Kabanata 23
##########
KABANATA 23
Living with lies
MATAPOS AKONG kausapin ni Lola Miranda ay tumungo na ako sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Dumeretso ako sa malawak na field na 'yon. Nagulat pa ako nang makitang puno ng palamuti ang paligid, at sa gilid ko naman ay naroon ang isang mahabang lamesa at nakalagay ang sandamakmak na pagkain na mukhang pinaghandaan talaga.
"Party party!"
Saktong pagkapasok ko ay nagpaulan si Dara nang magic glitters kaya naman gumanda at mas lumiwanag ang paligid.
Napatingin ako kay Cadell na nakaupo sa bermuda grass, "Hinanda talaga 'to ni Lola Miranda para sa'tin. Kailangan natin sulitin ang pagkakataon na ito dahil sa labas ng bahay ni Lola ay magsisimula na ang ating paglalakbay," Sabi ni Cadell habang sumusubo ng pasta. Natawa pa nga ako nang makitang may suot-suot siyang party hat na mukhang kagagawan ni Dara. Lahat pala sila ay nakasuot nang party hat.
"So, parang free day natin 'to at wala tayong ibang gagawin kun'di ang mag-relax? Nice!" Natutuwang ani Echo habang pumapalakpak pa.
Napatingin sa direksyon ko si Dara at nakangiti siyang tumakbo palapit sa'kin, "Astraaa! Suotin mo 'to! Mamaya ay gagawa ako nang palaro!" She chuckled, and using her magic staff, she casted a spell resulting to have a flower necklace on my neck.
My forehead crease, "Para saan 'to?"
"HAWAYIIII!" Nakangiting sigaw nito na hindi ko naman naintindihan. Hawayi? Hawaii?
Lumipas ang oras at masasabi 'kong free day nga namin ito. Iyong pagod at sakit na na-ipon ko sa katawan ko ay parang kabute na biglaang lumabas. Ngayon ko naramdaman ang pagod ngayo'y nagpapahinga kami.
Napapakagat pa'rin ako sa ibabang labi ko gawa ng pag-kirot sa aking likod.
Hindi ko alam kung ano na estado ng spinalcord ko, pero ayoko naman masyado ito intindihin dahil ayokong mag-alala sila Echo at masira ang kasiyahan.
Naging masaya ang gabing 'yon. Ten o'clock ng gabi nang maisipan ni Echo na mag-laro. Isang larong hindi pamilyar sa'kin. Truth or Punishment. Pa-uso niya lang daw. Ito na yata ang sinasabi ni Dara na palaro.
"Azriel! Astra! Paige! Bawal KJ!" Sigaw sa'min ni Echo.
Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko si Azriel na tahimik lang na nakaupo sa itaas ng puno habang pinagmamasdan kami. Bigla kong naalala ang sinabi ni Lola Miranda. Sigurado akong si Azriel ang tinutukoy niya, pero bakit?
Nahuli nito ang aking mga tingin at inirapan ako. Nanlaki ang mga mata ko at napangiwi. Bakla!
Nakapalibot silang lahat pa-bilog at dahil si Echo na ang nagsabi, wala rin akong nagawa kun'di ang sumali gayundin si Paige na mukhang napipilitan lang.
"Hoy boss! Wag 'kang pabebe d'yan, sumali ka dito!" Sigaw ni Fauna.
"Tss," Singhal ng binata bago bumaba sa itaas ng puno. Napipilitan at walang gana siya sumali sa mga pakulo ni Echo. Umupo siya sa tabi ni Cadell at pinang-gigitnaan siya ni Paige at Cadell. Ngayon ay magkatapat kami nito.
Sa gitna nang bilog na ginawa namin ay gumawa ng air arrow si Cadell. Mukha itong ulap at nagpapalutang-lutang ito sa harapan namin. Sa tabi naman nito ay isang nakalutang na air ball na hinaluan ni Dara ng spell niya na hindi ko alam kung para saan.
In-explain ni Echo ang mechanics ng laro. Kung sino daw ang matatapatan nang air arrow ni Cadell ay mamimili kung Truth or Punishment. Syempre pag truth ay kailangan mong magsabi nang totoo dahil 'yun palang air ball na hinaluan ni Dara ng spell ay nagagawang maka-detect kung nagsisinungaling ang isang tao.
Kapag naman hindi Truth ang pinili mo, at gusto mo yung Punishment, u-utusan ka tapos kailangan mong gawin, kun'di ay may parusa.
Tinawag ni Echo si Dara.
Mula sa tabi ko ay kumuha si Dara nang baso at hinaluan niya ito ng tubig, putik, juice, alak at hindi pa na-kuntento, gumamit pa siya nang spell at inilagay sa baso ang isang maliit na palaka. Wala talagang takas.
"Eww!" Maarteng sambit ni Paige.
Bumungisngis si Dara, "Kapag hindi kayo nagsabi nang totoo ay iinumin niyo 'yan" Taas-noong sabi nito.
"At oo nga pala, gusto ko ang mga itatanong niyo ay may sense. Haluan niyo na rin ng konting kalandian," Echo flashed a playful grinned and chuckled.
Narinig namin ang mahinang pagtawa ni Fauna, "Sa ganitong paraan ka na ba aamin sa nararamdaman mo, Echo?"
"Hoy hindi ah!" Mabilis na sagot ni Echo at dinuro si Fauna.
Ngumisi si Cadell, "Aamin ka na ba sa'kin, Ecs? Wag naman dito. Nakakababa nang pagkalalaki eh."
Nanlaki ang mga mata ni Echo at namula. Inis niyang binatuhan si Cadell ng maliit na bato, "Utut mong hangin ka!"
"Naaay! Wag mo nga i-daan sa laro mo ang pag-amin sa bulok 'mong pagmamahal, Echo," Pang-aasar pa sakanya ni Dara.
Inirapan naman siya ni Echo, "Mahamik ka Witch, at baka sayo ko ipainom 'yang gawa mo,"
"Ano ba? Maglalaro ba or what?" Pagtataray ni Paige.
"Tss, boring," Dinig 'kong singhal ni Azriel. Tumingin siya sa'kin at inirapan na naman niya ako. Aba! Napapadalas naman ata ang pag-irap sa'kin ng lalaking 'to?
"Ito na nga!" Si Echo bago bumaling ang tingin sa'min. "So? LET'S START!"
Inikot na ni Cadell ang air arrow niya. Mabilis ang ikot nito at habang patagal ng patagal ay humihina na ito. Pinapanalangin ko na lang na sana hindi ako ang matutukan ng air arrow nito
Halos pigil ang hininga ko ng tumigil ang pagikot ng air arrow ni Cadell. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi sakin tumapat ito kun'di kay Echo.
"AY LANGYA! Ako agad?!" Reklamo nito sabay tingin kay Cadell na nagkibit-balikat.
Ngumisi si Cadell, "Truth or Punishment?"
Echo frowned, "Truth."
Mas lumawak ang ngisi ni Cadell, "Sigurado ka?" Tinaas-baba pa nito ang kanyang kilay.
Bigla namang natahimik si Echo at namula, "P-Punishment. Punishment pala," Bawi niya sa unang sinabi habang nauutal pa. "Ayusin niyo, ah!"
"Pahirapan mo!" Natatawang suwestyon ni Fauna at pinandilatan naman siya ng mata ni Echo.
"Okay! Punishment is it!" Umayos ng upo si Cadell at nag-isip.
Nagtaas nang kamay si Dara, "Ako! Ako ang mag-iisip!"
"Jusme, wala akong tiwala sainyong dalawa!" Echo shrieked at nagdasal.
"Ayoko! Gusto ko ako!" Ngumuso si Cadell at maya-maya pa ay ngumisi ito kay Echo. "Sumayaw ka sa harap namin."
"Iyon lang?" Kuminang ang mga mata ni Echo at mukhang nakahinga ng maluwag.
"Habang nakanta ng Tatlong Bibe," Nakangising dagdag ni Dara at kumindat kay Cadell.
"Pero nakalabas ang dila," Dagdag naman ni Fauna. Natawa ako at nag-apir naman silang tatlo.
"ANO?!" Napatayo si Echo at namula. "Ang daya!"
"Gagawin mo...o iinumin mo 'yon?" Ini-nguso ni Cadell ang nakamamatay na inumin na ginawa ni Dara.
"Just fuckin do it. Arte mo, naiinip na ako!" Nakasimangot na sabi ni Azriel at ngumuso.
"Wow, boss! Palit tayo, want mo?" Sarkastikang ani Echo at mangiyak-ngiyak na tiningnan kami isa-isa. "Humanda kayo! Huhuhu!"
Maya-maya pa ay nagsimula na itong sumayaw at kumanta.
"🎶 Mey nyetleng bebe ekeng nyekete...metyebe, mepeyet, menge byebe..🎶"
Halos mamatay na kami sa kakatawa dahil mukhang tangang bibe si Echo na nad-drain. Pati si Paige ay natatawa rin habang si Azriel ay ngumingisi lang. Si Cadell at Dara yung halos gumulong na sa bermuda grass sa sobrang saya. Si Fauna ay kasabayan ko sa pag-tawa na halos maluha-luha na.
"Okay na!" Ngumuso si Echo matapos gawin yung Punishment at umupo na ulit siya. "Tuwang-tuwa kayo eh, 'no?" Nakangiwing sabi nito sa'min at natawa lamang kami.
"Let's spin!" Nakangiting sabi ni Cadell na nagpipigil pa'rin ng tawa. Inikot na niya muli ang air arrow kaya naman sumeryoso ang lahat. 'Yung tuwa ko ay napalitan ng kaba. Wag sana ako!
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi ito sa'kin tumutok kun'di kay Azriel. Humihikab pa ito nang tingnan namin siyang lahat, at mukhang ngayon lang nag-sink in na sakanya tumapat ang air arrow.
"Pre. Alam 'kong KJ ka pero pakibawasan kasi ang boring na ng buhay mo," Sabi ni Cadell dito. Sinamaan naman siya ng tingin ni Azriel.
"Tsh, Truth," Nakasimangot na ani Azriel.
Nagtaas ng kamay si Echo, "Ako magtatanong!"
"No!" Inis na sigaw sakanya ni Azriel at pinanlakihan pa ng mata si Echo.
Napangisi si Fauna, "Interesting, parang gusto ko tuloy malaman kung sino yung babaeng binabanta---"
Palihim akong nabilaukan sa sinabi ni Fauna. Hindi niya ito natapos dahil pinigilan agad siya ni Azriel, gayunpaman ay alam ko na ang sasabihin nito.
"Ayoko na!" Biglang tumayo si Azriel.
"Naaaay! Asaran lang walang back-out-an!" Sabat ni Dara. Hinila naman ni Cadell ang dulo ng damit ng coat ni Azriel at pinaupo ito.
"C'mon, bro! Bawal kill joy dito!"
"Hoy, boss! Wala pa namang tinatanong. Easy ka lang muna d'yan," Tinaas baba pa ni Echo ang kanyang kilay. Inis na sininghalan siya ni Azriel.
"Okay, it will be no use since kahit sabihin mo yung name n'on, di rin naman namin kilala unless..." Binitin ni Cadell ang sinasabi niya at ngumisi. "Unless kilala namin? Hindi naman siguro si Astra 'yon, diba?"
Mabilis na nanlaki ang mga mata ko.
"No way!" Sabay pa kaming sumigaw ni Azriel kaya nagkatinginan kami. Shit. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?!
"Chill, Azriel. I can sense your guilty voice here," Walang ganang sabat ni Paige sa usapan.
"Shut up! Wag niyo nga ako pagtulungan!" Gigil na sigaw ni Azriel. Ipinagkikiskis na niya ang ngipin sa inis.
"Sige ganito nalang," Muling nagpatuloy si Cadell at sumeryoso ang mukha. "Mahal mo pa ba si Sam?"
Nagkaroon bigla nang katahimikan. Ang tanong na 'yon ni Cadell ay nagdulot ng kirot sa puso ko sa hindi malamang dahilan. Sam? As for I know, she's the dead colleague of Azriel. May past pala sila? So that explains why he keeps on ditching Ezea High.
"Cadell," Mahinang bigkas ni Fauna sa pangalan nito. Mukhang binabalaan.
"What? It's personal, but this is a question that we need to know," Inosenteng sagot ni Cadell.
"Tama!" Segunda ni Echo. "Para naman hindi na umasa si Astra--"
"Echo!" Halos lamunin na ako ng lupa sa gustong sabihin ni Echo. Lintek, at bakit naman ako a-asa sa yelong 'yon? Ni wala nga akong gusto sakanya!
Napatingin ako kay Azriel pero tila ba lutang ito. Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Dati ay hindi ko mabasa ang mga mata niya, pero ngayon halo-halo na ang nakikita ko. Galit? Sakit? Pangungulila? Hindi ko alam pero mukhang ayun nga.
"Meron pa," Malamig ang boses niya nang sumagot siya. Nagulat at nanlaki pa ang mga mata ko nang tumingin siya sa'kin matapos sabihin yun. Daglian ko namang iniwas ang tingin ko sakanya. Shit ice.
Hinintay namin na umilaw ng berde yung air ball ni Cadell, pero walang nangyari.
"Putek, peke pala 'yang air ball mo, eh!" Asik ni Echo kay Cadell at sinabunutan pa ito.
"Aray! Imposible 'yon dahil may halong spell 'yan ni Dara," Nakangiwing sabi ni Cadell.
"Hindi lang siguro na-detect yung sinabi ni Azriel kasi masyadong malamig ang boses niya," Sabi ni Dara.
"Tss, di ko na uulitin," Inis na ani Azriel. Buti naman at naisipan mo 'yon, tsh.
Tinaasan niya ako ng kilay ng makitang nakangiwi ako sakanya. Inirapan ko lamang siya.
"Osya, spin na ulit!" Sabi ni Fauna.
"Hindi! Unfair 'yon!" Kontra ni Echo. "Hindi umilaw, so we'll switch into Punishment," Ngumiti pa siya ng nakakaloko.
"Oo, tama! Lugi eh, hindi umilaw," Tinaas pa ni Cadell ang kanyang hintuturo.
"What?! Bahala kayo!" Sigaw ni Azriel at astang tatayo ulit pero pinaupo siya ni Cadell.
"Ops! Gagawin..o iinumin mo 'yon?" Dara giggled.
"Gawin mo nalang, boss," Ngumisi si Fauna.
"Siguraduhin niyo lang na hindi niyo ako pakakantahin ng Tatlong Bibe!" Dinuro sila ni Azriel. "What's the Punishment? Tss."
Mas lalong lumawak ang ngisi ng tatlong loko-loko. Hindi ko gusto ang takbo ng utak ng mga ito.
Si Echo ang nagsalita, "Madali lang naman, boss. Sa grupong ito, lapitan mo yung taong gusto mo lagi kasama tapos halikan mo sa noo," Tumingin pa siya sa'kin at kumindat. What the heck is the meaning of that?
"Pwede rin naman ako, boss. Pero hindi ka pwede ma-bakla sa'kin, ah. Di ako napatol sa gays," Sabi ni Cadell.
"Gago! Pinaglololoko niyo ba ako?!" Halos umusok na ang ilong ni Azriel. Nagmumukha na siyang kalabaw.
"Sige kaaaa. Mukhang masarap siguro 'yung iinumin mo," Pagpaparinig ni Dara at tinukoy yung bwiset na nakamamatay na inumin na 'yon.
"At wag na wag kang magkakamaling magsinungaling dahil madedetect ka pa'rin ng air ball na 'yan," Mabilis na sabi ni Echo.
Walang nagawa si Azriel kun'di ang tumayo. Mahahalata ang inis sa mukha niya, mukhang gusto na atang pumatay.
"Ang tagal namaaaan," Humikab pa si Cadell.
"Wanna die?" Pinanliitan siya ng mata ni Azriel kaya nanahimik si Cadell.
Nagsimula nang maglakad si Azriel. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang tumigil siya sa harap ko at pinantayan ang mukha ko.
Nagkatitigan ang aming mga mata at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. W-wag niya sabihing hahalikan niya ako sa noo?!
Ngumisi siya sa'kin at nilapitan ang mukha niya saka niya hinalikan ang noo ko. Tila ba bumagal ang takbo ng oras. What the paaaak?! Seryoso ba siya?!
Naramdaman ko ang hininga niya sa gilid ng tenga ko at bumulong, "Just a punishment. Nothing serious," Matapos n'on ay bumalik na siya sa pwesto niya.
Napatingin ako kay Echo at Dara na parehong nakanganga habang nakahawak pa ang kamay sa magkabilang pisngi.
Si Cadell ang bumasag sa saglit na katahimikan, "Woah! Bakit si Astra, bro? Bakit hindi ako?"
"Fuck off! I'm not gay!" Binatukan siya ni Azriel.
"Okay! Let's spin again," Ani Fauna at palihim na ngumisi sa'kin. 'Yung ngising nang-aasar. C'mon, Astra. He's said it. It's nothing serious!
Muling pinaikot ni Cadell ang air arrow at sa kasamaang palad ay tumapat ito sa'kin. Napalunok ako. Dead end.
"Truth," Mabilis na sagot ko, hindi pinahahalata ang kaba sa dibdib. Natatakot ako na baka yung tatlong loko-loko ang magtanong sa'kin, pero mas natatakot ako kung yung Punishment ang pipiliin ko.
Knowing Echo and Dara, baka kung ano-ano ang ipagawa sa'kin ng dalawang bruhang 'yon.
"Sino ang gusto mo magtanong sa'yo, Astra?" Nakangising tanong sa'kin ni Echo.
Napairap ako, "Si Fauna nalang. Wala akong tiwala sainyo."
Nag-isip naman si Fauna, "Ano yung liwanag na lumabas sa dibdib mo at isa ka ba talagang Alkirvia?"
Napahinto ako sa tanong niya. I knew it, they witnessed what I just did back to Lifarshia Kingdom.
"Oo nga. Na-curious din ako d'on, Frenny," Sabi ni Echo.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Hindi ako isang Alkirvia dahil gaya ng sabi ko ay nabiktima lang ako ng isang Soul Eater gaya ng kaibigan niyo."
Pagkasabi ko n'on ay lumiwanag ang air ball ng kulay berde. Nagpatuloy ako sa pagsasalita, "My healing proves that I'm just a plain Vershiatist who just wanted to save her helpless friend. I'm from Vershia."
Nagulat ako ng mag-iba ang kulay ng air ball at napalitan ng pula. Mukhang nagulat din sila dahil napaayos sila ng upo at kumunot ang noo. Napatitig si Echo sa air ball at sinenyasan ako na magpatuloy.
Bakit naging pula 'yon? Totoo ang sinabi ko at alam 'yon nila Echo. Only Vershiatist has the ability to do healing!
"Y-yung tungkol sa liwanag sa dibdib ko, mula bata palang ay dala ko na 'yon at hindi ko alam kung ano ba 'yon. Inisip ko nalang na isa ito sa kakayahan ng mga healers."
Mas pumula ang kulay ng air ball nito at nagulat kami ng yumugyog pa 'to! Hindi ko alam ang nangyayari. May mali ba sa sinabi ko?
Nagpatuloy ako sa pagsasalita. Kahit hindi na related sa tanong ni Fauna ay ewan ko ba pero may nagtutulak sa'kin na magsalita.
"Isa akong Vershiatist. Wala na akong mga magulang pero nabuhay ako nang masaya at simple kasama si Keya. Being a healer doesn't mean that we're weaklings, at kuntento na ako sa kapangyarihang mayroon ako dahil nand'yan naman si Keya na mahal ako sa kung sino ako."
Mas lalong nagwala ang air ball. Palaki ito nang palaki na parang may gustong kumawala.
"Nagsisinungaling ka Astra. Lahat ng binanggit mo ay walang katotohanan," Dinig kong sabi ni Dara. "Hindi nagsisinungaling ang spells ko, Astra."
Nalaki ang mga mata ko at Agad na nagsalubong ang kilay, "Totoo lahat nang sinabi ko!"
Hindi matigil ang air ball. Kahit si Cadell ay hindi na makontrol ito.
"What's going on?!" Paige shrieked. Napatayo kaming lahat dahil literal na lumalaki ang air ball ni Cadell.
Biglang sumigaw si Cadell, "Sasabog siya!"
Huli na bago pa kami makaiwas dahil tuluyan na ngang sumabog ang air ball ni Cadell. Tila ba isang malakas na pwersa ang bumalot dito at tumilapon kami ng ilang metro.
Tumama ang likod ko sa isang puno. Pinilit kong i-dilat ang mga mata ko pero tuluyan ng nasakop nang dilim ang paningin ko.
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro