Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

The following video under multimedia is my inspirational song/theme song to this story. It is a Korean song actually. Haha.

##########

KABANATA 2
Welcome to Ezea High

I WAS welcomed by the high metallic silver walls and gates encircled around the school which I thought was the kingdom of Ezea. I see paradise as soon as I enter the academy and was amazed with the colorful surrounding, as well as the cherry blossoms in every part of the academy.

Sinalubong kami ng dalawang lalaki at binigay ni Cadell sakanila ang walang buhay na katawan ni Keya. Umalis rin sila agad and we continued walking. Magkaibang direksyon ang tinahak namin pati ang dalawang lalaki na umaakay kay Keya.

"San nila dadalhin si Keya?" I asked. Nasa magkabilang gilid ko si Cadell at Echo, habang si Fauna naman ay nasa harapan.

"Dadalhin nila ang katawan ng kaibigan mo sa Technology Center para mailagay sa preservation machine," Sagot ni Echo bago tumingin sakin.

"That'll help preserve her body for a while habang nagiisip tayo ng paraan," Ani Cadell.

Tumigil kami sa isang malaking wooden narra class door. May pinindot si Fauna sa gilid nito at automatic na nagbukas ang higanting pintuan saka kami pumasok sa academy. Bumungad sa'kin ang isang malawak na hallway na pinaliligiran nang maraming stalls ngunit wala namang mga tao. Ano ito? Sa gilid nito ay napansin ko ang isang malaking glass wall kung saan matatanaw mo ang Vershia Forest. Napabuntong hininga ako nang maalala ko si Keya.

Sa dulo nang hallway ay mayroon nanamang higanteng pintuan. So that was just a warm up? Pagkabukas nito ay halos mapanganga ako sa sobrang ganda nang paligid. Mas malawak pa ito kaysa dun sa hallway kanina, and that's why there's no trace of any students there. Nandito sila lahat. This place is magical. The chandeliers...the statues...ghad, what do you expect from a high class Kingdom? Ito ang una kong beses na makapasok sa Ezea High.

Napatingin ang ibang estudyante sa'min. Nagbulungan sila nang makita ako. Hindi ko maiwasang hindi mainis kung pano nila pasadahan nang tingin ang kabuuan ko na para bang duming-dumi sila sa'kin. Rich kids their ass.

"Nasa Headmaster's Office sila Azriel," Biglang sabi ni Fauna. Sumunod naman kami sakanya.

Tumigil kami sa pintuan ng Headmaster's Office nang bumukas ito at lumabas ang isang babae na nakacloak rin kagaya nila Echo. Her blonde wavy hair caught my attention. Sa mukha palang nito ay mahahalata 'mong suplada ang isang 'to.

Nakabusangot ang mukha nito nung lumabas siya. Fauna approached her.

"Paige, what happened?"

"We caught the other one. Di namin alam na may isa pa siyang kasama. Nakatakas yung isa," Napatingin ito sa'kin at tumaas ang kilay. "Who's that?"

"It doesn't matter who she is. Nas'an si Azriel?" Said Fauna. Yeah, it doesn't matter.

Kunot-noong tiningnan ako ni Paige mula ulo hanggang paa bago bumaling kay Fauna, "He's inside."

Hinawakan ni Fauna ang braso ko, "Let's go."

"Magagalit na naman si Azriel nito," Napalingon ako kila Cadell nang marinig iyon bago kami tuluyang pumasok ni Fauna sa kwarto. Hindi sila sumunod at nanatili sa labas.

Pagkapasok namin ay naroon ang Headmaster sa kanyang desk habang hinihilot ang sentido. Kausap nito ang lalaking nakacloak that I assume na ito yung tinatawag nilang Azriel.

"Oh, Fauna," Napaayos nang upo ang Headmaster 'saka napatingin sa'kin. "What is this?"

"Sir Etienne, we got a problem."

Napatayo si Azriel at humarap sa'min. Nakabusangot ang mukha nito gaya ni Paige. Napatingin siya sa'kin at sinuri ang mukha ko. Nagiwas ako nang tingin dahil hindi ko matagalan ang mga titig niya. His brown eyes screams danger and it brings chills down to my nerves. I don't like that feeling.

Binalik nito ang tingin kay Fauna, "Ano na namang ginawa niyo?" May pagkadiin ang pagkakasabi niya na para bang araw-araw siyang binibigyan ng problema. He stroked his hair with his fingers as if telling us that he's frustrated and doesn't like the situation.

"We'll talk about this. Pwede ka nang lumabas Azriel," Utos ni Sir. Etienne.

Napasinghal si Azriel at padabog na lumabas sa Headmaster's Office. Nagulat ako d'on pero nang tingnan ko sila Fauna ay mukhang sanay na sila.

"Galit nanaman si boss?" Ngumiwi si Fauna at napatingin sa'kin. She flashed a small smile at pinaupo ako.

"Ayaw niyang natatalo siya. Intindihin nalang natin."

Kinwento ni Sir. Etienne ang nangyari. Ang kumuha ng Crux Pendant at Magic Mirror ay hindi isang Alkirvia ngunit kasabwat siya ng mga ito. It was a guy who possessed the ability of strength. Si Azriel ang humarap dito habang si Paige ay sinundan yung isa, which is yung nahuli nila. Natalo si Azriel kaya nakatakas yung lalaki.

"Pero may isa pa," Singit ko sa usapan nila. Nabaling ang tingin nila sa'kin. "Yung soul eater. Tatlo sila."

Napabuntong hininga si Sir. Etienne at sumandal sa swivel chair niya, "Pinapasok ng lalaking iyon ang mga Alkirvia. Kinuha niya ang Crux Pendant para masira ang barrier ng Academy."

Kinwento ni Fauna ang nangyari kanina. Nabanggit ni Sir. Etienne na hindi gan'on kadali mapabalik ang kaluluwa ni Keya dahil kinakailangan naming harapin ang Alkirvia'ng kumuha sa kaluluwa niya,  at hindi ko daw iyon maaaring ihiling sa Magic Mirror. Tanging ang kinaroroonan lamang nito ang malalaman ko. How would that become a help? As if naman na magagawa kong iligtas si Keya ng mag-isa.

"The Elementalists will help you with that," That's the last thing I heard from him.

He's talking about Azriel's group. They are the Class-A Elementalists. Funny na sila pala yung kasama ko kanina. Ang grupo na kilala ng lahat. Ang grupo na sikat sa bayan namin. How can we not know them?

Si Echo ang nagtataglay ng Earth. Cadell has the Air and Fauna is the Fire. Paige controls water while Azriel is the Ice Manipulator.

Sir. Etienne gave me an exclusive room for me to stay. He promised na ibabalik nila si Keya pati ang Crux Pendant. Pinasadahan nang mga daliri ko ang mala-Queen Size bed na nasa gilid ko. Kahit kailan ay di ko naranasan makahiga sa malambot na kama. Hindi ko naman akalain na sa ganitong paraan ko pala mararamdaman ang lahat.

Nilibot ko ang tingin a kwarto. Tatlong bahay na siguro ito ng Vershia kung susukatin. Maging ang mga gamit dito ay kumikinang. Napabuntong hininga ako at humiga sa malambot na kama. Wala silang kaalam alam kung g'ano sila kaswerte sa lugar na ito.

Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko nang makaramdam ako nang antok. Pagmulat ko ay nasa isang madilim na lugar na ako. Napabangon ako. Wala na ako sa Ezea?

"Astra..."

I froze when I heard a familiar voice. Yung boses na gustong-gusto ko nang marinig. Yung boses ni Keya. Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at nakita ko nga ang kaibigan ko. She's smiling at me. I miss her.

"Keya," Hahawakan ko sana siya ngunit tumagos lamang ang kamay ko sakanya saka siya naglaho. Nasan na siya?

Nilibot ko ang tingin ko pero di ko na siya makita. Wala na siya.

Napamulat ako bigla at nakita si Azriel sa harapan ko. Anong ginagawa niya dito? Nananaginip pa'rin ba ako?

"Wala kang balak bumangon?"

Napakurap ako for a second at bumalik sa katinuan. Napaginipan ko si Keya. Biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Teka...napatingin ulit ako kay Azriel. He's comfortably sitting infront of me with his legs crossed. Nakasimangot siya at mukhang kanina pa siya nandito. Shit. Girls room 'to, anong ginagawa niya dito? Hindi niya ba alam na masamang pasukin ang kwarto ng babae?!

"Nasa kwarto ko ikaw, Azriel."

Napataas ang kilay niya,"Ano ngayon?" Tumayo siya. "Ano ba pinunta mo dito? Tulong o tulog?"

Napasimangot ako sa sinabi niya, "Sa susunod kumatok ka."

"Inuutusan mo ako?"

"Sinasabi ko lang," Sagot ko saka palihim na umirap. Jerk. Dinaig pa niya ang babae sa pagtataray.

"Follow me," Inayos niya ang damit at lumapit sa pintuan.

"Saan?"

"Sumunod ka nalang."

Napairap ako. Hindi ko na lang siya sinagot at sumunod nalang. Wala akong mapapala dahil wala naman siyang kwenta kausap. Maiinis ka lang sa paraan nang pananalita at pagsagot niya.

Lumabas kami nang kwarto at tinahak ang kanilang hallway. Nagkalat ang mga estudyante suot ang pinagmamalaki nilang uniporme na wala ni kahit anong bahid na dumi. Napatingin ako sa suot ko. Ito pa'rin ang suot ko hanggang ngayon. Nanliliit ako sa paningin nila. They look so perfect. Ang gaganda ng suot nila. Ang lilinis nila tingnan. Samantalang ako...

Tumigil siya kaya napatigil rin ako. Nabasa ko sa pintuan ang sign board na Training Room. Oh? Ano meron dito?

Nagulat ako nang may ihagis sa'kin si Azriel na agad ko namang nasalo. Tiningnan ko ito at nakita ang isang PE uniform. I looked at him with my confuse look.

"Hindi naman ako estudyante dito ah," I reasoned out.

"Tss. Hindi ka nga estudyante, kaya wag ka ng ma-reklamo dyan," Nauna siyang pumasok sa loob at naiwan ako dito.

=====

"THIS WILL be a hard task," Panimula ni Sir. Etienne. Nasa harap namin siya habang kaming anim ay nakalinya at nakikinig sakanya."Gumawa kami ng bagong barrier pero hindi sapat 'yon. Mas mataas na ang tyansa na mapasok tayo ulit ng mga Alkirvia."

Kung gan'on ay madadamay ang Vershia. Sakop kasi nang barrier ng Crux Pendant ang bayan ng Vershia, ngayong wala na ito, ano na ang magiging proteksyon namin?

"Sir. Paulo will give you a map papunta sa Dark Alkirvia. Mamaya ay magagamit na natin ang Magic Mirror para malaman kung nasan si Keya."

Tumaas ako ng kamay. Napatingin sila sa'kin at ngumiti naman si Sir.Etienne. Sinenyasan niya ako na magsalita.

"Hindi po ba masiyadong delikado? Kastilyo na ng Dark Alkirvia ang pupuntahan namin...Hindi ba mas makabubuti kung ako nalang mag-isa ang pumunta?" I suggested.

Dark Alkirvia is too dangerous for us. At hindi ako papayag na mapahamak ang mga taong ito at baka sa huli ako pa sisihin.

"She's right. Siya nalang," Sangayon ni Paige. Siniko siya ni Echo at sinaway.

Umiling naman si Sir. Etienne, "There's no word safe when it comes to missions. That's why we're being trained, para maging handa. That's why you are called the Elementalists. That's your purpose," Tiningnan ni Sie.Etiennne si Paige. "Kailangan niyong mabawi ang Crux Pendant dahil d'on nakasalalay ang kaligtasan ng buong Kaharian. And if anything happens, you got us."

=====

LUMAPIT SAMIN si Sir. Etienne at isa-isa kaming pinabunot sa transparent glass na hawak niya. We're doing a one on one training, and it depends to your number kung pang-ilan at kailan kayo magsisimula. It'll be two rounds for us.

Si Paige ang unang bumunot. Sumunod si Cadell, Fauna, Echo, Azriel at pang-huli ako.

Binuksan ko ang papel at tiningnan kung sino ang makakalaban ko. Nahigit ko ang hininga ko nang mabasa kung sino ito. No.

Azriel, 1

Biglang naglaho yung papel na hawak ko at bumalik d'on sa loob nang transparent glass na hawak-hawak ni Sir. Etienne.

Napatingin ako kay Azriel. Napatingin rin siya sa'kin nang mapansin ang mga titig ko. He raised his brow, as usual, nagiwas na lamang ako nang tingin. I will be fighting an Ice Prince. Sino naman kaya ang nakabunot sa'kin?

"Bago ko pa makalimutan, we will be having our 3rd quarter physical combat training tomorrow outside Ezea High. Same cycle katulad nang dati. You will be fighting Juniors at ang Sophomores and Freshmens naman ang maglalaban. Alam niyo naman na yung rules, diba?"

Umiling ako. Napatingin sa direksyon ko si Sir.Etienne. "No using of powers."

=====

NAKATINGIN AKO sa mahabang mesa kung s'an nakalagay ang iba't ibang klase ng weapons. They are arranged according to their groups. Ranged weapons that is typically used for throwing. I can see each of them such as spear, kunai, and bows either short range or long range. Only if you are capable of using them. The flexible ones are used for whips like ropes while the defensive weapons are used for protection, specifically shields. And I saw what I like the most. The thrusting weapons. The daggers which I love the most. Kinuha ko ito as I encircled my finger around its pointed tip.

Natutuwa ang mga mata ko sa dami nito. Mahilig ako gumamit at mangolekta nang weapons especially sharp ones.

"You should use this," Narinig ko ang malamig na boses ni Azriel sa likod ko. Napalingon ako but was froze the moment I realize kung g'ano siya kalapit sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko at maging siya ay hindi inaasahan 'yon.

He took a step back and handed me a golden brass knuckles. May pagkabigat ito nang kunin ko. This is my first time to use brass knuckles at hindi ako sanay.

"You might wanna use that. Ako nabunot mo diba?" He said na para bang siguradong-sigurado siya. Pano niya nalaman?

"Sino nabunot mo?" Tanong ko.

"Ikaw din."

Nanlaki ang mga mata ko. Dalawang beses kami maglalaban?! Umalis na sa harap ko si Azriel at lumapit naman si Echo.

"Sino nabunot mo, Astra?" Salubong nito sakin.

Napabuntong hininga ako bago siya sinagot, "Si Azriel."

"Ha? Ikaw rin nabunot niya ah?" I know Echo. I know. Napatakip siya sa bibig na para bang gulat na gulat siya. "Syet. Madugong labanan to."

=====

TINAWAG AKO ni Azriel para pumwesto sa gitna ng training room. Mayroong lumabas dito na protective glass bago magsimula ang laban. Napakurap ako at napatingin kila Echo.

"Goodluck," Echo just gave me a smile and a thumbs up. That didn't help me at all.

Nadaanan ko si Paige and I heard her murmured, "You're dead." Hindi ko na lamang pinansin at pumasok na sa loob kung s'an naroroon si Azriel.

"Physical combat first. You can use any of your chosen weapon. I'll give you 30 minutes before the training ends," Ani Sir. Etienne bago may pinindot sa hawak niyang remote steel saka nagsara nang tuluyan ang protective glass.

Physical combat is my thing and yes, nagkaroon ako ng lakas nang loob with my daggers beside me. Napatingin ako kay Azriel pero kalmado lamang siya at di mo mababakasan ng anumang  pangamba.

"Let's do the first blood basis."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What is he talking about?

Ngumisi siya, "Let's stroke it to the face."

He's challenging me at ang unang masugatan sa mukha ay ang talo. That is, I think is unfair. Wala namang binanggit si Sir. Etienne tungkol d'on.

"Timer starts now."

Hinugot ko ang dagger sa bulsa ko at agad siyang sinugod. Umiwas siya sa tira ko. I tried to punch him with my brass knuckles but he also avoided it. It's just the same cycle. Aatake ako. Iiwas siya. Aatake ulit ako, iiwas naman ulit siya. What the heck is wrong with this guy?

"Hanggang dyan lang ba kaya mo?"

Tumaas ang kilay ko. Minamaliit ba niya ako? Umatake ulit ako pero umiwas nanaman siya. Ow c'mon!

"Galingan mo naman," He scoffed. Inaasar niya ako. The heck. Siya nga yung umiiwas sa mga tira ko.

Nanliit ang mga mata ko, "Wala kang ibang ginawa kundi ang umiwas. Are you scared?" I emphasized the last word.

He tilted his said to the said and flashed a smile, clearly looks like a mock for me,"Hindi mo magugustuhan kapag lumaban ako."

"Then do it," Diin ko.

Nilabas niya ang kanyang katar at pinosisyon ang sarili. It is a push dagger that has an H-shaped horizontal on its hand grip. Hinahanap ko rin 'to kanina pero di ko nakita, nasa kanya pala.

Sumugod ulit ako gamit ang dagger ko. Akala ko ay iiwas nanaman siya pero nagulat ako nang mabilis niyang tabigin ang kamay ko na aatake sana sakanya saka ako sinipa sa tagiliran. Napaimpit ako sa sakit na dinulot n'on.

Napalayo ako habang sapo-sapo ang tagiliran ko. Now he's fighting back. Nasulyapan ko ang ngisi sa labi niya bago ako bigyan ng mapangasar na tingin.

"Bilisan mo. The time is running out."

Napatingin ako sa malaking orasan sa itaas ng ceiling ng training room at nakitang sampung minuto na lang ang natitira. Napamura ako. Hindi ko akalain na bente minutos ang nasayang ko kakaatake sakanya!

"C'mon Astra. Hit me in the face."

Muli akong napabaling kay Azriel. Nilalahad nito ang mukha sakin na para bang sinasabi na sugatan ko siya. So I did. Sumugod ako pero nahuli niya ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko.

Nagkatinginan kami at nginisian naman ako ng loko. Sinipa ko siya sa tyan kaya napaatras siya.

"You're too slow. Walang kwenta. Tapusin na natin 'to."

And in just a split of seconds, naramdaman ko nalang na may tumutulong dugo sa pisngi ko. He's fucking fast! Pano niya nagawa yon??

Naramdaman ko siya sa likod ko. I can feel his deep warm breath a few inches to my ears. Naghahabol siya nang hininga.

"Always remember, never become the first attacker"

*****

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro