Kabanata 30
Hey there, sorry for the long wait. As a responsible student (naks) things got really really busy so please bare with me. Please do vote and comment, para naman ganahan ako mag-update ^___^
Here's the triplets face after seeing the Stone Ogre.
##########
KABANATA 30
The Triplets
[THIRD PERSON's POV]
MALAKAS NA napasigaw si Echo nang mapagtanto niyang nasa ibang lugar siya.
"WAAAH!" Napangiwi naman si Dara sa gilid nito na ngayon ay nakahawak na sa kanyang tenga saka tumayo. Kinusot-kusot po nito ang kanyang mga mata na animo'y bagong gising.
"Aray! Ano ba, Echo! Volume naman, oh!"
Sa kanan naman ni Echo ay naroon si Cadell na nakangiwi rin habang nakahawak sa kanyang likod. Tumama kasi ito sa bato malapit sakanya.
"NASAAN NA TAYO?!" Histerikal na sigaw ni Echo. Halos lumuwa na ang mga mata nya sa panlalaki nito.
"Duh? Hindi namin alam! Malamang kagagawan 'to nung ahas na 'yon!" Nakasimangot na ani Dara habang pinapagpagan ng kanyang maliit na kamay ang kanyang puwetan.
Ang lugar na pinagbagsakan nila ay isang gubat. Isang gubat na walang buhay. Wala 'kang maririnig ni huni ng mga ibon o ano, at maging ang kalangitan ay madilim.
"Paano tayo makakalabas?!" Sigaw na naman ni Echo. Sinong nga ba'ng hindi matataranta kung panibagong panganib na naman ang sumalakay sakanila? Yung inaakala nila na mapapasok na nila ang kaharian ng Alkirvia ay nagkamali sila.
"MA!" Matinis na sigaw ni Dara na magkasalubong ang kilay.
"Anong Ma?!" Si Echo.
"MALAY KO! Hay nako! Ikaw kumausap dito, Cadell!"
Napaamang si Echo. 'Aba, highblood ang lola niyo,' aniya sa isip. Nakanguso siyang humarap kay Cadell na inii-stretch ngayon ang katawan na muntikan pa'ng mabalian dahil sa bato na pinagbagsakan nya.
"We're under Valentina's power. Makakaalis lamang tayo kapag natalo natin siya o kung anumang nilalang ang meron dito," Seryosong aniya.
Sabay nilang nilibot ng tingin ang buong paligid. Ang gubat na ito ay likha lamang ni Valentina, isa sa kanyang dimensyon. Sa mga bagay o hayop na makikita nila dito ay dapat sila maging alerto dahil anumang oras ay maaari silang atakihin ng kalaban.
Napagdesiyunan nilang maglakad dahil wala naman silang mapapala kung tutunganga lang sila, at isa pa, naisip nila na kung si Valentina nga ang paraan para makaalis sa lugar na ito...Paano?
Mahigit isang oras na din silang naglalakad ngunit wala namang sumusulpot na babaeng ahas o kung ano mang nilalang.
"Bwiset na ahas! Nasa illusion na pala tayo, di man lang tayo in-inform! Biglaan talaga? Di pwede magbigay muna ng warning?" Nawi-windang na ani Echo. Bukod sa wala namang sumusulpot na halimaw, mukhang pabalik-balik lang sila ng nilalakaran. Halos walang pinagbago sa lugar.
"Sinubukan 'kong gamitin ang telepathy ko pero ayaw gumana. Mukhang hindi effective ang mental ability ko," Wika naman ni Dara na napapadyak nalang sa lupa.
"Hindi ko rin kayang magbigay ng mensahe gamit ang hangin. Mukhang kinakailangan natin hanapin ang isa't-isa o kaya naman humanap ng paraan para makatakas dito," Sabi naman ni Cadell
Sakto ay may nakita si Echo na malaking bato kaya naman tumalon siya paakyat d'on at hinilot ang kanyang paa. "Sino ba kasi 'yung Valentina na 'yon? S'an 'yon nanggaling? Ngayon ko lang nalaman na may tinatagong ahas ang Alkirvia," Naiinis na aniya.
"Si Valentina ay isang immortal na babaeng ahas mula pa sa panahon ng Great Amarine. Walang sino man ang nakakatalo sakanya dahil sa taglay niyang kakayahan, maliban na lang sa Great Amarine. Iyon ang alam ko," Kibit-balikat na paliwanag ni Dara.
Hindi pa malinaw kay Dara ang impormasyon na iyon dahil hindi pa siya nabubuhay noong panahon na matunog pa ang pangalan ni Valentina. Tanging ang alam niya lang ay matagal ng patay ang mga ka-uri nito.
Kumunot naman ang noo ni Cadell sabay sumandal sa isang malapad na punong nasa likod niya. "Eh, sino naman iyong Amara?"
Napaisip naman ng ilang segundo si Dara, "Amara? Hindi ko siya kilala, eh. Baka isa sa kinaiinisan lang ni Valentina. Noon kasi may isang babaeng healer ang muntik ng makapatay sakanya na naging dahilan kung bakit siya nabulag."
Iyon ay ang kwento sakanya ng dating Reyna ng Ezea. Bata pa lamang si Dara noon at nasa sinapupunan pa lamang nito ang namayapang reyna na asawa ng Haring Matsu ng Ezea na si Queen Yllva.
Sabay nalang na napa-"ahh" sina Echo at Cadell. Kaya siguro gan'on nalang puntiryahin ni Valentina si Astra dahil isa rin itong healer gaya nung Amara. Ang nakapagtataka lamang ay...bakit hindi siya kabilang sa History Book ng Azmar?
"So, iyong Amara 'yung naging dahilan kaya nabulag 'yung pesteng ahas na 'yon?" Taas kilay na tanong ni Echo.
Nagkibit-balikat ang maliit na balikat ni Dara, "Ewan...baka."
Napanguso na lamang si Echo at inis na sinipa ang batong inuupuan niya. 'P'ano na kami makakaalis nito? Sana man lang magpakita ang impaktang babaeng ahas na 'yon nang kaliskisin ko na siya! Saglit nga, maghahanda na ako ng bonfire para d'on ko na siya ihawin!'
"Um....E-Echo?" Nangangambang tawag sakanya ni Dara. Parehong nanlalaki ang mga mata nila ni Cadell.
Napatingin naman si Echo sa kanyang mga kamay, di alintana ang pagtawag sakanya ni Dara.
'Napaso pa naman 'to kanina dahil sa apoy! Kairita! Siya dapat yung sinusunog d'on eh! Naku, lagot ka talaga sa'kin. I-ihawin talaga kita!' Aniya sa isip na naiinis.
"Echo, umalis ka na d'yan!"
Napatingin si Echo kay Dara kasabay ng kanyang pagkunot ng noo, "Ha?" Tanging salita na naisambit niya.
"Umalis ka na---"
"Ahhhh!" Napatili siya ng maramdaman ang paggalaw ng batong inuupuan nita kaya naman natumba siya ng wala sa oras! Ang kanyang inuupuan kanina na bato ay lumaki at nagkaroon ng buhay. Nagdikit-dikit ang mga bato dito hanggang sa mabuo ang katawan nito. Buti na lang at nasalo siya ni Cadell mula sa likuran.
Nanlaki ang mga mata ni Echo nang lingunin niya ito, "Ano 'yan?!"
"Stone Ogre!" Bulalas ni Cadell.
Gulat na napatingin si Echo kay Cadell, "Ogre na naman?! Ilan ba silang magkakamag-anak?!" Sigaw ng dalaga at hindi mapigilan ang pagiging sarkastika.
"Gaga ka! Ginising mo kasi!" Singhal sakanya ni Dara.
Napatingin siya kay Dara na ngayon ay naghahanda na, "At bakit ako?!" Taas kilay na pasigaw na tanong ni Echo.
"Sinipa mo kasi!" Sigaw naman sakanya ni Cadell habang nakangiwi.
Natigilan sandali si Echo. Oo nga naman, kung hindi nga naman niya sinipa ang Stone Ogre edi sana hindi ito magigising. "O, edi ako nga," Pagsuko nalang niya at nagkibit-balikat.
Nagsimulang magpalabas ng air blades si Cadell at pinatama ito sa Stone Ogre ngunit ito'y naglaho lang na parang bula. Ibig sabihin lamang ay hindi tumatalab o nagkakaroon ng epekto ang kapangyarihan ng hangin sa Stone Ogre na iyon.
"Ano ka ba! Waepek 'yang hangin mo! Bato 'yan eh!" Bulyaw sakanya ni Echo ng may kasama pang paghampas sa balikat.
Napakamot naman sa buhok sa inis si Cadell, "Anak ng! Paano na 'to?!"
Nginisian siya ni Echo at siya naman ang nagpalabas ng earth spikes na deretsong itinira sa mukha ng stone ogre sanhi para umalulong ito at magkaroon ng impact sa kanilang tinatapakan na lupa.
"Ganyan! 'Yan ang epektib!" Sabay halakhak ni Echo na may halong pangaasar. Inaasar niya ngayon si Cadell na mukhang nalugi ang mukha dahil hindi niya magagawang kalabanin ang stone ogre.
"Ginalit mo lang siya lalo!" Sigaw naman ng isang matinis na boses na nagmula kay Dara.
Agad siyang nilingon ni Echo at tinaasan ng kilay, "Malamang magagalit 'yan! S'an ka nakakita ng kalaban na kapag tinira mo eh natutuwa pa?!" Sarkastikong aniya.
"Ewan ko sa'yo!" Inis na sagot na lamang ni Dara. Muling humalakhak si Echo na parang isang demonyong nanalo dahil nagawa niyang pikunin si Dara.
"Umayos nga kayo! Walang silbi ang hangin ko dito!" Suway sakanila ni Cadell na ngayon ay medyo seryoso na.
"May silbi 'yan! Paliparin mo 'yang higanteng 'yang!" Pa-sigaw na utos sakanya ni Echo na may pagkumpas pa ng kamay.
"Ano ka ba?! Nakikita mo naman na sobrang laki niyan! Hindi ko kakayanin ang maglabas ng maraming hangin! Sasayangin ko lang lakas ko!" Sagot naman ng binata sa seryosong tono.
Gulat na naitikom nalang ni Echo ang kanyang bibig, 'Ba't ba masyado silang seryoso?' Aniya sa isip.
Agad na nakaisip ng paraan si Echo. Lumuhod siya at itinungkod ang mga palad sa lupa dahilan para yumanig ito at mawalan ng balanse ang stone ogre.
Nilingon naman niya si Dara, "Eh, ikaw? Ba't ayaw mo tumulong?!"
"Hindi gumagana ang spells ko! Bawal yata!" Sagot nito at ngumiwi.
"Tutal naman, Echo, kapangyarihan mo ang compatible para matalo 'yang higanteng 'yan. Iiwan ka na lang namin ni Dara. Ikaw na bahala d'yan!" Sabi ni Cadell.
"Oo nga, kaya mo na 'yan!" Segundo naman ni Dara.
Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Echo at agad na hinila ang kwelyo nung dalawa ng umastang aalis ang mga ito at iiwan sya.
"Hoy! At iiwan niyo ako dito?! Mga walanghiya!"
"GRRROOWWRR!" Muling dumagundong ang alulong ng stone ogre ng mahimasmasan ito. Itinaas nito ang malaki niyang kamay na gawa sa malaking bato at hinampas ang lupa kaya naman muntikan pang mawalan ng balanse sina Echo.
Gumawa ulit si Echo ng earth ball at sunod-sunod na itinira ito sa kalaban.
"GRRROOWWRR!"
"Echo, Cadell, pagsamahin niyo ang air and earth ability niyo," Biglang sabi ni Dara kaya naman gulat na gulat siyang tiningnan nung dalawa.
"WHAAT?!" Sigaw nung dalawa, si Echo at Cadell.
Ang pagsasama ng elemento ay hindi madali di gaya ng iniisip nila. Mahirap ang prosesong idadaan dito bago mo ito magawa ng ayos. Naituro na 'yon sa Elementalists at nagawa naman nila, ngunit hindi rin iyon naging madali para sakanila. Matagal na nang ituro iyon kaya naman hindi sila sigurado kung magagawa nila ng hindi nasasayang ang lakas ng bawat isa.
"Oo! Iyon lang ang tanging paraan na naisip ko para matalo 'yan. Kailangan natin magtulungan," Mabilis na sagot ni Dara.
"Eh bakit kaya hindi na lang tayo tumakbo?" Si Echo. Namumuo ang pawis sa noo nito na mukhang kinakabahan sa pinapagawa sakanila ni Dara. Noong huling beses kasi na pinagawa sakanila iyon ay nawalan siya ng malay ng isang linggo at hindi rin niya maipalabas ng ayos ang kanyang kakayahan. Akala nila ay tuluyan ng hindi magagamit ni Echo ang kanyang earth ability, at kapag nangyaring mawala ang kakayahan niya ay mawawala din siya sa mundong ito.
Iyon ang nagiging side effect kapag hindi mo nagawa ng ayos ang pagsasama sa dalawang elemento. Maaaring isa o yung dalawang tao na iyon ang maapektuhan.
Umiling si Dara "Maaaring kapag natalo natin 'yan ay makalabas na tayo."
Nagaalalang napatingin si Cadell kay Echo. Sigurado siyang hindi pa bihasa si Echo sa gan'ong teknik. "Hindi pwede---" Pinutol ni Echo ang sinasabi ni Cadell.
"Sige," Lakas loob na sagot ni Echo. Hindi naman makapaniwala si Cadell.
"Hindi pwede, Ecs! Alam 'mong---"
"Sige na, witch. Ano ba plano mo?" Pagsingit ulit ni Echo. Wala na silang choice kun'di ang gawin iyon dahil hindi sila pwede umasa lamang sa kakayahan ni Echo.
"Susubukan 'kong lituhin o magpahabol sa stone ogre habang sinasagawa niyo pa ang pagsasama ng dalawang elemento. Hihintayin ko ang signal niyo, at bibilang ako ng tatlo para maipalabas niyo ang mga elemento," Mabilis na sagot ni Dara na medyo hinahapo pa. "Bilis!"
Tumango na lamang si Echo at mabilis na hinila sa Cadell sa isang tabi kung saan medyo tago sila. Nagaalinlangan pa rin ang mukha ni Cadell sa kanilang plano dahil baka sa oras na ito ay mawalan na naman ng kontrol at malay si Echo. Si Dara naman ay sinimulang batuhin ng bato ang stone ogre dahilan para magalit ito at habulin sya.
"Bilisan natin!" hindi magkadaugagang sambit ni Echo. Nagulat siya ng hawakan ni Cadell ang kamay niya na animo'y pinipigilan sya sabay deretsong tinitigan sa mga mata. "B-bakit?" Nauutal na aniya.
"Sigurado ka, Ecs? Alam mo ang pwede kalabasan kapag ginawa natin 'to!" Wika ni Cadell sa nagaalalang tono. "Kapag nangyaring nawalan ka na naman ng malay, hindi ko na alam ang gagawin ko," Seryosong dagdag pa habang deretsong nakatingin sa mga mata ni Echo,
Saglit na natulala si Echo kasabay ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay kiniliti ang sikmura niya sa sinabi ni Cadell.
'Gosh, Echo! Wag ka assuming na bruha ka! Isa ka lamang na kaibigan para sakanya! 'Yon lang!' Sermon niya sa kanyang sarili.
"A-Ano ka ba! Ha ha ha! Kaya natin 'to, wala ka 'bang tiwala sa'kin?" Tawa ni Echo.
"Mga walanghiya wag kayo tumunganga lang d'yan! Bilisan niyo!" Sigaw ni Dara habang hinahabol siya ng stone ogre. Kung minsan pa ay ginagamit niya ang kanyang teleportation para makaiwas dito. Hindi naman kasi nila pwede gamitin ang teleportation ni Dara para makaalis dahil bukod sa hindi niya alam ang lugar na ito, baka ito na rin ang paraan para makaalis sila.
Huminga ng malalim si Cadell bilang pagsuko at pagpayag sa kanilang plano. Muling hinawakan nito ang magkaparehong kamay ni Echo. "Let's just concentrate. Isipin natin na kailangan natin maging isa."
Napalunok si Echo at bahagyang namula, 'Maging isa. Omygosh! Ano 'ba itong pinagiisip ko?!'
Pagkapikit ni Cadell ay siya ding pagpikit ni Echo. Sinimulan nilang pakiramdaman ang enerhiya ng bawat isa. Inalala nila ang turo sakanila ni Sir Etienne kung paano maisasagawa ang ganitong klaseng teknik. Pinasok nila ang utak ng isa't isa at inalala ang kanilang pinagsamahan.
Nararamdaman na nila ang malakas na hangin na pumapalibot sakanila. Napahinga ng malalim si Echo at pinilit kontrolin ang paglabas ng kanyang kapangyarihan. Ang ganitong klaseng teknik talaga ang nagpapahirap sakanya at hindi niya magawa-gawa ng tama.
"Echo.." Narinig niyang tawag sakanya ni Cadell.
Iminulat ni Echo ang kanyang mga mata at bumungad sakanya ang malakas na hangin na hinaluan ng maliliit na lupa at buhangin ang pumapalibot sakanila. Sa pagitan naman nila ay naroon ang malaking air ball na hinaluan din ng earth ability ni Echo. Malakas ito kaysa sa inaasahan nila.
"Dara!" Sigaw ni Cadell.
Tila namamangha pa si Echo sa kanyang nasasaksihan dahil dati noong unang ginawa nila ang pagsasama ng dalawang elemento, si Fauna ang kasama niya at hindi si Cadell. Masyado nga lang mainit ang apoy na pumalibot sakanila noon na isa ring naging dahilan kung bakit hindi iyon kinayanan ni Echo.
"Gawin niyo na!" Biglang sumulpot sa likod nila si Dara na gumamit ng kanyang teleportation.
Nagsimula rin namang tumakbo papunta sa direksyon nila ang stone ogre kaya naman aligaga silang hinanda ang kanilang sarili.
Nagkatinginan silang tatlo at tinanguan ang isa't isa, senyales kay Dara upang simulan ang kanyang pagbibilang.
"Isa..." Bilang ni Dara.
Ilang metro na lang ang lapit ng Ogre samin. Mas lumalaki at lumalakas ang enerhiya ng dalawang elemento na pumapagitna sakanila at pumapalibot. Napapangiwi si Cadell dahil sumosobra masyado ang pagpapalabas ng kanilang kakayahan,
"Dalawa..."
Humugot si Echo ng malakas na hininga.
"Tatlo!" Sigaw ni Dara at sabay na pinakawalan ni Echo at Cadell ang naipong enerhiya. Sakto itong tumama sa dibdib ng stone ogre dahilan para tumalsik ito at magkahiwa-hiwalay ang mga batong bumubuo dito.
"Nagawa natin!" Tuwang-tuwa na sigaw ni Dara.
"Makakaalis na tayo! Wohoo!" Sabay suntok ni Cadell sa hangin. "Ayos, Ecs!" Nakangiting nilingon niya si Echo na ngayon ay namumutla na. Napawi ang ngiti sa kanyang labi at biglang nagalala.
"Tenenenen tenen tenen! And the winner is---uy, bruha, anyare sa'yo? Pagod na pagod?" Baling din ni Dara sakanya.
"Okay lang ako, ha ha ha! Wag kayong mag---" Natigilan si Echo nang sinimulang siyang ubuhin. Nanlalamig ang kanyang katawan at hindi niya gusto ang pakiramdam na ito.
"Shit! Sinasabi ko na nga ba, eh!" Sigaw ni Cadell at binuhat si Echo sa kanyang likuran. Wala na ring nagawa ang dalaga dahil hindi niya na rin kayang tumayo pa.
"Hoy, teka Cadell! Ano ba nangyayari?!" Tanong ni Dara at sinimula na ring magalala.
"Saka na namin ipapaliwanag. Kailangan natin makaalis dito at mahanap sila Azriel," Ani Cadell at nilibot ng tingin ang lugar.
Ang kaninang tahimik na gubat ay napalitan ng madilim at walang kabuhay-buhay. Ito na ngayon ang gubat ng Alkirvia at sigurado silang nagawa nilang lagpasan ang paglalaro sakanila ni Valentina.
Napalabi si Dara, "Ang tanong, 'asan sila?"
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support. Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro