Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 28

Play the video under multimedia

##########

KABANATA 28
It's You

"ITO ASTRA! This looks fun!"

Tinuro ni Jaze ang isang palaruan kung saan may mga lobo. Mukhang kailangan mo itong paputukin sa pamamagitan ng paghagis ng tatlong plastic dart, meaning to say ay hindi masyado matulis ang mga ito kaya naman sa asinta ka babase. Kapag nakaputok ka ng tatlo ay may premyo. The prizes are supplied by Magedell, pero may ilan naman na sariling likha ng mga taga-Astrid.

I heard Azriel's snort beside me. Oo, sa kasamaang palad ay kasama rin siya. I'm really stuck with these two na walang ibang ginawa kun'di ang barahin ang isa't isa. Hindi ko alam kung ano ba ang pinagtatalunan nila pero wala na akong pake d'on.

Hindi ko alam kung bakit sila ang kasama ko. Dapat pala ay sumama nalang ako kina Echo, edi nabusog pa sana ako.

"That's for kids. Even babies can win that," Nakangising ani Azriel. 'Ayan na naman siya sa kanyang pagyayabang.

Nginisian din siya ni Jaze, "Why don't we take a bet, then? Kapag nanalo ako, you'll leave Astra to me."

Gulat akong napatingin kay Jaze. Leave me to you? Hindi ko alam pero biglang nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Ayoko naman lagyan ng ibang meaning ang sinabi niya. Baka gusto lang niya ng kaibigan.

"And why would I agree to that?" Iritableng sagot sakanya ni Azriel. His brows furrowed and his jaw clenched.

"If you win, edi hahanap nalang ako ng ibang kasama. I'll leave you two alone," Aniya Jaze.

Saglit na natigilan si Azriel. Yung kaninang magkasalubong niyang kilay ay bumalik sa dati. Parang biglang lumambot ang itsura niya at napapakurap pa siya.

"T-talaga?"

Napangiwi ako. Bakit naman nauutal pa 'to? H'wag niya sabihing papayag siya?! Oh no, hindi pwede. Hindi mo pwede hamunin ang isang Azriel, dahil kapag natalo mo siya ay habang-buhay ka na niyang isusumpa!

"Ano? Deal?" Si Jaze.

Pumagitna ako sa kanilang dalawa. At bakit silang dalawa lang ang naguusap? Para namang ako 'yung ginawa nilang premyo sa palarong ito!

"Wait, hindi niyo pwede gawin 'to. Gusto ko rin naman maglaro---" Naiwan ang bibig ko sa ere nang ilagay ni Azriel ang palad niya sa mukha ko!

"Sure deal, jerk. Napaka-dali lang naman n'on! It's just so basic!"

Hindi na ako nakapalag. Nalaman ko nalang na nasa isang gilid ako habang nakangangang pinapanood yung dalawang seryosong nakatingin lang sa mga lobo. Ibinigay sakanila nung lalaki ang limang plastic na dart.

Napatampal ako sa aking noo. Jusmiyo. Ayokong isipin na nagpapaligsahan sila para sa'kin. This is...crazy!

"Ready? Go!"

=====

"That thing is fucking fake! Dinaya mo ako!" Inis na sigaw ni Azriel at pinasadahan ng daliri ang buhok.

"Azriel, a bet is a bet. Walang daya d'on," Jaze smirked.

Azriel scoffed, "Kung hindi ka madaya, ako oo!"

I was caught off guard when he grabbed my hand and dragged me! Naiwan roon si Jaze na mukhang nagulat pa.

Maging ako ay hindi inaasahan yung paghila niya. Napabalik ako sa realidad kung kailan ilang metro na ang nalalakad namin!

"H-hoy. Saan mo ako dadalhin? Si Jaze---"

Nakasimangot siyang humarap sa'kin. Nagulat ako nang mahina niyang tinulak ang noo ko!

"Leave that guy, Astra. Masama kutob ko sa kutong lupa na 'yon!" Gigil na aniya habang humahaba pa ang nguso sa kawalan.

Natawa ako. Kutong lupa? Si Jaze? Noong una ay tinawag niya itong jerk, ngayon naman kutong lupa. Seriously, may nangyari bang away habang wala akong malay?

Napawi ang ngiti ko nang ilibot ko nang tingin ang paligid. T-teka...s'an 'to?! Wala na akong nakikitang mga tao dahil nasa isang gubat kami! Isang gubat kung saan mayroong mga cherry blossoms sa paligid. Tanging ang buwan ang nagbibigay ng liwanag.

"Saan mo ako dinala?" Nakangiwing tanong ko sakanya.

Napaamang siya at inilibot ng tingin ang paligid. Kumunot ang noo niya at napakamot sa kanyang batok. Pinagmamasdan ko lamang siya habang ginagawa niya 'yon. Mukhang hindi rin alam ng yelong 'to kung saan kami napadpad!

"Ano? Hindi mo alam?" Tumaas ang kilay ko.

Taas-noo siyang tumingin sa'kin at pumamulsa, "Syempre a-alam ko! I'm not stupid like you."

"Okay. Ituro mo sa'kin ang daan," Iginaya ko ang aking kamay sa harapan. Binigyan ko siya ng nanghahamon na tono. Ang yabang talaga ng yelong 'to, eh naliligaw na nga kami!

"We can still hear the crazy music from here. Hindi pa naman tayo naliligaw."

Napangiwi ako at humalukipkip, "So hinihintay mo pa talaga na maligaw tayo?"

"Yes--NO! Why would I let myself stay with you? Mas gugustuhin ko pa'ng matulog," Natatawang aniya at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.

Napanganga ako at kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang aking inis. "Ayaw mo pala ako kasama, edi sana hindi mo ako hinila!"

"And why not?" Biglang nanliit ang mga mata niya. "Don't tell me gusto mo makasama 'yung Blaze na 'yon?"

Natigilan ako at kumunot ang noo, "Sinong Blaze?"

"Yung kutong lupa!"

Napatitig ako sa naiinis niyang mukha at maya-maya pa ay humagalpak ako ng tawa. Hawak ko pa ang aking t'yan. P-pfft! Blaze amputek hahahah! Lakas maka-kutong lupa, mali-mali naman sa pagbanggit ng pangalan. Kaltukan kita d'yan, eh!

"Engot! Jaze 'yon, hindi Blaze!" Natatawang pagtatama ko.

"Jaze or Blaze, he's still the kutong-lupa," Umismid siya at suminghap sa hangin. "You're backing up the jerk, may gusto ka ba d'on?!" Biglang nanlaki ang mga mata niya na animo'y hindi makapaniwala. Parehong-pareho nc itsura noong sinabi niya ring may gusto ako kay Xynos!

Napangiwi ako. Kahit kailan talaga ay talo pa niya ang mga babae sa pagco-conclude. "For the second time, ayusin mo ang utak mo!"

"May gusto ka nga?!" Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. Mukhang pa siyang nandidiri.

"Wala!" Sigaw ko at ipinagkiskis ang ngipin sa inis. Kung makapag-react siya, daig pa niya ang isang over-protective na tatay.

"Wala ka talagang taste!" Sigaw pa niya.

Hindi na ako makapaniwala sa sinasabi niya. Pumameywang ako at sumimangot, "Sinabi ko nang wala, diba? Wala! Lahat nalang binibigyan mo ng meaning. Yung una kay Xynos, ngayon naman kay Jaze! Sino sunod, si Cadell?!"

Natigilan siya. Yung kaninang nagsusungit ay biglang umamo ang mukha. Biglang kumurba ang kanyang labi na mukhang pinipigilan pa niyang ngumiti.

"Nag-away ba kayo ni Jaze habang wala akong malay?" Taas-kilay na tanong ko. Magmula nung nangyari sa'min aa Lost Armies, hindi na nila pinaliwanag ang lahat.

Hindi niya ako sinagot at nagkibit-balikat lang. Napabuntong-hininga ako.

"Eh, si...King?" Tanong ko. Napansin ko ang bigla niyang pagtigil at sunod-sunod na paglunok. Ang huling natatandaan ko lamang ay ang nilamon siya ng apoy. "Nasunog ang katawan niya, diba? Gawa nung...kwintas mo?"

Dahan-dahan siyang tumango at pumalabi, "You were so angry that time. Hindi namin makuha atensyon mo," Saglit siyang natawa na halatang pilit.

Hindi ako nakapagsalita. Nananatiling nakatitig ang walang kamuwang-muwang 'kong mga mata sakanya.

Suminghap siya sa hangin at tumingin sa ibang direksyon, "Sino si...Elix? Binanggit mo ang pangalan niya kahapon."

"Anong ibig mong sabihin---" Before I could finish my words, scenes continuously flashed into my mind.

"Die..."

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. I can't control myself. King was being devour by fire, at sa tingin ko ay kagagawan 'yon ng kwintas ni Azriel.

Muling pumatak ang butil ng luha ko nang hawakan ko ang isang pirasong krystal. Batid 'kong walang mababakas na emosyon sa aking mga mata. Gustuhin ko mang tumayo at lumabas, hindi ko magawa.

"Astra!" Biglang pumasok si Echo. Kasunod niya ang mga Elementalists.

"What the hell?!" Bulalas ni Paige.

Napaangat ako ng tingin ng hawakan ni Azriel ang mukha ko ng may nagaalalang mga mata. Napatingin siya sa hawak 'kong krystal bago ulit sa'kin.

"Astra...what did you do?" Mahina ang boses ni Azriel. Parang hangin na nga lang nang ibigkas niya 'yon.

Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal ang pagtitig ko sakanya ay siyang nakakalimutan ko ang pangalan niya.

Nakalimutan ko ang pangalan ng lalaking nasa harapan ko at napalitan ito ng iba. Mas lalong umagos ang luhang rumaragasa sa aking mga mata.

"Elix..."

Doon ay pumasok si Jaze at binuhat ako.

Hanggang doon na lamang ang naalala ko. Natulala ako at napatitig kay Azriel.

Elix? Sino si Elix? Maging ako ay hindi kilala ang pangalan na iyon. Bakit ko nakalimutan si Azriel at yung Elix ang naalala ko?

"You don't have to answer," Muling bigkas niya. Ngayon ay nakatingin na ang mga mata niya sa'kin. "Let's dance?" Inilahad niya ang kanyang kamay.

Ngayon ko lamang napansin na napalitan ng mabagal na kanta yung kaninang pang-sayawan. Nagaalinalangan pa akong tanggapin ang kamay niya pero siya na mismo ang kumuha ng kamay ko.

Nagulat ako ng hapitin niya ng bewang ko papalapit sakanya, bago inilagay ang magkabila 'kong kamay sa kanyang leeg.

Nagsimula siyang igalaw ang kanyang mga paa na sinundan ko.

"You don't wanna waste the opportunity. Isang malaking karangalan ang mahawakan ang isang tulad ko," Aniya na ikinanganga ko.

Napangisi ako sa ka-yabangan niya. Mukhang hindi na mawawala ang tatak na 'yon ni Azriel.

"Oo, ang isang taga-Vershia na tulad ko ay hindi nababagay sa isang taga-Ezea," Sabi ko nang may halong pait.

Kada maaalala ko na naiiba ang estado ko sakanila, hindi ko maiwasang hindi malungkot. Matatapos rin ang misyon na ito at hindi ko na silang muling makikita pa...

"Bakit? May gusto ka ba sa'kin?" Nakangising tanong niya.

Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Bigla ko ulit naramdman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. May gusto ba ako kay Azriel?

Napabalik ako nang marinig ang halakhak niya. "Kung may gusto ka sa'kin, then I must say na may taste ka na."

Napataas ang kilay ko, "Ang yabang mo! Wala akong gusto sa'yo," Napaiwas ako ng tingin. Iba ang sinasabi ng paghaharumentado ng puso ko sa inilabas ng bibig ko.

Biglang nawala yung kanta. Napatigil kami.

"Wala na yung kanta oh," Sabi ko at akmang tatanggalin ko ang mga kamay ko na nakapulupot sa kanyang leeg, pero mas diniinan niya ng paghapit sa aking bewang. Pakiramdam ko ay nanigas ako sa ginawa niya.

"The music...is my voice."

Kumunot ang noo ko at binigyan siya ng nagtatakang tingin, "Ha?"

"Just stay still. I'll sing for you," Serysoo lamang ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay napako ang mga mata ko sa mga mata niya.

"Azriel---" Natigilan ako ng nagsimula na naman siyang gumalaw, at sa pagkakataong ito, kumakanta siya. I can now hear Azriel's angelic voice. Ito ang unang beses na marinig ko siyang kumanta.

"🎶 Baby I'm falling...head over heals. Looking for ways to let you know just how I feel...🎶"

Hindi ko akalain na ang nakasanayan 'kong malamig niyang boses ay mapapalitan ng isang malumanay at puno ng emosyon.

Hindi ko maipaliwang ang nararamdaman ko sa unang liriko.

"🎶 I wish I was holding...you by my side. I wouldn't change a thing 'cause finally it's real...🎶"

Maganda ang boses ni Azriel. Every girls heart would probably melt just by hearing his voice. Hindi ko itatanggi na bumibilis ang tibok ng puso ko.

Ayoko bigyan ng kahulugan ang kinakanta niya. It's just a song..

"I'll sing for you..."

"🎶 I'm tryna hold back, you outta know that. You're the one that's on my mind...🎶"

Umakyat ang buwan sa likuran niya at kitang-kita ko ang perpektong hugis nito na sinabayan ng magandang liwanag. Mas pinaklaro nito ang mukha ni Azriel.

Natigilan ako nang makitang nag-iba ng kulay ang brown niyang mga mata. Ito yung matagal ko nang napapansin. Ang kulay asul niyang mga mata na tila ba krystal kung kuminang.

"🎶Falling too fast, deeply in love. Finding the magic in the colors..of you..🎶"

"Azriel..." Sabi ko, halos bulong na. Hindi niya ako pinansin at nagtuloy lamang siya.

"🎶 You're the right time...at the right moment. You're the sunlight, keeps my heart going..🎶"

His laser-blue eyes lasted. Hindi katulad nung dati na segundo lamang ang tinatagal. I was amazed and fantasize to the color of his eyes. Pakiramdam ko ay gumaan ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko ay matagal ko nang nakita ang mga matang 'yon.

"🎶 Know when I'm with you...I can't keep myself from falling..🎶"

As the moon pass by, I was struck by its light. It felt like my world stopped. Iyong mga dahon na bumababa ay para ba'ng tumigil at siya lang ang nakikita ko. Siya lang ang naririnig ko.

Tumigil ang oras ngunit ang pintig ng puso ko ay nagpapatuloy.

"🎶 Right time, at the right moment...it's you..🎶"

Tumigil siya sa pagkanta at ngumiti. Napakurap ako at tila ba bumalik sa realidad. Tapos na yung kanta pero yung puso ko ay hindi pa'rin mapakali.

"Ano..." Bigkas ko sa kawalan.

Natawa siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Napatalon ako sa gulat at parang na-kuryente sa ginawa niya.

Hindi ako makapagsalita nang idikit niya ang kanyang noo sa noo ko. His face is just inches close to mine and I can feel and hear his warm breath.

"I'll say this once..."

Napalunok ako at hinintay ang sunodd niyang sasabihin. He's looking straight into my eyes. Ang asul niyang mga mata. How can I utter a word with this kind of scenario?

"Astra...I..." Pumikit siya habang hawak pa rin ang mga pisngi ko.

Ano ginagawa niya? Ano sasabihin niya? Ano? Ano? Lintek, kinakabahan ako! Hindi ako sanay sa ganito. He's Azriel...he's Azriel for pete's sake!

Huminga siya ng malalim na parang nahihirapan sa susunod niyang sasabihin.

"Baby...I'm falling. Head over heals," Ibinigkas niya na isang normal na salita ang kaninang kinanta.

Pakiramdam ko ay tumigil ang puso ko at mukhang sasabog na siya! Azriel, ano ba'ng sinasabi mo? Damn it, this is awkward!

Nagmulat siya ng mga mata. Nanginginig itong nakatingin sa'kin. I can see sincerity and passion in it. His laser blue eyes...it brings great impact to my system.

"I like you...so damn much. And it's all that matters, baby."

*****

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro