Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21

##########

KABANATA 21
Lola Miranda

NAPUNTA KAMI sa isang gubat. Ito yung gubat kung saan kami sinalakay ng Giant Ogre at mga lobo. Medyo maputik na ang lugar at humina na ang ulan. Mukhang wala na talagang maisip na lugar si Dara kaya't sa pagmamadali ay dito kami napunta.

Nung mga oras na 'yon ay biglang pumasok si Axel sa isip ko sa hindi malamang dahilan. Siguro dahil nakausap ko siya? Hindi ko alam. Isa siyang Alkirvia, dapat kinamumuhian ko din siya, pero bakit wala akong maramdaman na galit sa kanya?

"Guys, hindi na kaya nang ka-cute-an ko 'to. Na-ubos na ang lakas ko," Hinihingal na sabi ni Dara. Kulang nalang ay himatayin siya sa harapan namin.

"Hop in," Patalikod na umupo si Azriel sa harap ni Dara at ini-angkas ito sa kanyang likod. Himala, bumait yata ang yelo?

"Nas'an na kaya si Cadell?" Si Fauna ang unang nagsalita sa gitna ng pag-lalakad namin sa gubat. Hindi namin ma-kontak si Cadell gamit ang Communicator Voice. Hindi rin siya ma-abot nang telepathy ni Dara. Ilang araw na rin ang lumipas magmula nung nawalay siya sa'min. Wala naman sanang masamang nangyari sakanya dahil sisisihin ko ang sarili ko kung sakaling meron nga.

"Tsa! Malaki na 'yon at kaya na niya ang sarili niya," Sabi naman ni Echo, ngunit gayunpaman ay mababakas mo ang pagaalala sa boses at mukha nito.

Bahagya akong yumuko at nilaro ang mga daliri ko, "Sorry. Mukhang ako ang may kasalanan kung bakit nawalay siya sa'tin."

Ito ang unang beses na humingi ako nang tawad. Kilala kasi ako bilang matigas ang ulo, mayabang ng slight, matapang at ma-pride. Hindi ako yung tipo ng tao na showy sa pagmamahal sa ibang tao, at kung showy man ako ay d'on lang sa mga taong mahalaga sa'kin. Ipinapakita ko ang pagmamahal ko sa pamamagitan nang pagtatanggol dito.

Batid kong nakatingin sila sa'kin kahit hindi na ako tumingala pa. Tama, kasalanan mo nga, Astra. Binubuwis nila ang buhay nila para tulungan ka.

Nagulat ako nang bigla akong hinampas ni Echo sa balikat. Malakas na hampas na halos sumubsob na ako sa lupa. Gulat na nilingon ko siya. May galit ba 'to sa'kin? Maka-hampas, wagas. Kulang nalang ay halikan ko yung lupa.

"Ano ka ba, Astra! Hindi mo kasalanan 'yon. Atsaka, hahanapin naman natin yung tsonggo na 'yon! Paniguradong nagpi-feeling superman lang 'yon ngayon," Aniya. Alam 'kong pinapagaan lang niya ang loob ko.

Sana nga mahanap na agad namin si Cadell para naman mahanap na rin namin si Keya. Hindi maaaring kulang kami ng isa dahil isa si Cadell sa nag-udyok dito. Siya ang nag-udyok kaya kasa-kasama ko ang mga 'to sa paghahanap kay Keya at sa Crux Pendant ng Ezea.

Bigla akong napahinto nang makarinig ako ng mga yabag ng mga paa. Nilibot ko ang tingin sa buong kagubatan pero wala naman. Hindi na ako magtataka kung mayroon nanaman kalaban, pero sana naman ay wala dahil ubos na ubos na ang lakas namin.

"May paparating," Biglang sabi ni Azriel. Nagkatinginan kami pero agad din akong nag-iwas. Kung gan'on ay hindi lang pala ako ang nakarinig.

Pinukaw nito ang atensyon namin. Gan'on nalang ang gulat namin nang makita ang higit sa sampung mga taong may dala-dalang sandata ang tunatakbo patungo sa'min. Shit, Lifars!

"Oh, gosh! Hanggang dito ba naman ay nasundan nila tayo?!" Bulalas ni Echo.

"Wala na tayong magagawa. RUN!" Pagkasi n'on ni Fauna ay mabilis kaming tumakbo sa abot ng makakaya namin.

Napapikit ako sa sakit nang maramdaman ko ang sakit sa likod ko. Taena, mukhang bibigay na ang katawan ko.

"Aish! They're so persistent," Dinig 'kong singhal ni Azriel.

Nalipat ang tingin niya sakin ng mapansing nakatingin ako sakanya. Nagulat pa ako ng hawakan niya ang kamay ko. Shit, nahulog ata yung puso ko. Pero huta, masakit pa'din ang likod ko!

"Run! Wag 'kang tumunganga lang!" Sigaw nito sa'kin habang magkahawak kamay na kaming tumatakbo.

"HURRY UP GUYS!" Paige shouted. Siya ang nangunguna sa pagtakbo.

Wala na kaming lakas para labanan ang mga ito dahil hindi rin naman namin sila pwedeng paslangin.

"Ano ba 'yan! Nagtatakbuhan na't lahat may pa holding-hands pa kayo diyan!" Dinig 'kong sigaw ni Echo habang nakatingin sa'min nang malagkit. Nagawa pa niyang ngumisi sa'kin at kumindat.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na binawi ang kamay ko kay Azriel. Ramdam ko ang paginit ng mukha ko sa hiya.

"SA LIKOD NIYO! Ilag!" Naalerto kami sa sigaw ni Dara . May mga lumilipad na sibat papunta sa side namin na agad naman naming na-iwasan.

"Animoza Espinoza!" Dara casted a spell. Kahit nanghihina siya ay gumamit pa'rin siya ng wand.

"Magpahinga ka nalang," Sabi ko sakanya.

"Ayan lang ba alam mo, Dara witch?!" Echo shouted in the middle of running.

"Ayan pa lang nama-master ko!" Sigaw ni Dara kay Echo.

"Guys, focus! Ano ba!" Singhal sakanila ni Fauna.

As much as we wanted to use Dara's teleportation, we can't. Masasaid lamang nito ang lakas niya at baka tuluyan na siyang mawalan nang malay.

Sa gitna ng pag-takbo namin ay nakaramdam ako ng isang enerhiya malapit sa'min. Napatigil ako sa pagtakbo at agad na nagsalubong ang kilay nang magbukas ang isang portal sa harapan ko. Paano nagkaroon nito dito?

"What the...may portal!" Sigaw ko dahilan para mapatingin sila sa tinitingnan ko. Gaya ko ay nagulat din sila pero di kalaunan ay nagsalita din si Azriel.

"Let's enter the portal," Ani Azriel na habol-habol ang kanyang hininga.

"What?! We don't know what's inside that portal!" Paige shouted. May pag-aalinlangan sa mukha niya at mukhang ayaw niya pumasok sa portal na ito.

"Wala na tayong mapupuntahan! It's now or never!" Sagot sakanya ni Azriel.

"Ha! Huli kayo! Akala niyo ba matatakasan niyo kami?!"

Sabay kaming napatingin sa mga taong nasa harapan namin. Naabutan nila kami.

Tumawa si Echo at dinuro ang mga 'to, "In yo peys! Let's go!"

Nagulat na lamang ako nang bigla akong hilahin ni Echo. Nalaman ko na lang na pumasok kami sa portal na iyon. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pag-bagsak namin sa sahig na gawa sa kahoy.

"A-ackkk. A-ano ba! Napipisat niyo ako!"

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Dara na nasa ilalim nila Echo at Fauna. Pa'no ba naman kasi, bigla nalang siya hinagis ni Azriel sa loob ng portal kaya siya ang unang nakapasok dito.

"Uy, sorry!" Mabilis na tumayo si Fauna at inalalayan si Dara. Tumayo na rin sina Echo at Paige.

Napansin ko ang biglang pagtahimik nung tatlo habang nakatingin sa harapan. Sinundan ko ito nang tingin at nakita ko ang isang lalaking ngiting-ngiti sa'min habang nakain ng mansanas.

"Mga walanghiya kayo! Balak niyo pa yata ako gawing flat stick!" Reklamo ni Dara.

"Cadell?!" Si Echo ang unang nagreact.

Si Cadell nga ang lalaking nasa harapan namin. Mukha naman siyang okay dahil wala siyang ni isang galos sa katawan. Teka, paano siya napunta dito?

"Miss me?"

*POOIIINK!*

Nagulat kami nang biglang batuhin ni Echo si Cadell ng sapatos niya at sumapul ito sa mukha ng binata. Napadaing si Cadell sa sakit na mukhang hindi inaasahan ang papalipad na leather shoes sa mukha niya.

"Shit! Ecs naman! Masakit yun ah!" Reklamo ng binata. "Ganda ng salubong mo sa'kin, ah," Nakangiwi 'pang dagdag nito habang hinihimas ang kanyang noo.

"Nandito ka lang palang tsonggo ka!" Pumameywang pa si Echo na parang nanay na pinapagalitan si Cadell. "At may gana ka pang kumain ng mansanas....tapos hindi mo ako tinirahan?!"

Gulat kaming napatingin kay Echo at napa-face palm. So, ang ipinuputok ng butsi niya ay dahil hindi siya natirhan ng mansanas? Baliw.

Saglit na natigilan si Cadell at napakurap pa ng ilang beses. Maya-maya lang ay humagalpak ito ng tawa. "Saging, ayaw mo?" Nginsian siya ni Echo.

"Teka, Cadell," Sumabat si Fauna. "Ayos ka lang ba? At, nasaan tayo?"

Nilibot ko nang tingin ang paligid. Isa lamang itong maliit na makalumang bahay na gawa pa sa kahoy. Gayunpaman, litaw pa'rin ang ganda at kalinisan ng paligid. Kaninong bahay 'to?

"Ako pa ba? Syempre, ayos lang ako! Uyy, na-miss nila ako," Mukhang tanga ang ngiti sa'min ni Cadell kaya naman ay napa-poker face kami. Tila ba may dumaan na hangin sa pagitan namin.

"Ang korni niyo naman! Wala man lang yakap?" Kunwaring nagtatampo pa niyang sabi.

"So, nasaan nga tayo?" Walang ganang tanong ni Paige.

Ngumiwi siya sa'min, "Nasa ibang dimension tayo. Sa bahay ni Lola."

"Bahay ni Lola?" Tanong ko.

At mula sa likod ni Cadell ay lumabas ang mahigit 70 taong gulang na matanda. Gaya ng mga ordinaryong matatanda ay kulay puti na ang buhok nito, kulubot ang balat, pero mahahalata 'mong may kalakasan pa.

Ngumiti ito sa'min, "Nandito kayo sa tagong pamamahay ko. Ako si Miranda, tawagin niyo nalang akong Lola Miranda. Wag kayong maniwala sa mahanging bata na 'yan. Sadyang tago lang ang lugar na ito at walang sino man ang nakakatuklas," Paliwanag niya.

"Mahangin ka pala eh! Haha!" Asar ni Echo kay Cadell na agad namang bumusangot ang mukha.

"Tinulungan ako ni Lola Miranda sa gubat na 'yon. Putspa, mga tsong! Bwiset yung ogre na 'yon. Siguro tigok na ako kung hindi lang ako gwapo!" Sabi ni Cadell na parang nagma-marathon sa bilis ng pagsasalita.

"Eh, sino ba kasi may sabing mag-feeling bayani ka? Bida ka din eh, 'no?" Pambabara sakanya ni Echo kaya naman natawa si Dara at Fauna.

Nilapitan niya si Echo at inakbayan ito, "Ecs, alam ko namang na-miss mo ako. Sabihin mo nalang, di naman nakakabawas ng kapangitan 'yon."

Sarkastikong nginitian siya ni Echo, "Na-miss ka naman. Nang kamao ko nga lang," Sabay inilabas niya ang kanyang kamao. Mabilis na napalayo sakanya si Cadell.

"Bakit po kami nandito?" Naisipan 'kong itanong kay Lola Miranda.

Napatingin ito sa'kin. Hindi nawawala ang kanyang ngiti sa labi, "Humingi nang pabor ang kaibigan niyo na iligtas kayo. Mula sa nangyari sa Vershia hanggang Lifarshia ay napanood namin kayo," Sambit nito na ikinagulat namin. Nalipat ang tingin namin kay Cadell.

"You're watching us all the time?" Madiing ani Azriel.

Kung gan'on, alam na niya ang tungkol kay Zed. Pinagmasdan ko ang ekspresyon ni Cadell. Naging seryoso ang mukha nito.

Cadell nodded as a response before looking at me, "At alam ko na rin ang tungkol sa Alkirvia na nasa loob ng katawan mo, Astra."

Napalunok ako at napayuko. Hindi ko alam kung tanggap ba niya dahil hindi ko mabasa ang mga mata niya. Maiintindihan ko naman kung hindi---

"BWAHAHAHA!"

Gulat akong napatingala at pinagmasdan ang abnormal na si Cadell na halos mamatay na sa kakatawa. Kasabay nang pagtawa niya ay ang pagtawa rin ni Echo na halatang peke, mukhang naguguluhan sa ikinilos ng binata.

"Ha-ha-ha! Bwiset!" Napalitan nang pag-ngiwi ang mukha ni Echo. "Napunta ka lang dito nadagdagan na ang kabaliwan mo!"

Pinakalma muna nito ang kanyang sarili, pero and'on pa'din ang pagpipigil ng tawa. Baliw, pareho sila ni Echo na baliw. "Sorry---pfft! Si Astra kasi. Akala niya siguro hindi okay sa'kin ang nangyari," Tumawa ulit ito at ngumiti sa'kin. "We're a team. Kaibigan kita at kilala kita. Tanggap ka nila kaya tanggap din kita. Bukod sa gwapo ako, sino ba naman ako, diba?"

Napangiti ako sa sinabi niya and I mouthed 'thank-you.'

"Kaya wag niyo sabihing hindi niyo ako na-miss, lalo ka na Echo!" Tinuro niya si Echo at nginisian. "Ikaw ah, palagi mo tinatanong pangalan ko."

"Aba, sinisigurado ko lang kung buhay pa yung tsonggo o hindi!" Mabilis na depensa ni Echo.

Tumingin naman si Cadell kay Azriel at binigyan ito nang malagkit na tingin. Kumunot ang noo ni Azriel.

"What?" Nakasimangot na aniya.

Mas lumawak ang ngisi ni Cadell, "Ikaw boss, ah. Kume-kerengkeng ka na."

Mas lalong kumunot ang noo ni Azriel, "Ano 'bang sinasabi mo?"

"Sino yung binabantayan mo na taga-Vershia, ha?"

Para akong nabilaukan sa sinabi ni Cadell. Nanlaki ang mga mata ni Azriel at inis na napatingin kay Echo. Mukha namang nagulat si Echo.

"Hoy! Hindi ko sinabi kay Astra. Promise!" Tinaas pa ni Echo ang kanyang kaliwang kamay. Napatampal ako sa aking noo. Binuking ang sarili.

"Sinabi niya," Inosenteng tinuro ni Cadell si Echo. Pinanlakihan naman siya ng mga mata ng dalaga.

"You did what?!" Halos umusok na ang ilong ni Azriel. Nabaling nito ang tingin sa'kin pero agad 'ding nagiwas.

"What's the catch? Sino binabantayan mo, Azriel?" Tanong ni Fauna na hindi maka-relate sa usapan.

"So, that's the reason kaya ka pumupuslit dati?" Walang ganang konklusyon ni Paige at tumango-tango. Malamang hindi siya interesado.

"No, it's not!" Mabilis na sagot ni Azriel at sumimangot.

"Tama na yan. Gutom na kasi ako eh, may pagkain ba?"

Isang maliit na boses ang kumuha sa atensyon namin. Nakalimutan namin si Dara na mukhang mamamatay na sa gutom. Kailangan pa niyang ma-regain ang kanyang lakas.

Bigla ay naramdaman ko ang pananakit sa likod ko. Mamaya ko nalang siguro pagagalingin ang sarili ko kapag nabawi ko na ang lakas ko.

"Meron. Saglit lang...Jack!" Umalis sa harap namin si Lola Miranda at may tinawag. Nilibang ko muna ang sarili ko sa pagnamnam sa sakit na nararamdaman ng likod ko at ipagsawalang bahala ang pang-aasar nila kay Azriel.

Napahawak ako sa gilid ng labi ko, at napangiwi nang makaramdam ako ng hapdi. Paniguradong mukha na akong dugyot, at puro galos na ang mukha ko.

"Oh my, Witch!" Biglang sumigaw si Echo.

Kasabay kasi ng pagpasok ni Lola Miranda mula sa di kalakihang kahoy na pinto ay ang dalawang maliit na nilalang na by height pa ang paglalakad. Napagtanto 'kong isa pala silang duwende. Literal na duwende na sobrang liit. Hanggang tuhod lang ata namin ang mga ito di katulad ni Dara. Mas mahaba ang kanilang tenga at matulis ang ilong.

Nakangisi akong sumulyap kay Dara at nakitang nakakunot ang noo nito habang tinitingnan ang dalawang duwende.

"Manahimik ka, Echo! Di hamak naman na mas cute ako sakanila. Atsaka, ang layo kaya ng itsura nila sa itsura ko! Ang cute ko, eh!" Sabi ni Dara dahilan para mapabungisngis kami maliban kay Paige at Azriel.

"Hoy, higanteng bata na mukhang duwende! Di hamak naman na mas cute kami sayo 'no!" Nagsalita ang pinakamaliit na duwende. Sobrang liit ng boses niya, parang isang langgam lang ang nagsasalita.

"Oo nga!" Pag-sangayon ng isa. Nakakatuwa sila tingnan at ang sarap nilang tirisin.

Nanlaki ang mga mata ni Dara at nilapitan yung dalawa, "Isang pitik ko lang talsik na kayo!" Tumawa pa ito.

"Ah, gan'on?" Biglang kinagat ng maliit na duwende sa daliri si Dara kaya naman napadaing ito.

"Aray! Patulisan ba kamo ng ngipin?" Sabay inilabas ni Dara ang mga ngipin niyang parang chainsaw. Mukhang nasindak ang dalawa dahil nanahimik sila bigla.

"Aww...a one big happy family. Mukhang nahanap mo na ang pamilya mo, Witch. You may now live happily ever after," Echo said with a teasing voice.

Agad naman siyang sinamaan nang tingin ni Dara, "Gusto mo maging palaka, Echo?" Dahil sa sinabi ni Dara ay napatakip agad ng bibig si Echo. Tumahimik na 'rin ang bruha.

"Oo nga pala. Itong dalawa nga pala ang mga alaga ko. Eto si Jack," Tinuro ni Lola Miranda sa pinaka-matangkad. Oo, matangkad na siya sa lagay na 'yon. "At ito naman si Jill," Turo naman niya sa pinaka-maliit.

"Ig-guide nila kayo sa kinaroroonan ng mga pagkain dito. Lakad na Jack at samahan niyo na sila," Utos ni Lola Miranda. Sumunod agad sila sa dalawa.

Susunod na rin dapat ako pero agad ding natigilan nang hawakan ni Azriel ang braso ko. Nilingon ko siya.

"Hindi ikaw 'yon."

Kumunot ang noo ko at nag-isip kung ano ang sinasabi niya, "Ha?" Nasabi ko nalang.

Iniisip ba niya na iniisip ko na ako yung babaeng binabantayan niya dati? Oo, inisip ko 'yon pero sa kabilang banda ay inisip ko rin na baka coincidence lang 'yon.

"Hindi ikaw yung taga-Vershia na binabantayan ko dati. Baka mag-feeling ka d'yan," Nakangiwing aniya.

Napanganga ako at bahagyang natawa, "Wala naman akong inisip na gan'on," Which is not true. "Atsaka, hindi ko gugustuhin na maging ako 'yon kaya wag ka rin feeling."

Nginiwian ko din siya at inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Sumunod ako kila Echo at iniwan siya d'on.

Tss. Lakas rin nang pang-amoy. Alam na alam na may pagka-feelingera din ako.

Azriel and his guilty face is priceless, but I won't be taking that as an asnwer to my question.

*****

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro