Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 25

##########

KABANATA 25
The Lost Armies II

NAGISING NALANG kami sa isang madilim na lugar. Ang kwartong ito ay napaliligiran ng mga kahoy at alikabok. Isang torch lamang ang nakapagbibigay ng liwanag sa'min.

Hindi ko alam kung saan ito, pero nasisigurado 'kong nasa panganib kami. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari sa'kin nang ikulong ako ni Numeda sa kanyang kulungan. Ang kulungan na iyon ni Numeda ay nakapagbigay ng hina sa'kin, di tulad dito na isang normal na kwarto lamang.

Gayunpaman ay di namin magawang tumakas dahil isang pwersa ang bumabalot sa aming mga kamay at paa.

"Kamalasan! Kamalasan!" Sininghalan ni Echo ang katabi na si Cadell na walang kamalay-malay.

Gulat siyang tiningnan ng binata ng maramdaman ang hampas ni Echo, "H-hoy! Bakit ako ang hinahampas mo?!"

"Eh kasi, may balat ka sa pwet!" Sigaw ni Echo.

"P-paano mo nalaman? Binobosohan mo ba ako?!" Nanlaki ang mga mata ni Cadell sa gulat.

"Nagtaka ka pa eh manyak 'yang bruhang 'yan!" Singit ni Dara. Namilog ang mga mata ni Echo at namula ang pisngi.

"A-Ano?!" She stuttered. "Hoy hindi, ah! Mahangin ka talagang tsonggo ka, wala namang maganda sa katawan mo!"

"Eh, bakit guilty ka?" Nginisian siya ni Cadell. "Mataba tyan ko pero gwapo naman ako. Okay na 'yon!"

"Can you two shut up?!" Sigaw ni Paige na kagigising lamang. "We're already in danger, tapos kung ano-ano pa'ng kalandian ginagawa niyo!"

"Uyy, bitter siya---" Natahimik bigla si Dara ng samaan siya ng tingin ni Paige.

"Isa ka 'pang bubwit ka, ah. Lunurin kita d'yan, eh!"

Nagtago si Dara sa likod ko, "Wag po babaeng tubig!"

"Where's Fauna and Azriel?" Naagaw ni Cadell ang atensyon namin. Mabilis 'kong nilibot ang aking tingin at walang bakas na Fauna at Azriel akong nakita! Shit!

"Fuck! I can't get this thing out of me!" Pagpupumiglas ni Paige, pero masyadong malakas ang pwersa na ito. Napatitig ako sa pulso ko, at kumikinang ang bagay na nakapalibot dito. Mukhang kakayahan ito ng taong nagtataglay ng Rope Ability.

"Hindi naman siguro tayo void, right?" Echo said. Sinubukan niya magpalabas ng earth blade at nakahinga kami ng maluwag dahil hindi na-void ang ability namin.

"It doesn't work!" Frustrated na sigaw ni Cadell. Nakita kong nagpalabas siya ng air blades upang tanggalin ang mga nakapulupot sa'min pero wala itong saysay!

"Connect with them, please Dara. Use your telepathy!" Hindi mapakali sa sobrang kaba ang dibdib ko. May tiwala ako kay Azriel at Fauna pero nag-aalala talaga ako! Hindi ako makakampante hangga't hindi ko sila nakikita!

"A-ayaw gumana. Hindi ko mapasok ang utak nila."

Bumagsak ang balikat ko at pilit na tinanggal ang pwersang iyon. Lintek! Kung sila Echo na Elementalists ay nahihirapan, ano pa kaya ang isang healer lamang na tulad ko?

Biglang bumukas ang pintuan at nakita namin ang duguan na si Azriel. May pasa ito sa gilid ng mata at putok ang labi. Idagdag mo pa ang bakas ng mga dumi sa damit niya na mukhang inapak-apakan.

"Pasok!" Sinipa siya sa likod nung lalaki kaya naman muntikan na siyang sumubsob sa semento!

"Azriel!" Sigaw ko. Nag-init ang mga mata ko at napahiga sa semento. Hindi ko magawang tumayo dahil nakatali ang paa ko!

"B-boss..." Nanginginig ang boses ni Echo.

"Damn it, Azriel!" Pagpupumilit na sigaw ni Cadell.

Nagtama ang paningin namin ni Azriel dahilan para mapahagulgol ako sa nakikita ko. He's weak...he's fuckin getting weak! Napakalayo ng malakas at mayabang na si Azriel ang nakikita ko! Hindi ako makapaniwala na ganito ang ginawa sakanya, lalo pa't di pumapasok sa utak ko ang tanong kung lumaban ba siya?

He's too good for this. Hindi siya ganito.

Gumapang ako patungo sakanya, at nang isang dangkal nalang ang lapit namin ay itinaas ko ang aking kamay upang haplusin ang mukha niya.

He flashed a small smile, "I-I'm okay..."

Umiling ako at nilabas ang aking healing sa mga sugat niya. He's not okay.

"Where's Fauna?!" Dinig 'kong sigaw ni Paige.

Napatingin ako sa lalaking nasa tapat ng pinto. Madilim ngunit kitang-kita pa rin ang ngisi sa kanyang labi na mas lalong nakapagpainit ng dugo ko!

Sumenyas ito sa isang kasamahan at maya-maya pa ay pinapasok nila ang isang babaeng umiiyak at halos mapunit na ang damit nito. It was Fauna!

Tinulak si Fauna nung lalaki kaya naman napaluhod siya. She looks wasted. Gulo-gulo ang buhok nito at nagkalat ang make-up sa kanyang mukha dahil sa labis na pag-iyak.

Ano nangyari, Fauna? Anong ginawa nila sa'yo?

"Fauns...FAUNS!" Tuluyang napahagulgol si Echo. Natulala si Dara at Paige.

"FUCK YOU!" Sigaw ni Cadell. Puno ng galit ang mga mata niya. Mukhang alam ko na ang ginawa nila at tuluyan nang napunta ang dugo ko sa ulo!

"Wala siyang kwenta kausap!" Sigaw nung lalaki. Ito yung pinuno nila dahil hinding-hindi ko makakalimutan ang ngisi niya. "Mamamatay rin naman kayo kaya say goodbye to each other."

"What did you do...? What the fuck did you do to my friend?!" Galit na sigaw ni Paige.

"Simple lang. Tinanong ko sila kung saan nagtatago ang babaeng nagtataglay ng ability of absorption, pero di niya ako sinagot kaya mabuti lang sakanya 'yan!" Ngumisi ito.

Ability of absorption...hindi si Numeda ang tinutukoy nila, pero bakit sa'min nila hinahanap ang babaeng 'yon?!

"Ano namang alam namin d'on?! Bobo! Wala kaming kilalang gan'ong babae--!"

Napaiwas ako ng tingin ng sampalin nung lalaki si Paige. Napasigaw sila Echo.

"Matuto 'kang rumespeto! I'm the King here!"

"You don't deserve that you asshole!" Sigaw ni Dara. Nakatanggap tuloy siya ng sampal sa lalaki.

"Witch! Ano ba! Wag niyo sasaktan ang mga kaibigan ko!" Umiyak si Echo na mas lalong nakapagpabasag sa puso ko.

Napakagat ako sa ibabang labi upang pigilan ang aking paghikbi. Galit ang nananalaytay sa loob ko at gusto ko nang sumabog.

Nagtawanan ang mga lalaki at binigyan ng malawak na ngisi si Echo, "Ano ka, bayani?! O sige, ikaw nalang ang sasaktan namin!"

"W-wag! Wag niyo siya gagalawin!" Mabilis akong sumigaw bago pa nila malapitan si Echo. "A-ako nalang...ako nalang..."

Kung sino man ang mas karapatdapat na masaktan dito, ako 'yon. Echo doesn't deserve to be hurt. She's too precious for that. Ako ang dahilan ng lahat ng ito, at ako rin ang dapat na sumalo sa lahat ng pasakit na paparating.

"Astra, ano bang sinasabi mo?!" Sigaw sa'kin ni Echo. Hindi ko kayang tagalan ang mga mata niyang umiiyak.

"Oh! May isa pa palang bayani dito, eh!" Nagtawanan na naman sila. Wala akong pake sa sakit, wag lang masaktan ang mga taong malapit sa'kin.

"Don't you fuckin dare touch nor come near her," Malamig ang tono ng boses ni Azriel at may halong pagbabanta. Kapansin-pansin ang pag-igting ng kanyang panga.

"Oh, bakit? May lakas ka pa ba?" Kantyaw nito. Nakakarindi para sa aking pandinig ang kanilang tawanan. Gusto ko silang saktan!

Hinawakan ng kanilang pinuno ang kwelyo ni Azriel at inambahan ito ng suntok pero agad akong nagsalita.

"Wag niyo 'yan gagalawin," Malamig na utas ko. "Subukan niyo lang..." Tila ba hindi ko na makilala ang sarili 'kong boses. Lumaki ito at medyo namaos.

Ano nangyayari? Alam ko ang nangyayari pero bakit hindi ko magawang kontrolin ang kilos at pananalita ko! Epekto ba ito ni Zed?!

Ngumisi ito sa'kin at lumapit, "You know what? I really like your guts."

Matalim ko siyang tiningnan. Humakbang siya papalapit sa'kin at sinubukang abutin ang pisngi ko.

"One wrong move and your dead, asshole," Dinig ko ang nakakakilabot na boses ni Azriel. Hindi ko makilala ang boses niya sa sobrang lamig nito di gaya sa natural niyang boses. Madilim ang ekspresyon ng mukha niya, walang emosyon ngunit nakakatakot. He's furiously angry.

Nakangisi siyang nilingon ng lalaki.

"Hindi namin kilala ang babaeng hinahanap niyo, so just fuckin' let us go!" Singit ni Cadell. Nakita 'kong magkatabi na si Echo at Fauna. Tulala si Fauna habang si Echo ay umiiyak habang pinagmamasdan ang kaibigan. Kinakausap niya ito ngunit wala siyang nakukuhang sagot sa dalaga.

"Of course, kilala niyo 'yon! Taga-Ezea ang isang 'yon, at kailangan namin ang kanyang kakayahan!" Sigaw nito kay Cadell.

"The ability of absorption is so damn rare. It is nowhere to be found," Walang emosyon na wika ni Paige.

"Shut up! Wag niyo ako lokohin!" Tinawag niya ang kanyang mga alagad at binitbit ako. Na-alerto sila Echo pero di na ako nag-abala pa'ng magpumiglas. Do what they fuckin' want to do with me.

Madiin na hinawakan nung isa ang buhok ko at ini-angat ang aking mukha upang i-harap ako sa mga kaibigan ko.

"Pakawalan niyo siya. Wala kayong makukuha sa'min!" Si Dara. Nagaalala ang mga mata nitong tumingin sa'kin. I gave them my reassuring smile. It's okay. It will be okay.

"Kita niyo 'to?" Kinuha ng pinuno ang isang baseball bat sa gilid. Nanginig ang katawan ko at binalutan bigla ang takot! Lintek! "She will repeatedly experience hell hangga't hindi niyo sinasabi sa'kin kung nasaan ang babaeng hinahanap ko."

"Gosh, ikaw na ang pinaka-bobo na nilalang na nakilala ko!" Inis na sigaw ni Paige. Mabuti lamang at nginsian lang siya nung lalaki.

Napasulyap ako kay Azriel na hanggang ngayon ay gan'on pa'rin ang ekspresyon ng mukha. Mapungay ang madilim nitong mga mata. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niyang nagyeyelo papunta sa semento. Hindi nila ito napapansin. Ganyan nga, Azriel.

"Hindi ka ba natatakot?" Nginsian ako nung lalaking may hawak sa buhok ko. Kalahati ng mukha nito ay natatakpan ng maskara. Dinuraan ko ang mukha niya kaya naman sa sobrang galit niya ay tinapon niya ang ulo ko dahilan para mauntog ang noo ko sa semento!

Lintek, masakit 'yon gago! Medyo naliyo ako at nakaramdam ng hapdi.

"Astra!" Sigaw nina Echo at Dara.

"Wag mo kasing gagalitin," Ramdam ko ang ngisi ng kanilang pinuno sa likod ko. Huli na bago ko malaman ang sunod niyang ginawa.

Hinampas niya ako sa likod ng napakalakas! Napasigaw ako at gusto 'kong ma-iyak dahil sa buong parte ng katawan ko, ang likod ko ang hindi pa tuluyang gumagaling.

"Fuck you assholes!" Nagwala si Cadell. Biglang humangin sa lugar namin. They can't properly use their ability dahil nakatali ang kamay nila.

"Stop...please!" Hagulgol ni Echo.

"Mukhang hindi naman siya nasaktan, eh. Isa pa nga!" Halos mapahiga na ako sa semento ng hampasin na naman ang likod ko! Mas malakas ito kumpara sa nauna....at hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya!

"Astra..itigil niyo na 'yan!" Sigaw ni Dara.

"Damn, hinding-hindi niyo gugustuhin na makawala kami dito," Mala-demonyong ngumsi si Paige.

They are the Elementalists. They can control air, water, earth, fire, and ice if it is their ability. They are powerful yet...they are still students. Naalaala ko bigla ang sinabi ni Echo.

Walang kasiguraduhan kung makakabalik kami ng ligtas at kumpleto. The world out here is not as easy as what Ezeans think it is. Everything...and everywhere you go, there is no place called SAFE.

"Hindi talaga kayo makakatakas hangga't hindi niyo sinasabi kung nasaan 'yung hinahanap namin!" Itinayo ako ng kanilang pinuno gamit ang buhok ko. Napangiwi ako sa sakit na dulot n'on.

"Sayang, type pa naman kita kaso wala ka ring kwenta!" Malakas niya akong sinampal dahilan para magdugo ang labi ko. Puta, isa pa! Sige lang!

"T-tama na...tama na!" Napatingin kami kay Fauna. She's now back, pero umiiyak pa rin siya. I blame myself for this. I blame myself because Fauna doesn't deserve this! Kung ano man ang ginawa sakanya ng mga lalaking ito, I'll surely make them pay!

"Woah! Ang ganda nito, ah!"

Na-alerto ako nang hilahin niya sa leeg ko ang kwintas ko!

"Akin 'yan!" Sigaw ko.

"Nope. Akin na 'to ngayon," Ngumisi pa siya sa'kin. Hindi nila pwede makuha 'yon dahil kay Azriel ang kwintas na 'yon! Ibabalik ko pa 'yon...

"That necklace..."

Bigla akong napatingin kay Cadell. Tulala siya gaya nina Echo, Fauna at Paige.

Tumawa yung lalaki, "Bakit? Espesyal ba 'to?" Isinuot niya yung kwintas pero napasigaw siya bigla at nabitawan ito. "Fuck! Ang init! Anong ginawa mo?!" Sigaw nito sa'kin ng may nanlilisik na mga mata.

"King! Nagkakagulo po sa labas!"

Biglang sumigaw yung lalaking dinuruan ko sa mukha. King, huh? Pangalan ba niya 'yon o nag-fifeeling hari talaga siya?

"Ano?! Eh, ano 'pang ginagawa mo dito?!" Umusok ang ilong ni King sa galit at nilingon kami. "Humanda kayo!" Sigaw nito at sumunod sa labas.

Naiwan kaming magkakaibigan dito. Dinig ko ang hikbi ni Echo ng tawagin niya ako, "Okay ka lang, Astra?"

Tsk, gusto ko sabihin sakanya kung mukhang okay ba ako, pero ayoko naman mag-taray sa ganitong sitwasyon. I just gave her my reassuring smile and nod.

"I'll kill them," Mariing bulong ni Azriel. Namutawi bigla ang katahimikan sa loob ng kwarto. Hindi namin alam kung ano ang nangyayari sa labas.

"This could not be our dead end," Pekeng ngumisi si Paige na nakapagpabasag sa katahimikan.

"Makakabalik pa tayo sa Ezea--" Paige cut Cadell's words.

"That's bullshit! Let's face it guys, okay? We are the Elementalists, but we are not that strong!" Sigaw niya. Natigilan kaming lahat. "Hindi ko alam kung bakit sa'tin 'binigay ang ganitong ka-delikadong misyon. This mission is impossible to accomplish!"

"Shut up, Paige!" Sigaw ni Fauna. "Tandaan mo yung sinabi ni Sir. Etienne. This is our purpose. This is our---"

"Purpose of what, Fauna? Purpose to die?!" Nanliit ang mga mata ni Paige.

Napayuko ako. Alam 'kong ako ang pinariringgan ni Paige. Kasalanan ko 'to kung bakit nalalagay kami sa peligro.

"Hoy, ano ba kayo!" Tumawa si Cadell. Halata namang peke. "Hindi 'to ang oras ng away. We are the Elementalists, we're well trained---"

Paige groaned, "Ow shut up, Cadell! This mission will not be a success--"

"Paige, pwede ba?! Tama si Cadell. Hindi dapat tayo nagaaway ngayon!" Singit ni Echo.

"Mag-isip lang ng tayo ng paraan para matanggal ang pwersa na 'to!" Singit naman ni Dara.

"There's no way..." Nakayukong ani Fauna.

"Kasalanan mo 'to, Astra!"

Napaangat ang tingin ko kay Paige. Masama ang tingin na pinupukol niya sa'kin. Sumibol ang takot at kaba sa dibdib ko kahit alam ko na, na mangyayari ito.

Imbis na ako ay si Azriel ang nagsalita. Si Azriel na hindi ko inaasahan, "Don't push her into this, Paige."

Paige snorted, "Are you kidding me?"

"Just...shut up," Sumandal si Azriel sa pader at pumikit.

Hindi ko akalain na magaaway-away dahil sa'kin. Dahil sa nangyayari. Sa nagdaang peligrong dumating, ito na yata 'yung hindi kami sigurado kung mabubuhay pa kami.

"🎶 I close my eyes, and I can see, the world that's waiting up for me..that I call my own.. 🎶"

Lahat kami ay napatingin kay Echo nang magsimula itong kumanta. Medyo basag ang boses niya. Nagpatuloy ito sa pagkanta.

"🎶 Through the dark, through the door, through where no one's been before. But it feels like home..🎶" Ngumiti siya sa'min.

"🎶 They can say, they can say it all sounds crazy.." Nalipat kay Fauna ang tingin namin nang siya yung sumunod na kumanta. Mukhang alam ko na ang mangyayari. Medyo tumawa pa siya sa huling linya. "They can say, they can say I've lost my mind 🎶"

Sumunod na kumanta ay si Dara. Maliit lamang ang boses nito ngunit angkop sa pagkanta.

"🎶 I don't care, I don't care so call me crazy. We can live in a world that we design.🎶"

Tumango si Dara kay Cadell at sinimulan ng binata ang chorus ng kanta, "🎶 'Cause everynight I lie in bed. The brightest colors fill my head. A million dreams are keeping me away. 🎶"

Hindi ko akalain na maganda at maskulado ang boses ni Cadell pagdating sa pagkanta. Mahina niyang dinanggi sa balikat si Paige at nginitian ito.

Hindi ko inaasahan na papayag ito at sumunod naman sa pagkanta. Siya yata ang may pinakamagandang boses. Silang dalawa ni Cadell.

"🎶 I think of what the world could be. The vision of the one I see. A million dreams is all its gonna take...🎶"

Mapait akong napangiti.

"🎶 A million dreams, for the world we're gonna make..🎶" Nagkatinginan kami ni Azriel nang sabay naming bigkasin ang huling liriko ng kanta.

Nagkatinginan kaming lahat at pare-parehong natawa. Ang away na naganap kanina ay hindi na namin inintindi. Mas mahalaga pa rin ang pagmamahal ng magkakaibigan. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam namin.

Natigilan kami ng pumasok si King na umuusok pa rin ang ilong sa galit.

"At nagawa niyo 'pang mag-saya?!" Aniya at tiningnan kami isa-isa. "Teka, 'asan yung isa niyong kasama?!"

"I'm here, asshole!"

Sabay kaming napalingon sa likuran ni King at tumambad sa'min ang nagaapoy na mga mata ni Azriel. Binabalutan ng makapal na yelo ang kamao niya at bago ko pa namalayan, sinuntok na niya ng malakas si King!

Ni di ko man lang namalayan na nawala na siya sa tabi ko.

"Fuck you for hurting her!"

*****

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT! It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro