Kabanata 18
##########
KABANATA 18
Caught by Lifars I
INAAYOS NAMIN ang aming gamit para sa muling paglalakbay namin patungong Alkirvia. Kasama ko sa kwarto si Echo, habang si Fauna at Dara ay sa kabila. Si Paige naman ay nag-sosolo sa kanyang kwarto dahil ayaw daw niya nang may kasalo.
"Hurry up!" Narinig namin ang sigaw ni Azriel sa labas nang pintuan namin. Isang minuto palang siyang nandyan pero inip na inip na siya. Wala naman kaming balak papasukin siya dahil ayaw rin naman niya.
"Aba, saglit lang naman boss!" Sigaw ni Echo at nagmadali sa pag-iimpake. Nakangiwi siyang napatingin sa'kin. "Simula talaga nung napunta dito sa Ezea High si Azriel, kahit sinong tao nasisindak niya," Bigla niyang kwento.
Napahinto ako sa ginagawa ko at binigyan siya nang nagtatanong na tingin, "Anong ibig 'mong sabihin?"
"Wag 'mong sabihin na sinabi ko ah," Bulong niya at tumango naman ako. "Bata palang kasi ganyan na ugali niya. Bata palang siya nung nakita siya ng isa sa Magic Council sa Vershia Forest na umiiyak. Hindi nga nila alam kung saan siya galing, though he was scanned as an Ezean," Bumuntong hininga siya. Nananatili naman akong nakikinig.
"Simula n'on, ginamit na niya ang apelyido ng isa sa Magic Council at siya na ang naging pinakamalakas dito sa Ezea High," Kibit-balikat na dagdag niya.
Saglit akong natigilan bago magrehistro sa'kin ang sinabi niya. Hindi galing sa Ezea si Azriel, pero isa siyang Ezean. In-atake tuloy ako nang kuryosidad ko sa lugar na pinanggalingan niya.
"Okay naman siya dati, kaso mas naging malala lang nung namatay si Sam two years ago," Pagpapatuloy niya. Yung Sam siguro yung kaibigan nila na kagaya ko ay biktima ni Zed. "Palagi siyang pumupuslit sa Ezea High. Akala nga namin sa Lifarshia siya napunta, 'yon pala napunta siya sa bayan ng Vershia na parang may binabantayan."
Parang huminto ang puso ko sa sinabi ni Echo. Bigla ay naramdaman ko ang lakas at bilis nang tibok nito. Bakit pakiramdam ko, ako yung pinupuntahan niya? Wow, Astra. Ang feelingera mo naman.
"K-kilala mo ba kung sino yung binabantayan niya?" Tanong ko, hindi pinapahalata ang pagiging interesado.
Tumingin siya sa ere at saglit na nag-isip, "Mm..Sinundan ko siya isang araw nung pumuslit siya. Hindi ko nakita kung sino yung babae. Nakita nga ako n'on ni boss pero ang sabi lang niya ay tinitingnan lang niya kung maayos yung lagay nung babaeng tinulungan niya."
Hindi na matigil ang pagbilis nang tibok nang puso ko. Ako ang tinutukoy ni Echo na babae. Ako yung binabantayan ni Azriel two years ago...pero bakit? Ang sabi niya ay simula nung tinulungan niya ako ay di na siya muling nakapuslit pa.
Narinig ko ang mahinang pagbungisngis ni Echo, "Well, di ko siya sinumbong n'on kay Sir. Etienne kasi mukhang natutuwa si Azriel sa pagbabantay sa babaeng 'yon. Ang kaso lang, hindi na niya ulit 'yon nakita kasi nahuli siya ni Sir. Paulo. Para ngang may gusto siya d'on sa babaeng 'yon eh kasi literal na nagwala pa siya."
Para naman akong nabilaukan sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at napauwang ang bibig. What the hell? May gusto sa'kin si Azriel? Imposible! Parang mas gusto ko nalang paniwalaan na hindi ako yung babaeng 'yon.
"Ano ba?! Wala na ba kayong ibibilis?! Nandito na sila Fauna!" Narinig na naman namin ang sigaw ni Azriel. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko, at hindi ko alam kung anong mukha ang maihaharap ko! Pakiramdam ko ay nabalutan nang pagkailang ang buong katawan ko. Tama! Hindi ako 'yon.
"Eto na! Tara na, Astra," Hinawakan ni Echo ang kamay ko at sabay kaming lumabas.
Tumambad sa'min ang nakasimangot na si Azriel. Nakaramdam ako nang pagkailang kaya naman ay nagiwas ako nang tingin. Nakita ko sa likod niya sina Dara, Fauna at Paige.
"Pa-VIP kayo, ah," Mataray na ani Paige.
"Wow! Ilang oras ka naghintay?" Sarkastikong tanong ni Echo.
"Isang minuto. Even so, masamang pinaghihintay ang maganda," Umirap pa siya kay Echo bago nanguna sa paglalakad. Well, Paige will always be Paige.
Nginiwian lamang siya ni Echo at nakihalubilo kila Fauna. Nagsimula kaming maglakad sa hallway pero nadaanan namin na nagsisitakbuhan ang mga estudyante.
"Ano nangyayari?" Tanong ni Fauna sa isang babaeng estudyante. Bakas ang pagkailang nito dahil hindi niya siguro inaasahan na kakausapin siya ng isang Elementalist.
"Ah..may new student kasi na nagwawala sa Dining Hall," Sabi nito bago umalis.
Nagkatinginan kaming lahat at mabilis na tumakbo papunta sa Dining Hall. Nakita namin si Xynos na sinisigawan yung babae sa counter. Maraming estudyante ang nanonood habang yung iba ay walang pakielam.
"Pa'no napunta 'yang totoy na 'yan dito?" Dinig 'kong tanong ni Azriel.
Nagsihawian ang mga estudyante nang maglakad kami papunta kay Xynos. Of course, Elementalists ang kasama namin ni Dara. Nakatalikod siya sa'min kaya hindi niya maramdaman ang presensya namin.
"P-pero...sabi ni Sir. Paulo ay naka f-fasting daw po kayo," Nanginginig na sa takot yung babae.
"Anong fasting?! Faster kamo dahil nagugutom na ako!" Sigaw ni Xynos.
Napatampal ako sa noo ko sa kahihiyang ginagawa niya. Kung gan'on ay mukhang tumakas ang pasaway na batang ito sa ICU. Nakasuot pa kasi siya nang patients gown.
"BWAHAHAHA!" Tumawa sa gilid ko si Echo at Dara habang si Fauna at Paige ay napapailing nalang.
Dahil sa malakas na hagalpak na tawa nung dalawa ay napalingon sa'min si Xynos. Tiningnan niya si Azriel, "Hoy, ulupong! Sabihin mo nga sa babaeng 'to na nagugutom na ako!"
Nalaglag ang panga nung apat sa tinawag ni Xynos kay Azriel. Maging ang mga estudyanteng nakikiusyoso ay hindi makapaniwala. Tawagin ba namang ulupong ang isang Azriel?
"Didn't you hear what she said? Fasting 'kang totoy ka!" Gigil na sigaw sakanya ni Azriel na pinagkikiskis pa ang ngipin. Mukhang nainis sa tinawag sakanya ni Xynos.
Sumimangot si Xynos at mababakas ang pagkairita sa mukha, "Ano ba kasi 'yang fasting na yan?! I'm fucking hungry! Give me foods!"
"Delikado magalit si Xynos, Azriel. Baka makapatay pa 'yan," Bulong ko sakanya.
Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang inis at kumalma. Si Fauna ang sumabat at nagsalita.
"Miss, pakibigyan nalang 'yan ng pagkain," Mahinahong sabi niya sa babaeng nasa counter.
Nilingon ni Xynos yung babae at maangas na tiningnan ito, "Narinig mo 'yon? Ibigay mo sa'kin lahat ng pagkain na gusto ko!"
"O-Opo," Aligagang sabi nung babae. Napapailing nalang ako. Tsk tsk, kawawang babae. Nawala nga alaala ni Xynos, pero gan'on pa'din ang ugali. Dugong Ezean pero ugaling Alkirvia.
"Ayos 'tong batang 'to, ah," Dinig 'kong sabi ni Echo. Alam niya ang kayang gawin ni Xynos kaya hindi siya nangingielam. Bukod kasi kila Sir. Etienne, Sir Paulo at sa dalawang healer na tumingin kay Xynos, kami lang ng mga Elementalists pati si Dara ang nakakaalam nang kayang gawin ng batang 'to.
Mahirap ang sitwasyon niya ngayon dahil maaari siyang kontrolin nang kakayahan niya lalo pa't hindi niya pa alam ito.
"Mga ate!"
Napalingon kami sa likuran at nakita namin sina Avery, Chase, at yung kasama nilang lalaki na tumawag sakanila sa gymnasium. Lumapit sila sa'min. Napagalaman ko na sila ang Class-B, kasunod nila Azriel na Class-A.
"Kami na po ang bahala sakanya. Pinapatawag po kayo ni Sir. Etienne," Sabi ni Avery sa'min kaya naman ay umalis na kami sa Dining Hall at dumeretso sa Headmaster's Office.
=====
NALAMAN NA rin ni Sir. Etienne ang nangyari. Lumiban daw kasi saglit si Sir. Paulo upang kumuha nang food candy para kay Xynos, kaso likas na pasaway ang batang 'yon kaya naman sumugod siya sa Dining Hall. Mukhang mahihirapan sila Sir. Etienne kay Xynos, pero pag tuluyan naman na daw itong gumaling ay isasabak na nila ito sa training kasama ang Class-B, sila Avery.
"Tss. Edi mas lalong lumakas ang batang 'yon?" Nakangiwing ani Azriel kay Sir. Etienne.
"I know, pero gaya nang sabi ko kahapon, kailangan natin siya pakisamahan at makuha ang loob niya para pagdating nang araw na bumalik ang alaala niya ay sa'tin na siya sasanib," Paliwanag ni Sir. Etienne habang nakapangalumbaba sa kanyang desk.
May punto siya, pero wala pa'ring kasiguraduhan ang plano niya. Sa galit na nakita ko sa mga mata ni Xynos nung nasa gubat kami, mukhang malabo na sumanib siya sa Ezea, at batid 'kong sa oras na bumalik ang alaala niya ay papatayin na niya ako gaya nang nais niya.
Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong hininga. Sana nga ay umayon sa plano ni Sir. Etienne ang tadhana.
Oras na para umalis kami. Ang Teleportation ni Dara ang gagamitin kaya naman ay medyo nag-alala kami ni Echo dahil nung unang beses na ginamit niya ito ay nawalan siya nang malay.
"Kaya mo ba talaga, Witch? Baka himatayin ka na naman, kargo ka pa namin!" Sabi sakanya ni Echo.
Nginiwian siya ni Dara, "Gaga ka! Ako lang naman ang nakakaalam kung saan yung huling lugar na napuntahan natin!" Aniya bago kumain nang energy candy, para madagdagan ang lakas niya.
Wala na rin kaming nagawa dahil si Dara lang ang pag-asa namin. Tutal naman, kung mawawalan siya nang lakas ay i-aangkas nalang siya ni Azriel sa likod. Nagpaalam na kami kay Sir. Etienne at Sir. Paulo.
Naghawak-kamay kaming lahat. Mabuti nalang at hindi si Azriel ang katabi ko dahil paniguradong makakaramdaman lang ako nang pagka-ilang. Magsisimula na kaming magteleport pabalik sa lugar na may falls at magtutuloy na kami sa paghahanap kay Keya pati na rin kay Cadell.
Unti-unti 'kong naramdaman ang pag-ikot ng sikmura ko. Para akong nasa roller coaster, ang pinagkaiba nga lang, pangferris wheel ang dating. Hindi siya nakakasuka pero nakakahilo lang.
Nang idilat ko ang mga mata ko ay nagulat ako sa sumalubong sa'min. Hindi lang pala ako maging kaming lahat ay nagulat!
Higit sa sampu ang nakapalibot saming mga Lifars habang nakatutok pa ang sibat ng bawat isa sa'min! Mga Amazon at Hunters ang mga 'to.
Pakiramdam ko umakyat lahat nang dugo ko sa mukha. Ang mga Lifarshia. Sila ang ikalawang kaharian kasunod ng Ezea. May kakayahan silang i-track ang bawat nilalang. Isa sila sa pinakamalakas na kaharian sa buong Azmar dahil batak talaga sila sa training.
"Shit!" Paige and Azriel cursed in unison.
"Ow c'mon, Dara! At talagang dito mo pa talaga naisipang magteleport!Sinakto mo pa sa timing na nakatutok ang mga sibat ng mga 'to!" Bulalas ni Echo kay Dara.
"Duh?! Malay ba ng beauty ko na nandito ang mga 'to! Atsaka, eto ang lugar na naisip ko!" Depensa ni Dara.
"Sumunod kayo sa'min!" Sigaw ng isang Amazona habang nakatutok sa mismong leeg ko ang sibat niya. Wala kaming ibang nagawa kun'di ang sumunod sakanila.
Alam 'kong taga-Lifarshia sila base sa kanilang kasuotan. Ang mga babaeng Amazon ay pare-pareho nang kasuotan, yung suot kung saan komportable sila makipaglaban gayundin ang mga Hunters.
Para kaming bihag ng mga ito. Nakasunod kami sakanila nang marinig ko ang boses ni Dara sa utak ko. She somehow lost some strength, yet she still manage to use her telepathy.
"Guys! Don't make any wrong move. Sunod lang tayo okay?" Ang positive nang boses niya at nagagawa pa niyang ngumiti. Hindi nga naman kalaban ang Lifarshia para katakutan namin.
"She's right. At isa pa, mababait ang mga Lifars. They're Ezeans allies," Azriel said. Halata nga sa mukha at boses niya na kalmado siya.
"Pero naiirita rin ako sa babaeng nasa likuran ko, eh. Pwede ba masampolan nang isang beses?" Natawa ako sa isip sa sinabi ni Paige. Ang babaeng nasa likuran niya ay palagi siyang tinutulak kaya naman mababakas mo ang pagkairita sa mukha nito. Sinindakan niya ito nang tingin kaya di na siya tinutulak nito.
You can touch anything, but don't you dare touch someone like Paige.
Nasa harapan kami nang isang malaking gate. Batid 'kong nasa kaharian na kami ng Lifarshia. Yung talon na pinagliguan ay teritoryo pala ng Lifarshia. Malapit lang pala ang kaharian ng Lifarshia dito at wala kaming kamalay-malay.
"Pasok!" Tinulak ng babae si Dara kaya naman mababakas ang pagkainis sa mukha nito. Ipinakita niya ang nakakatakot nitong ngipin dito at mukhang nasindak naman ang babae.
"Bakit ba ang hilig nila manulak?! Palibhasa inggit kasi cute ako!" Dinig namin na sabi ni Dara sa aming isip.
Napabungisngis tuloy ako ng wala sa oras, at dahil dun ay tiningnan ako ng Amazona na nasa gilid ko lamang. Tinaasan ako nito ng kilay at sa taas n'on ay halos matalo na niya ang Mt. Everest.
"Move! Bilis!" Dinig 'kong sigaw ng isa sa mga Hunters.
Pagpasok namin sa loob ay hindi ko inaasahan ang pagkarami-raming tao. Para 'bang alam na alam nila na darating kami at pinaghandaan nila ito.
May dalawang malaking elepante ang tumigil sa harapan namin. Napatingala kami at nakita namin ang dalawang makapangyarihang tao. Ang Hari at Reyna ng Lifarshia. Si Haring Meros at Queen Helga. Mabilis kaming yumuko para magbigay galang sa mga ito.
"Mga taga-Ezea kayo, hindi ba?" Malaki ang boses ng Hari. Kinilabutan tuloy ako bigla.
"Yes," Si Azriel ang sumagot dito dahil siya lang naman ang may lakas nang loob.
"Anong ginagawa niyo sa hardin na iyon?" Ang tinutukoy niya ay ang hardin kung saan kami napunta.
"We we're currently on a mission, at dito kami napunta matapos namin magteleport galing Ezea," Pormal na sagot sakanya ni Azriel. Hindi mo man lang kakikitaan nang kaba ang kanyang itsura samantalang ako ay halos lumuwa na ang puso sa kaba.
"At nagsama kayo ng isang Alkirvia?"
Natigilan ako bigla. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at halos hindi ko na talaga mai-galaw ang katawan ko. Namumutla na siguro ako.
Bigla 'kong naalala ang sitwasyon ko at nanlaki ang mga mata ko. Lifarshia. Nasa Lifarshia kami, at nasa katawan ko si Zed! Posible kayang malaman nila ito?
Hindi ko inaasahan na babanggitin 'yon ng Hari. At hindi ko rin naman akalain na hanggang sa loob ko pala ay kaya niyang ma-track si Zed! Ngayon ay masasabi ko na hindi sila basta-basta.
Sa sinabi niyang 'yon ay dumagundong ang sigawan ng mga Lifars. Panay panlalait ang naririnig ko. Nakalimutan 'kong sabihin na may masamang nakaraan ang Lifarshia sa Alkirvia kaya gan'on na lang kalaki ang mga galit nila dito.
"Excuse me? Sigurado kayo?" Tila natatawang sambit ni Paige sa Hari.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano pakalmahin ang sarili ko dahil kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Napalunok ako.
Hinugot ni Haring Meros ang kanyang espada at itinutok sa direksyon ko na halos ikamutla ko.
"Iyang babaeng kasama niyo....ay isang Alkirvia."
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT! It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro