Kabanata 29
##########
KABANATA 29
Valentina's Dimension and Illusion
PANSAMANTALANG ISINAMA ni Jaze ang isang estudyanteng may kakayahang gumawa ng portal gaya ni Lola Miranda. Ngayon ang pag-alis namin at maya-maya na kami magpapaalam sa lugar na ito at kina Jaze. Hindi naman kasi kami pwede magtagal dito dahil may misyon pa kaming kailangang tapusin at mapagtagumpayan.
"Sakto para sa pitong tao ang mga kabayong ito. Ginagamit kasi ng ibang kawal ang natitirang kabayo kung kaya't ito nalang ang natira," Sabi ni Jaze at inilahad sa'min ang mga kabayo na handa na sa aming pag-alis. Sa gubat isasagawa ang portal dahil mas malakas daw ang enerhiya na nasasakop roon.
Sumakay na sila sa kanya-kanyang kabayo, pero kung pito lamang ito ay may dalawa sa'min ang makiki-angkas na lamang.
"Ano pa'ng ginagawa mo d'yan?" Asik sa'kin ng nakataas na kilay na si Azriel. Simula kagabi ay hindi niya ako pinatulog dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, buti nalang at kumagat ang hating-gabi at lumabas si Zed.
Nginiwian ko siya at napatigil nang wala na akong masasakyan na kabayo!
"Naunahan ka na. Dito ka nalang sa likod ko sumakay, Astra," Napatingin naman ako kay Jaze na nakangiti sa'kin at sinenyas ang kanyang kabayo.
"What?!" Bago pa man ako makapagsalita, sumigaw na si Azriel. Magkasalubong ang kilay nito at pingkikiskis ang mga ngipin. Napangiwi ako sa kanyang reaksyon. "At bakit sayo?!"
"Why not?" Natatawang ani Jaze. "Kulang tayo sa kabayo."
"Oo nga naman, boss. Ano ba'ng pinuputok ng butsi mo?" Natatawang singit ni Cadell at binigyan ng malagkit na tingin si Azriel.
"Yung kapatid mo ang i-angkas mo!"
"Hell no! I have my own horse," Singit ng inaantok na si Jin.
"Why not Astra?" Tanong ulit ni Jaze nang nakangisi. Napakamot ako sa aking kilay ng makita ang palitan nila ng masamang tingin.
"Hoy, ano yan! Love Triangle?!" Singit ni Dara. Nakaangkas ito sa likod ni Echo.
"Bakit hindi nalang si Echo?!" Itinuro ng naiinis na mukha ni Azriel si Echo na gulat na gulat sa pagtawag sa pangalan niya.
"H-hoy boss! Okay na ako dito, 'no!" Sigaw ni Echo at niyakap ang sinasakyang kabayo.
"E'di sa'kin ka nalang umangkas," Tumingin sa'kin si Azriel. Nanlaki ang mga mata ko at biglang hindi napakali.
"H-ha?" Hindi pwede. Masyado pa'ng awkward ang nangyari kagabi! Hindi ko pa alam kung pa'no magrereact sa sinabi niya!
"Ako ang nauna," Biglang sabi naman ni Jaze at bumaba sa kanyang kabayo saka kinuha ang braso ko.
"T-teka, Jaze---"
"Mine," Gulat na napatingin naman ako kay Azriel na nasa kabilang gilid ko naman at hawak na rin ang braso ko.
What the hell is happening?! Mababaliw ako sa palitan ng titig nung dalawa!
"Oh sige ito kutsilyo, oh! Magpatayan nalang kayo dali! Round one, payt!" Singit ni Cadell sa harapan naman.
"C'mon, guys! It's just a freakin horse!" Bulalas ng hindi makapaniwala na si Paige. Tinaasan ako nito ng kilay. "Astra, dito ka sumakay sa'kin!"
Mukha naman akong nakahinga ng maluwag. Hindi ko inaasahan na si Paige pa yung magiging savior ko.
"But---" Angal ni Azriel.
"No but's!" Pinanlakihan siya ng mga mata ni Paige. Napangisi ako at tinanggal yung kamay nila sa aking braso saka sumampa sa kabayo sa likod ni Paige.
Taas-noong nilingon ako ni Paige, giving me the look 'I-just-saved-your-ass-bitch.'
"Hoo! Mukhang mainit-init ang labanan kanina, ah!" Bulalas ni Echo at humagalpak ng tawa.
"Ang tanong, sino ba ang nanalo?!" Sinabayan naman ito ng malakas na tawa ni Cadell. Kulang nalang ay gumulong siya habang naliligo sa sariling laway. Mga loko.
"Hanep! Haba ng hair natin, ah? Ano shampoo mo?!" Asik sa'kin ni Dara. Binigyan ko lamang siya ng isang ngiwi. Mukha ba'ng naging komportable ako sa nangyari kanina? Hindi!
Tumawa si Fauna, "Jelly, boss."
=====
ANG ESTUDYANTE na si Charice ang siyang gumagawa ng portal. Mukhang bihasa na ito sa paggamit ng sariling kakayahan.
"Walang daan patungo sa lugar niyo ang lugar na ito," Sabi ni Jin. Ang tinutukoy niya ay ang nasa North Wing na Ezea High. Ang Lost City kasi ay wala na sa mapa ng Azmar.
"Dadalhin kayo ng portal na ito sa mismong path kung saan makikita niyo ang gate papasok ng Alkirvia," Sabi naman ni Charice matapos gawin ang portal. "Delikado ang lugar na pupuntahan niyo."
"Mag-iingat kayo," Sabi ni Jaze at kinindatan...ako?
Agad na nanlaki ang mga mata ko at nag-iwas ng tingin. Sa paglihis ko ng tingin ay nagtama ang mga mata namin ni Azriel na masamang nakatingin sa'kin. Napataas bigla ang kilay ko. Anong problema nito?
"Kayo rin! Maraming salamat! Hanggang sa muli!" Hyper na sabi ni Dara bago kami pumasok sa portal. Naramdaman ko na naman ang kakaibang sensasyon. Bakit ba sa tuwing papasok ako sa portal o kaya naman magteteleport ay naliliyo at umiikot ang sikmura ko?! Bakit sila hindi?!
"Ah shit!" I heard Azriel cussed.
"Gosh! Dito talaga?!" Echo shrieked.
Nagmulat ako ng mata at nagulat sa aking nakita. Nasa...nasa impyerno kami?! Hindi, mukha lang siyang impyerno na pinapalibutan ng malalaking bato at maliliit na apoy. Bakit pa nga ba ako nagtaka eh malapit lang kami sa lungga ng Alkirvia.
"Nakakapaso kaya 'to?" Sinubukang hawakan ni Dara gamit ang daliri niya ang apoy pero napahiyaw siya ng mapaso ito.
"Ay tanga!" Humagalpak ng tawa si Echo pero di niya napansin ang pagdikit ng kamay niya sa apoy kaya napaso rin siya. "Aray, huta!"
"Isa ka rin palang tanga eh! BWAHAHA!" Bawi ni Dara. Sinimangutan lamang siya ni Echo.
"Paige! Dala mo pa ba yung map?" Tanong ni Fauna.
"Of course!" Inilibas nito ang mapa at inihagis kay Fauna.
"Takte, ang init dito mga bro!" Asik ni Cadell at gumawa ng sarili niyang electricfan. "Mas hot pa 'to sa katawan ko, eh!"
"Ha?" Natatawang baling sakanya ni Echo. "Daydreaming?"
"I'm getting haggard na! Hanapin na natin yung pesteng gate na 'yon!" Sabi ni Paige.
Tama si Cadell. Hindi nga impyerno ang lugar na ito pero mainit din! Pinagpapawisan agad kami. Napatingin ako sa gilid ko ng sumulpot ang isang bote ng tubig. Si Azriel pala.
Pakiramdam ko ay namula ako kung kaya't nag-iwas ako ng tingin at lumunok. "O-okay lang ako."
"Ang oily na ng mukha mo. Your hair is a mess at halos matalo mo na ang aso dahil sa nakalawit mong dila," Pang-aasar pa niya. The usual Azriel, nakangiwi pa siya na mukhang diring-diri sa itsura ko ngayon. Kaltukan kita d'yan, eh! Napakaarte!
Umismid ako at inis na tinanggap yung tubig. Mang-aalok na nga lang, kailangan may lait?!
"Bilisan mo naman ang lakad, Dara! Palibhasa ang tanda mo na, eh!" Dinig 'kong puntirya ni Echo kay Dara na halos himatayin na sa init.
"Osige buhatin mo ako!"
"Wow, chics? Uugod-ugod ka maglakad, eh! Gutom ka ba?!" Asik nito.
Tumawa si Cadell, "Are you hungry? Grab a sneakers!" Yung tawa talaga nito ang pinaka-nakakaasar sa lahat.
"Ah gan'on? Pinagtutulungan niyo na ako?!" Sinabutan ni Dara sa Echo at Cadell.
Sinimulan naming hanapin ang gate papasok sa Alkirvia. Hindi maipagkakailang sila nga ang hari ng mga kasamaan sa dinudulot nitong kadiliman at lungkot sa buong kagubatan. Halos hindi mo kakikitaan ng buhay. Ang buwan at bituin na dapat ay nagsisilbing liwanag ay wala.
"Are we there yet?" Naiinip na tanong ni Paige kay Fauna.
"Yes, but----"
"Wait. Don't move," Napatigil kami sa paglalakad sa biglang utos ni Azriel. Nakataas pa ang isang kamay nito habang seryosong pinapakinggan ang paligid.
"Ano meron?" Nagtatakang tanong ni Fauna. Hindi man lang siya pinagpapawisan di gaya namin. Oh I forgot, she's the elemental fire.
"I think I heard something," Aniya.
Agad namang nag-react si Echo "Waaa! Narinig mo rin?!"
Narinig? Narinig ang ano? Bakit wala akong narinig? Dati naman ay malakas ang pandinig ko, ah!
"Shhh!" Suway nila sakanya.
"G-guys?" Napatingin kami kay Dara. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa likuran namin. Nababatid 'kong may panganib sa likod namin at ngayon palang ay hindi ko na maiwasang hindi kabahan. This should not be another danger, please! Grabe pigang-piga na kami!
Dahan-dahang nilingon namin ito at halos lumuwa ang puso ko ng makita ang isang half-human half-snake na babae! Nasa di kalayuan ito ngunit kitang-kita ko ang kulay puti na mga mata nito. Maganda siyang dilag ngunit may katauhang halimaw naman!
"Si Medusa!" Bulalas ni Echo.
"Hindi 'yan si Medusa! My gosh si Valentina 'yan!" Kinakabahang banggit ni Dara habang unti-unting papalapit sa direksyon namin ang babaeng ahas. Pakiramdam namin ay napako kami sa aming kinatatayuan. The Legendary Lady Snake is real! Akala ko ay gawa-gawa lamang ito.
"Valentina?" Gulat na sambit ni Fauna.
"Tatakbo na ba tayo?" Nagmamadaling tanong ni Cadell.
"No," Madiing sabat ni Azriel. "Don't move. Be quiet. Don't look at her eyes."
"Tama si Azriel. Galing pa sa panahon ng Great Amarine si Valentina. Isa 'yang immortal at walang nakapapatay d'yan. Just stay still," Ani Dara.
Hindi magkandaugaga ang puso ko sa kaba. Mukha kaming estatwa na nakatayo sa isang gilid at hinihintay ang paglapit ni Valentina. Naririnig ko lamang ang pangalan niya dati sa mga book lovers na Vershiatists. Wala ako masyadong alam sa kanya dahil hindi ako naniwala noon na nag-eexists s'ya.
"Valentina's blind. Makikita niyo ang mata nitong kulay puti pero pakiusap wag na wag niyo titingnan ng matagal ang mga mata niya. Wag kayong gagawa ng ingay o gagalaw man lang," Nagulat na lang ako nang marinig ko ang seryosong boses ni Dara sa aming isip.
"Sssssss..."
"Oh my gosh.." Tili iyon ni Echo sa aming isip. Napasulyap ako mula sa peripheral vision ko at nakita ang paglapit sakanya ni Valentina. Mariing napapikit si Echo upang iwasan ang mapatitig sa mga mata nitong puno ng kamandag.
"Sssssss..."
Napalunok ako ng sunod na pumunta sa direksyon ko ang babaeng ahas. Minalas pa dahil sakanya ako nakatingin! Pumulupot ang buntot nito sa'kin habang nakatingin sa'kin ang mga mata nito. Napatitig ako sa tila ba kumikinang nitong puting mga mata. Anong ginagawa mo? Pumikit ka!
Sinubukan 'kong ipikit ang mga mata ko pero tila 'ba tuluyan akong nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ko na maigalaw ang katawan ko!
"Astra! Shit, close your eyes!" Dinig kong sigaw ni Azriel sa aking isipan. Hindi ko makita ang itsura niya dahil nananatili ang aking paningin kay Valentina.
Napakalalim ng mga mata na animo'y may gustong ipahiwatig. Para akong nalulunod sa mga mata niya. Ano na mangyayari sa'kin nito?
"Kinokontrol ka niya Astra! Marahil ay naramdaman niya ang bilis ng tibok ng puso mo!" Sigaw iyon ni Fauna.
"Hahahahahaha!"
Umalingawngaw ang tawa ni Valentina sa paligid. Nakakakilabot ang tawa niya na para 'bang handa ng pumatay. "At akala niyo naman hindi ko nararamdaman ang presensya niyo? Mga inutil!"
Nangatog ang aking tuhod nang biglang lumisikk ang kaninang malalim na mga mata nito
"Alam niyang nandito tayo!" Sigaw ni Cadell.
"Dahil sa matapang na pabango ng isa sainyo ay na-amoy ko kayo," Ngumiti pa ito ng nakakakilabot.
"PAIGE!" Sigaw nila. Kay Paige pala ang matapang na pabango na 'yon.
"Fine I'm sorry!"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng ilapat ni Valentina ang mga daliri niya sa pisngi ko. Kung maaari lang himatayin ay baka kanina pa ako walang malay. Sinubukan ng mga kaibigan ko na gumalaw pero mukhang maging sila ay kontrolado na rin ni Valentina. Napamura si Azriel sa isip.
"Sssssss....Hindi ko malaman kung anong ginagawa mo at hindi ka natatablahan ng kamandag ko," Aniya.
"Sssssss...sayang, hindi ko makita ang mga mukha niyo. Mukhang isa pa naman sainyo ang ginagabayan ni Amara..."
"Sino si Amara?!" Fauna asked.
"Mamaya na 'yan! Kailangan natin makatakas dito!" Dara shouted
"Paano?! We can't even move an inch!" Tanong ni Echo.
"I'll try to cast a spell gamit ang isip!"
Masyadong mabilis ang nangyari. Pakiramdam ko ay lutang ako at nalaman ko nalang na nabitawan na ako ni Valentina at sumisigaw na siya sa sakit.
"Ikaw ba may gawa niyan Dara?!" Sigaw ni Echo.
"Hindi ko alam! At hindi ako ang may gawa niyan," Dara answered.
"She controls us yet she's also being controlled," Azriel said.
Napahinto si Valentina na hinihingal pa. Nanggagaliti ang mga matutulis nitong ngipin nang bumaling ulit siya sa'min. Nakapagtataka lang na nagkakaroon ng lapnos ang mahaba niyang buntot-ahas.
"Mga hangal! Humanda kayo sa magiging ganti ko sa sakit na ibinaon niyo!"
Sasabog siya. Unti-unting umilaw si Valentina at huli na bago namin protektahan ang aming sarili.
=====
"ASTRA! Bumangon ka na d'yan!"
Napamulat ako ng aking mga mata. Napabalikwas ako nang mapagtanto na nasa bahay ako kung saan kami nakatira ni Keya sa Vershia! Teka...yung tumawag sa'kin kanina...
Madali akong umalis sa matigas na papag at lumabas sa maliit na bahay na iyon na gawa lamang sa kahoy. Nakita ko ang isang babaeng nakatalikod habang nagsasampay ito ng mga damit.
"Keya..." Teka, patay na ba ako?!
Lumingon ito sa'kin at nginiwian ako, "Tanghali ka na naman nagising! Maligo ka na dahil parating na dito si tanda."
Hindi ko inintindi ang sinabi niya at mabilis siyang niyakap. Umiral ang bugso ng aking damdamin dahil yung huling beses na nakita ko siya ay yung nagpapaalam pa siya. Ramdam 'kong nagulat siya sa ginawa ko.
"Keya...wag mo ako iiwan," Tumulo ang isang butil ng luha mula sa aking kanang mata nang hindi ko namamalayan.
Natatawang siyang humiwalay sa yakap at kinapa ang noo ko, "Ayos ka lang? Wala ka namang sakit."
Pinunasan ko ang aking pisngi at mapait na ngumiti sakanya. Isang kalokohan ito. Napagtanto 'kong hindi pa ako patay. Alam 'kong kagagawan ito ni Valentina pero tila ba ayokong paniwalaan ang nasa isip ko at gusto nalang sulitin ang pagkakataon.
Kinurot ko ang sarili ko at napagtantong hindi ito isang panaginip. Ano na naman ba ang ginawa ng babaeng ahas na 'yon at kailangang gamitin ang kahinaan ko?
"Hoy, kayong dalawa d'yan! Magsimula na kayong magtrabaho!"
Sabay kaming napalingon ni Keya kay tanda. Napangiti ako ng malawak. Ito yung nakasanayan ko dati. Ito ang buhay ko dati. Oh, how I badly missed my life.
Tumaas ang noo ko. If this is just an illusion, pwedeng-pwede ko nang sagutin si tanda. "Hoy tanda! Bakit hindi mo umpisahan ang pagtatrabaho sa sarili mo? Hindi ka ba naaawa sa'min?! Ginagawa mo kaming katulong!"
Mukhang nagulat si Keya at tanda. Hinawakan ako ni Keya sa braso. "Hoy, Astra. Nakainom ka ba?"
Napatitig ako kay Keya. Bakit? Bakit parang totoo ang lahat? This doesn't feel like some kind of illusion. Did I travel back in time? Kung oo, I will be glad.
"Aba't sumasagot ka na?! O sya layas! Lumayas kayo't ngayon magtrabaho magdamag!"
Humingi ng paumanhin si Keya kay tanda bago niya ako hilahin papunta sa bayan. She crossed her arms and pouted. Sobrang bigat ng dibdib ko at gusto ko siya yakapin magdamag.
"Tara na sa Vershia Forest, Astra?"
Natigilan ako sa anyaya niya. Ang Vershia Forest. Ang dahilan ng lahat. Nang dahil sa maling desisyon, may isang buhay ang nawala. Dahil sa'kin.
"H-hindi. Wag tayo pupunta d'on," Agad na sabi ko saka siya hinawakan ng mariin sa kanyang braso. Bumaba ang tingin niya sa aking kamay na nakahawak sakanya. Muli siyang tumingin sa'kin.
Natigilan ako dahil nagbago ang ekspresyon na ibinibigay niya. I know Keya for being a jolly and positive person, pero tila ba ibang tao ang kaharap ko. Seryoso ang nanlilisik nitong mga mata na para ba'ng gusto akong patayin.
"Bakit, Astra? Hindi ba't ikaw ang may gusto nito?" Nabitawan ko ang braso niya at napaatras. Her voice became dull and dark. It's not the same anymore.
"Keya..."
"Kaibigan kita, Astra. Pero anong ginawa mo? Hinayaan mo akong makuha niya! Pinabayaan mo ako!" Sigaw nito.
"Hindi...Hindi totoo 'yan," Nanginginig ang boses ko na maaari nang mabasag ano mang oras.
Sarkastiko siyang ngumisi, "Wala 'kang kwentang kaibigan, Astra!"
"Hindi sabi totoo 'yan!" I closed my fist.
"Kung hindi 'yon totoo...maaari ka na 'bang sumama sa'kin?" Inilahad nito ang kamay sa'kin. "Tara na sa Vershia Forest, Astra."
Napatitig lamang ako sa kamay niya. Hindi. Hindi kami pwede bumalik doon.
"Hindi mo ba ako sasamahan, Astra?" Biglang lumambot ang boses nito.
Ang maamong mukha at boses ng kaibigan ko. Gustong-gusto kitang makasama, Keya...pero mali ito. Hindi ikaw ang kaibigan ko.
Pinunasan ko ang tumulong luha sa aking pisngi at tumalikod sakanya. Nagulat ako nang tumama ang noo ko sa isang malapad na katawan ng tao. Napatingala ako at nakita ang seryosong mukha ni Azriel.
B-Bakit? Bakit n'andito siya?
"Azriel..." Mahinang usal ko. Napalingon ako sa aking likuran pero wala na d'on si Keya. Napakagat ako sa aking ibabang labi nang bumigat ang dibdib ko.
Biglang nalusaw ang paligid, at naging isang makulay na hardin kung saan may mga cherry blossoms sa paligid. Ito yung lugar kung saan ako dinala ni Azriel.
"Astra..."
Napatingin ako kay Azriel. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa maaaring mangyari. This is not real. Ilusyon lang 'to, Astra.
"Don't kill me, please."
Kumunot ang noo ko, "Anong---"
Napaatras ako sa gulat nang makitang may hawak na akong baril sa aking kamay at nakatutok ito sa mismong dibdib ni Azriel! Saan galing 'to?!
"Don't kill me, baby...please."
"A-Azriel," My voice broke just by seeing his tears. Ito ang unang beses na makita 'kong lumuluha siya. No Azriel...
Nagulat ako nang idiin niya ang hawak 'kong baril sa kanyang dibdib. Nanginginig ang labi't mata kong tumingin sakanya ng nagtatanong.
"I like you so damn much, baby. And I'm letting you go."
"H-ha?" No. This ain't real. Pero bakit ang sakit? Bakit sobrang bigat sa pakiramdam? Hindi ito yung sinabi niya sa'kin nung araw na 'yon. "B-bawiin mo yung sinabi mo," Gumaragal ang aking boses. Hindi ko man lang namalayan na tumulo ang aking luha. Alam 'kong hindi ito totoo pero, bakit?Bakit ako umiiyak?!
"Go away. Just kill me."
Paulit-ulit akong umiling sakanya, "No. Hindi ako aalis!" No, Astra! Kailangan mong umalis!
"Just fucking go away! Wake up!"
Nanlaki ang mga mata ko at napalayo sakanya. Wake up, Astra!
Nanginginig na itinutok ko sakanya ang baril. Pumikit siya na para bang handa na siya sa gagawin ko. Pero imbis na siya ang patamaan ko, itinutok ko ito sa aking sintido. I shouldn't be here. I shouldn't be crying.
The last thing I heard was a gunshot.
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro