Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27

Late update guys, nagloko po kasi yung wattpad huhuhu akala ko talaga na-delete na yung story ko dT—Tb

##########

KABANATA 27
The Lost City

SABI NI Jaze, ang Lost City ay isang bayan na hindi naman talaga actually nawawala. Mas tago lamang ito sa Azmar dahil malapit na ito sa sentro ng desyerto. Halo-halo raw ang mga users na nandito at wala silang balak na makisama sa agwat na mayroon ang mga kaharian laban sa Alkirvia.

Gaya ng normal na bayan ay mayroon ding mga mayayaman at mahihirap dito. Ang Magedell ay para sa mga mayayaman, at nagtayo rin sila ng sarili nilang school. Kumpara naman sa Ezea High, dito sa Magedell ay may pagkakataon naman makapag-aral ang mga mahihirap sa pamamagitan ng entrance exam.

Ang distrikto daw ng Astrid ang pinakamalapit sakanila. Sila yung mga taong kagaya naming mga Vershiatist na mahihirap lamang. Hindi ako makapaniwala sa isiping mayroong mga dugong Ezean ang nakararanas ng buhay Vershiatist sa loob ng Astrid.

Ipinaliwanag din sa'min na ang nakahuli sa'min ay ang Lost Armies. Dating mga taga-Astrid na nagrebelde dahil hindi sila nakapasok at nakapasa nang entrance exam sa Magedell.

Hindi lang naman daw talaga ang Lost Armies ang mahigpit na kalaban nila. Kumbaga sa pagkain, side dish lamang ito. Hindi na nila binanggit kung sino yung kalaban nila. As of now, they're living at peace.

Kausap namin ngayon si Jin. Sinabi namin sakanya ang pakay namin pero mukhang nagaalinlangan pa ito kung pagbibigyan kami.

"Ilang taon na ang nakalipas mula sa panahon ng Great Amarine. Mahihirapan tayo pasukin ang mundo nila," Aniya Jin sa inaantok na tono.

Bumagsak ang mga balikat ko at napasinghap sa hangin.

Si Cadell ang kumausap sa bata, "Baka naman magagawan 'yan ng paraan?"

"Hindi ko po alam. Hindi pa ako nakakapunta mula sa nakaraan at kailanman hindi ko pinakielaman ito maging ang mangyayari sa hinaharap," Sagot nito. "Pero kung mapilit kayo, apat lamang ang maaari 'kong dalhin sa panahon na iyon kung kakayanin ko."

Tila ba nabuhayan kami ng pagasa sa sunod nitong sinabi. Okay na 'to dahil kailangan lang naman namin makuha ang susi na sinasabi ni Lola Miranda.

"Ako. Ako ang isa sa sasama," Prisinta ko habang nakataas ang isang kamay.

"Si Echo, Ako, Astra at Cadell na lang ang pupunta sa panahon ng Great Amarine," Sabi ni Azriel at hinarap kami. "The rest will stay. Fauna and Paige, you're assigned to make some plans bago kami makabalik. Also, gather some informations to the Alkirvias here."

=====

UMALIS SILA Fauna, Paige, at Dara at sinamahan sila ni Jaze upang gawin ang inuutos ni Azriel. Gusto pa sumama sa'min ni Dara pero wala rin siyang nagawa. Nasa malawak na open field kami ng Magedell at dito isinasagawa ni Jin ang pagbukas ng portal patungo sa panahon ng Great Amarine. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Normal na siguro 'to dahil malamang kung delikado dito sa kasalukuyan, paniguradong mas delikado sa nakaraan.

"Echo! Knock Knock!" Banat pa muna ni Cadell habang hinihintay ang pagbukas ng portal.

Tumaas ang kilay ni Echo habang nakatingin sa binata, "Who's there?"

"Panget," Nakangising ani Cadell.

"Panget who?"

"Sino pa ba edi--IKAW! BWAHAH--aray!" Binatukan siya ni Echo.

"Bwiset ka!" Singhal ng dalaga.

Napangiti ako at napasulyap kay Azriel na seryosong hinihintay ang pagbukas ng portal. Sa sobrang tahimik niya minsan, nakakalimutan na naming kasama pa namin siya.

Kahit nakatagilid ay kapansin-pansin pa'rin ang pasa nito sa kanang mata at sugat sa gilid ng kanyang labi. Dinukot ko ang bandaid sa aking bulsa at lumapit sakanya.

"Lumapit ka," Agad na sabi ko.

Kumunot ang noo niya at tinaasan ako ng kilay. Nagtataka siguro siya kung anong ginagawa ko sa harapan niya.

"Inuutusan mo ba ako?" Mariing bulong niya. Tsh, kahit kailan parang inaatake siya lagi ng highblood.

Napairap ako at hinawakan ang mukha niya papalapit sa'kin. Mukha pa siyang nagulat sa ginawa ko at umastang lalayo pero sinamaan ko siya ng tingin.

Susunod rin pala, pabebe pa.

Ramdam ko ang paninigas niya ng ilagay ko ang band aid sa sugat niya sa gilid ng labi. Ngumiti ako pagkatapos at tiningnan si Azriel na natulala pa 'ata.

Kumurap siya ilang beses at umatras ng isang hakbang, "S-stupid! Sana ginamit mo nalang yung healing mo!"

Natawa ako dahil nauutal pa siya at iniiwas ang tingin sa'kin. Ngumisi ako nang mapansin ang pamumula ng mga tenga niya.

"Gan'yan din ang ginawa mo sa'kin," Sabi ko ng nakangisi.

"A-Anong ginawa?!"

Nagulat siya at napalayo ng ituro ko ang gilid ng labi niya na may band aid. Hinawi niya pa yung daliri ko na ikinatawa ko.

"Wag mo nga akong hawakan!" He rolled his eyes to me. Napanganga ako. Baklang tunay! Teka, bakit nga ulit nagsusungit 'to?

"Hoy, ano 'yan ah!" Biglang lumapit sa'min si Cadell at sa likod niya ay si Echo. Tumawa si Cadell at tinuro ang mukha ni Azriel. "What the fuck, bro? Your ears are red! Kinikilig ka ba?"

Inis siyang binalingan ng tingin ni Azriel, "What? Kanino at bakit naman ako k-kikiligin?!"

Humagalpak ng tawa si Cadell, "Sa'kin! Kinikilig ka sa'kin, bro! You're even stutt---aray!"

Binatukan siya ni Azriel. Kawawang Cadell. That would be strike two.

"I'm not gay you asshole!"

"Hay nako, tsonggo! May gusto ka ba kay boss?!" Pumameywang si Echo sa tabi ko.

Mas lalong natawa si Cadell at tumango pa, "Yes, I like you."

Natigilan si Echo. Maging ako ay nagulat sa sinabi ni Cadell dahil kay Echo siya nakaharap.

Sasagot sana si Echo nang biglang tumingin sa iba si Cadell. Tumingin ito kay Azriel na nakabusangot ang mukha at nakanguso.

"I like you boss! With feelings!"

Azriel glared at him, "Pumapatay ako ng bakla, Cadell."

Hindi na sila muling nagsalita dahil natuon ulit ang atensyon namin kay Jin nang magawa na niyang buksan ang portal.

Di tulad ng kay Lola Miranda ay mas malaki ang nagawang portal ni Jin. Kulay violet ito na hinaluan ng itim.

"Hindi ko masisiguradong perpekto ang kalalabasan nito. This is my first time doing this at hindi ko alam kung anong klaseng enerhiya ang mukhang mas nagpalakas sa portal na ginawa ko," Ani Jin.

"Let's consume time. Let's go," Si Azriel.

Pagpasok namin sa portal ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa'min, hanggang sa unti-unti itong nawawala at naging klaro na ang lahat.

Bumungad sa'min ang mga nagkukumpulang tao sa daan na mukhang may inaabangan. Mainit ang sinag ng araw at batid 'kong isang bayan ang binagsakan namin.

"Tara! Hindi tayo pwede magtagal dito. Hanapin niyo na ang kailangan hanapin," Dinig 'kong sabi ni Jin.

"Saan natin hahanapin ang susi na 'yun?" Tanong ni Echo.

Mukhang lahat kami ay natauhan. Di nga pala namin alam kung nasaan ang susi! Oo nasa panahon ito ng Great Amarine, 'yun lamang ang sinabi sa'min ni Lola Miranda at wala ng iba! Wala siyang eksaktong sinabi kung saan ito maaaring makuha.

"May paparating," dinig 'kong sabi ni Cadell.

Dumami nang dumami ang mga taong nagkukumpulan to the point na nabubunggo na nila kami. Nadadala ako ng mga tao at mukhang nahihiwalay pa 'ata ako sa mga kasamahan ko!

"Astra!" Sigaw 'yon ni Azriel. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko kaso may bumunggo sa'kin at mas lalong napalayo sakanila!

Hindi naman ako makagalaw at makapaglakad dahil literal na nagtutulakan ang mga tao dito. Nadadala nila ako, lintek!

Muntikan pa sumubsob ang mukha ko sa lupa, buti na lang at mabilis 'kong naitungkod ang mga palad ko dito.

Puro papuri ang mga naririnig ko sa mga tao. Tatayo na sana ako at babalik sa mga kasamahan ko ng may isang babaeng matanda ang pilit na pinapaluhod ako. What the hell?

"San ka pupunta, hija? Magbigay galang ka sa Mahal na Prinsipe. Parating na siya. Lumuhod ka!"

Nagulat ako sa sinigaw nito. Lumuhod ako?! Pero hinihintay na ako ng mga kaibigan ko! Teka, nasaan ba sila Echo? Nakaluhod ang mga tao dito at nagbigay sila ng isang malawak na espasyo sa gitna. Hindi ko man lang sila mahanap dahil nakaluhod ako!

"Pero---"

"And'yan na ang Mahal na Prinsipe! Magsiluhod kayo at magbigay galang!" Sigaw ng isang lalaki sa gitna. Base sa suot niya ay isa siya sa nakatataas na kawal.

Mukhang isang maharlika ang paparating, pero wala akong pake. Kailangan ko mahanap sila Echo dahil kung hindi ay baka maipit pa ako sa panahong ito!

Tumayo ako at akmang aalis ng may isang kawal ang nagtutok sa'kin ng espada. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Lumuhod ka at magbigay galang sa Mahal na Prinsipe!" Sigaw nito sa'kin. Wala akong nagawa kun'di ang lumuhod. Baka saksakin ako. Mahirap na.

Napatingin ako sa mga kabayong mabagal na tumatakbo sakay ang mga armadong lalaki. Sa pinakadulo ay natanaw ko ang isang magarang karwahe na sakay ang walang emosyon na mukha ng isang binatang lalaki.

Kumunot ang noo ko at pinagmasdan
ang mukha ng binata. Halos lumuwa na ang puso ko sa labis na pagtambol nito. Imposible itong nakikita ko.

Di ko na namalayan na unti-unti na pala akong tumatayo at lumalapit sa kinaroroonan ng lalaki. Para akong wala sa sarili. Anong ginagawa ko?! Pinapahamak ko lang ang sarili ko!

Nalaman ko nalang na nasa gilid na ako nito. Napasinghap ang mga tao at nagsimulang magbulungan. Napatingin sa'kin ang lalaki.

At doon, mas lalong hindi napakali ang tibok ng puso ko. Imposible ito. Imposible talaga!

"Lapastangang babae! Anong karapatan mo para lapitan ang Prinsipe?! Magbigay-galang ka!" Sinigawan na naman ako ng lalaki pero para ba'ng nabingi ako at walang narinig sa sinabi niya.

Nasa harapan ako ng Prinsipe na mukhang nagtataka sa kung ano ang ginagawa ko. Ano nga ba ang ginagawa ko? Sa pagkakaalam ko ay nandito kami para kunin 'yung susi!

Pero...hindi ako maaaring magkamali. Ang lalaking ito. Siya si...

"A---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil may isang babae ang humila sa'kin paalis d'on. Si Echo pala.

"Nakuha na namin ang susi. Tara na!" Sabi nito sa'kin na nagpabalik sa ulirat ko.

"Hulihin ang mga lapastangan na iyon!"

Nagulat ako nang habulin kami ng mga kawal kaya napatakbo kami.

"Troublemaker!" Singhal sa'kin ni Azriel.

"Bilis!" Nagmamadali na ani Jin.

Bago ako pumasok sa portal ay napalingon ako sa lalaki sa huling pagkakataon. Nakatingin ito sa'kin at bahagyang ngumiti. Naramdman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Bilisan mo!"

Nagulat nalang ako ng itulak ako ni Azriel papasok!

=====

HINDI MAPAKALI sina Fauna at Paige ng maabutan namin sila sa Captain's Lounge. Napatingin sila sa'min ng mapansin ang aming presensya at mabilis na lumapit.

"Ang tagal niyo, ah!" Sabi ni Fauna.

"Ha?" Natawa si Echo. "Anong matagal eh para ngang wala pa'ng isang oras nang makuha namin ang susi!"

Oo nga, nakuha na nila ang susi. Hindi ko pa naitatanong sakanila kung paano nila nakuha 'yon dahil masyado pa akong lutang. Inaasahan ko kasi na matatagalan kami sa paghahanap sa susi na 'yon.

"Limang oras kayo nan'don. You gotta be sure that's the right key," Nakahalukikip na singit ni Paige.

"Seriously? Limang oras? Parang wala pa ngang thirty-minutes, eh!" Natatawang ani Cadell.

"Mabilis talaga ang oras kapag nasa loob kayo ng portal," Singit ni Jin bago humikab.

"Anyways, sure na kami dito. Nagulat nga kami nang ibigay ito ng isang Alkirvia eh, pfft.." Napatakip sa bibig si Echo.

"Ibinigay sainyo?" Kumunot ang noo ko. Paano nangyari 'yon?

Azriel shrugged, "He gave it to us kahit di naman namin siya kinakausap. He's the one who approached us...." Biglang natulala si Azriel na para ba'ng may naalala.

"That's weird. Parang ine-expect niya ang pagdating niyo," Ani Fauna at bumuntong-hininga.

"Teka, nasaan si Witch?" Tanong ni Echo.

"Nasa Astrid siya kasama ni Jaze. Tumutulong siya sa pag-aayos para daw sa fiesta na magaganap mamaya," Sagot ni Fauna at humarap kay Azriel. "Oo nga pala boss, our communicator voice is broken. Halos lahat. Mukhang hindi na natin magagamit."

Lahat kami ay nagulat sa sinabi nito. Kaya pala hindi sila mapakali kanina ay dahil sira ang ibinigay na Communicator Voice sa'min ni Sir. Etienne.

Napaayos ng tayo si Azriel at nanliit ang mga mata, "What? How did that happened?"

"Probably because of that stupid Lost Armies," Naiiritang sabi ni Paige habang nakangiwi.

"Sorry to disturb you but my Kuya called me at pinapapunta nila kayo sa Astrid ngayon," Sabat nang inaantok na si Jin. "Hindi ko na kayo sasamahan. Makikita niyo naman yung daan patungo roon."

=====

MADILIM NA nang lumabas kami ng Magedell. Kagaya lamang ng isang normal na bayan ang bayan ng Astrid. Hindi naman na ako naninibago dahil hindi nalalayo ang itsura nito sa bayan ng Vershia. Nga lang ay nagkaroon ng mga palamuti sa paligid at mayroong mga stalls na nagtitinda at mga palaro.

"Our Communictor Voice is broken pero mamaya susubukan 'kong gamitin ang hangin upang sabihin 'yon kay Sir. Etienne," Sabi ni Cadell sa gitna ng aming paglalakad.

"Buti naman naisipan mo 'yon!" Asik ni Echo. Nginiwian siya ni Cadell.

"Tss, why are we even here?" Pigil ang inis na sabi ni Azriel. Napangiwi ako dahil sa isiping baka hindi niya gusto ang awra sa isang bayan.

Mayaman sila. Di na ako magtataka.

"Kailangan natin hanapin si Jaze," Sabi ni Fauna at nililibot ang tingin.

Sakto ay nakita namin si Dara. Busy siya sa paggamit ng kanyang staff upang mas gumanda ang paligid, pero napatigil siya sa kanyang ginagawa nang makita kami at agad na tumakbo papunta sa'min.

"Hoy witch! Ano meron?" Tanong ni Echo.

Inirapan siya ni Dara, "Duh? Hindi ba halata? Edi may party ulit tayo!" Itinaas nito ang dalawang kamay na animo'y natutuwa.

"Party?" Natawa si Paige. "Hoy bubwit. We're on an urgent mission. We can't do parties right now."

Azriel snorted, "Paige's right. We're just going to waste our time---"

"And'yan na pala kayo!" Biglang may nagsalita sa likuran namin. Sabay kaming napalingon at nakita ang nakangiting mukha ni Jaze. "Mayroong sayawan na nagaganap sa kabilang dako. Doon tayo!"

Tumaas ang kilay ni Azriel at napangisi, "Say what? Just to inform you that we are not here to roll our heads like crazy and enjoy---"

"Sure! Sasama kami!" Pagputol ko sa sinasabi ni Azriel. Nakakahiya naman kina Jaze kung tatanggi kami lalo pa't tinulungan nila kami na makuha ang susi.

Ramdam ko ang masamang titig sa'kin ni Azriel na ipinagsawalang bahala ko nalang.

"That's great! Asan ang mga pagkain dito?" Naglalaway na singit ni Cadell. Inismiran siya nina Echo at Dara.

Nagsimula naming tahakin ang lugar kung saan ginaganap ang sayawan na sinasabi ni Jaze. Hindi namin maiwasang hindi mapalingon sa mga nakakatuwang palaro na nadadaanan namin.

Walang ganito sa Vershia. Walang kasiyahan na kagaya nito. At kung meron man, sa Ezea at Lifarshia lang 'yon. Sila lang ang nakakaranas nang kasiyahan.

"If you don't mind, hindi naman siguro kami kilala ng mga tao dito, right?" Asked Fauna.

Elementalists are surely famous that even a lost people know them. Halata naman dahil sa Magedell palang ay naging matunog na ang kanilang pangalan. Of course, I'm not included. Si Dara oo dahil sa kakaiba nitong anyo at ka-cute-an.

Jaze smiled, "Don't worry. Sa Magedell lang kalat na naririto ang Elementalists," Tumigil kami sa paglalakad. "Here we are."

Lahat kami ay napatingin sa harapan. Parang isang open party ang kinalabasan nito. Mayroong mga lamesa na gawa sa kahoy at maraming pagkain. Masaya ang tugtog kung kaya't ang mga tao ay masaya ring mga nagsasayaw sa gitna.

"Mga pagkain!" Sigaw ni Cadell at tumakbo papunta sa lamesa na puno ng mga pagkain.

"Hoy tsonggo hintayin mo kami!" Sumunod sakanya si Echo at Dara.

"If you don't feel like dancing, pwede kayo sumali sa mga palaro," Nakangiting ani Jaze at tumingin sa'kin. "Ikaw ba, Astra? Gusto mo ba maglaro?"

Napatingin ako sakanya. Maglaro? Mukhang masaya yung mga palaro na nakikita ko kanina. Halatang sabik ang sistema ko na subukan ang mga 'yon.

Kaya naman ay nakangiti akong tumango kay Jaze, "Oo."

"Tara, sasamahan kita---"

"No member of mine leaves my sight. If you want to play those crappy games then play by yourself," Bakas ang inis sa boses ni Azriel nang sumabay ito at hinila ang braso ko sa tabi niya. Nagulat ako sa ginawa nito.

"Woah, boss! You're acting jealous," Natatawang singit ni Fauna

Natigilan ako. Jealous? Nagseselos si Azriel? Pfft. Parang gusto kong matawa sa sinabi niya. Imposible! Sadyang malakas lang talaga ang loob ng yelong 'to!

Azriel frowned, "I'm not! Kahit maghalikan pa sila, I won't care!" He hissed.

My jaw dropped. Sinabi ba niyang...lintek, pakiramdam ko ay napunta ang lahat ng dugo ko sa aking mukha!

"Anong sabi mo?" Nanliit ang mga mata ko. I felt insulted! Para namang sinasabi niyang isa akong easy-to-get na babae na magpapahalik nalang kung kani-kanino!

"If that's the case, then let her join my company," Jaze flashed a grin on his lips.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Azriel at Jaze na nagtatagisan na ang mga tingin. Jaze is wearing his playful smirk while Azriel's face is...what the hell is wrong with him? Para bang ang dilim-dilim ng awra niya.

Naramdman ko ang paghigpit ng kapit niya sa braso ko.

"This is boring. I'm out of here," Biglang sabi ni Paige bago kami iniwan dito.

Fauna stiffened and faked a laugh, "Parang...parang gusto 'kong sumayaw. Hehe," At doon, parang kidlat siyang biglang nawala sa paningin ko.

Napalunok ako.

I'm now stuck with these guys!

*****

Don't forget to leave a VOTE and a CONMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro