Kabanata 32
##########
KABANATA 32
Fighting Valentina
[ASTRA's POINT OF VIEW]
HUMAHALIK ANG hangin sa aking balat na nakapagpagising sa ulirat ko. Isang bonfire ang bumungad sa aking harapan, habang nakaupo sa tapat ko ilang metro si....
Si Azriel!
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napabangon sabay hinugot ang aking dagger sa bulsa. Nanginginig ko itong itinutok sakanya.
"A-Ano?! Totoo ka na ba? Ikaw na ba si Azriel?!" Sigaw ko. Hindi malabong nasa ilalim pa rin ako ng kapangyarihan ni Valentina. Teka, ipinutok ko na ang baril sa sarili ko. Ibig sabihin...?
Tumaas ang kilay niya at tumayo mula sa pagkakaupo sa wooden log, "You passed the illusion yet, we're still under Valentina's dimension."
Dahan-dahan 'kong ibinaba ang aking dagger at kinunotan siya ng noo, "Ha? Anong sinasabi mo?"
Ngumiwi siya, "This is Valentina's world. This is her own dimension where all living creatures are purely illusions," He explained.
Nilibot ko ang aking tingin at napansin na wala ang ibang Elementalists, "Nasaan sila Echo?" Tanong ko.
"Obvious ba? We parted ways. Pasalamat ka at nakita kita. If not, you're probably still inside that mind illusion," Naiinis na wika niya sa'kin.
Sumimangot ako at tumayo. Kung gan'on ay siya pala 'yung sumisigaw na gumising ako. "Nasa illusion pa rin naman tayo," Mataray na sagot ko sakanya.
"It's a dimensional illusion. Magkaiba 'yon," He pointed out. Wala akong ibang nagawa kun'di ang umirap. Ano pa ba'ng magagawa ko? Hindi ako mananalo sa yelong 'yan. "G-gutom ka na ba?"
Bigla akong napatingin sakanya. Nag-iwas siya ng tingin, "Hindi pa. Kaya ko pa naman---" Napatigil ako nang kumulo ang sikmura ko.
Dinig ko ang malutong niyang ngisi, "Let's go. We'll find food...for my baby."
"Anong sabi mo?" Nanliit ang mga mata ko. Teka, narinig ko naman yung sinabi niya, pero kinikiliti kasi yung tenga ko, eh! Gusto ko marinig ulit!
"Wala. Sabi ko ang ganda mo, kaso pabebe ka pa."
=====
SAKTONG NAKAKITA kami ng isang malaking puno ng mangga. Kanina pa kami nagi-ikot pero itong puno lamang na ito ang nakita naming may bunga.
"Sigurado 'kang makakain natin 'yan? Nasa ibang dimension tayo at sabi mo ay lahat ng n'andito ay purong ilusyo--" Pintuloy niya ang sinasabi ko. Bastos.
Umismid siya at humalukipkip, "I didn't say that foods are illusion. Ang sabi ko, ang mga creatures dito ang mga gawa sa ilusyon."
"But this is another world. Paano ka nakakasiguradong walang lason 'yang mga mangga---"
"E'di kapag nalason ako, then you are responsible in healing me," He smirked and winked at me. Napangiwi ako nang napagtanto ang kanyang sinabi.
"Eh, p'ano ako? So, ikaw lang ang makaka-survive gan'on?" Nakapameywang na sabi ko. Ha, akala siguro ng yelong 'to maiisahan niya ako.
Tumawa siya at pumamulsa sa kanyang blue jacket, "Why would I do that? Kung mamamatay ka hindi rin ako makaka-survive."
Tumaas ang kilay ko, "Dahil wala ng gagamot sa'yo?"
"Dahil wala ka na sa tabi ko."
Natigilan ako sa sinabi niya. Alam 'kong dapat hindi na ako nagugulat sa mga binibitawan niyang salita dahil umamin na siya sa'kin noong nasa Lost City kami, pero shete naman mga beshung paano ako makakapagreact sa ganitong ka-gwapong mukha?! Shit, my heart is racing!
Bigla siyang tumawa, "You're stunned. May gusto ka ba sa'kin?"
"A-Ano?!" Biglang sabi ko dahil sa gulat. "Tigilan mo ako sa kaka-ganyan mo, ah," Sabi ko nalang at nag-iwas ng tingin. Umalis ako sa harapan niya at sinubukang akyatin 'yung puno.
"Careful, baby."
Napapikit ako at napakagat sa aking labi sa pagpipigil na masapok ang bwiset na lalaking 'to. Careful? Eh, baka nga mahulog pa ako dito dahil sa pinagsasasabi niya!
"To your left!" Sigaw niya. Dahan-dahang kinapa ng paa ko ang sanga. Hindi ko mahanap ang mga bunga at tanging yung yelo lang makapagga-guide sa'kin.
"To your right! Right pala!" Tumawa siya.
Inis ko siyang tiningnan sa ibaba, "Pinaglololoko mo ba ako? Umayos ka nga! Ikaw ang umakyat dito!"
Tumawa siya at pinasadahan ng mga daliri ang ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang mata. "Nalilito kasi ako sa dalawang 'yon."
"Ang tali-talino mo, nalilito ka pa?!"
"That's why I'm choosing the right one," Aniya bago ngumisi.
Natigilan ako nang makitang binabalot ng itim ang sangang inaapakan ko. Gulat na napatingin ako sa gawi ni Azriel at nakitang binabalutan din ng itim ang damong inaapakan niya! Ano nangyayari?!
"Bumaba ka na! Hurry up!" Sigaw nito sa'kin at sinalo ako mula sa pagtalon ko sa itaas ng puno. Hindi ko na 'yon pinansin dahil agad na nangibabaw sa'min ang pangamba at panganib na maaaring dumating. "Hindi malabong mayroong umatake sa'tin dito. It's Valentina's world, anyway," Aniya sa normal na tono. Parang wala lang sakanya ang nangyayari!
Agad na hinawakan nito ang aking pulso at pinwesto ako sa kanyang tabi. Napatingin ako sakanya pati sa kabuuan ng paligid.
"Binabalot ng dilim ang gubat. Isa lang ibig sabihin n'on," Sabi ko.
Tumango siya, "Yep. We're gonna encounter the master behind this."
Tuluyang binalot ng dilim ang buong kagubatan. Wala na akong makitang kahit ano sa sobrang dilim.
"Azriel?" Tawag ko sakanya ng mapansing hindi na niya hawak ang pulso ko.
"I'm here," May liwanag na lumitaw sa aking harapan. Isang kulay asul na malamig na apoy ang lumulutang sa harapan ko kaya naman kahit papaano ay nakikita ko si Azriel.
Nanginginig ang mga mata 'kong Napatitig sa mukha niyang maaliwalas na hindi mo man lang mababakasan nang anumang pangamba.
"You're trembling. Are you okay?" Nag-aalalang hinawakan niya ang braso ko na biglang nagdulot ng kuryente. Napatalon tuloy ako sa gulat.
"T-takot ako sa dilim..." Sabi ko. Simula nang pumasok sa katawan ko si Zed ay puro takot na lang ang nararamdaman ko sa tuwing napupunta ako sa lugar na 'yon. Sa nakakatakot na madilim na lugar na 'yon.
"As long as I'm here, you're safe."
Biglang pumasok sa utak ko ang mga kayagang binitawan ko nung araw na makuha ang kaluluwa ni Keya. Hindi ko maiwasang hindi umismid. "Ang yabang, ah."
"What a sweet voices I'm hearing..."
Bigla kaming na-alerto ni Azriel nang marinig namin ang natatawang boses ni Valentina. He puffed a small icy-fire in his hands, pero di inaasahang bumungad sa harapan namin ang malaking ahas na si Valentina! Hinampas niya gamit ang mala-ahas na buntot si Azriel dahilan para tumilapon ito!
"Azriel!" Hindi ako naging handa sa nangyari. Nawala yung ginawang apoy ni Azriel at wala na naman akong makita!
"Poor healer. Wala 'kang kwenta! No healers will ever beat me again!" Bigla akong sinakal ni Valentina. Ang mga matutulis nitong kuko ay bumabaon sa aking balat!
Shit! This crazy snake is strong as hell! Isang kamay lang gamit niya pero hindi ko ito magawang tanggalin! Kaya naman sinubukan 'kong sipain ang kanyang malapad na buntot. Mabuti naman at gumana dahil pahagis niya akong binitawan.
"Ahh! Walanghiya ka!"
Muntikan pa akong masubsob. Nakapa ko ang pinagbagsakan ko at napagalamang madamo pa rin ito. Nasa gubat pa din kami.
Biglang may gumulong na kulay kahel na maliit na bola galing sa kung saan. Natatandaan ko ito. Ito yung Crystal Ball na binigay sa'kin ni Sir Etienne. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Sir.
"Apoy ang kapangyarihan niyan. Ipikit mo ang mga mata mo at manalangin ka. Hiramin mo ang kalahating kapangyarihan ng Ezea Princess."
Ang kalahating kapangyarihan ng Ezea Princess. Apoy ito na malaki ang maitutulong sa'min.
"Fuck!" Dinig 'kong mura ni Azriel sa di kalayuan. Nakita ko ang isang maliit na liwanag medyo malayo sa'kin na batid ko ay mula sa apoy ni Azriel. "Astra!" Sigaw pa nito.
Dali-dali akong tumayo at binitbit mula sa mga bisig ko ang maliit na bolang krystal. "N-n'andito ako!"
Umalingawngaw na naman ang tawa ni Valentina. Itinatapat ko ang Crystal Ball sa direksyong tinitingnan ko upang kahit papaano magkaroon ako ng liwanag. Now, how can I summon the fire power of the Princess?! Ang sabi lamang ni Sir Etienne ay manalangin ako. Paanong manalangin ba?!
"Nakakatawa kayong dalawa! You two reminds me of the stupid lovers back then!" Tumawa si Valentina. "Nakakalungkot lang dahil mukhang dito na kayo matatapos!"
Hinanap ng paningin ko ang maliit na apoy ni Azriel. Naririnig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko at mukhang medyo malayo kami sa isa't isa.
"Shit, paano ba 'to," Bulong ko sa aking sarili sa inis, tinutukoy ang crystal ball na aking hawak.
Natigilan ako ng biglang nagkaroon ng liwanag sa mismong kinatatayuan ko. Napaangat ako ng tingin at napatingin sa harapan kung saan kitang-kita ko dito ang magkasalubong na kilay na si Azriel di kalayuan sa pwesto ko.
Tila ba nabuhayan ako ng loob.
"Astra!" Tumakbo siya papalapit sa'kin. Pansin 'kong kami lamang ang binibigyan ng liwanag habang ang buong paligid ay nananatiling madilim. Tumakbo din ako papalapit sakanya pero agad ding natigilan ng may parang barrier ang mukhang nakaharang sa pagitan namin!
"Shit, we're trapped!" He shouted and strongly punched the barrier. Medyo napaatras pa ako sa lakas n'on, ngunit wala ring nangyari.
"We're under her illusion, tama ba ako? Ano gagawin natin?" Mariing tanong ko sakanya.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nag-igting ang kanyang panga habang malalim na nakatingin sa likuran ko. Unti-unti 'kong nilingon ang kanyang tinitingnan at natigilan ng makita ang isang duguang babae na umiiyak sa aking harapan, di kalayuan sa pwesto ko.
"Sam..." Dinig 'kong sambit ni Azriel. Gumaragal ang medyo mahina ngunit madiin niyang boses.
Duguan ang gusot at gutay-gutay nitong damit. Magulo ang buhok at basang-basa ang mukha dulot ng labis na pag-iyak. May dugo rin na tumutulo sa ulo nito.
Kumuyom ang kamao ko at huminga ng malalim. Nasisigurado 'kong nililinlang lang kami ni Valentina. Ginagamit niya ang kahinaan ni....kahinaan ni Azriel.
This is just an illusion but it seems so real. Siya si Sam. Kaharap ko ngayon ang babaeng minahal ni Azriel.
"Nililinlang lang tayo ni Valentina, Azriel," Sabi ko kay Azriel at nilingon ito.
His eyes screams danger the moment I layed my eyes on him. Nakapako lamang ito sa babaeng nasa harapan namin.
"She's Sam..."
"Hindi siya si Sam," Diin ko.
"Azriel...tulungan mo ako. Pinapahirapan nila ako," Umiiyak na sabi ni Sam. Nag-echo ang gumagaragal nitong boses sa buong paligid.
"Nililinlang ka lang ni Valentina," Sabi ko kay Azriel.
Ilang beses na umiling si Azriel. Hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman niya. Ang hirap niya basahin.
Nagpalabas si Azriel ng kanyang ice sword mula sa kanyang kamay at buong pwersa na inatake ang barrier na pumapagitna sa'min.
Sa gulat ko ay napalayo ako sa lakas n'on, ngunit wala pa ring nangyari.
"Damn it!" Sigaw niya sa sobrang inis sabay pinasadahan ng mga daliri ang buhok.
Bumaba ang tingin ko sa aking hawak na Crystal ball. Huminga ako ng malalim at pumikit. Hindi ko alam kung paanong panalangin ba ang dapat 'kong gawin. Kailangan ko pa ba'ng gumawa ng ritwal?! Bahala na!
"What the fvck are you doing?!" Sigaw ni Azriel. Ito yata ang unang beses na minura niya ako. Taena.
Hindi ko siya sinagot at nagconcentrate. Patuloy 'kong naririnig ang pagkalansing ng espada ni Azriel sa barrier.
"Fvck, Astra!"
Shit! Manahimik ka muna! I have to summon the fire power of the Ezea Princess! Walang maitutulong ang pagiging healer ko dito! We need light. We need fire! Hindi ako pwedeng umasa lamang kay Azriel.
Great Gods and Goddesess...Please, help me...
"At your back!"
Mabilis akong napamulat ng mata at buntot agad ni Valentina ang sumalubong sa'kin! Nawala yung liwanag na pumapalibot sa'kin kanina, at wala na naman akong makita!
Napangiwi ako ng tumalsik ako. Nyeta 'yan!
"Fool!" Tumawa si Valentina.
Inis 'kong nilingon ang babaeng ahas habang sapo-sapo ang aking t'yan. Tumayo ako. Bwiset na ahas na 'to. Akala siguro niya malambot 'yung buntot niya? Ang lapad-lapad pa!
"Walang kwentang healer...akala ko pa naman ay katulad ka niya," Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Valentina at sinakal ako.
Napangiwi ako ng iangat ako nito sa ere. Matalas ang mga kuko niyang bumabaon sa balat ko kaya di ko maiwasang hindi mapasigaw.
"Alam mo ba na ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang mga bwiset na healer na katulad mo?!"
Hindi nga nakakakita si Valentina ngunit malakas naman ang pang-amoy nito at mukhang sanay na sanay na siya.
"Nang dahil sa isang healer, nawalan ako ng paningin!" Galit at nanggigigil ang boses nito. Hindi ko magawang titigan ang purong puti nitong mga mata dahil hindi ko alam ang maaaring mangyari sa'kin kapag ginawa ko 'yon.
"Nang dahil sa healer na 'yon, nang dahil sa---Ahhh!" Bigla akong nabitawan ni Valentina ng may isang makapal na yelo ang tumama sa likod niya.
Nakahinga ako ng maluwag at medyo na-ubo. Unti-unting lumapit sa'kin ang maliit na malamig na asul na apoy ni Azriel.
"Tss, stupid snake," Lumapit sa'kin si Azriel at tinulungan akong makatayo.
"S-si Sam?" Mahinang tanong ko pagkatayo ko.
Tipid siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko, "She's just an illusion."
"Lapastangan!"
Napatingin kami kay Valentina. Nanlilisik ang mga mata nito habang pinakikita ang kanyang matutulis na pangil. Sabay kaming naghanda ni Azriel. Madiin 'kong hinawakan ang dagger na nasa tagiliran ko.
"Hindi! Paano ka nakatakas sa ginawa 'kong barrier?!" Sigaw pa nito. Kung saan-saan tumitingin ang mga mata nito dahil nga hindi siya nakakakita.
"Tss. I'm Azriel, what do you expect?"
Napaismid ako. Pati ba naman sa ganitong sitwasyon ay nagyayabang pa s'ya.
Tumawa si Valentina, "Ha! Isang Ezean? At ipinagmamalaki 'mong kabilang ka sa walang kwentang kaharian na 'yon?! HA HA HA!"
Saglit kaming nagkatinginan ni Azriel bago ibinalik ang tingin kay Valentina. Hindi ko alam kung bakit ang laki nalang ng galit ng babaeng ahas na ito sa ibang kaharian lalong-lalo na sa mga healers.
"Nasaan ang iba naming kasama?" Mariing tanong ko.
Tumigil siya sa pagtawa at tinaasan ako ng kilay, "Makikita niyo lamang ang mga kasamahan niyo sa oras na matalo niyo ako.." Tumigil siya sandali at muling humalakhak. "Pero nasisigurado ko naman na hindi niyo magagawa 'yon dahil...isa lamang kayong hamak na mahihinang nilalang!"
Na-alerto kami ni Azriel nang bigla itong sumeryoso at mabilis na sinugod kami! Napaatras ako sa gulat at sa hindi inaasahan ay naiwasiwas ko ang aking mga kamay na nagdulot ng pagkakaroon ng malakas na apoy sa pagitan namin at ni Valentina.
Gulat na napatingin sa'kin si Azriel ngunit hindi niya nalang pinansin at nagsimulang kalabanin si Valentina na mukhang nagulat din sa biglaang pagkakaroon ng apoy sa harap niya.
Saglit akong natulala at napatitig sa mga palad ko. Napabuga ako ng malakas na hangin at napangiti. Nagawa ko. Nagawa 'kong hiramin ang kapangyarihan ng Prinsesa!
Mabilis na hinanap ng tingin ko ang liwanag sa asul na apoy ni Azriel. Nagtataka ang aking mga mata dahil yelo ang kanyang ginagamit habang ang kanyang apoy ay nagsisilbi lamang na liwanag. Palaisipan ngayon sa'kin kung bakit hindi masyado ginagamit ni Azriel ang tunay niyang kakayahan.
Ipinilig ko ang ulo ko at gumawa ng pahilerang apoy sa aking likod upang magsilbing liwanag. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil aaminin ko na natutuwa ako dahil first time ko makaranas magkaroon ng offensive ability kahit pa ilang minuto lamang ang itatagal nito.
Mabilis akong gumawa ng bolang apoy nang tumaob si Azriel sa lupa at akmang sasakmalin siya ng mahahabang kuko ni Valentina. Ibinato ko ito sa likod ng babaeng-ahas na ikinasigaw niya. Nagkaroon ng lapnos ang likod nito at sinamaan ako ng tingin.
"Ha Ha Ha! Hiram na kapangyarihan? At sa tingin mo ay matatalo mo na ako niyan?!"
Hindi ako sanay gamitin ang apoy ng Ezea Princess kaya naman medyo kinakabahan ako. Sa physical combat ako sanay ngunit mukhang hindi ko ito magagamit kay Valentina dahil tirahin lang ako ng kanyang buntot ay tiyak na tatalsik na ako. Baka nga matuluyan pa ako.
"Bakit galit ka sa mga healers?" Sinubukan 'kong itanong iyon. Nanlilisik pa rin ang purong puting mga mata ni Valentina, at mas lalong nanlisik pa ng itanong ko 'yon.
Nakita ko ring nakatayo na si Azriel sa likod ni Valentina at pinahid ang dugo sa gilid ng labi niya gamit ang likod ng kanyang palad. Masama ang mukha nito dahil nasugatan siya sa mukha.
"Wala kang karapatang itanong 'yan! Ikaw..at ang kasama mo. Pareho kayong mamamatay sa ilalim ng kapangyarihan ko!" Sigaw ni Valentina.
"Astra!" Mabilis na hinila ni Azriel ang pulso ko na di ko namalayang nasa tabi ko na pala. Mabilis siyang gumawa ng ice shield ng akmang hahampasin kami ng buntot ni Valentina.
Agad akong gumawa ng apoy at pinalubutan ito pabilog sa pwesto ni Valentina. Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa'kin na iniiwasan ko naman.
"Hindi niyo ako mapapatay!"
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga itim na taong tumatakbo pasugod sa'min. Nakasuot ang mga ito ng itim na damit at tanging ang pulang mata lamang nila ang aming nakikita.
"Shit!" Mabilis na naghanda si Azriel at naghanda na rin ako. Nagkatalikuran kami ni Azriel at nagpalabas ako ng apoy sa aking kamay. "They're just illusions, but be aware. Kahit ilusyon lamang sila ay kayang-kaya nila tayong sugatan."
Tumango ako at sabay kaming napahiwalay ni Azriel nang sunod-sunod na umatake ang itim na mga tao. Nagulat ako ng mayroong lumabas na isang makinis at matulis na bagay mula sa kamay ng mga itim na tao. Espada ang bagay na iyon. Nagmumukha tuloy silang ninja sa lagay nila.
Muli akong nagpalabas ng apoy at laking gulat ko sa tuwa ng makitang pumorma itong espada. Napangiti ako dahil mukhang magiging patas ang laban.
"No one...no one can ever surpass the power of a Banzali!" Muling sigaw ni Valentina bago mag-umpisa ang laban.
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro