bibig nila.
"Hindi 'yan daanan ng tae," Nanlilisik ang mga matang sagot ni Azriel.
Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng yabag ng mga paparating. Gulat kaming nagkatinginan at walang ibang nagawa kun'di ang lumusot nalang doon sa butas. Mangiyak-ngiyak pa si Paige at Echo habang ginagapang namin ang loob ng butas.
Puro putik na ang katawan namin at swerte nalang din siguro kami kasi kahit papaano hindi mabaho ang dinaanan namin.
Si Azriel ang nangunguna sa'min, sunod ako, si Fauna, Paige, Dara, Echo, habang nasa hulihan naman si Cadell. Gagapang pa ulit sana ako ng bigla akong mauntog sa pwet ni Azriel hanggang sa mauntog na rin si Fauna sa pwet ko at umabot iyon kay Cadell. Mukha namang nagulat si Azriel dahil napalingon pa siya sa'kin.
"Aray! Tulis naman ng ulo mo, Cadell!" Reklamo ni Echo. Dinig na dinig ang kanyang boses dahil nageecho ito.
"Aba! Bakit ba kasi kayo tumigil?" Angil naman ni Cadell.
"May problema ba, Azriel?" Tanong ni Fauna sa likod ko.
"Shh," Lumingon sa'min si Azriel habang nakatapat ang kanyang hintuturo sa kanyang labi. Hindi naman niya ito idinikit, at medyo inilayo niya ang kanyang daliri dahil may putik ito.
Ngayon ko lamang napansin na mayroon ng liwanag at dahil iyon sa saraduhan ng hole na dinaanan namin. May maliliit na butas ang mga ito at isang bukasan kung kaya naman nakikita namin ang nangyayari sa labas. Kami lang pala ni Azriel dahil malayo ang iba sa kumpara sa pwesto namin.
Ilang sandali pa ay mayroong dalawang Alkirvia ang naaninag namin at naguusap ang mga ito kaya naman nanahimik kami at pinakinggan sila.
"Ano daw ang gagawin natin sa babaeng Ezean na iyon?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi nung isang kawal. Ezean? May bihag silang Ezean?
"Hindi ko pa alam kay Cyrus. Pero ang sabi nila ipapatapon daw siya sa malayong lugar."
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Azriel na ngayon ay nagiigting na ang panga at hindi maipinta ang mukha. Bakit ganoon nalang ang reaksyon niya?
"Gosh, may bihag pala silang Ezean," Bulong ni Echo. Agad namin siyang sinuway dahil mukhang narinig kami ng dalawang kawal.
"Sino nand'yan?! Lumabas ka!" Sigaw nung isa habang masuring tinitingnan ang paligid. Hindi naman kami mapakali bigla. Kung mahuhuli kami dito ay baka di na kami makabalik ng buhay—
"Meow...meow...."
Natulala kaming lahat kay Azriel ng gayahin niya ang tono ng pusa. Muntikan pang matawa si Cadell pero agad namin siyang sinamaan ng tingin. Mga pasaway talaga.
"Pusa lang pala pare. Masyado kang matatakutin," Sabi naman nung isa at maya-maya pa ay umalis na rin sila.
Agad na humarap sa'min si Azriel at sinenyasan kami na makinig. Pabulong niyang sinabi ang kaniyang plano kung paano namin papasukin ng tahimik ang Alkirvia. Ang hole na dinaanan namin ay isa palang shortcut papasok sa dungeon na nasa harapan lang namin ang maliit na gate na kulay itim. Dito kami dadaan dahil nasa amin din ang susi na nakuha pa namin sa panahon ng Great Amarine.
Si Dara at Echo ang naatasang magbantay sa labas ng gate. Si Fauna, Cadell at Paige naman ang maghahanap ng Crux Pendant habang kami ni Azriel ang maghahanap ng paraan kung paano makikita ang Alkirvia'ng dahilan ng pagkawala ni Keya. Sa oras na magkaroon man ng gulo ay magpapadala ng mensahe sa'min si Cadell gamit ang kaniyang hangin.
Pagkapasok namin sa dungeon ay humiwalay na agad sa'min sina Fauna. Doon sila dumaan sa isang pinto patungo sa hallway ng Alkirvia. Mas delikado dumaan doon pero may tiwala ako sakanila.
Sumunod naman ako kay Azriel pababa sa isang hagdan. Dahan-dahan ang lakad ko habang nililibot ng aking tingin ang dungeon nb Alkirvia. Madilim. Makipot. Mabaho. Tanging ang torch lamang ang nagbibigay ng liwanag.
Isa-isa naming tiningnan ang mga rehas at halos mapatakip ako sa aking bibig ng makitang mga kalansay na ang laman ng iba.
"S-saan tayo?" Bulong ko kay Azriel habang tahimik pa rin kaming naglalakad. Hindi ko alam kung saan kami patungo dahil ang pagkakaalam ko ay kami ang maghahanap doon sa Alkirvia na sumalakay sa'min. Teka! Hindi kaya hinanap ni Azriel ang Ezean na sinasabi ng mga kawal kanina?
"Tingin mo, sino kaya yung Ezean na tinutukoy ng mga Alkirvia?" Tanong ko pa ulit.
Napalingon naman siya sa'kin at nagkibit-balikat, "Well, it's for us to find out." So tama nga ako. Kaya kami busy sa pagtingin sa bawat rehas ay para iligtas din 'yung Ezean na 'yon.
Bigla ko naalala lahat ng mga pinagdaanan namin bago makapunta dito. Naalala ko rin ang mga Alpheniels na nagtatago sa Queznowland para lamang maitago ang kanilang katauhan.
"Paano kaya natin matutulungan ang mga Alpheniels para mawala ang sumpa sakanila—" Natigilan ako dahil wala na si Azriel sa harap ko.
Hindi ko namalayan na napatigil na pala ako sa paglalakad at medyo malayo na sa'kin si Azriel. Amp! Hindi man lang akong hinintay. Agad akong sumunod sakanya pero nakatayo lamang siya doon habang tulalang nakatitig sa isang rehas. Nang makalapit ako ay tiningnan ko kung ano iyon at...
"Sam..." Mahinang banggit ko.
Maging ako ay natigilan at naawa sa itsura niya ngayon. Kung ano ang itsura niya noong nakita namin siya sa ilusyon ni Valentina ay ganoon na ganoon din ang itsura niya ngayon.
Hindi ko akalain na...buhay siya.
Napatingin ako kay Azriel at sa hindi malamang dahilan, biglang nanikip ang dibdib ko ng makita kong namumuo ang luha sa kaniyang mga mata.
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT! It will be highly appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro