Kabanata 31
Fauna and Paige
##########
KABANATA 31
Fairy Witches
"PAANO TAYO makakaalis dito?" Tanong ni Fauna kay Paige na walang kagana-gana ang ekspresyon ng mukha.
Di gaya ng pinagbagsakan ng triplets, nina Echo, ang lugar naman na pinagbagsakan ni Fauna at Paige ay napakadilim. Isang madilim na hardin at mayroong madilim rin at walang kabuhay-buhay na kastilyo na mukhang inabandunado.
Nilingon siya ni Paige at tinaasan ng kilay, "If I know, edi sana kanina pa tayo nakaalis dito."
Napangiwi na lamang si Fauna at hindi ito pinansin. Sa dami-dami ng pwede niyang kasama, si Paige pa. Hindi naman sa ayaw niya kasama si Paige, ang kaso nga lang ay hindi niya matiis ang pagiging mataray ng dalaga. Hindi gaya nina Echo na puro tawa ang umaalingawngaw. Sa lagay ni Fauna, pakiramdam niya ay isang malamig na hangin lamang ang kasama niya.
Gaya ng sabi, madilim ang paligid. Mabuti na lamang at may buwan upang magsilbing liwanag sakanila, pero minsan ay hindi ito sapat kaya naman gumawa pa si Fauna ng torch.
"Surely, this is that bitch's dimension," Biglang sabi ni Paige kaya naman napalingon sakanya si Fauna. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito dahil akala niya ay habang-buhay nang di iimik ang dalaga.
"Matalino ka diba? Find a way to get the hell out of us here," Tugon pa nito na nakangiwi.
"Paige, hindi naman ako mystery expert. Wala akong alam sa ganitong bagay," Sabi naman ni Fauna at pumamewang.
"Gosh, this ain't mystery! C'mon, ano ba pwede nating gawin para makaalis dito?"
Napairap ng palihim si Fauna. Eh, iyon nga ang tinatanong ko kanina eh!
"Doon!" Itinuro ni Fauna ang malaking abandonadong kastilyo. "Pasok tayo d'on. Baka sakaling may makita tayo."
Pinagmasdan muna nila ang abandonadong kastilyo. Ang wangis nito ay di naiiba sa wangis ng kastilyo sa Alkirvia kung hindi lamang ito nababalutan ng dumi at mga bitak-bitak. Naunang magtungo sa higanting pintuan ang malakas na loob na si Paige na sinundan ni Fauna. Sinubukan niyang buksan ang higanting pintuan na gawa lamang sa kahoy ngunit mahigpit itong nakakandado.
"Bitch, I can't open it!" Naiinis na sabi ni Paige at sinipa ang pintuan dahilan para lumikha ito ng tunog na nag-echo pa sa tahimik na paligid.
"Wag mo kasi idaan agad sa init ng ulo," Tugon naman sakanya ni Fauna. "Ako nga," Aniya pa at pumwesto para buksan ang pintuan ng kastilyo, ngunit bago po man niya ito mahawakan ay gulat silang napaatras ng kusa itong bumukas ng dahan-dahan na animo'y nasa isang haunted mansion sila.
"What the hell?" Bulalas ni Paige at napahawak sa kanyang patalim na nasa tagiliran niya.
Nagkatinginan sila at nagkibit-balikat na lamang si Fauna bago unti-unting inihakbang ang paa papasok sa loob ng madilim na kastilyo.
Inilibot niya ang kanyang tingin at wala naman siyang nakitang kakaiba, "Wala namang---AHH! 'Yung torch ko!" Gulat na sigaw ni Fauna matapos mahablot ng isang lumilipad na nilalang ang kanyang hawak na torch papalabas ng kastilyo.
"What was that?!" Muling bulalas ni Paige sa gulat. Mabilis silang napatakbo ulit sa labas at hinabol ang nilalang na iyon.
Ang nilalang na iyon ay isang Fairy Witch na isa sa mga kampon ni Valentina na kanyang nilikha sa loob ng kanyang dimensyon. Kaakit-akit ang wangis nito lalo na ang malaking pakpak nito na kumikinang pa. Perpekto ang hugis ng katawan ng mga ito at makinis. Ngunit sa kabila ng magandang kaanyuan ay naroon ang dalawang mahabang sungay na nakakubli dito.
Nakita ni Fauna ang Fairy Witch na nasa ere habang pinaglalaruan ang kanyang torch. Mapangasar na nakangiti ito sakanya mula sa itaas.
"Hahahaha!" Isang nakakakilabot na tawa naman ng babae ang kanilang narinig mula sa hangin. Napalingon si Paige sa kanyang likod at nakita ang isa pang Fairy Witch na nasa himpapawid rin.
"Mga Fairy Witches," Aniya Fauna habang magkatalikuran sila ni Paige.
"Fairy what?" Ani Paige na nakakunot ang noo.
"Gusto niyo ba maglaro?" Mapangasar na sabi ng isang Fairy Witch na kumuha ng torch ni Fauna.
Bago pa sila makapalag ay mabilis silang inikutan ng dalawang Fairy Witch kaya naman mariing napapikit si Fauna at Paige sa lakas ng hangin na dinudulot ng mga ito upang ang kanilang paningin ay panandaliang lumabo.
Iminulat lamang nila ang kanilang mga mata ng mawala ang malakas na hangin ngunit sa gulat nila ay nasa harapan na nila ang dalawang Fairy Witch! Hindi agad nakapalag si Paige nang sakalin siya ng isa at malakas na inihagis sa kung saan. Saktong tumama ang likod ni Paige sa isang malapad na puno.
"Paige!" Agad na sigaw ni Fauna at sinubukang puntahan ang dalaga ngunit mabilis siyang hinarangan ng isang Fairy Witch na umagaw sa kanyang torch. Habang yung isa naman ay lumipad sa pinagbagsakan ni Paige na ngayon ay namimilipit na sa sakit.
"At saan ka sa tingin mo pupunta?" Humalakhak ito dahilan para makita ang matutulis nitong pangil. Ang mga kuko rin nito ay mahahaba, singhaba ng hinliliit.
Unti-unting napaatras si Fauna nang sinimulang nitong humakbang palapit sakanya. Ngumisi si Fauna at mabilis na nagpalabas ng apoy sa kanyang kanang kamay at inihagis ito dito ngunit walang kahirap-hirap na inilagan lamang ito ng Fairy Witch na animo'y hindi man lang nagulat o nagitla.
Muli itong humalakhak, "Masyado kang mabagal para sa isang elemental user! Babatuhin mo lang ako ng apoy, sala pa?!" Sabay halakhak ulit na ikinainis ni Fauna.
"Minamaliit mo ba ako?" Mahinahon ngunit may halong diin at pagbabanta na wika ni Fauna habang lumalakas ang apoy na pumapalibot sa kanyang mga kamao.
"Kung 'iyon nga sa tingin mo, edi oo!" Sabay halakhak ulit ng Fairy Witch na para bang wala ng bukas. Ang halakhak na iyon ay nakakainis at nakakaasar pakinggan.
'Ah gan'on...' Aniya Fauna sa kanyang isip at dahil sa inis, sunod-sunod niyang pinaulanan ng tira o apoy ang Fairy Witch. Natamaan agad ito sa braso dahil naging abala ito sa pagtawa. Nang maging alerto na ito ay nagsimula na itong lumipad sa himpapawid habang nanggagaliti ang mga ngipin at nanlilisik ang mga mata,
"Ano, duwag? Bumaba ka dito!" Paghahamon ni Fauna na iminuwestra pa ang kanyang kamay paibaba. Nanliit ang mga mata ng Fairy Witch at umastang susugod. Mabilis naman na nakapagsummon si Fauna ng Fire Phoenix na siyang sumugod sa Fairy Witch. Isinangga nito ang dalawang braso dahil sa bilis ng Fire Phoenix kung kaya't bumagsak siya sa lupa habang nagtititili sa hapdi na kanyang natamo.
Nilingon naman ni Fauna si Paige na abala rin sa pakikipaglaban sa isa pang Fairy Witch na ngayon ay hindi makagalaw dahil nakakulong ang kanyang katawan sa kapangyarihan ng tubig. Muling naging alerto si Fauna at hinanap ng paningin ang nilalang na kanyang kalaban ngunit hindi niya ito makita kaya naman agad na nagsalubong ang kanyang kilay.
Imposibleng napatay niya agad ang nilalang na iyon dahil hindi naman ganoon kalala ang natamo nito. Naisip niyang baka tinataguan siya nito.
"FAUNA, AT YOUR BACK!"
Nagulantang siya sa sigaw ni Paige at mabilis na napalingon sa kanyang likuran ngunit ang kamao ng Fairy Witch ang sumalubong sakanya kaya naman tumilapon si Fauna ng ilang metro. Nagkaroon ng gasgas ang kanyang siko at ang gilid naman ng kanyang labi ay pumutok. Napangiwi siya ng sinubukan niyang tumayo.
'Peste! Yari ka sa'king bruha ka!'
"Hahahaha! Isang suntok ko lang talsik ka na?!" Sabay halakhak ulit ng Fairy Witch.
Nanliit ang mga mata ni Fauna habang tinatanaw ang Fairy Witch sa di kalayuan. Sa dinami-dami ng pwedeng tamaan, mukha ko pa! Aniya sa isip at mabilis na tumayo. Parang kidlat naman na tumungo papalipad sa pwesto niya ang Fairy Witch at sinakal siya. Nilabas nito ang matutulis na pangil at akmang kakagatin siya sa leeg ngunit agad siyang sinipa ni Fauna sa sikmura dahilan para mapabitaw ito at mapaatras.
Tumingin ito kay Fauna sabay halakhak, "Iyan lang ba ang kaya mong gawin?!" Muli itong sumugod ng suntok na agad namang maiwasan ni Fauna. Lumipad paikot sakanya ang Fairy Witch kaya naman halos mabali ang leeg ni Fauna sa liyo. Napahawak si Fauna sa kanyang leeg at napaluhod sa lupa dahil kinakapos siya ng hininga. Sa huli ay naisipan niyang palibutan ang sarili ng apoy, ngunit dahil malakas ang hangin na dinudulot ng Fairy Witch ay medyo nahihirapan siya palabasin ito.
Mariing napapikit si Fauna at sumigaw ng malakas dahilan para lumakas din ang apoy na pumapalibot sakanya. Ang Fairy Witch naman ngayon ang natigilan at nawalan ng balanse kaya naman para siyang isang sirang eroplano na lumalanding. Tumama Ito ng malakas sa maliit na puno, resulta upang ang pagbagsak niya sa lupa ay siya ring pagbagsak sakanya ng puno.
Doon nakakuha ng tyempo si Fauna ng makitang kalahati ng katawan ng Fairy Witch ay nadaganan ng puno at nahihirapan itong bumangon lalo pa't napuruhan ang kanyang pakpak.
"L-lumayo ka sa'kin!" Natatakot na aniya Fairy Witch ng makitang lumapit sakanya ang seryosong fire manipulator.
Nagpalabas si Fauna ng apoy sa kanyang kaliwang ka May dahilan para mas lalong matakot ang Fairy Witch habang nanlalaki pa ang mga mata at nanginginig.
"H-Hindi! Hindi mo pwede gawin 'yan!" Sigaw nito at kakakitaan ng labis na takot dahil batid niya ang balak ng dalaga.
"I can," Sagot ng dalaga bago silaban ng apoy ang puno, kasabay n'on ay ang pagsigaw at pagkasunog ng Fairy Witch. Wala siyang ibang magagawa dahil ang pagpatay sa mga nilalang na nakakaingkwentro nila ngayon ang magiging susi upang sila'y makaalis sa dimension ni Valentina.
Sa kabilang banda naman ay naroon si Paige habang magkasalubong ang kilay. Nasa tapat niya ilang metro ang isang Fairy Witch na kababa lang sa lupa habang tumatawa pa.
"Hahahaha! At ano kayang gawin niyang tubig mo? Ang basain ako?" Sabay halakhak ulit nito na animo'y isang demonyo kung pakikinggan.
Kanina pa si Paige naiinis sa nilalang na kanyang kalaban dahil bukod sa nakakainis ang tono ng pananalita nito ay wala itong ibang ginawa kun'di ang umiwas sa mga tira niya. Pakiramdam niya ay minamaliit nito ang kanyang kakayahan.
Ngumisi si Paige, "Oo. Ang baho mo na daw kasi kaya kailangan mo ng maligo." Napatigil naman ang babaeng Fairy Witch at masamang tumitig kay Paige.
"Anong sabi mo?!" Pinanlisikan siya nito ng mga mata habang nakalabas pa ang matutulis na pangil sa labi.
"Ang baho mo---" Gulat na napaiwas agad si Paige ng bigla siyang atakihin ng Fairy Witch. Inaasahan niyang susugudin siya nito ngunit di niya akalain na magiging gan'on kabilis ang paglapit nito sa kinaroroonan niya
Mula sa kumikintab na pakpak ng Fairy Witch ay lumabas roon ang matutulis na karayom. Agad namang gumawa ng water shield si Paige upang harangin ang tira nito sabay mabilis na bintuhan ito ng water blades na saktong tumama sa mukha ng nilalang.
Galit siyang pinukulan nito ng tingin habang nanginginig pa ang panga, ngunit nginisian lamang siya ni Paige habang nilalaro ang tubig sa kanyang kamay.
"Shocks, ang pangit mo pala?" Natatawang asar pa ni Paige kahit hindi naman totoong pangit ang wangis ng mga Fairy Witches. Ang pinakaayaw pa naman nila sa lahat ay ang sinasabihan sila ng pangit lalo pa't ginagamit nila ang kanilang kagandahan upang mambighani ng mga kalalakihan.
"Humanda ka sa'kin!"
Nagulantang si Paige ng bigla itong maglaho sa harapan niya. Mabilis siyang inikot ang paningin niya sa magkabilang gilid ngunit hindi niya nakita ito. Nagulat na lamang siya ng biglang may sumipa sa likod niya dahilan para muntikan na siyang sumubsob sa lupa. Mabuti na lamang ay agad niyang naitungkod ang kanyang mga palad, gayunpaman ay nagtamo pa rin siya ng gasgas sa tuhod kaya naman sumibol agad ang inis sa mukha ni Paige.
Nakarinig siya ng tawa mula sa likuran at iyon ay walang iba kun'di ang kalaban niyang Fairy Witch. Inis niya itong nilingon at walang ano-ano'y sunod-sunod niya itong tinira ng water blades, pero lahat ng tira niya ay iniiwasan lamang nito. Bwiset!
Bigla na naman itong nalaho kaya naman nilibot niya ulit ng tingin ang paligid ngunit laking-gulat niya pagharap niya ay nasa harapan na niya ang Fairy Witch habang nakangisi.
Madiin nitong hinawakan ang bewang ni Paige sabay lumipad sa himpapawid. Pilit nagpupumiglas ang dalaga ngunit wala siyang ibang nagawa dahil kapag sinubukan niyang maging malikot ay tiyak na mahuhulog siya ng wala sa oras.
"Hahaha!" Tawa ng Fairy Witch. "Isa kang elemental user pero wala kang kwenta!"
Nagpantig ang tenga ni Paige at sumabog na ang kanina pang sumisibol na inis sa kanyang dibdib. Bago pa siya makapagsalita ay nagulat siya ng bitawan siya ng Fairy Witch. Mabuti na lamang ay agad siyang napakapit sa paa nito.
"A-Ano ba! Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ng Fairy Witch kay Paige na nakahawak sa paanan nito. Hindi siya makalipad ng ayos at medyo nawawalan siya ng balanse dahil pilit niyang inaalis ang pagkahawak ni Paige sa kanyang paa.
Idinuyan ni Paige ang kanyang sarili ng malakas at doon ay nagawa niyang umagkas sa likod ng Fairy Witch na ngayon ay puno ng gulat ang mukha at hindi malaman ang gagawin. Ngumisi si Paige.
"Umalis ka d'yan!" Pagpupumiglas ulit ng Fairy Witch ngunit di siya pinakinggan ng dalaga, imbis ay inilapit pa nito ang mukha sa tenga ng nilalang at bumulong.
"Ngayon natin tingnan kung sino ang walang kwenta, bitch." Inilabas ni Paige ang kanyang dalawang kunai at walang-awang sinira ang pakpak ng Fairy Witch. Nagsisisigaw naman ito sa sakit. Doon na nawalan ng saysay ang paglipad nito kaya naman sabay silang babagsak sa lupa.
"Walanghiya ka! Ahhhh!"
Malapit na silang bumagsak ng bigla siyang sipain ng Fairy Witch sa t'yan kaya naman tumilapon siya. Kasabay n'on ay ang pagbalot niya sa sarili ng water balloon kaya naman nagb-bounce pa ito ng bumaba sa lupa na parang bola.
Habang ang Fairy Witch naman ay nawalan na ng buhay.
"PAIGE!" Agad na lumapit sakanya si Fauna. "Nagawa natin," Hinihingal pa nitong aniya.
"I know," Pagmamataray pa nito. Nawala na rin ang ginawa niyang water balloon.
Ilang segundo pa ay unti unting lumulusaw ang paligid at napagtanto nilang nasa gubat pa rin sila. Ngunit kumpara kanina ay maaliwalas at tahimik ang gubat na ito.
"'Asan tayo? 'Asan sila?" Sunod-sunod na tanong ni Fauna.
"Mukha bang alam ko?" Ani Paige at ngumiwi. "Let's just look for them."
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro