Kabanata 3
#########
KABANATA 3
Training and the Magic Mirror
NARINIG KO nalang na tumunog ang timer.
Sumunod naman na nag-laban ay si Paige at Cadell. Umupo ako sa bakanteng upuan at uminom ng tubig. Si Fauna at Echo ay busy sa pagpili ng weapons, habang si Sir. Etienne ay pinapanood ang dalawang naglalaban.
Nakita ko si Azriel. Kumuha siya ng upuan at dinala dito sa pwesto ko sa harapan. Binaligtad niya ito saka siya umupo at pumangalumbaba sa sandalan nito.
"Ginagawa mo dito?" Kumunot ang noo ko at biglang napahawak sa pisngi kong nagdurugo. Pinunasan ko ito gamit ang panyo. Hindi ko pa magamit ang healing ko dahil masiyado pa akong napagod sa pagatake kanina. Mukha siguro akong tanga dahil panay iwas lamang si Azriel.
May kinuha siya sa bulsa niya, "Lumapit ka."
Kumunot ang noo ko. Nagulat ako nang hawakan nito ang pisngi ko at inilapit sakanya. Sasapakin ko na sana siya nang bigla kong maramdaman ang isang bagay sa pisngi ko. Nilalagyan niya ng band aid ang sugat ko.
Napatitig ako sa mukha niya habang ginagawa 'yon. What the hell? Ang isang Azriel..? Akalain mo nga naman na may pake pala to.
"Sa susunod, let them do the first move," Bigla niyang sabi at napalingon sa gawi nila Cadell. Napatingin din ako dito at hindi ko maiwasang hindi mamamgha sa galing nila. Now this is the real fight. Hindi katulad nung isa d'yan kanina na puro iwas! Psh!
"Look at them," He said without looking at me. Pinanood ko ang laban nina Cadell at Paige. Pinagmasdan ko ang kanilang galaw. Ilang metro ang layo ng dalawa sa isa't isa at wala ni isa sakanila ang gumagalaw. Nakatayo lamang sila na animo'y pinagmamasdan ang magiging galaw ng isa.
Hindi nakatiis si Cadell. Nilabas niya ang hawak-hawak na shuriken at pinaulanan sa direction ni Paige. Tumalon si Paige sa isang gilid at naiwasan ang mga iyon ngunit 'di niya inaasahan na makakalapit agad sakanya si Cadell.
Akala ko masusugatan ni Cadell si Paige pero namangha ako nang mabilis na nakailag si Paige at hinawakan sa balikat si Cadell saka binunot ang kanyang dagger at sinugatan si Cadell sa braso.
"It could be a sure win kung hahayaan mo ang kalaban na manguna."
Nabaling ang tingin ko kay Azriel na nakatingin na pala sa'kin. I was stunned when I saw his laser blue eyes appeared to my sight pero agad ding nawala at bumalik sa normal na kulay. Napakurap ako. Namamalikmata ba ako?
"Well, it could be kung kasing galing mo ako."
Nawala bigla ang iniisip ko. Maniniwala na sana ako sa advice niya kaso dinagdagan pa niya. Napangiwi ako sa kayabangan niya. What do you expect from him?
=====
MATAPOS ANG laban ni Fauna at Echo ay pinagpahinga muna kami saglit. Pinalinya kami ni Sir.Etienne at pumwesto ulit sa harap namin.
"For the second round, you'll be using your power. No weapons for the Elementalists," Biglang napatingin sakin si Sir. Etienne. "You can use any weapon you want, Astra. But your supposed-to-be-enemy will probably use his power, so there's no exception for you."
Naiintindihan ko ang sinabi ni Sir. Etienne. Halos karamihan ay nagtataglay nang kapangyarihan, we all have abilities. But it doesn't mean na porket healer lang ako ay pagbibigyan na ako ng maaaring maging kalaban ko. That's why we're trained physical combat.
"Ready yourself," Huling salita ni Sir. Etienne.
Pumunta ulit ako sa mahabang mesa na iyon kung saan nakalagay ang mga weapons. Si Azriel ang kalaban ko, at batid kong hindi ito magiging madali sa'kin. This will be my first time to witness the power of the five elementals. Natalo ako ni Azriel kanina without even using much of his energy. I'm sure hindi siya basta-basta.
Pinili ko ang isang sword, daggers, as usual, and a shield for my protection.
Pumwesto ulit ako sa gitna kung s'an naroroon si Azriel. There goes his perfect stare again na parang walang mangyayari.
"Focus on the eyes," He adviced again. "What do you see? Ano nakikita mo sa mga mata ko, Astra?"
"You're not afraid," The thing that I always see in him.
"Tapos?"
Tapos? Tapos ano? Tinitigan ko ulit ang mga mata niya.
"You're determined to win..?" Hindi sigurado ang tono nang boses ko.
His brow raised and flashed a smirked, as if I said something that amused him. "I'm not."
Kumunot ang noo ko. I don't think so. I bet this one is so competitive, gaya ng sabi ni Sir.Etienne kanina ay ayaw niyang natatalo siya.
"Nananalo ako kahit di ko gustuhin," Nagkibit balikat siya. Napauwang ang bibig ko at napangisi nang palihim.
Natalo ka nga nung lalaking nagtataglay ng super strength kanina, eh. Hindi na ako nagabalang sabihin pa yon dahil paniguradong maaapakan ko lang ang pride niya.
"Your 30 minutes starts now."
Inihanda ko ang sword na hawak ko. Nakita ko kung pano lumabas ang isang malamig na bagay mula sa kanyang kamay na unti unting naging espada. It is an icy spike sword made by the one and only Ice Elementalist.
Akala ko ay makikipaglaban siya sa'kin gamit ang espada ngunit nagulat ako nang may bumulasok na ice spikes and daggers sa direksyon ko. Agad kong hinarangan ang sarili ko gamit ang shield.
Inilayo ko ang shield sa'kin pero nagulat ako nang makita sa harapan ko si Azriel. He kick me in the stomach kaya napaupo ako. Iwinasiwas nito ang espada papunta sa'kin na agad ko naman nilabanan gamit ang sariling sandata.
"You're still weak. Pano mo niyan maliligtas ang kaibigan mo?" May halong pangaasar ang tono nang boses niya at di ko nagustuhan 'yon.
Sinuntok ko siya sa mukha nang hindi niya namamalayan. Nagulat siya sa ginawa ko at napahawak sa gilid ng kanyang labi. Sinipa ko rin siya sa tyan para mapaatras siya. Kinuha ko ang pagkakataon para makatayo at paulanan siya ng mga sipa ko. Gamit ang parehong braso ay inihaharang niya ito sa mga sipa ko.
I was supposed to kick him again nang bigla niyang hulihin ang paa ko.
He smirked, "Not so fast, babe."
Natigilan ako sa tinawag niya sa akin. Ramdam ko ang pamumula nang pisngi ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nawala sa pokus! Damn it!
Pahagis niyang binitawan ang paa ko bago siya bumawi ng sipa. Nadali ang sugat sa pisngi ko kaya nawalan ako ng kontrol. He created a massive glacier coming from the ground. Good thing I was able to avoid it. Sunod-sunod ang tira niya. Several pointed hails rained through my direction, at gamit ang espada ko ay isa-isa ko itong nilabanan.
Bigla ay natanaw ng mata ko ang shield ko. I was about to get it pero huli na ng balutan ito ni Azriel nang yelo.
Napatingin ako kay Azriel nang makita kong nagpalabas siya ng kulay asul na apoy sa kanyang kamay. Napakunot ang noo ko. Ano 'yon? Hindi ba't yelo ang kapangyarihan niya?
Although there's a strange fire in his hands ay malamig pa'rin ang paligid. I was caught off guard when he pointed his hands at me, and there goes his icy fire balls, coming through my way.
Isa-isa ko itong hinampas gamit ang espada ko ngunit habang tumatagal ay nararamdaman ko ang init sa handle nito kaya nabitawan ko ito. Shit!
He's fast, namalayan ko nalang na nasa harap ko na siya. Hinugot ko ang dagger ko saka siya muling sinugod, and for the first time, nasugatan ko siya sa kanyang braso.
Sinamaan ako nito ng tingin at bago pa ako umatake ulit ay naramdaman ko nalang ang paninigas nang dalawa 'kong paa. Shit. He froze it!
"Times up," I heard him said.
Napaangat ang tingin ko kay Azriel at nakitang naglalakad siya paalis. Wait, Hindi ba niya tatanggalin 'to?!
I tried to escape until I notice the ice trying to devour my body. Nagpanic ako nang makitang nasa kalahating katawan ko na ito! Tinanaw ko si Azriel.
"Azriel!"
Naramdaman ko ang pagbagal ng hininga ko. My body temperature is getting low. Pakiramdam ko napapaso ako habang tumatagal. Nasulyapan ko ang paglingon ni Azriel sa direksyon ko and saw how his expression suddenly change. Tumakbo siya papunta sa'kin at napamura.
"Shit!"
Inilapat nito ang kamay sa yelo ngunit mas lalo lang itong bumibilis. Mas lalo lang ako hindi makahinga. Nanghihina na ako. Narinig ko ang sigaw nila Fauna pero unti unti nang nagdidilim ang paningin ko. Hindi ako makahinga, 'yun lang ang alam ko.
And everything went black.
=====
BOSES. PURO boses ang naririnig ko at naririndi ako. Para silang nagaaway.
"Okay na ba siya?"
"Of course, she's not! Muntikan na siyang mapatay ni Azriel."
"Bakit ako? Hindi ko naman alam na lalamunin ang katawan niya nang kapangyarihan ko."
"Oo nga po boss, ang sa'min lang hindi mo pa kontrolado ang gan'ong level."
"Tumahimik nga kayo! Ang iingay niyo."
"Bahala nga kayo dyan! Tss!"
Nagising ako sa sobrang ingay. Unti-unting nagmulat ang mga mata ko at nakita ko sa harapan ang mga Elementalists na nagtatalo, ngunit napansin ko na wala d'on si Azriel. Ano nangyari?
"My goodness, good thing you're awake now!" Agad na lumapit sa'kin si Fauna, sumunod sakanya yung iba.
"Kamusta pakiramdam mo, Astra?" Tanong ni Cadell.
"Malamang hindi siya okay, Cadell! Ikaw kaya muntik ng lamunin ng yelo?!" Bulyaw sakanya ni Echo na nasa kabilang gilid ko.
"Ikaw ba si Astra, ha?!" Inis na buntong sakanya ni Cadell. Inirapan lamang siya ni Echo.
"Can you two just shut up?! Kanina pa kayo, ah!" Pumagitna ang kanina pang nakabusangot na si Paige. Sumasakit ulo ko sakanila. Ang iingay nila!
"Ilang oras ka nang walang malay. Buti nga naagapan agad ni Fauna yung nangyari. Loko kasi si boss eh," Singhal ni Echo. Boss? Oo nga pala, muntik na akong lamunin nang kapangyarihan ni Azriel!
"Mamayang gabi na ang third quarter physical combat natin. Buti nagising ka agad," Said Fauna. Ang isang 'to ay mahahalata mong seryoso ngunit di gaya ni Paige ay mabait siya. "Kaya mo ba lumaban mamaya?"
Tumango lamang ako bilang sagot. Kaya ko naman. Walang salitang hindi ko kaya pag dating sa'kin, hehehe. At isa pa, kailangan ko ito para maligtas si Keya.
"I told you, you're dead," Napaangat ang tingin ko kay Paige. Sinaway naman siya ni Cadell. Tss, 'asan naman kaya yung lalaking may kagagawan neto?
"Naayos na ang Magic Mirror. Pinapapunta tayo ni Sir.Etienne sa Technology Center," Ani Cadell.
Naalala ko na ito yung lugar kung s'an namamahinga ang katawan ni Keya. Nang makarating kami d'on ay nand'on na si Azriel habang kausap si Sir. Etienne. Napatingin sila sa'min pagkapasok namin.
Nagtama ang tingin namin ni Azriel ngunit agad din siyang nagiwas. Tss, Hindi man lang ba siya hihingi nang tawad?
Hinanap ng paningin ko si Keya pero hindi ko ito makita, "Nasaan ang kaibigan ko?"
"She's in a safe place," Sagot ni Sir. Etienne.
"Sabi niyo nandito siya."
Tumango naman ito, "Yes, nand'on siya sa loob ng preservation machine," Sinundan ng tingin ko ang tinuturo niya. Ngayon ko lamang napansin na mayroong malaking glass sa dulo ng hall nang TC kung s'an tanaw sa loob ang katawan ni Keya na nasa loob nang pabilog na glass protection. "Only a technical user can enter that room," Sumabat na agad si Sir.Etienne bago pa man ako tumakbo sa direksyon ni Keya. I sigh in disbelief.
"So, is she Astra?" Issang lalaki na nakasuot ng gown ng pang scientist ang biglang sumulpot sa harapan namin. Kasing edad lang siguro ito ni Sir. Etienne.
"Siya si Sir. Paulo, Astra. Siya ang tagabantay dito sa Technology Center. Siya ang technical user," Paliwanag ni Sir. Etienne.
Tumango lamang ako.
"Eto ang Magic Mirror," Napatingin ako sa hawak ni Sir. Paulo. Bumagsak ang balikat ko nang makita ko ito. Naalala ko si Keya. Di tulad nung nakaraan ay sobrang ayos na nito. "Hindi basta basta ang paggamit neto."
Tiningnan ko siya nang may nagtatanong na mata.
"Sa oras na makapasok ang diwa mo sa loob nito ay wala kang ibang dapat isipin ku'ndi ang kaligtasan ng kaibigan mo, at kung paano mo siya maililigtas," Paliwanag nito.
"Anong gagawin ko?"
"May maririnig kang boses. Siya ang tutupad sa iyong kahilingan."
Napataas ang kilay ko, "Eh kung hilingin ko kaya na sana magising na si Keya, magagawa ba niya?" Sarkastiko kong sabi.
"Astra!" Suway sakin ni Azriel. Hindi ko siya pinansin.
Natawa si Sir. Paulo sabay umiling, "Hindi eh. Wala itong kakayahan na maibalik ang buhay o kaluluwa man ng isang tao," Aniya. "Ngunit malalaman mo kung nas'an at p'ano matatagpuan ang kaibigan mo."
"At saang paraan naman ako matutulungan n'on?" Medyo napataas ang boses ko.
"Huy Astra..." Siniko ako ni Echo.
"Tss. Para san pa't nandito ka sa grupo namin at humihingi nang tulong?" Sumabat nanaman si yelo.
Inis ko siyang tiningnan at nginisian. Wag mo akong maangas angasan dyan dahil baka nakakalimutan mong muntikan mo na akong mapatay.
"Hindi ako humingi nang tulong. Kusa kayong tumulong," Diin ko habang nakikipagtitigan sakanya.
Napangisi siya, "Ayun naman pala, eh ano pang inaarte mo dyan?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Ewan ko ba kung bakit biglang nag-init ang dugo ko sa lalaking ito. Dahil ba hindi man lang siya nagsorry tapos gaganyanin pa niya ako?
"Wheeeew....easy," Sumipol si Cadell.
"Ano ba kayo?! Wala kayo dito para magaway!" Sigaw ni Sir. Etienne.
"What do you expect from a destitute?" At talagang nakisali pa 'tong Paige na 'to.
"Ano ba, Paige! Isa ka pa, eh.." Suway sakanya ni Fauna.
"What? Just saying.." Painosente na natatawa pa nitong baling sakin. Sinamaan niya ako nang tingin at ganun din ang sinukli ko sakanya.
"Magsitigil nga kayo," Magkasalubong ang kilay ni Sir. Paulo nang bumaling siya sakin. "At ikaw naman..tinutulungan ka na nga, ayaw pa? We're not tolerating this kind of attitude Miss. Dela Fuente. Nasa teritoryo ka namin," Maawtoridad na singhal nito sakin.
Napayuko nalang ako. Bakit ako lang? Eh mas demonyita pa nga ata 'yang Paige na yan kesa sa'kin.
"Continue Sir. Paulo," Si Sir. Etienne ang bumasag sa namutawing katahimikan.
Bumuntong hininga si Sir. Paulo bago magsalita, "As I was saying, malalaman mo lang kung nas'an ang kaibigan mo gamit ito at hindi nito kayang bumuhay, naiintindihan mo ba, Astra?"
Tumango lamang ako. Nakakainis. Bakit ko ba kasi ginawa 'yon?
"Oh. Humiling ka na," Inabot nito sa'kin ang Magic Mirror. Bahagya pa akong napaatras nang lumiwanag ito pero nawala din.
"Ipipikit ko ba ang mata ko?"
"Of course, stupid," Ayan nanaman ang yelo. Hindi naman siya ang tinatanong ko, paepal lang?
Bwiset, magsama sila ni Paige.
Hindi ko nalang siya pinansin nang sawayin siya ni Sir. Etienne. Ipinikit ko ang mata ko at pagmulat ko ay nasa ibang lugar na ako.
Nothing but a pitch black. Naglakad lakad ako ngunit wala talaga akong makita!
"Hello...?"
Nakarinig ako nang yabag nang paa. Napalingon ako sa likuran ko nang makakita ako nang liwanag. Hindi ko napansin na mayroong napakagandang hagdan don. Bigla ay nagbago ang paligid at nalaman ko nalang na nasa kastilyo ako.
"Ikaw pala...it's nice seeing you again," Isang babae ang bumaba sa hagdan. Isang babae na hindi ko naman makilala dahil lumiliwanag ang kanyang mukha.
"Again? Ngayon lamang kita nakita," Kunot noong sagot ko.
Natawa siya nang bahagya, "I see...Ano kailangan mo?"
"Yung kaibigan ko," Huminga ako nang malalim bago muling magsalita. "Gusto ko malaman kung nasan ang kaibigan ko."
Hindi ko nakikita ang mukha niya pero pakiramdam ko ay nakangiti siya. Inabot niya ang kanyang kamay sa'kin.
"Halika," Aniya.
Nagaalinlangan pa akong tanggapin pero ginawa ko rin naman. Yung kaharian ay unti-unting nalusaw at napalitan nang panget na lugar. Maapoy. Mainit. May pagkadilim. Puros itim. Eto ba ang....?
"Dark Alkirvia's dungeon..." Her voice suddenly became soft and low, as if she's not literally talking to me but to herself. Napatingin siya sakin. "Pagmasdan mo ang paligid, Astra..."
Sinunod ko ang sinabi niya. Hindi ko gusto ang pakiramdam sa paligid na 'to. Mapanganib.
"Nandito ba si Keya?" Wala sa sariling tanong ko.
"Oo..pero bago 'yon, ano nararamdaman mo?"
Kunot noo akong napatingin sakanya, "Hindi kita maintindihan. Ano ba ang dapat kong maramdaman?"
"Delikado, hindi ba? Sa tingin mo...paano mo maliligtas ang kaibigan mo?"
Natigilan ako at panandaliang nagisip. Pano ko nga ba maliligtas si Keya? Ang isang hamak na tulad ko na walang ibang kayang gawin kundi ang magheal...maililigtas ko kaya siya?
Maya-maya pa ay nalusaw nanaman ang paligid. It's a dim hallway inside the kingdom. Napatingin ako sa inaapakan ko dahil pakiramdam ko ay pamilyar ang lugar na ito.
"Nasan tayo?" Tanong ko.
"Alkirvia."
Natigilan ako at muling ibinalik ang tingin sa harap. Nakakita ako nang isang lalaki na inaalalayan ang isang babaeng nakataklob nang hood ng cloak ang mukha.
"Sino sila?" Nilingon niya ako pero di niya ako sinagot.
Nagulat ako nang may isang babaeng nakapula ang tumagos mula sa likuran ko at di ko makita ang itsura niya. Nilapitan niya yung dalawa.
"Hey Axel," Usal nung babae.
"Keysha..." The guy murmured.
My face was covered in confusion when I faced the girl beside me. Nakatingin lamang siya sa dalawa. Axel? Keysha? Seriously? I'm asking where Keya is! Hindi ako nandito para panoorin yung tatlong 'yan.
"Ano nangyayari? Ano ito?" May halong inis ang boses ko. Napatingin siya sa'kin.
"Alaala."
Natigilan ako saglit, "A-Ano? I'm not asking for this. Hinahanap ko ang kaibigan ko," Diin ko.
"Wag mo kakalimutan ang dalawang bagay na wala sayo Astra," Seryoso ito. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero nanatili akong nakikinig. "Alaala at buhay."
Tila ba may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita.
"Alaala at buhay.....yun ang tutulong sayo," At bigla siyang naglaho.
=====
NAPAMULAT AKO at napabalik sa realidad. Habol-habol ko pa ang hininga ko nang libutin ko ang aking paningin. Bakit nandito ako sa kwarto?
Napabalikwas ako at nang biglang bumukas ang pinto. Si Echo. Hindi ito isang panaginip.
Nakangiti siyang lumapit sakin, "Okay ka na ba?"
"Ano nangyari? Bakit nandito ako?" Mabilis na tanong ko.
"Nawalan ka nang malay. Gawa siguro dun sa insidente na nangyari kanina kung kaya't hindi pa nakakarecover ang katawan mo."
Saglit akong natahimik nang may maalala ako, "Si...si Keya. Yung salamin. Ano nangyari?"
"Don't worry. You did well. Alam na namin kung nasan ang kaibigan mo."
Napangiti ako pero agad ding nawala. Masaya ako pero bakit gan'on? Hindi pinakita sa'kin kung nasan si Keya. Hindi ko maintindihan kung ano yung nangyari kanina at di ko alam kung dapat ko pa bang sabihin 'yon sakanila. Hindi nalang siguro.
"Alaala at buhay..."
Pano makakatulong sa'kin 'yon? Ni isa sa sinabi niya ay wala akong naintindihan ngunit ang bigat sa pakiramdam nang aking marinig. Pakiramdam ko ay nangungulila ako. Gusto ko sanang bumalik sa salamin na iyon at tanungin siya kaso malabo. Isang beses lamang magagamit ang Magic Mirror sa buhay nang isang tao.
"Kaya mo ba lumaban mamaya?"
Naalala 'kong may 3rd quarter physical combat nga pala mamaya. Kailangan ko 'yon para mailigtas ang kaibigan ko.
Tumango ako, "Kaya ko."
"S-sigurado ka?" Nagaalalang tanong niya.
Ngumiti ako nang bahagya, "Oo naman Echo, ako pa."
=====
SINAMAHAN AKO ni Echo papunta sa field kung saan nandoon ang mga estudyante pati na rin ang Elementalists. Pagdating naman ay di ko inaasahan na gan'on karami ang sasalubong sa'min. Nagsasalita n'on si Sir. Etienne nang dumating kami kaya napalingon sila sa'min.
"Oh..you okay now?" Tanong sa'kin ni Sir. Etienne.
Tumango lamang ako. Nakita ko sa isang gilid ang Elementalists. Napagalaman ko na magkakasama ang grupo sa training na ito ngunit sa unang pasok ay magkakawalay-walay kayo hanggang sa mahanap niyo ang isa't-isa. Ngunit hindi ibig sabihin n'on ay magkakampi kayo. The purpose of this training is to collect points by the use of eliminating the others.
"Vershia Forest is very dangerous, but since this is part of our training, we've got nothing to do with it. Naniniwala naman ako sa kakayahan niyo," Ani Sir.Etienne. "Mae-eliminate ang sino mang gagamit nang kanilang kapangyarihan...maging ang sino mang maubos ang lifeline."
May inilagay sa'kin si Echo na bracelet. Nagulat ako nang dumikit ito sa balat ko at lumabas ang isang ala-baterya na puno at kulay asul. Ito siguro ang lifeline na tinutukoy niya.
"Goodluck, Astra," Bulong sakin ni Echo.
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro