Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22

##########

KABANATA 22
The Future Teller

KUNG GAN'ON ay isang entrance lang pala ang pinagbagsakan namin kanina. Hindi ko akalain na malawak ang panamahay na 'to dahil hindi halata sa itsura. May secret passage kami na pinasukan paibaba at halos malaglag ang panga namin sa pagkamangha. It's not just a simple ordinary house, it's a mansion! A freakin mansion with golds and silvers! Shit. Paano nangyari 'to?

"Cool, right?" Nakangiting sabi sa'min ni Cadell.

"Wait, to what Kingdom do you belong?" Nagtatakang tanong ni Paige kay Lola Miranda. Nginitian lamang siya ni Lola Miranda at nagkibit-balikat.

"Tinanong ko na siya niyan, Paige. But she doesn't know. Weird nga eh," Cadell answered and chuckled.

"What? Pwede ba 'yon?" Fauna's eyes bulged in confusion, and started sratching her head.

"Bata palang ako ay lumaki na ako ng mag-isa dito sa bahay na 'to kaya hindi ko alam kung saang kaharian ako kabilang. Itong bahay na tinatapakan ko ay pagmamay-ari ng taong kumupkop sa'kin," Paliwanag ni Lola Miranda.

"Eh, ilang taon na po ba kayo?" Tanong ni Dara.

"Isang-daan mahigit na rin. Sobrang tanda ko na, 'no?" Aniya.

I heard Echo's voice chuckling. Tinulak niya si Dara sa balikat at di niya 'yon inaasahan kaya naman muntikan na siyang sumubsob sa kumikinang na semento. "Ayos, Witch! May ka-amiga ka na!" Natatawang sabi nito. Loko talaga.

"Makatulak ka naman! Inggit ka ba sa mukha ko?" Nakangiwing angil sakanya ni Dara.

"No way!" Sagot pa ni Echo bago umirap.

"Mabuti pa't mag-palit muna kayo nang damit, lalo ka na Astra hija," Tumingin sa'kin si Lola Miranda. Oo nga pala, basa nga pala ako gawa naulanan ako kanina. Pero teka, paano niya nalaman pangalan ko? Sa pagkakaalam ko ay hindi pa naman kami nagpapakilala sakanya.

Napa-ubo ako bigla dahil nakaramdam ako ng lamig. Mukhang magkakasakit pa ata ako.

"Tss."

Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Azriel. Inirapan niya ako at napangiwi naman ako. Kaya naman pala malamig dahil may yelo sa tabi ko.

Hinatid kami ni Lola Miranda sa kanya-kanya naming kwarto. Infairness, si Lola Miranda at yung dalawa niya lang na alaga ang nakatira dito pero sobrang laki ng bahay niya. Mayroong walong kwarto na sakto lamang sa'min kaya nagkanya-kanya kami ng kwarto.

Kinuha ko yung damit na binigay sa'kin ni Jack at Jill, at sinuot ito. Kulay puting t-shirt ito na may tatak na YES. Hindi ko alam kung bakit YES 'yon pero di ko nalang pinansin. It's just a simple shirt though.

Maya-maya pa ay nakarinig na ako nang katok sa labas ng pintuan. Hindi ko inaasahan ang taong bumungad sa'kin.

Si Paige.

Nakasimangot ang mukha nito. Napatingin ako sa suot niyang white t-shirt din, ang kaibahan lang ay walang tatak yung sakanya. Just a plain white t-shirt.

"Tinatawag ka na nila," Walang gana nitong sabi sa'kin. Halatang napilitan na katukin ako sa kwarto. Teka, bakit nga hindi sila Echo ang sumundo sa'kin? Bakit si Paige pa?

"Bilisan mo dahil ayoko ng kukupad-kupad," Pagtataray niya. Aalis na dapat siya pero hinawakan ko ang braso niya upang pigilan siya. Nilingon niya ako at tiningnan yung kamay ko na nakahawak sa braso niya. Tinaasan niya ako ng kilay.

Napapahiyang dahan-dahan 'kong binawi ang kamay ko at pumalabi, "G-galit ka ba sa'kin?" Tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit may pakielam pa ako sa kung ano ang tingin ng Elementalists sa'kin ngayon. Dati rati ay wala akong pake kung galit ang mga tao sa'kin, at mas lalong hindi ako marunong manuyo ng ibang tao.

But I feel different now before meeting them. Pakiramdam ko ay hindi lang si Keya ang kaibigan ko. Na hindi lang siya ang pamilya ko.

Her eyes fiercely stared at me, she then flashed a playful grin, "May magagawa pa ba ako? You know what Astra, I really don't like you," Napahinto ako sa sinabi niya. Napalunok ako at napayuko. "But....I admire your bravery. Your determination. Kaya nakuha mo agad ang loob ni Echo dahil sa ganyang ugali mo."

Mabilis akong napaangat nang tingin. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya pero naramdaman ko nalang na unti-unti akong kumurba ang labi ko sa sinabi niya.

"You remind me of her. You remind me of Sam," Dagdag pa niya. Parang bumara ang lalamunan ko at hindi ko magawang magsalita. Hinintay ko lang ang susunod pa niyang sasabihin. "No wonder, mukhang nakukuha mo na rin ang loob ni Azriel."

Literal na hindi na talaga ako nakapagsalita. Tila ba na-kontrol ni Paige ang utak ko at tumatatak lahat ng sinabi niya. She reminds me of Sam, her bestfriend. Natatakot ako na baka hindi si Astra ang nakikita nila Echo sa'kin kun'di ang kaibigan nilang si Sam.

In-ayos niya ang kanyang damit, "Well, wag mo isipin na magkaibigan na tayo. Let's not cross the line," At sa unang pagkakataon, ngumiti sa'kin si Paige.

Yung ngiting walang halong pagtataray o kaplastikan. Yung totoong ngiti. After all, Paige is...nice. Hindi lang siya showy kagaya ko pero pinahahalagahan niya ang grupong ito.

Nanguna si Paige sa paglalakad habang ako ay nakasunod lang sa likod niya. Good thing that she had already memorized the place, kung hindi ay baka naligaw kami. Paige has a sharp mind and memory. I think I can call that ability a photographic memory.

Pumasok kami sa isang malaking glass door, at bumungad sa'kin ang napakalawak na field na pinaninirahan ng mga puno at bulaklak. It is really owned by nature and there were no trace of any changes, such as tree cutting. Isa lang ang masasabi ko, the place is magical.

"Ayon sila," Tinuro ni Paige ang kinaroroonan nila Echo. Nakasuot din sila ng white t-shirt at may mga tatak din ito ngunit di ko mabasa dahil medyo malayo sila sa'kin. Napangiti ako nang makitang nagtatawanan sila habang hinihila ang iritable na si Azriel.

Nilingon ko si Paige pero di ko na siya nakita sa tabi ko. 'Yon pala ay nauna na siya sa paglalakad. Natigilan sila Echo nang makita ako at agad silang nagform ng linya at tumalikod sa'kin.

"Ano ba!" Inis na sigaw ni Azriel na katabi ni Cadell. Lumapit pa si Jack kay Azriel at hinila ang tshirt nito upang magpantay sila at may isinulat siya sa damit ng binata.

Nagtataka ako sa kinikilos nila. Ano 'bang pakulo 'to? Naglakad na ako papalapit sakanila pero agad akong natigilan nang sumigaw si Echo.

"NOW!"

Sabay-sabay silang humarap sa'kin. Napatingin sa'kin si Azriel at nanlaki ang mga mata niya. Nalaglag ang panga ko sa nabasa ko sa t-shirt nila!

DO..YOU..LIKE..ME..ASTRA..??

Si Echo ang may suot ng DO. Si Dara naman sa YOU, kay Fauna ang LIKE at kay Cadell ang ME. Kay Jack and Jill naman ang dalawang question mark.

Gulat na gulat akong napatingin kay Azriel na may sulat na ASTRA gamit ang pentelpen. Mukhang maging siya ay hindi alam ang nangyari.

"What the fuck?!" Mabilis na binasa ni Azriel ang damit nila Echo at napatingin sa sariling t-shirt. Bigla rin siyang napatingin sa'kin at nagsimulang mamula ang kanyang tenga.

Ngayon lamang nagsink-in sa'kin ang lahat. Shit, YES ang nakalagay sa t-shirt ko! Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.

"Sino ang may pakana nito?!" Nagkatinginan pa kami ni Azriel dahil sabay kaming sumigaw.

Parang bata na tinuro nila si Echo na naka-peace sign sa'min.

"Echo!" Sabay na naman ang sigaw namin ni Azriel. Napapikit ito sa inis at naglabas ng ice-fire sa kanyang palad. Lahat kami ay nanlaki ang mga mata.

Napalunok si Echo at nauutal na tinuro si Azriel, "H-hoy, boss! Charot lang naman! Shipper kasi talaga ako ng loveteam niyo---"

Walang ano-ano ay tinira sila ni Azriel ng umuulan na mga hales. Mabilis na nagtakbuham sila Echo palayo at umiwas sa mga tira ni Azriel.

"Waaaah! Easy ka lang, tiger!" Sigaw ni Dara. Napatingin sakanya si Azriel at sinamaan ito ng tingin. Parang nalukot ang mukha ni Dara ng puntiryahin siya ni Azriel ng kanyang ice blades.

Para tuloy kangaroo si Dara na aligaga habang iniiwasan ang mga mapanganib na yelo ni Azriel.

"Si Cadell talaga may pakana nito!" Sigaw ni Dara. Nalipat naman ang mga masasamang tingin ni Azriel kay Cadell.

"H-hoy! Teka gusto ko pa mabuhay---aray ang init!" Nadali si Cadell ng ice-fire ni Azriel sa kanyang braso. Maliit lang naman. "Hype kayo!" Sigaw ni Cadell kila Echo.

Bigla ay hindi ko na nakita si Echo. Nagulat ako ng makitang nag-camouflage siya sa isang puno at sinisilip ang nangyayari. Si Fauna naman ay lumipad gamit ang apoy at sumandal sa itaas ng puno.

"Tama na yan. Wala akong gusto sayo kaya wag ka mag-alala," Sabat ko.

Napahinto si Azriel at inis na bumaling sa'kin. Hinubad niya ang kanyang t-shirt at binato sa mukha ko! Sapul, putek.

"A-ano ba!" Sinamaan ko siya ng tingin. Sininghalan niya ako bago mag-walk-out.

Putek, at ano sa tingin niya? Na may gusto ako sakanya?! Ba't sa'kin nagalit 'yon?!

"Hoo! BWAHAHAHAHA!" Napatingin ako kay Echo na biglang humagalpak ng tawa. Nakitawa rin si Cadell at Dara na halos mamatay na habang nakahawak pa sa kanilang tyan.

"Akalain 'mong si kamatayan pala makakaharap natin! Hahahah!" Natatawang sabi ni Cadell.

"Delikado pala ang pagiging in-denial nung boss niyo," Ani Dara.

Natigil sila sa pagtawa nang bigla silang napatingin sa'kin. Ang mga masasamang tingin at umuusok na ilong ang pinukol ko sakanila.

"Hehehe....Uy frenny. Ayos ba? Gusto mo ba ng round two?" Ngumiti si Echo pero halatang kinakabahan.

Napapikit ako sa inis at pumulot ng bato saka ko hinagis sakanya. Sinigawan ko siya na yung tipong halos mawarak na ang lalamunan ko.

"ECHO!"

=====

KUMAGAT NA ang dilim at hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng buwan. Ang liwanag na binibigay nito ay nakapagbibigay aliw at ganda sa paligid.

"Astra, pwede ba tayo mag-usap?"

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Lola Miranda pala. Maaliwalas ang nakangiting mukha nito sa'kin, pero bakit parang nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya? Napapraning na ba ako?

"Tungkol po saan?" Tanong ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa'rin alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Marahil ay nabanggit lang kami sakanya ni Cadell.

Sinenyasan niya ako na sumunod sakanya kaya naman sumunod ako. Pumunta kami sa isang silid kung saan puro libro ang iyong makikita, at sa pinakasentro nito ay ang isang lamesa na mayroong malaking bilog sa gitna na nakapatong sa isang unan na pula. Parang magpapahula lang ang peg.

"Maupo ka."

Umupo ako sa tapat niya. Nagtataka man ay hindi na ako nagtanong pa. Bakit kaya ako gusto makausap ni Lola Miranda?

"May problema po ba?" Tanong ko sakanya.

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito. Mapait siyang ngumiti at nagpalabas nang isang malalim na buntong-hininga. "Kaya kita gusto makausap ay para sabihin na maghanda ka. Kayong lahat."

Natigilan ako sa paalala niya, "A-ano po'ng ibig niyong sabihin?"

Sumibol bigla ang kaba sa dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Hindi magiging madali lahat nang pagsubok na mararansan niyo, lalong-lalo na ikaw Astra. Mula sa mga mata mo ay nababasa ko ang mga susunod na mangyayari."

"Nakakabasa po kayo ng hinaharap?" Tanong ko sakanya at tumango naman siya. Kung gan'on ay isang future teller si Lola Miranda.

Pumikit siya, "Mataas ang pursyentong sigurado na mangyayari 'yon. Kilala kita. Ang mga kaibigan mo at ang mga pinagdadaanan mo. Nakikita ko na hindi madali ang pagdadaanan mo," Aniya sa seryosong tono.

Dinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa mga sinasabi ni Lola Miranda. Halos lumabas na ito sa kaba. Aaminin 'kong natatakot ako. Ayoko maniwala pero hindi naman mababakas sa itsura niya na gumagawa lang siya ng kwento.

Oo tama siya, hindi nga maganda pinagdadaanan ko ngayon dahil nasasaktan pa rin ako sa pagkawala ni Keya. Siguro nga hindi lang 'yan ang pagdadaanan ko kun'di marami pa. Marami pang bagay na maaaring makapagdulot sa'kin nang sakit.

Muling nagmulat si Lola Miranda at deretsong tumingin sa mga mata ko, "Mula sa nakaraan hanggang sa ngayon ay hindi ka tinatantanan ng panganib. Gusto lang kita sabihan para maging handa ka na sa susunod na mangyayari. Hindi ko sasabihin sayo kung ano ang mga nakita ko sa hinaharap," Napayuko si Lola Miranda sa sinabi at tila ba may naalala na hindi maganda.

"Minsan na ako nangielam sa hinaharap kaya naman minsan na rin nagkagulo ang lahat. Ayoko nang ma-ulit muli iyon kaya ako nagtatago sa bahay na ito kasama ang mga alaga ko. Gusto 'kong ikaw mismo ang makatuklas ng lahat, at pinapanalangin ko na sana....sana malaman mo na hangga't maaga pa," Pagpapatuloy niya.

Pilit akong ngumiti kay Lola Miranda at tumango kahit medyo naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Balang araw maiintindihan ko din ang pinupunto niya.

"Maaari niyo po bang sabihin sa'kin kung magtatagumpay kami sa misyon na 'to?" Umaasang tanong ko. Gusto ko malaman kung maibabalik ko pa si Keya. Gusto ko makasigurado sa lahat. "Wala po bang masasaktan sa paglalakbay namin?" Tanong ko ulit.

Ngumiti ulit siya kasabay nang kanyang pagiling, "Hindi ko maaaring sabihin. Sapat na 'yung binalaan kita."

Bumagsak ang balikat ko sa naging sagot niya. Wala akong nagawa kun'di ang tumango nalang.

"Maraming salamat po, Lola Miranda" Sabi ko na lamang at tumayo. Maglalakad na sana ako sa pag-aakalang tapos na ang sinasabi niya, pero napahinto ako.

Ang mga katagang iyon ang hindi ko akalain na maririnig ko.

"Layuan mo siya. Layuan mo ang lalaking kasama mo ngayon. Hindi magiging maganda para sa inyong dalawa kapag nagpatuloy kayo sa pagiging malapit."

Pakiramdam ko ay huminto ang tibok ng puso ko. Wala siyang binanggit na pangalan pero iisang tao ang pumasok sa isip ko.

Si Azriel.

=====

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro