Kabanata 20
##########
KABANATA 20
Escape
[ECHO's POINT OF VIEW]
PIGIL ANG hininga namin habang pinapanood si Astra na lumalaban sa mga Amazona. Sinaktuhan pa na umuulan nang malakas.
Malas! Kung bakit ba kasi ang lakas nang pang-amoy ng mga pesteng Lifars na 'to? Engot, trackers nga pala sila.
"Hindi niya kakayanin ang mga 'yan sa oras na gumamit sila nang kapangyarihan," Dinig 'kong sabi ni Fauna sa tabi ko.
Hindi nga gumagamit nang kapangyarihan ang mga ito, dahil gaya ng kay Astra ay sandata din ang gamit nila. Mas okay na ito dahil alam 'kong kahit papaano ay makakalaban siya. Magiging unfair sakanya at sa'min kapag nagkataong may isang gumamit ng kapangyarihan sakanila.
"Ano? Wala pa ba tayong gagawin para makatakas dito?" Madiin 'kong bulong sakanila.
Hindi ko na gugustuhin pa na pati si Astra ay magaya sa sinapit ni Sam. Alam ko, kasalanan din namin kung bakit namatay si Sam dahil hinayaan lang namin siya. Masyado pa kaming mahina nung mga panahon na 'yon, at hindi ako papayag na maging mahina ulit sa pagkakataong ito.
May misyon pa kami na ipinangako kay Astra, at kahit buwis-buhay ay gagawin ko ang lahat para lang maging masaya na ulit ang kaibigan ko. Alam ko naman na si Keya lang ang makapagbabalik sa ngiti sa mukha niya. Yung ngiting totoo at hindi pilit, kasi kahit tumatawa siya kasama namin, ramdam ko pa'din ang lungkot niya.
"Boba! Kita mo naman na void ang kapangyarihan natin. Even Dara can't help us," Paige said and rolled her eyes. Agad naman akong bumawi at inirapan din siya.
Ilang taon na kami magkakasama pero wala pa'rin pinagbago ang pinagsamahan namin. Hanggang ngayon, 'di pa rin namin makasundo ni Fauna si Paige. Mahirap siya makasundo dahil bukod sa katarayan niya ay masyado pa siyang ilag sa mga tao na maging kaibigan siya.
Nagsimula lang naman 'yon nung namatay si Sam. Si Sam lang kasi ang kasundo at kasama ni Paige sa lahat nang bagay, palibhasa pareho sila minsan ng personality.
"Malakas si Astra. Tiwala lang!" Pagbibigay pag-asa sa'min ni Dara habang pilit na ngumingiti.
Nakita ko na ngipin ng mangkukulam na ito eh. Ang panget, pang halimaw wahahahaha!
"How about Cadell? Siya na lang ang tanging pag-asa natin," Mahinang sabi ni Fauna dahilan para matigilan kami.
Ay tumpak! Ang hinayupak na Cadell! Matapos nung Communicator Voice, di na talaga siya nagpakita! Hype! Kamusta na kaya yung tsonggong hangin na 'yon? Wala tuloy akong makaaway. Hays, kahit pa abnormal yung hangin na 'yon eh sana ay ayos lang siya. Kakaltukan ko talaga 'yon pag nakita ko siya!
"Tawagin natin siya using our Communicator Voice," I suggested.
"Diba nga? His Communicator Voice is cannot be reached. It's no use," Ani Azriel sa naiinis na tono.
Tuluyang nawalan ang pag-asa namin sa sinabi niya. Ilang araw nang hindi masagap nang Communicator Voice namin ang tsonggong si Cadell.
Napasulyap ako kay Azriel at seryosong nanonood lang siya sa laban ni Astra. Sa aming lahat ay batid 'kong siya ang mas nahihirapan sa sitwasyon. Siya ang nagsisilbing leader ng grupo at sigurado akong mas nagaalala siya kay Astra.
Nilingon ko ang katabi 'kong si Dara na nasa kanan ko at saka siya siniko. Maliit lang siya kaya naman yung balikat niya ang nadanggi ko.
"Ikaw kasi, eh," Sumbat ko sakanya.
"Hoy bruha, wag mo ko masumbat sumbat, ah! Wala akong alam!" Tanggol niya sa sarili.
Mangkukulam na madamot na ayaw magpahiram ng beauty potion! Pag talaga natyempuhan ko ang spell book niya, bwahahaha! Hulog brief lahat nang makakakita!
Napukaw ang atensyon namin ng may tatlong Hunters ang tumatakbo patungo sa direksyon ng Hari at Reyna. Base sa mukha nila ay batid 'kong may problema o hindi magandang nangyayari.
Busy ang iba sa panonood sa laban ni Astra at ng mga Amazona kaya naman kami-kami lang rin ang nakapansin.
"Nakakaramdam ako ng panganib," Dinig naming sambit ni Fauna.
"May panganib na, ah! Astra is in trouble," Sabi ni Dara at siniko ko ulit siya dahilan para sumimangot siya.
"Iba yung tinutukoy niya."
Nabawasan ang Lifars na nagbabantay sa'min at dalawa na lang silang nasa likod kaya nakaisip ako nang plano.
Nilapitan ko ang mukha kay Dara para bumulong pero ang walanghiyang mangkukulam ay binibigyan ako nang nandidiring tingin at nilalayo ang sarili niya.
"My gosh, don't come near me," Maarteng aniya. Aba! Ke-tanda tanda na na-arte pa!
"Umayos ka nga! May ibubulong lang ako!" Madiin ngunit mahina 'kong sabi.
Inirapan niya ako at inilapit ang tenga niya sa'kin. Napangiti ako at...
"Wooosh!" Hinipan ko ng malakas ang tenga niya. Pfft. Kadiri naman ang tenga ng mangkukulam na 'to, sakop na ata nang malaki niyang tenga ang mukha ko. Actually, hindi na nga kailangan bumulong sa sobrang laki at haba ng tenga niya.
"Ano ba! Echo!" Reklamo niya. Oops, seryoso ang mangkukulam.
"Hehehe, eto na talaga. Dali" Inilapit ko ulit sakanya ang bibig ko at sinabing gamitin niya ang kanyang telepathy. D'on ko sinabi ang aking plano. Hindi naman sakop ang mental ability ang bwiset na posas na 'to kaya keribels ang sure-win na plano.
Napagusapan namin gamit ang telepathy ni Dara ang plano namin. Since ako ang nag-isip, ako ang gumawa.
Dahan-dahan 'kong dinukot sa bulsa ni Dara ang sleeping dust niya na ngayon lang nalaman na meron pala. Mangkukulam talaga, meron naman pala siya pinatagal pa! Kapag may nangyari talagang masama gagawin ko siyang palaka habang buhay!
Sinigurado 'kong hindi ako mapapansin ng dalawang Lifars na nasa likuran ko. Nang tuluyan ko na ito makuha ay napangiti ako nang malawak. Here comes my surprise, bitches!
Dumukot ako nang sakto lang naman na sleeping dust at nilingon ang mga Lifars. Nagtataka naman silang napatingin sa'kin. Hunter pala ito at isang Amazona.
"Uy, ganda natin ah?" Sabi ko d'on sa Amazona habang nakangiti. Tiningnan ko naman yung Hunter at tinapik ang ma-muscle niyang braso. "Ayos par, ah! Ilang araw ang gym mo?"
Mas lalo silang nagtaka sa sinabi ko at maya-maya lang ay sinamaan nila ako nang tingin.
"Gaga ka! Ano 'bang ginagawa mo?" Boses ni Fauna ang narinig ko. Hindi ko siya pinansin.
"Kayo naman, masyado kayong seryoso. Nagugutom ba kayo mga bata?" Nilakihan ko pa ang boses ko.
"Gusto mo 'bang mamatay?!" Sigaw sa'kin nung Hunter. Ay, may period si kuya.
"Hehehe. Matulog muna kayo, masyadong mainit ulo niyo, eh."
Kasabay ng pagkasabi ko n'on ay hinipan ko sa mismong mukha nila ang sleeping dust na agad namang umepekto at nakapagpatulog sakanila.
"Ayos! Tara!" Ani Dara. "Lakas ng topak mo, kinausap mo pa!" Natatawang niya pang dagdag.
"Of course, trust the beautiful me. Ako pa!" Sinuntok ko pa ang dibdib ko at nagyabang.
"Kanino kaya yung dust?" Sarkastikong sabi ni Dara.
Dahan-dahan kaming lumabas ng Arena at siniguro ko talaga na walang ni anino o bulto ng Lifars kaming makikita.
"All clear!" I said with a happy voice.
"Now what? Pa'no natin aalisin ang mga 'to?" Masungit na tanong ni Paige . Tinutukoy niya ang mga posas na nakalagay sa kamay namin.
"Nasa underground nila ang susi sa posas na 'to. Let's go," Sumunod kami sa sinabi ni Azriel.
Aba. Dapat lang 'no. Kaya nga siya naging si Azriel eh, because he knows the best. Ewan ko ba at mukhang na-blangko ang utak niya kanina.
Hindi na ako magtataka kung naalala niya ang nangyari kay Sam.
Himala at saulo ni Azriel ang lugar na ito. Nabanggit niya na minsan na dumalaw siya dito kasama si Sir Etienne at Sir Paulo two years ago upang pagplanuhan ang isang okasyon.
At nung mismong okasyon naman ay wala si Azriel. Pumuslit ulit siya nung araw na 'yon, tapos nag-colunteer ako na hanapin siya. Ayun! Nakita ko ang loko, nakatanaw sa isang babaeng Vershiatist na hindi ko naman kilala dahil nakaside view ito.
Hindi ko maiwasang hindi mangiti dahil pakiramdam ko ay nakakalimutan na niya si Sam. Ang kaso nga lang, gaya nang kwento ko kay Astra, ay hindi na niya ito muling nakita pa. In fairness, isang taon din siyang naging torpe.
Napa buntong-hininga ako. Sabagay, naiintindihan ko siya dahil hindi nararapat para sa'min na umibig sa mga taong nasa baba, which is ang mga Vershiatists at iba pang mga taga-bayan mula sa ibang lugar. Ang lagi nilang sinasabi, langit kami at lupa sila.
Hindi ko namalayan na nasa underground na kami. Nang marating namin ang dungeon ay nagulat pa kami sa aming nadatnan. Kaya pala wala masyadong kawal sa labas dahil busy sila dito. Mukhang may nagwawalang Alkirvia na gustong makatakas.
Nagtago kami sa isang pader at sinilip ang loob. Nakita 'kong nasa bulsa ng isang Hunter ang susi.
"Get the key," Utos ni Azriel.
Gumawa ako nang ugat ng halaman upang gamitin sa pagdekwat d'on sa susi na nakasabit sa kanyang bulsa.
Sinamantala namin ang pagkakataon. Nang makuha ko na ito ay mabilis kaming umalis at tinanggal ang posas na nasa kamay namin.
"Ah! Pakiramdam ko isang taon ako nakaposas!" Bulalas ko habang nag-iistretching pa. Totoo naman, eh. Masyado kasing mahigpit ang pagkakasuot sa'min nung bwiset na posas na 'yon. Cursed the person who invented this!
"Let's now get Astra," Maawtoridad na sambit ni Azriel at nagpangunang tumakbo.
Oh hell yes, frenny! Here we come! Bakbakan na this!
=====
[BACK TO ASTRA's]
HINDI AKO magkandaugaga nang sabay-sabay nila akong sugurin. Buti nalang at nakaiwas agad ako. Taena, pakiramdam ko tatalon ang puso ko sa kaba!
Pagod na ang mga tuhod at kamay ko, pero ang mga ito ay hindi mo man lang kakikitaan nang pagod. Malamang! 1 vs 10?! Lugi!
Hindi ko alam kung paano pa ako nakaka-survive gayong puro iwas lang naman ang ginagawa ko. Masyadong unfair para sa hamak na healer lamang na gaya ko ang labang ito. Alam talaga nilang matatalo ako.
"Alkirvia's like you deserves to die!" Sigaw sa'kin ng isang Amazona at agad akong sinugod gamit ang kanyang sibat. Na-alerto ako at mabilis na hinarang ang aking espada sa kanyang sibat. Malakas siya habang ako naman ay pa-ubos na ang lakas.
Ang mga Warriors na kagaya ng mga Amazona at Hunters ay walang panama sa isang healer na kagaya ko. Hinding-hindi ko sila matatalo.
Kung pu-pwede nga lang sila patayin ay nagawa ko na, pero hindi. Hindi ko 'yon maaaring gagawin. Dahil bukod sa labag sa batas ang pagpatay sa mga White Magic Users ay mababait ang mga ito. Oo, mabait na sila nang lagay na 'yan.
Kaya lang naman sila ganyan sa'kin dahil sa labis na galit nila sa Alkirvia, at syempre pinaniniwalaan nilang isa ako sa mga 'yon.
Sinamaan ako nang tingin ng Amazona, "You're not voided anymore, so why not use your dark magic, ha? You're a Dark Alkirvia. Masasama kayo kaya dapat sa inyo ay ma-ubos!" Hindi ako nakaiwas nang sipain niya ako nang malakas sa sikmura. Napakagat ako sa aking labi kasabay nang pagbuga ko ng dugo.
Taena, nagugutom na nga ako, sinipa pa niya ako!
Bobo naman niya. Hindi ba niya narinig yung sinabi ko na sumapi lang sa katawan ko si Zed?
Pinalibutan ako ng sampung Lifars at hinanda ang kanilang sandata bago itinutok ang mga ito sa'kin. Hindi nga sila gumamit ng kapangyarihan pero talo pa rin naman ako.
"Masyado ba kayong duwag para sugudin ako ng sabay-sabay?" Sarkastiko 'kong sabi sakanila na naging dahilan para lalo silang magalit sa'kin.
Dehado ako kaya natatalo ako. Konting yabang lang naman ay paniguradong ma-aapakan ang ego nila.
Akmang susugurin na nila ako ng pigilan sila ng Amazona'ng sumipa sa'kin sa sikmura.
"Wag na. Ako nang bahala sa halimaw na ito," Pagkasabing-pagkasabi niya n'on ay nagsilayuan ang iba at tanging ang babae lang sa harapan ko ang natira.
Tumayo ako habang sapo-sapo ang t'yan ko. Masakit pa rin ito dulot nang kanyang pagkakasipa. Sinasabi ko na nga ba, kakagat din sila sa pagyayabang ko. Pwede pa ako makalaban pero alam 'kong anumang oras ay bibigay na ang katawan ko. Lintek.
Saglit 'kong sinulyapan ang pwesto ng Hari pero wala sa'min ang atensyon niya. Mukhang may iba silang pinagkaka-abalahan. Napunta naman ang tingin ko sa pwesto nila Echo pero agad na nagsalubong ang mga kilay ko nang hindi ko sila makita d'on. Nas'an sila? Iniwan na ba nila ako? Hindi. Hindi nila ako iiwan.
"Now, let's fight. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo. You..will rot in hell!" Bumalik ang paningin ko sa Amazona'ng ito. Tila naghahamon siyang tumingin sa'kin, masyadong nagyayabang at kampante sa sariling kakayahan.
Ngayon, lamunin mo ang yabang mo, Astra. Mamamatay ka na kaya say hello to hell! Bwiset. Nagawa ko pa'ng maging sarkastika sa sarili ko.
Inihanda at mas idiniin ko pa ang pagkaka-hawak ko sa espada na pansamantalang ipinahiram sa'kin ng Hari. Hawak ang kanyang dalawang espada ay mabilis itong sumugod sa'kin. Naging mabagal siya sa paningin ko kaya nagawa 'kong iwasan ang mga atake niya.
"Wag 'kang umiwas! Fight me!" Sigaw niya, halos tumalsik na ang laway.
Hinintay ko siya muling sumugod sa'kin. Mabilis ang galaw nang mga espada niya at dahil d'on ay nadaplisan niya ang kaliwang braso ko. Ngunit, hindi 'yon naging dahilan para sumuko ako.
Nang akmang ihahampas nito ang espada sa'kin ay mabilis ko itong naiharang ng espada ko. Nagtagisan kami ng tingin. Sinamantala ko ang pagkakataon para buong lakas na itulak siya.
Napaupo siya sa semento at galit na tumingin sa'kin. Lalapitan ko na sana siya pero nagulat ako nang gumawa siya nang energy ball mula sa mga palad niya.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad nakaiwas dahil sa pagkabigla. Tumalsik ako ng ilang metro at tumama pa ang likod ko sa matigas na bato. Napamura ako sa sakit. Puta, madaya!
Batid 'kong nasugatan ako sa labi at pisngi sa ginawa niyang yun. Hindi siya patas!
Hindi ako makatayo dahil sa sakit na natamo ng likod ko. Pakiramdam ko ay dinaganan ako ng isang malaking bato. Mukhang nabalian pa ako nang buto sa likod.
Nakangisi siyang lumapit sa'kin, "And'yan na si Kamatayan."
Nanigas ako sa kinalalagyan ko. Halos man-laki ang mga mata ko nang itaas niya ang kanyang espada. Bumilis ang pintig nang puso ko at pumikit. Alam ko ang kahahantungan ko kaya naman nag-handa na ako sa susunod na mangyayari.
Pero nagkamali ako.
Isang nakakasilaw na liwanag ang nag-padilat sa mga mata ko. Lumiliwanag ang dibdib ko na ikinagulat ng Amazona sa harapan ko, hanggang sa lumaki ito at tumilapon siya! Hindi lang siya, maging ang ibang Lifars na nasa likuran niya ilang metro mula dito ay tumilapon rin.
Gaya ko ay mababakas ang sakit sa mga mata nila. 'Yan...kung ngayon palang nasaktan na kayo sa pagkakatalsik, paano pa ako na tumama pa sa malaking bato?
Halos mabingi ang paligid sa nangyari at maging ako ay hindi makapagsalita. Teka...niligtas na naman ba ako ng puting liwanag na 'yon?
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang Royal Blood. Napatayo sila sa kanilang kinauupuan at mababakas ang labis na pagka-gulat sa kanilang mukha.
"Astra!"
Naagaw ng isang pamilyar na boses ang atensyon ko. Sila Echo! Kasalukuyan silang nakikipaglaban sa ibang Lifars pero hindi sa puntong pinapatay nila. Napansin 'kong wala na silang suot na posas at malaya na nilang nagagamit muli ang kapangyarihan nila.
"Astra! Halika na!" Muling sigaw ni Echo dahilan para mapabalik ako sa sarili ko.
Masakit ang likod ko pero sinikap ko na makatayo, pero bago ako lumapit kila Echo ay napatingin ako sa Amazona na kalaban ko kanina.
Nginisian ko siya. Iyong ngising nag-yayabang, "Mukhang hindi na darating si Kamatayan," Huling salita ko bago lumapit sa Elementalists.
"Hulihin sila! Wag na wag sila patatakasakin!" Sigaw iyon ng Hari. Kailangan na namin maka-alis dito!
"We need to get out of here. Now!" Sigaw ni Azriel. Nang tingnan ko siya ay nakatingin na rin pala siya sa'kin. Puno ng pagtataka ang mga mata niya. Marahil bumubuo na 'yan ng katanungan sa isip. Nakita nila yung ginawa ko kanina...nakita nila yung liwanag.
"Astra! Ano ba! Tara na!" Sigaw ni Dara at hinila ang kamay ko.
Nang makalabas kami sa Arena ay may sumalubong agad samin na mga armadong Lifars. Agad na pinalibutan ni Fauna ang mga ito ng apoy para hindi makalapit sa'min.
"Hurry!" Sigaw ni Paige.
Mas binilisan pa namin ang pag-takbo. Sa gilid ko ay mayroong higit sa lima na Lifars ang pasugod sa direksyon namin. Agad akong na-alerto ng maglabas ang mga ito ng energy ball.
"Sa gilid!" Sigaw ko.
Mabilis na gumawa si Paige ng Water Shield na pumalibot sa'min. Mabilis naman na nag-labas nang matulis yelo si Azriel na lumabas sa kinatatayuan ng mga Lifars. Napaatras sila at muntikan nang matusok nang mga ito.
Sa kanan naman ay nagpalabas ng tipak na mga bato si Echo dahilan para tumilapon ang mga balak sumugod sa'min.
Mayroon pa sa harapan kaya naman itinaas ni Fauna ang mga nag-aapoy niyang kamay dahilan para bumagsak ang mga malaking chandelier na pinalilibutan ng apoy.
Tumakbo ulit kami. Malapit na at nakikita ko na ang malaking gate ng Lifarshia pero may humarang nanaman sa'min. Mga estudyante pa sila.
"At s'an niyo balak pumunta, ha?!" Sigaw ng babae sa gitna.
"Sa labas, engot! Animoza Espinoza!" Dara casted a spell using her wand at wala pang dalawang segundo ay naging palaka na ang mga ito. "May time limit 'yan. Tara na!"
Nakalabas na kami nang tuluyan sa Kaharian ng Lifarshia pero tila ba hanggang dito ay habol-habol nila kami. Mayr'on palang nakabantay sa labas at pinalibutan nila agad kami. Lintk na 'yan, hindi na kami pinatahimik! Wala naman akong magawa dahil isang healer lang ako at ubos na ang lakas ko.
"Use your teleportation, Witch!" Mabilis na sigaw ni Echo kay Dara.
"Mag-hawak kamay tayo!" Si Dara.
Mabilis akong kumapit sa kamay ni Echo. Sa kaliwa ko naman ay si Azriel. Nang mapagtanto 'kong siya ang makakahawakan ko ng kamay ay natigilan ako at bumilis bigla ang pintig ng puso ko.
"Fvck! Hurry up!" Sigaw nito sa'kin at hinablot ang kamay ko.
Mas bumilis tibok ng puso ko. Sa oras na 'to, nagagawa mo pang lumandi?! Taena, Astra!
Naramdaman ko na ang pag-ikot ng aking sikmura. Napapikit ako ng mariin, ngunit may na-alala akong isang tao. Bigla akong napamulat.
Si Axel!
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro