Kabanata 26
##########
KABANATA 26
Magedell Academy
HINDI KO alam kung paano nagawang tanggalin ni Azriel ang pwersang nakatali sakanya. Nalaman ko nalang na tumalsik si King at tumama sa isang makapal na pader. 'Yun na ata ang specialty ni Azriel, ang payelohin ang kamao niya at patulugin ang isang tao.
"That is easy!" Tumawa si Cadell na ikinapagtaka ko. Halos malaglag ang panga ko nang makitang nakatayo na sila ng malaya. Napatingin ako sa sarili 'kong pulso at nand'on pa rin naman ang pwersa sa'kin!
"Fauna, okay ka lang?" Natatawang tanong ni Echo. Sinapak siya ng mahina ni Fauna.
"Syempre, hindi! Nagtanong ka pa talaga!" Pagtataray nito.
"Buti nalang napaniwala natin sila, ano?" Tuwang-tuwa na singit ni Dara. Nakipag-apir sakanya si Cadell.
"After all, your telepathy is useful," Kibit-balikat naman na ani Paige.
WHAT? Gumawa sila ng plano ng hindi ako sinasali?! Hindi makapaniwala ang mukha ko sa nangyayari! Ginawa nila akong pain! Humanda sila sa'kin mamaya kapag nakaalis kami dito!
Lumapit sa'kin si Azriel. Gumawa siya ng ice sword at hindi man lang ako na-alarma ng bigla niya itong iwinasiwas at pinutol ang pwersang nakapalibot sa'kin.
Pakiramdam ko ay namula pa ako sa pagkabigla.
Bigla niyang hinawakan ang mukha ko, "You're not okay."
Biglang sumibol ang inis sa dibdib ko. Kung hindi ko magagawang puntiryahin si King, siya nalang dahil pinagalala niya ako!
"Magtaka ka kung okay ako?!" Inis na sigaw ko. Nakita 'kong napatingin sa'kin sina Echo.
He just chuckled and faced our friends. Biglang sumeryoso ang mukha niya, "Kill all of them."
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Hindi naman siya mukhang nagbibiro, pero hindi maaari yung inuutos niya!
"I'm dead serious," Dagdag niya nang mapansin ang pagtutol sa mga mukha namin. "Villains don't belong to this world. I don't allow anyone to live after hurting my..." Bigla siyang napatigil at napasulyap sa'kin. Hindi na niya itinuloy ang sinasabi at nanguna na sa pag-labas.
Naramdaman ko ang mahinang tapik ni Cadell sa balikat ko, "He's furiously angry, Astra. No one can stop him if he's like that."
"The beast has awaken!" Natatawang sabi ni Echo at makahulugang tumingin sa'kin.
"Hindi tayo pwede pumatay maliban sa isang Alkirvia, Echo," Sabi ko sakanya nang may nag-aalalang mukha. Ngumiti siya at inakabayan ako. Hindi ko akalain na wala akong nababakas na takot o panghihinayang man lang sa mukha niya.
"Hindi kami inosente, Astra. We kill when that person tries to block our way," She heave a sigh. "Nature na namin sundin si Azriel. He already killed Numeda."
Napahinto ako. Pinatay ni Azriel si Numeda? Bakit hindi ko alam 'yon?
Magkasabay sila ni Fauna at Dara na lumabas. Mukha namang maayos si Fauna pero nand'on pa'rin ang pagkainis sa kanyang mata. Napalingon ako nang maramdaman 'kong may nakatitig sa'kin.
Si Paige pala. Seryoso ang mukha niya nang lapitan niya ang nakahandusay at walang malay na si King.
"Kung ako sa'yo, I'll choose to stay here inside kaysa makita ang nangyayari sa labas," Aniya at sinipa ang mukha ni King. Hindi ko alam kung trip lang ba niya 'yon o sinusubukan niyang gisingin si King na mukhang imposible.
"Anong ibig 'mong sabihin?" Tanong ko. Humarap siya sa'kin at humalukipkip.
"Dahil hindi mo magugustuhan ang mga makikita mo," Huling salita niya bago siya lumabas sa kwartong ito. Natatakot ako na baka sa paglabas ko ay mangyari ang sinabi ni Paige.
Kilala ang Ezeans bilang isang pinakamalakas na mga users. Tinuruan ang apat na Kaharian na hindi kami maaaring pumatay maliban sa isang Alkirvia o hayop na masama. Hindi ko gugustuhin na makita sila Echo na kumitil ng buhay ng isang tao...
Pero, nasa isang misyon kami kung saan buhay na namin ang nakataya. It's either you'll kill...or they'll kill you.
Napakagat ako sa labi at muntikan pa'ng matumba nang maramdaman ko ang labis na kirot sa aking likod nang sinubukan 'kong maglakad. Hindi ko man lang namalayan na nakalabas na pala ako ng kwartong iyon.
"Cadell, sa likod!" Dinig 'kong sigaw ni Echo kay Cadell.
Ito yung mga lalaking nakamaskara ang mukha. Tanging si King lang ang walang maskara.
Nakita 'kong yumuko si Cadell upang iwasan ang pag-atake ng kalaban. Paharap niya itong siniko at sinipa sa mukha. Nagpalabas siya ng air wind at hinagis ang lalaki. Nagulat ako ng tumusok ito sa isang matulis na kahoy at biglang naglaho. Bigla akong napatakip sa aking bibig.
Sunod ko namang nakita si Echo. Itinaas niya ang kanyang kamay at nagkaroon bigla ng mga ugat sa lapag at pumalibot sa leeg ng mga kalaban. Napaiwas ako ng tingin ng inikot niya ang leeg ng mga ito.
Nahagip ng tingin ko si Fauna na pinalilibutan ng apoy ang apat na kalaban na nakapalibot sakanya. Walang kahirap-hirap na sunod-sunod niya itong pinagsusuntok hanggang sa tumaob ang mga ito na sunog na, pero gaya ng kanina ay naglaho ang mga ito.
"Clone."
Napatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita. Isang lalaki na hindi ko kilala. Walang takip ang mukha nito di gaya ng iba. Bahagya pa akong napalayo sakanya at hinugot ang dagger sa gilid ko.
"Don't worry, hindi ako kalaban," He chuckled. Sinenyasan niya ako at napatingin naman ako sa tinutukoy niya.
Ngayon ko lamang napansin na hindi lang ang Elementalists ang narito. May iba 'pang mga users ang nakikipaglaban. Kung gan'on, sila ang dahilan ng pagkakaroon ng gulo sa labas. Pero, paano nila nalaman na nandito kami?
"Your friends are witty. Tinawag nila kami gamit ang hangin," Aniya kahit hindi pa man ako nagtatanong. I don't think he can read minds.
Naalala ko bigla yung pagkakaroon ng malakas na hangin kanina na ginawa ni Cadell. Kung gan'on ay nagpadala siya ng mensahe gamit ang air whisper.
Hindi talaga nila ako sinama sa kanilang plano. Tsk, bakit parang nagtatampo ako?
"Sino kayo?" Tanong ko sakanya.
Ngumiti siya at tumingala, "Nasa Lost City kayo. Sa kasamaang palad, nakita kayo ng mga Lost Armies, ang isa sa kalaban ng mga Lost Mages sa Magedell."
Ha? Teka, nawindang yata ako d'on. Lost City, Lost Armies, Lost Mages---Lintek, pati utak ko nawala na! Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya!
Natawa siya ng mapansin ang reaksyon sa mukha ko, "Alam 'kong maguguluhan ka kaya mamaya nalang namin ipapaliwanag sainyo. By the way, the name is Jaze," Matapos n'on ay umalis na siya at nagsimulang makipaglaban.
Pakiramdam ko ay wala akong kwenta dahil hindi ko man lang magawang tumulong. Lintek kasi yung paghampas sa'kin nung King na 'yon!
Inis 'kong nilingon ang katawan ni King at halos lumuwa ang mga mata ko ng makitang wala siya d'on! Pumasok ako sa loob ng kwarto at hinanap siya. Maliit lamang ito at walang ibang lagusan maliban sa pintong nilabasan namin. Saan kaya siya---
"Looking for me?"
Mabilis akong napalingon ng sumara ang pintuan. Nakita ko si King sa harap ko na maayos ang itsura at wala man lang mababakas na ni isang galos! Paano nangyari 'yon?!
"Buhay ka?" Napuno nang pagtataka ang mukha ko.
Mala-demonyo siyang tumawa at ngumisi sa'kin, "At sa tingin mo, matatalo ako ng gan'on-gan'on lang? Hindi ako tanga!"
Napaatras ako sa sigaw niya. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang magpalabas siya ng isang lumiliwanag na pulang rope. Siya pala ang rope manipulator at siya din ang naglagay ng pwersa sa'min.
"Paano nangyari 'yon? Paanong hindi ka sugatan?" Napupuno pa rin ako ng pagtataka. Kailangan ko malaman. Kailangan! Para sa isang rope manipulator...imposibleng magawa niya ang gan'ong klaseng bagay.
Ngumisi siya, "Gusto mo talaga malaman? Actually, hindi ako yung kanina. That was just...my clone."
"Clone?" Naningkit ang mga mata ko nang biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Jaze. Ibig sabihin ay may gumaya sa itsura niya? Kung gan'on, ang mga kalaban nila Azriel ngayon ay mga clone.
"Lost Armies are not that weak. We are not defeated easily," He flashed a michievous grin at pinulot yung kwintas ko na nasa lapag. "Parang ito."
"Bitawan mo 'yan," Lumaki ang boses ko at binigyan ko talaga ng diin ang bawat salita. Hawak niya ngayon ang kwintas ni...Azriel.
Mas lalong lumawak ang ngisi niya, "Oo't nakakapaso ito, pero wala naman 'to magagawa kapag ginawa ko 'to hindi ba?"
"H'wag!" Napasigaw ako sa gulat ng ihulog niya sa lapag ang kwintas at malakas na inapakan ito! Pakiramdam ko ay bumagal ang takbo ng oras habang ginagawa niya 'yon. Naramdaman ko nalang na nangilid ang mga luha ko sa hindi malamang dahilan.
Nakita ko nalang ito na basag at durog. Tila ba tuwang-tuwa pa si King sa nasasaksihan niya sa mukha ko.
Ang kwintas na iyon...bakit ganito ang dulot n'on sa'kin? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko ay umaapoy ang loob ng katawan ko. Hindi ko gusto ang pakiramdam na 'to.
Ni di ko man lang magawang kontrolin ang sarili ko! Ang alam ko lang ay lumuhod ako at hinawakan ang bawat parte ng nabasag na krystal. Para akong nawalan ng buhay at nanuyo ang lalamunan.
"Ano? Iiyak ka nalang ba?" Narinig ko na naman ang mapang-asar na boses ni King. Teka, umiiyak ako?
Hindi ko na talaga magawang igalaw ang katawan ko. Tulala ako at hindi ko alam kung bakit! Shit, Astra come to your senses! Ano ba nangyayari sa'yo?!
Sinipa ni King ang mga pira-pirasong Krystal na nasa harap ko, kaya naman hindi na ito nasundan ng mga mata ko at tanging isang maliit na piraso na lamang ang natira.
"Ahh!"
Napasigaw ako ng hampasin niya ako ng mala-latigo niyang rope sa braso ko. Bumakat ito at nagkaroon ng malaking hiwa. Kahit gan'on ay nasa kwintas pa'rin na iyon ang atensyon ko.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Hindi. Hindi maaari ito.
"Ano ba kaya 'mong gawin, ha?" Nanunuya ang kanyang boses. Napapikit ako sa sakit ng hampasin naman niya ang bandang leeg ko na medyoo nagkaroon ng lapnos.
"Tumigil ka..." Naghihirapang sambit ko.
Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi niya, "Lumaban ka! Bakit hindi ka lumaban?!"
Astang ihahampas niya ulit sa'kin ang latigo niya ng hulihin ko ito gamit ang kamay ko. Mahapdi ito ng hawakan ko pero tila ba may sariling isip ang katawan ko.
"Die.." Hindi ko akalain na mababanggit ko ang mga salitang hindi ko naman pinag-isipan. Pero iisa lang ang gusto ko.
I want him dead. Gusto ko siyang patayin! Nanggigigil ang kalamnan ko sa galit!
Nag-angat ako ng tingin at napangisi ng makita ang takot sa mga mata ni King. Nag-init ang mga mata ko na tila ba nag-aapoy ito, at bago ko pa malaman, narinig ko nalang na sumisigaw sa sakit si King at...
Nilalamon na siya ng apoy.
=====
NAPABALIKWAS AKO nang makaramdam ako ng mahapdi ngunit malamig na bagay sa bandang kaliwang pisngi ko. Napatingin ako sa gilid ko at napasimangot ng makita si Azriel na nakaangat ang daliri.
Mabilis niya itong tinago at tumayo, "T-tss! Pabigat ka talaga!"
"Ano?" Nanlaki ang mga mata ko sa pagtataka. P-pabigat? Ako?! Sa pagkakaalam ko, ako ang...teka, yung Lost Armies!
"Compose yourself together. Wala tayo sa Ezea High," Malamig na utas niya.
Nilibot ng tingin ko ang paligid. Medyo maliit lamang ang kwartong ito kumpara sa mga kwarto sa Ezea High. Gayunpaman ay maganda at class pa'rin tingnan. Teka, saan 'to? Napansin ko rin na hindi na sumasakit ang likod ko. Ano nangyari?
"Nasaan sila Echo?" Tanong ko sakanya at mabilis na tumayo. Napasulyap siya sa'kin pero agad ding nag-iwas. Nakita ko pa ang paggalaw ng Adam's apple niya.
"N-nasa labas. Stop asking and just follow me!" Inis na sigaw niya at lumabas. Tsh, at bakit naman nagsusungit ang isang 'yon? Hays, Astra, ano pa ba'ng bago?
Simalubong sa'kin ang isang malawak na hallway. Just freakin exactly like Ezea High! Mas malawak nga lang ang Ezea High kumpara dito. May mga users na nakasuot sa kani-kanilang uniporme na mas lalong ipinagtaka ko. This is a school.
Tiningnan ko si Azriel at binigyan ng nagtatanong na tingin.
"Lost City's Magedell Academy, school of all users."
"All users?" My eyes squinted. "Anong ibig mong sabihin?"
"Tss, isn't it obvious? Light and Dark users are all here."
Nanlaki ang mga mata ko at napahinto sa paglalakad. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Kung gan'on, may mga Alkirvia dito?!
"Alkirvia's won't harm you unless you won't," Malamig na sagot ni Azriel sa tanong sa isip ko. He rolled his eyes and started to walk. Sumunod ako sakanya. "Stop being dumb."
W-what? Ano daw?! Teka, bakit ba parang ang lamig ng yelong 'to sa'kin? Nangaasar siya pero hindi naman siya ganito ka-lamig magsalita. May problema.
"We're heading to the Captain's Lounge. Nand'on ang Elementalists at si Dara," Tumigil siya at ngumisi sa'kin. "That includes the jerk."
Biglang sumama ang mukha niya sa huling sinabi. Tsh, at sinong jerk naman ang tinutukoy ng yelong 'yon? May kaaway ba siya o may bago na naman siyang binabash?
"Si Azriel Tyler Guevarra!" Wow, famous.
"Ang gwapo niya talaga!" Gwapong masungit.
"I like it, the masungit-look." Ay wag gan'on.
"I want him here! Huhuhu!" Want ka ba?
Napatingin ako sa mga babaeng nagbubulungan. Di ko akalain na pati dito sa Lost City ay kilala ang yelong ito. Umaabot rin pala ang balitang Elementalists ang mga ito.
"Frenny!" Si Echo ang sumalubong sa'kin pagkapasok namin sa Captain's Lounge.
Naroon ang Elementalists na seryosong kausap ang isang lalaki, si Jaze pala. Nabaling ang atensyon nila sa'min.
"Okay ka na ba?" Tanong sa'kin ni Fauna.
Kumunot ang noo ko at inalala ang nangyari, pero walang pumapasok sa isip ko. Huli 'kong natatandaan ay ang umaapoy na katawan ni King...
"M-may nangyari ba?"
Umismid si Paige, "Well, you just made yourself a total baggage to this---"
Pinutol siya ni Cadell, "Uy Astra! Ang galing mo kahapon, ah!" Halos masubsob ako ng tapikin niya ang balikat ko! So, mahigit isang araw na pala akong walang malay? Teka, ano na nangyari kay Zed?!
"Anong sinasabi mo?" Mas lalong napuno ng pagtataka ang mukha ko.
"Hoy, tsonggo! Wag mo ngang inaano Frenny ko!" Ani Echo.
"Tsonggo daw, oh!" Tumawa si Dara habang turo-turo si Cadell.
"Good thing you're now conscious. Pinaguusapan kasi namin ngayon ang tungkol sa Time Manipulator," Singit ni Fauna.
Napatingin ako sakanya at kay Jaze na nakangiti sa'kin. Teka, si Jaze ba ang tinutukoy ni Azriel na jerk?
"Pwede ko ba'ng malaman kung ano ang nangyari bago ako mawalan ng malay?" Tanong ko.
Suminghap si Azriel sa tabi ko, "That would be just a waste of time. Nas'an ang Time Manipulator?" Usap niya kay Jaze.
Ngumiti si Jaze, "My brother's quite cocky when he's being disturbed. Siguro kailangan natin hintayin ang pag---"
"I don't care. Bring me to that kid," Utas ni Azriel. Napapailing nalang ako. As usual, ang gusto niya ang masusunod.
Walang nagawa si Jaze kun'di ang igaya kami sa kwarto ng kapatid. Mukhang alam niyang nasa isang misyon kami at wala na kaming oras.
Huminto kami sa isang malaking pintuan na kulay asul. Kumatok d'on si Jaze ng ilang beses bago ito bumukas. . Bumungad samin ang isang batang lalaki na mukhang kasing edad lang ni Xynos. Magulo ang buhok at gusot ang damit nito na puro tatak ng orasan.
"Why are you disturbing my precious sleep?!" Inis na singhal nito.
"Time Manipulator," Bulong ng katabi 'kong si Echo.
"You cut my dreams, Kuya. I was about to win the battle with the dragon--"
"Kiddo, cut that lame shit. Dragons are extinct," Nginisian siya ni Azriel. Napatingin sakanya yung bata.
Palihim akong napatampal sa aking noo. Napatol talaga 'to sa bata, eh.
"What? Who's this, Kuya? Teka, sino ba ang mga 'to?!" His forehead creased as he scratched his messy hair.
"This is my brother, Jin, the Time Manipulator," Pagpapakilala ni Jaze sa kapatid.
"What is it this time, Kuya?"
"Kailangan daw nila ang tulong mo," Sagot nito sa kapatid.
Agad namang napatingin sa'min isa-isa si Jin at bumuntong hininga, "Ano kailangan niyo sa'kin?"
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support. Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro