Kabanata 19
##########
KABANATA 19
Caught by Lifars II
HALOS MABINGI ako nang sabihin ng Hari ang mga katagang iyon habang turo-turo pa ako ng kanyang espada. Pakiramdam ko ay tumigil ang ikot ng mundo at tanging mga hiyawan lang ng mga Lifars ang naririnig ko. Ito na ang isa sa kinatatakutan ko, ang malaman nila ang nangyayari sa'kin. Hindi ko alam kung matatanggap ba nila Echo, pero alam ko na hindi ako pababayaan ni Azriel.
Ang tawa ni Echo ang bumasag sa katahimikan namin, "Mawalang galang na Haring Meros, pero nagkakamali po yata kayo. Isa po'ng Vershiatist si Astra at nasisiguro po namin yan," Sabi ni Echo. Palihim akong napangiti nang mapait sa pagtatanggol niya sa'kin, pero kahit ano pa mang gawin niya, hindi niya ma-aalis ang katotohanang may Alkirvia sa loob nang katawan ko.
"Bakit hindi ikaw mismo ang magtanong sa kaibigan mo kung ano ba talaga siya?" Hamon ng Hari.
Napatingin sila sa'kin at mababakas mo sa mukha nila ang pagkalito at pagtatanong. Saglit akong napasulyap kay Azriel na ngayon ay nakayuko at tila ba malalim ang iniisip. Wala nang mapaglagyan ang kaba sa dibdib ko.
"Astra...totoo ba?" Umaasa ang mga mata ni Echo na sana hindi totoo yung naririnig nila. Sa buong Elementalists ay si Echo ang pinaka-close ko sa lahat. Para na siyang si Keya at hindi ko alam ang gagawin ko kapag tinakwil niya ako.
Iniwas ko ang tingin sakanya at hindi sumagot. Gustong gusto ko sabihin sakanila ang lahat-lahat pero para 'bang may humihila sa dila ko at hindi ako makapagsalita.
"Astra," Madiing tawag sakin ni Paige. Hindi ko siya nilingon. "Astra, sabihin mo nga, totoo ba 'yon? Are you an Alkirvia?"
"Astra, please tell us you're not," Tila nagmamakaawa ang tono nang boses ni Fauna. Napatingin ako kay Dara at pati siya ay naguguluhan sa nangyayari.
Ano pa bang silbi kung tatanggi ako?
Wala na akong lusot. Kahit ano pa'ng kasinungalingan ang sabihin ko, malalaman at malalaman pa rin naman nila sa oras na kumagat ang dilim.
Humugot ako nang isang malalim na hininga bago naisipang sumagot, "Oo, pero---"
"And you didn't tell us?!" Sigaw sa'kin ni Echo. Ni di man lang niya pinatapos ang sinasabi ko. As expected, galit sila. Hindi ko magawang tumingin sakanila nang deretso.
"Sorry," Tanging salita na naisambit ko. Siguro nga kasalanan ko kung bakit nangyari 'to sa'kin. Siguro nga kasalanan ko kasi hindi ko ka-agad sinabi sakanila.
"Pero taga-Vershia ka! Pa'no nangyari 'yon?! Imposible---" Pinutol ng Hari ang sinasabi ni Fauna.
"That's enough. Sa pagkakaalam ko ay kayo ang Elementalists Class-A ng Ezea, at sa pagkakataong ito ay nadismaya ako sainyo. Nagsama kayo ng isang Alkirvia nang hindi niyo nalalaman? Ha! Hindi nga naman siya mukhang Dark Alkirvia pero ang dugo niya ay nananalaytay sa mga ito!" Sigaw ng Hari dahilan para mabilis akong mag-angat nang tingin sakanya.
Hindi! Mali ang mga pinagsasasabi mo! Kung maaari lamang na magsalita ay ginawa ko na, kaso masyado akong natatakot dahil ang Hari ng Lifarshia ang kaharap ko.
Huminga ito nang malalim at nagtuloy sa pagsasalita, "Alam niyo kung bakit naging Lifarshia ang Lifarshia. Alam niyo kung paano kami nasira at nabuo muli. Sana alam niyo din na kapag nakakita kami ng Alkirvia ay pinapatay namin ito!"
Muling dumagundong ang mga sigawan at hiyawan ng mga tao, pero ako ay nananatiling napako sa kinatatayuan ko. Para akong isang statwa na hindi makagalaw. Nang sabihin 'yon ng Hari ay hindi na ako nagtaka dahil matagal ko nang alam 'yon, pero nakakatakot pala kapag mismong sa harap mo na sinabi. At ang masaklap...ako pa yung biktima.
"No! She's our friend and we can trust her. Hindi niyo siya kilala," Diin ni Azriel na ngayon lang nagsalita.
Mangiyak-ngiyak ko siyang tiningnan. Nagtama ang mga mata namin at mula dito ay kita ko sa mga mata niya na hindi niya alam ang gagawin niya. Mukhang kina-aawaan pa ata ako ng yelong 'to. Pero tama nga naman, maski ako ay nagsisimula nang maawa sa sarili ko.
Hindi ko lubos akalain na ang simpleng buhay ko ay gugulo. Hindi ko akalain na dahil sa isang Alkirvia ay mamamatay ako. Kapag namatay na ako, pa'no na si Keya? Pa'no ko siya maililigtas?
Mukhang pareho pa ata kami nang kapalaran. Maski sa kamatayan ay iisa ang aming dahilan....ang mga Alkirvia.
"Alam mo, Astra....naiinis ako sa'yo," Biglang nabaling ang tingin ko kay Echo na nangingilid na ang luha. Hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal sa pinapakita niya. "Naiinis ako kasi hindi mo kami nagawang pagkatiwalaan. Pero kahit na ano ka pa, napamahal ka na sa'min at wala na akong pake kung isa ka mang Alkirvia."
Bumagsak ang mga luha ko sa sinabi ni Echo. Hindi pala ako dapat matakot, dahil kung hindi man ako matanggap ng lahat ay nandito naman ang mga kaibigan ko.
Tiningnan ko ang ibang kasamahan ko at bahagyang yumuko.
"Kaibigan kita Astra. Whoever at whatever you are."
Muli akong nagangat ng tingin at saktong nagtama ang mga mata namin ni Fauna. Niyakap niya ako at naki-yakap din sina Echo at Dara.
"Para sa'min isa 'kang Vershiatist," Dinig 'kong sabi ni Dara na ikinangiti ko.
Napatingin naman ako kay Paige. Nginitian niya ako at masasabi 'kong hindi ko na kailangan hintayin pa kung ano ang sasabihin niya dahil sa isang simpleng ngiti lang niya ay alam 'kong sumasangayon din siya sa'min.
Pero akala ko ay d'on na matatapos ang lahat. Hindi pa pala. Nakalimutan ko na nasa Lifarshia sila at handa silang patayin ako.
Biglang sumigaw ang Hari, "Wala akong pake kung mga Ezeans kayo dahil hindi 'yun magiging hadlang para hindi matuloy ang pagbitay namin sa babaeng 'yan. Mga kawal, hulihin sila!"
Mabilis kaming napahiwalay sa yakap at nagkapit kamay. Pinapalibutan kami ng mga Lifars at nilayo nila ako kila Echo.
"Ahh! Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ni Echo. Isang Hunter ang may hawak sakanya. Masyado silang marami at kaunti lang kami. We're outnumbered.
Nilagyan nila kami nang posas at wala kaming nagawa. Hindi kami nakapalag.
"Pakawalan niyo nga kami! Hindi niyo maaaring gawin 'to sa'min!" Sigaw ni Paige na pilit na nagpupumiglas. Masyado silang malakas.
"Hindi namin kayo sasaktan maliban lamang sa Alkirvia'ng kasama niyo," Dinig ko ang malaking boses ng Hari. Ako ang tinutukoy niya.
"Shit! What did you do to our ability?!" Sigaw ni Azriel.
"Kayang ipa-walang bisa nang posas na 'yan ang mga kapangyarihan niyo kaya wala rin kayong magagawa," Sabi ng Reyna na ngayon lamang nagsalita.
Napakalalim nang mga tingin nito nang binaling niya ang paningin sa'kin. Kanina ko pa siya nahuhuling nakatingin pagkatapak na pagkatapak pa lang namin dito, at tila ba nilalamon ako nang mga tingin niyang 'yon.
Nag-ipon ako nang lakas nang loob upang magsalita, "Hindi ko alam kung maniniwala ba kayo o hindi, pero ang totoo niyan, isa akong purong Vershiatist na naging biktima lamang ng isang soul eater."
Ang Hari ang nagsalita, "Kung totoo man ang sinasabi mo, hindi maipagkakailang mayroon pa'ring halimaw d'yan sa loob ng katawan mo," Napahinto ako at napalunok. Mukhang alam ko na ang susunod niyang sasabihin. "Walang paraan para mawala ang halimaw na 'yan at patuloy lang 'yan mam-bibiktima sa tuwing sasapit ang hating-gabi. Sabihin mo man 'yan o hindi, hindi n'on mababago ang isip ko."
Nanlumo ako sa sinabing 'yon ng Hari. Pakiramdam ko ay naubusan na ako nang pag-asa. Ano ng gagawin ko Keya? Nasabi ko na ang lahat pero wala rin namang pinagbago. Tunay nga na mamamatay ako kahit pa ako'y isang biktima lang. Magagaya lamang ako sa kaibigan ni Azriel.
"Ikulong ang babaeng yan."
Narinig ko pa ang pagpupumiglas at sigaw ng mga kaibigan ko bago ako kaladkarin ng mga Lifars papunta sa sinasabi nilang kulungan.
=====
NASA UNDERGROUND ako ng kaharian ng Lifarshia at dito nila ako ikukulong. Ibang klase ang kanilang mga selda. Halatang kulungan lamang ito ng mga kinasusuklaman nilang mga Alkirvia.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa selda na 'yon ay halos manghina ako. Inuubos nang seldang ito ang lakas ko. Nahihirapan akong huminga at tumayo. Batid ko'ng naglagay sila nang kakaibang enerhiya na bumabalot sa kulungang kinabibilangan ko.
Tumama ang tingin ko sa isang selda na kaharap lamang ng akin. May lalaking nakasandal sa pader at natatakluban nang hood niya ang kanyang mukha. Pamilyar siya, at kung ang damit ang pag-uusapan, baka napagkamalan ko na, na siya yung lalaking tumulong sa pagkuha ng damit ni Azriel sa hobgoblin.
Wait...Siya nga! Hindi ako pwede magkamali dahil kaparehong-kapareho nang suot niya ang suot ng lalaking nakasalamuha ko sa gubat na 'yon!
Pero..isa siyang Alkirvia? Kung gan'on ay tama pala ang hinala ko. Kaya siguro itinatago niya ang kanyang mukha dahil isa siyang Alkirvia.
Nanghihina ako kaya naman sinubukan ko'ng gumapang at hawakan ang rehas, pero mabilis ko rin nabawi ang mga kamay ko at napaimpit sa sakit sa natamo ko dito.
"Ah!" Napatili ako pagkabigla.
Isang malakas na pwersa ang inilagay nila dito. Pakiramdam ko nakuryente ang buong katawan ko sa isang hawak lamang. Napakagat ako sa ibabang labi ko sa sakit.
Tumalikod ako mula sa rehas at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. Hindi parin nawawala ang sakit. Dumadaloy ang parang kuryente sa buong katawan ko na nagmula lamamg sa mga kamay ko. Wala nga yata talagang takas ang kung sino mang mangahas na makalaya.
"You're gonna kill yourself. Wag na wag mo na ulit tangkain na hawakan ang mga rehas na 'yan," Bigla ko narinig ang boses ng lalaking nasa katapat na selda ko.
Napahinto ako at tila ba nangilabot nang marinig ko ang boses niya. Malalim at malamig gaya nung araw na nakita ko siya.
Hindi ko ito nilingon at nananatili pa'ring hawak ang aking kamay. Hindi ko siya sinagot at piniling tumahimik nalang. Wala akong balak makipagusap sa mga taong katulad niya. Sa mga taong masama. Sa mga taong dahilan kung bakit wala ngayon si Keya sa tabi ko.
Saglit na namutawi ang katahimikan sa buong kulungan, ngunit nabasag 'yon nang marinig ko ulit ang malalim niyang boses na nakapagtataas ng balahibo ko.
"Alam mo ba ang ginagawa ng mga Lifars sa mga nahuhuli nilang Alkirvia?" Hindi naman siya mukhang nagtatanong. Para bang binabalaan pa niya ako sa maaaring gawin sa'min ng mga Lifars sa oras na makalabas kami sa kulungan na ito.
"P-pinapatay nila," Sagot ko sakanya habang buong pwersang nagiipon nang lakas. Ayoko pa mamatay, at kung mamamatay man ako, hindi sa loob ng kulungan na ito! Mas gugustuhin ko pa'ng mamatay na may napatunayan, kaysa sa pagtunganga ko dito na wala namang ibang ginawa kun'di ang lamunin ang lakas ko.
"Alam mo ba ang ginagawa nila bago ka patayin?" Ayan na naman siya sa tanong niya. Kinikilabutan talaga ako.
Hindi mo mapapansin sa boses niya na na-aapektuhan siya nang enerhiya sa kulungang ito. Hindi siya mukhang nanghihina. Paano niya nagagawang kontrolin yun? Pano niya napapanatili ang lakas niya? Gan'on ba talaga kalakas ang mga Alkirvia?
"H-hindi ko alam," Napansin ko ang pamamaos ng boses ko. Kakagaling ko lang sa ginawa sa'kin ni Numeda, pero mukhang may susunod pa sa paghihirap ko. Lintek na buhay, bakit ba napaka-malas ko?
"Hindi ko na sasabihin dahil alam ko namang mararansan mo na rin 'yun maya-maya," Aniya.
Napangiwi ako sa sinabi niya. Parang wala lang sakanya na may papatayin na kapwa niya Alkirvia. Teka--ano ba pinupunto ko? Hindi naman ako isang Alkirvia, eh!
"Ano pangalan mo?" Dinig 'kong tanong niya.
Napapikit ako sa inis. Psh. Naturingang lalaki, madaldal! Siguro nagsasawa na siya dito at walang makausap. Kailan kaya siya nahuli ng mga Lifarshia?
Bumuntong hininga nalang ako at piniling sagutin siya, "Astra, ikaw?" I asked. I stayed in my position and didn't ever bother to look at him. What for? Ayoko siya tingnan. Kung yung boses niya ay nakapagtataas na nang balahibo, pa'no pa kaya ang itsura niya? Ngayon pa lang ay naiisip ko na ang nakakatakot nitong wangis.
"Axel," Maikling sagot niya.
Axel. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay pamilyar sa'kin ang pangalan niya. Even got the strange feeling that I'd heard his name a couple of times. Weird.
Na-alerto ako bigla nang makarinig ako nang mga yabag nang mga paa. May dalawang Hunter ang pumasok at binuksan ang selda ko. Hinila ako nung isa sa braso at pakaladkad na inilabas.
"S-Saan niyo ako dadalhin?!" Kinakabahang sambit ko. Napatingin ako sa gawi ni Axel na ngayon ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa'kin.
Napagmasdan ko ang mukha nito sa maikling segundo. Mukha siyang anghel. Nagkamali ako sa pag-aakalang nakakatakot ang itsura niya.
Naramdaman ko na mas humigpit ang hawak sakin ng mga Hunters na halos bumaon na ang mga kuko nila sa braso ko. Puta ang saket! Balak pa ata ako sugatan ng mga 'to!
"Bitawan niyo ako!" Nagpupumiglas ako pero hindi ko sila kaya. Masyadong hinigop nang enerhiya mula sa selda na 'yon ang lakas ko. Kaya siguro nila ako kinulong dun para wala akong laban sakanila. Mga ma-uutak, peste.
"Shit! Astra!" Ang sigaw ni Axel ang pumukaw sa atensyon ko. Sinubukan ko siyang lingunin at nakita 'kong hinawakan niya ang rehas dahilan para makuryente siya.
Gusto niyang makawala pero masyadong malakas ang pwersa na pumapalibot sa kanyang selda. Hindi ko alam kung saan nakuha ng mga Lifars ang ganitong kalakas na enerhiya laban sa mga Alkirvia.
Hindi ko alam kung bakit mas inalala ko pa ang lagay ni Axel kaysa sa mangyayari sa'kin. Naramdaman ko ang sakit n'ong hinawakan ko ang mga rehas na 'yon, at sana ay ayos lang siya.
=====
WALA AKONG nagawa kun'di ang sumunod sa mga taong nasa harapan ko. Tumigil kami sa harapan nang isang malaking pintuan na mukhang gawa pa sa narra.
Puno nang mga nakaukit na disenyo na halatang tungkol sa nakaraan nila. May mga Latin na salita pa akong nakita pero hindi ko ito maintindihan. Malamang sa tuwing dadaan sila sa pintuan na ito ay siyang naaalala nila ang higpit na dinanas nila sa kamay ng Alkirvia.
Mukhang sinadya nilang itayo ito upang maging palatandaan na hindi na sila muling masisira na kahit na sinong Alkirvia.
Nang buksan ito ng dalawang Hunter sa gilid ko ay bumungad sa'kin ang isang nakakasilaw na liwanag. Naitakip ko ang aking kamay na nakaposas sa mukha ko dahil dito, at nang unti-unting mawala ang liwanag ay doon lang luminaw ang paligid. Para akong nasa Battle Arena.
Shit. Arena nga siya! Matataas ang pader na nakapalibot dito nang bilog upang hindi madamay ang mga manonood. Bilang lamang ang mga Lifars na maaaring manood pero ang dami nila.
Sinisigaw nila ang mga masasamang salita para sa mga Alkirvia. Dito yata ginagawa ang pagpatay sa bawat Alkirvia na nahuhuli nila. Pero hindi pa ako papatayin diba? Nabanggit sa'kin ni Axel ito. Baka pahirapaan pa 'ata ako. Wag naman sana dahil kay Zed palang ay sukong-suko na ang katawan ko!
Tinulak ako ng mahina ng isang Hunter senyas na maglakad ako, at dahil wala rin naman akong magagawa ay sumunod na lang rin ako. Naglakad ako hanggang sa pinakagitna ng Arena. Para akong kasali sa isang timpalak kung saan nagpupustahan ang mga tao kung sino ang mananalo.
Sa harapan ko sa bandang itaas ay mayroong pilapil. Sa gitna n'on ay ang dalawang upuang metal na ginto na kinauupuan ng Hari at Reyna. Sa gilid nila ay mayroong dalawang tao na kasing edad ko lang yata.
Sa gilid ng Reyna ay isang babaeng naka-pulang bistida. Agaw pansin ang kulay pulang buhok nito lalo na't mukha siyang anghel na pinapalibutan nang mga gintong glitters. Siya ang Prinsesa ng Lifarshia. Si Prinsesa Alisha. Sa gilid naman ng Hari ay ang Prinsipe Alvin. Sa itsura pa lang nito ay halata mo ng masungit siya.
Napatingin ako sa direksyon ng Prinsesa nang maramdaman ko ang kanyang titig. Naglaban ang aming paningin, at hindi ko alam kung ano bang klaseng ekspresyon ang pinapakita ko. Ang lakas naman ata nang loob ko para titigan ang Prinsesa ng Lifarshia?
Sa huli ay siya rin ang nagiwas nang tingin.
"Ano ba! Bitawan niyo kami! Astraaa!"
Nawala ang atensyon ko sa mga Royal Blood. Nabaling ang tingin ko sa gilid kung nasaan naroon ang mga kaibigan ko na pilit na nagpupumiglas sa mga nakahawak sa kanilang mga Lifars.
Si Azriel at Paige na mukhang inis at galit na, si Dara at Fauna na mababakas ang pagaalala sa mukha at si Echo na umiiyak....Pakiramdam ko nanghina ako lalo nang makita siyang lumuluha dahil sa'kin.
Umalis rin agad ang mga dalawang Hunters ng Lifarshia sa gilid ko. Ngayon mag-isa na lang ako, sa gitna ng Arena, at sa harap ng maraming tao.
Mas umingay ang paligid ng ako na lang magisa ang nandito sa gitna. Nagulat na lang ako nang may isang malapot na bagay ang tumama sa pisngi ko.
Itlog. Binatuhan nila ako ng itlog. Ang egg shell n'on ay nagdulot nang maliit na galos sa pisngi ko. Hanggang sa hindi na lang isa, kun'di sunod-sunod na ang paghahagis nila sa'kin nang kung anong bagay na hawak nila!
Kasabay nito ay ang mga masasamang salita na sinisigaw nila sa'kin na sa tingin ko ay hindi naman karapat-dapat na marinig ko.
"Mamatay ka na!"
"Hindi kayo nararapat dito!"
"Masasama kayo! Wala kayong awa! Ang dapat sa inyo ay inuubos!"
Isa na yan sa mga salita na naririnig ko. Yung iba pa nga ay hindi ko na naintindihan dahil sa sunod-sunod na pagbato nila sa'kin. Mapamatigas man o malambot.
Hindi ko alam kung dapat pa ba ako magpasalamat dahil hindi nila ako binabato nang mga bato. Pero kahit ano naman ibato nila, masakit pa'din. Lalo na't biktima lamang ako dito tapos kung ituring nila ako ay parang isa na talaga ako sa kanila. Sa mga Alkirvia'ng kinasusuklaman nila.
Naaawa ako sa kaibigan ni Azriel dahil tiyak na ganito ang naranasan niya.
"Astra...hindi ko alam kung ano ang maitutulong ko pero sana wag ka sumuko. Gagawa kami ng paraan para makaalis tayo dito," Biglang pumasok ang isang maliit na boses sa isip ko, at alam ko na kung sino ang nagmamayari nito.
Sa gitna ng pagbabato nila, maging sa isip ko ay hindi na ako makapagsalita. Pakiramdam ko naging blangko ako.
"Tama na 'yan," Sa isang salita lang ng Hari ay nagsitigil na ang mga ito pero mukhang hindi pa sila kuntento. Hindi talaga sila titigil hangga't hindi nauubos ang lahi ng mga Alkirvia.
Malalim ang tingin ng Hari gaya ng Reyna nang tumingin ito sa'kin
"Ang sabi mo ay biktima ka lamang ng isang Dark Alkirvia, bibigyan kita ng pagkakataon..."
Tila ba nabuhayan ako at nagkaroon nang pag-asa na sinabi ng Haring Meros.
"Kapag natalo mo ang sampung Amazona sa mismong Arena na ito ay maaari na kayong umalis ng mga kaibigan mo."
Bumagsak bigla ang balikat ko. Hindi pala dapat ako nagpakampante masyado. Hinanda ko na ang sarili ko para sa magiging kapalit nito pero hindi ko akalain na kailangan ko labanan ang mga malalakas na Amazona. Anong laban ko?! Isa lamang akong healer!
"Pero kapag hindi mo nagawa ay hihintayin namin na maghating-gabi, at papanoorin naming lumabas mula sa katawan mo ang kaluluwang Alkirvia, saka ka namin babawian ng buhay," Pagpapatuloy nito
Tila nagsitaasan ang mga balahibo ko sa idinagdag niya. Alam 'kong sa sarili ko na hindi ko kakayanin ang sampung Amazona, at mukhang alam ko na ang kahihinatnan ko. Mamamatay't mamamatay rin ako sa mga kamay nila.
*KABLAAAG!*
Halos tumalon ang puso ko nang biglang kumidlat. Napatingala ako sa kalangitan.
Kahapon pa ito nagdidilim at mukhang ngayon lang ito babagsak. Mukhang sasabayan pa ata ng langit ang lungkot ko.
Hindi nga ako nakamali dahil naramdaman ko unti-unti ang pagpatak ng ulan. Mahina sa una pero habang patagal ng patagal ay lumalakas ito. Basa na agad ako.
"Hindi ko na hihintayin pa ang sagot mo dahil ako na mismo ang magdedesisyon para sayo," Muli akong napatingin sa Hari at inilibot nang tingin ang paligid.
Mula likuran ko ay nagsilabasan ang sampung Amazona. May dala silang sandata pero nasisigurado 'kong hindi sila papayag na hindi gumamit ng kapangyarihan.
Mula sa itaas ay nakita ko ang isang papalipad na espada at tumusok ito sa lupa malapit sa kinatatayuan ko. Nilingon ko ang Hari at batid 'kong sakanya galing ito. Hindi na ako nagdalawang isip pa na kunin ito.
Mamamatay't mamamatay din naman ako, pero hindi ako papayag na mamatay nang hindi lumalaban. I will try to fight for my life, even if there is no possibility in winning.
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro