Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16

##########

KABANATA 16
He's Awake

[THIRD PERSON's]

KUNG ISASALAYSAY ang itsura ng Kaharian ng Alkirva ay kulang ang salitang nakakatakot at mapanganib dito. Gaya nang isang normal na kastilyo ay sobrang taas nito ngunit binabalutan nang dilim. Ang gubat na pumapalibot dito ay sobrang dilim at hindi mo kakikitaan nang buhay at kulay. Para 'bang ipinaglihi sa galit at sama nang loob ang lugar na ito.

Malawak ang loob sa Kaharian ng Alkirvia. Bukod sa nakakatakot na panlabas nitong anyo, ay gayundin ang sa loob. Ang kinaibahan lang ay sa mismong pagpasok mo sa kastilyo ay makikita mo sa bawat gilid ang lumiliyab na apoy, at mga nasusunog na mga bungo. Isang mahabang red carpet ang sasalubong sa'yo pagkapasok, at sa pinakadulo nang hallway ay ang itim na higanting pintuan.

Hindi katulad sa Ezea na kakikitaan mo agad nang liwanag at saya, dito sa Alkirvia ay puros kadiliman at pulang mga liwanag ang iyong makikita. Idagdag mo pa ang mga walang kabuhay-buhay na mukha ng mga tao dito, na kahit mabangga mo lang ay papatayin ka na agad.

Matapos ang pagsalakay na nangyari ay mabilis na tinungo ni Chelle ang isang malaking kwarto kung saan may nakapaskil roon na Prinsipe Frenniere. Kumatok muna si Chelle bago binuksan ang pintuan. Bumungad sakanya ang kulay pula na kwarto ng Prinsipe, at ang isang lalaki na nakatanaw sa malawak na bintana kung saan tanaw ang buong kagubatan.

"Pumalya nanaman kayo," Isang malalim at matigas na boses ang inilabas ng lalaki bago humarap. Ang madilim nitong ekspresyon ay nagbigay nang takot at kilabot sa katawan ni Chelle.

Mabilis na yumuko si Chelle, "Nandoon po ang Elementalists at iba pang Ezean. Mahirap sila kalabanin lalo pa't wala sa'tin si Xynos."

"At umaasa ka lang kay Xynos?!" Inis na sabi ng binata. "Nagawa 'kong umapak sa loob ng Ezea High ng mag-isa, hindi mo ba kaya gawin 'yon para bawiin si Xynos?!"

Napaangat ang tingin ni Chelle at napakagat sa ibabang labi, "K-Kuya Cyrus...nakita po namin siya. Yung kaibigan ni Keya. Nakita po namin siya."

Natigilan si Cyrus sa inihayag nito at kumuyom ang kamao. Nag-iwas siya nang tingin at malalim na bumuntong hininga. "Ba't hindi niyo pa siya pinatay?" Mahinahon ngunit mababakas ang diin sa boses nito.

"Siya po ang dahilan kung bakit nasa kanila si Xynos. Sinubukan po siyang patayin ni Xynos, kaso biglang dumating ang Elementalists. Ang kanilang leader na si Azriel ang nakalaban niya," Litanya ni Chelle.

Hindi nakasagot si Cyrus. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. 'Kung ganon ay magkakilala na kayo..' Aniya sa isip.

"At balita ko po na malubha ang kalagayan ni Xynos ngayon. There's a low chance that he'll survive, at kung kukunin namin siya sa Ezea ay baka mamatay siya," Ani Chelle at pinunasan ang kanyang luha. Hindi niya lubos maisip ang magiging buhay niya kapag nawala si Xynos. Masyadong mahalaga para sakanya ang binata.

"Si Axel?" Tanong ni Cyrus nang hindi lumilingon dito.

Saglit na natigilan si Chelle at pinaglaruan ang kanyang mga daliri, "H-Hindi na po namin siya nahanap."

Malakas na hinampas ni Cyrus ang lamesa na gawa sa narra na nasa gilid niya, "Kapag nalaman 'to ng Dark Lady ay pare-pareho tayong malalagot!" Sigaw ni Cyrus. "Hintayin mong gumaling si Xynos. Hanapin niyo si Axel at wag kayo titigil. At panghuli, patayin niyo ang babaeng Vershia na 'yon! She's going to ruin our plan, and I bet that they're after her friend."

"Masusunod po," Sagot ni Chelle at mabilis na lumabas sa kwarto. Kahit hindi sabihin ni Cyrus ay balak niya talagang patayin si Astra dahil sa ginawa nito kay Xynos.

Sa paglabas niya ay tumambad sakanya ang isang tao na sobrang dilim nang ekspresyon sa mukha. Dito kasi sa Alkirvia ay wala kang ibang makikita kun'di ang mga madidilim na mukha ng mga taong sabik pumatay at maghiganti.

"Nakita niyo siya?" Walang emosyon na tanong nito.

Ngumisi sakanya si Chelle, "Handa ka na bang pasukin ang buhay nila?"

=====

[BACK TO ASTRA's POV]

IDINALA ANG mga sugatan na healers sa healing center. Pinayagan silang makapasok sa Ezea High dahil na rin sa nangyaring paglusob. Ang mga nabawian naman ng buhay ay hinahanda na para sa kanilang libing.

Dito muna pansamantala mamamalagi ang mga sugatan na healers, samantalang yung iba ay aayusin ang mga nasira sa bayan. Sa Gymnasium muna daw sila. Buti na lang at malaki ang Gymnasium nila dito at kasya lahat ng mga sugatan d'on. Kabilang na roon si Allison.

"You did a great job, Class A and Astra," Puri samin ni Sir Etienne at umupo sa swivel chair niya. "Nalaman ko ang naging dahilan ng biglaang paglusob ng Dark Alkirvia. Understood that Xynos is part of the reason, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit napasama ka," Nang sabihin niya 'yon ay tumingin siya sa'kin kaya naman napayuko ako habang nilalaro ang mga daliri ko. Kami ni Keya ang tinutukoy niya.

Muli siyang nagsalita, "Hindi ko alam kung ano ang pakay nila sainyo, Astra. Pero may isa akong katanungan sa'yo."

Dahil sa sinabi niya ay mabilis akong nag-angat nang tingin . Lahat sila'y nakatingin sa'kin at naghihintay nang mga kasagutan.

Tumango ako sakanya bilang senyales na ituloy ang kanyang sinasabi.

Bumuntong hininga si Sir. Etienne at diretsong tumingin sa'kin, "Ano ba talaga meron ang kaibigan mo na si Keya?"

Natigilan ako and at the same time ay nagulat sa tanong na 'yon ni Sir. Etienne. Anong meron sa kaibigan ko? 'Yan ang bagay na hindi ko alam. Masyado siyang mapaglihim. Nung una may kakaiba talaga sakanya pero hindi ko pinansin 'yon.

"Hindi ko po alam," Diretsong sagot ko.

"Eh, ikaw? Anong meron sa'yo?"

Nanigas ako sa kinauupuan ko sa sunod na itinanong ni Sir. Etienne. Anong meron sa'kin? Sa pagkakaalam ko, isang ordinaryong healer lang ako na nabubuhay sa bayan ng Vershia. Na sa kasamaang palad ay sinaniban ng walanghiyang si Zed.

"I'm just a healer, Sir. Etienne. Nothing special," Pilit ang ngiting sagot ko. Napatingin ako isa-isa sa Elementalists pero mukhang malalim din ang iniisip nila. Si Echo ang tanging ngumiti sa'kin at tumango. Nginitian ko din siya nang tipid.

Sunod-sunod na ang mga nangyayari. Una ay ang pagatake ng Soul Eater kay Keya. Pangalawa ay nawalay sa'min si Cadell. Pangatlo ay muntikan na akong mapatay ni Numeda. Pangapat naman si Xynos na hanggang ngayon ay hindi pa namin alam kung sino ba talaga. At ang huli, ang pagsalakay ng Dark Alkirvia sa bayan ng Vershia. Ano pa ba ang susunod na mangyayari?

=====

PUMUNTA KAMI nina Fauna at Echo sa Infirmary para bisitahin si Dara habang si Azriel at Paige ay kasama ni Sir. Etienne upang tulungan ang mga Vershiatists. Bigo kami nang akala namin ay nand'on si Dara pero sabi ng nagbabantay ay umalis daw ito at hinanap kami.

"Aba't gusto pa atang gumala ng witch na 'yon," Nakapameywang na usal ni Echo.

"Hanapin nalang natin. Di naman na bata 'yon at mukhang okay na siya," Aniya Fauna.

Tinahak namin ang daan sa napakalawak na hallway ng Ezea High. Hanggang ngayon ay hindi ko pa'rin maiwasang hindi mamangha sa mga kumikintab na palamuti at ganda nang paligid. Masaya ako para sa mga Vershiatist dahil unang beses nila na makapasok dito, at paniguradong isang malaking biyaya ito sakanila. Pero kahit na gan'on ay mas gugustuhin namin na hindi nalang umatake ang Alkirvia kaysa naman ganito na nasira ang bayan namin.

"Tabi!"

Nagulat ako nang may isang mabilis na nilalang ang dumaan sa'kin at nadanggi niya ang braso ko. Natumba ako sa napakagandang semento nang Ezea High at muntik pang sumubsob ang mukha ko. Umakat ang dugo sa ulo ko sa inis. Lintek.

"Omygsoh, Astra!" Agad na umalalay sa'kin si Echo pero dahil sa inis ko ay naitabig ko ang kamay niya at kusang tumayo.

Tinanaw ko yung lalaking bumunggo sa'kin at maya-maya pa ay nasa harapan ko na siya. Isang mukhang batang lalaki na nakasuot nang uniporme ng Ezea High. Kahit na gan'on ay mas matangkad siya sa'kin at magulo ang kulot na buhok nito. Mas nakakadagdag nang appeal ang kanyang singkit na mga mata, at sa unang tingin ay mukhang may pagka-jolly ang isang 'to. Batid 'kong super speed ang kanyang abilidad.

"Chase! Napaka-clumsy mo! Muntik nang sumubsob si Astra sa semento!" Suway sakanya ni Fauna. Kung gan'on ay Chase pala ang pangalan ng isang 'to.

Kumamot ito sakanyang ulo at nahihiyang tumingin sa'kin, "Pasensya na taga-Vershia. Nagbubuhat kasi ako nang gamit at dinadala ko sa gymnasium. Di kita napansin," Paliwanag nito.

Huminga ako nang malalim at nagiwas nang tingin. Di ko nalang siya pinansin dahil baka kung ano pa ang masabi ko sakanya. After all, he's an Ezean, at isang hamak na Vershiatist lang ako.

Napansin ata ni Echo na wala akong balak sumagot kaya siya na ang nagsalita, "Okay lang, Chase. Sa susunod mag-ingat ka."

"Sigurado ka, Ate Echo? Mukha siyang galit sa'kin eh," Ngumuso pa ito.

Parehong natawa si Fauna at Echo sa kanyang inakto. Mukha siyang bata. Kasing edad lang ata 'to ni Xynos.

"Sige na umalis ka na. Kami na bahala dito," Sinenyasan siya ni Fauna.

"Sigurado kayo ahh----" Naputol ang sinasabi nito.

"Chase!"

Isang babaeng hindi katangkaran ang tumawag sakanya. Tumakbo ito papalapit sa'min. Kapansin-pansin ang tumatalbog nitong ponytail sa magkabilang gilid, at ang kanyang matataba at mapuputing pisngi kung kaya't litaw na litaw ang pamumula nito. Idagdag mo pa ang mapula at maliit niyang labi. Sa madaling salita...cute siya.

"Gosh! Ate Echo! Ate Fauna! Na-miss ko kayo!" Nanlaki ang mga mata nito nang bumaling ang kanyang tingin sa'min at mabilis na niyakap ang dalawang babaeng nasa gilid ko. Mukhang maeechapwera pa ata ako.

"Woah, Avery! Paganda ka nang paganda, ah?" Puri sakanya ni Fauna. Bumingisngis naman yung babaeng si Avery.

Nagusap-usap sila habang ako ay tahimik lang sa isang gilid. Wala akong balak makipagdaldalan dahil wala sa bokabularyo ko 'yon.

"By the way, this is Astra," Pinakilala ako ni Echo sakanilang dalawa. Ngumiti sa'kin si Chase pero si Avery ay nakatingin lang sa'kin na animo'y sinusuri pa ata ang buong pagkatao ko.

"Astra? Astig! Parang si Astro Boy lang kaso girl version," Tuwang-tuwa na saad ni Chase. At sino naman yung Astro Boy na 'yon? Taga-Vershia din ba siya?

"Favorite ko yung robot na 'yon! Nakakalipad siya katulad ni Kuya Cadell!" Saglit itong napahinto. "Teka mga ate, asan nga pala si Kuya?"

Nagkatinginan kaming tatlo sa tanong niya. Wala si Cadell at wala kaming balita sakanya. Bukas pa kami aalis upang magpatuloy sa aming misyon at sa paghahanap kay Cadell.

"Busy siya," Sagot nalang ni Fauna.

"Hoy kayong dalawa! Wala kayong balak tumulong dito?!"

Isang lalaki naman ang sumigaw mula sa tapat nang pinto ng Gymnasium. Gwapo din ang isang 'yon ngunit kakikitaan nang pagiging totoy.

"Ay, oo nga pala! Sige po mga ate, mauuna na po kami, ah?" Nagmamadaling paalam sa'min mi Avery. Tumango lamang kami sakanya. Hindi na nag-paalam si Chase dahil mabilis itong umalis gamit ang kanyang speed.

"Hoy! Di mo ako hinintay!" Dinig ka namin ang sigaw ni Avery habang siya'y tumatakbo.

=====

HINDI SAULO ni Dara ang Ezea High, pero nakita namin siya sa Dining Hall na tuwang tuwa sa mga pagkaing nasa harapan niya. Nagutom daw kasi siya kaya umalis siya.

"Hoy, witch! Malapit mo nang ubusin mga pagkain dito ah!" Dinuro ni Echo si Dara.

"Duh? I deserve this dahil naubos ang lakas ko sainyo!" Nakangiwing aniya.

"Wala pa'rin sila Paige?" Tanong ni Fauna at sumubo nang tinapay.

Kumuha rin ako nang tinapay at tinitigan ito. Kahit tinapay lang siya ay bago lang ito sa'king paningin. Hindi siya katulad nang mga common na tinapay na nabibili sa bayan gaya nang pandesal.

"Hindi ko naman nakita," Sagot ni Dara at lumamon.

Napatingin sa'kin si Echo at ngumiti, "Butter and Garlic Bread Roll yan, Astra. Masarap yan."

Tumango ako sakanya at nagsimulang kumagat. Masarap nga pero wala naman masyadong espesyal dito. Pinasosyal lang siya nang pangalan niya pero mas gusto ko pa din ang pandesal na may palaman.

Napatigil ako sa pag-kain nang may isang babaeng estudyante ang lumapit sa'min. Siya yung babae kanina na kabilang sa SSG. "Pinapatawag po kayo ni Sir. Etienne sa TC."

Hindi na namin tinanong kung bakit. Mabilis kaming lumisan nang Dining Hall at dumeretso sa TC. Naroon na rin si Azriel at Paige na mukhang naghihintay.

"San kayo galing? Kanina pa namin kayo hinahanap," Nakasimangot na salubong sa'min ni Paige.

"Nasa Dining Hall kami," Sagot sakanya ni Fauna.

"Nagawa niyo pa talagang kumain?" Inis na baling sa'min ni Azriel. Nakangiwi ang bibig nito at nanliliit ang mga mata.

"Aba, boss. Nagugutom din kami, 'no!" Sagot sakanya ni Echo. Hindi na lamang siya sinagot ni Azriel.

Lumabas mula sa isang pintuan si Sir. Paulo at Sir. Etienne. Ang pintuan na iyon ang daan papasok sa hall nang ICU Rooms.

"Mabuti't nandito na kayo," Ani Sir. Etienne.

"What is it?" Inip na tanong ni Azriel. Hindi na siya nagbago mula sa simula. Parang isang normal na tao lang ang kaharap niya. "Patay na ba yung totoy na 'yon?" Ngumisi pa siya.

Napairap tuloy ako sa kawalan. Dahil sa isang pagkatalo ay mukhang araw-araw kang isusumpa ni Azriel.

"Of course not," Natatawang sabi ni Sir. Etienne. "Actually, there's a good news. I think he's getting better, we don't know why. Di katulad kanina na sobrang hina na ng heartbeat niya."

Nakahinga naman kami nang maluwag d'on maliban sa isang tao. Sa wakas, may panlaban na kami sa mga Alkirvia.

"That's not even a good news," Sabat ni Azriel. Siniko ko siya at nginiwian. Inis na lumayo siya sa'kin at ngumuso.

"You can visit him, pero saglit lang," Wika ni Sir. Paulo nang nakangiti.

Nakita ko ang pag-irap ni Azriel, "Psh. No way."

"No thanks. Kalaban siya, so why bother?" Maarteng sabi ni Paige at lumabas.

Nang tingnan ko sina Echo, Fauna at Dara ay mukhang ayaw din nila. Mas gugustuhin pa daw nilang kumain nalang kaya naman ay iniwan nila ako dito at dumeretso sa Dining Hall.

Naiwan kaming apat dito. Ako, Si Azriel, Sir. Paulo at Sir. Etienne.

"Gotta go---" Bago pa umalis si Azriel ay mabilis kong hinila ang damit niya. Sinamaan niya 'ko nang tingin sa ginawa ko. "Ano ba!"

"Papasok po kami. Gusto ko po siya makita," Sabi ko. Napangiti si Sir. Paulo habang napapatango naman si Sir. Etienne.

Hindi ko alam kung bakit pero may nagtutulak sa'kin na bisitahin ang totoy na 'yon.

"At bakit mo naman gagawin 'yon? May gusto ka ba d'on?" Ngumiwi pa si Azriel na animo'y nandidiri. Napakaarte talaga. Kalalaking tao eh.

"Bibisitahin natin siya. Saglit lang naman."

"Ayoko! Mapapatay ko lang yung totoy na 'yon!" Aniya at humalukipkip.

"Bilisan niyo dahil bilang lang ang oras niyo sa loob," Ani Sir. Paulo. Hinila ko si Azriel at sumunod kay Sir. Paulo sa loob. Nagpaalam na rin si Sir. Etienne. Napatingin ako sa malaking glass kung saan kitang kita ko ang nakaratay na si Xynos. Pinapasok na kami sa loob.

"Ayoko sabi!" Nagpupumiglas pa si Azriel pero wala rin siyang nagawa nang hilahin ko siya papasok. "Ang kulit mo talaga! How dare you touch me like that?!" Nanlalaki ang mga mata nito habang ikinikiskis ang mga ngipin.

Napairap ako, "Osya, lumabas ka na."

"Ha! Pagkatapos mo akong hilahin dito palalabasin mo ako?!" Inis na aniya.

Tingnan mo. Hindi rin maintindihan ang yelo na 'to eh. Kanina nag-iinarte siya, at ngayong pinapalabas na, ayaw naman. Nasa katinuan pa ba 'to?

Hindi ko nalang siya pinansin at lumapit sa higaan ni Xynos. Grabe ang galos nito sa mukha. Halatang bugbog sarado siya sa isang suntok ni Azriel. Pero kahit gan'on ay umaapaw pa'rin ang kagwapuhan ng batang 'to. Mukha siyang inosente at maamo kapag tulog, pero demonyo kapag gising.

Hinawakan ko ang kamay nito at bumuntong hininga. Sana magising na siya para mapadali na ang paghahanap namin kay Keya.

"May gusto ka talaga d'yan sa totoy na 'yan eh, 'no?" Hindi makapaniwalang ani Azriel. Nasa kabilang side siya nang kama at nakaupo sa couch. "Wala kang taste!" Sigaw nito.

Nanlaki ang mga mukha ko at kinagat ang ibabang labi ko dahil sa inis, "Ayusin mo nga 'yang utak mo! Hindi ako napatol sa bata."

"Then why are you visiting him?" Tumaas ang kilay niya.

"Masama ba?" May halong inis na sagot ko sakanya. Lahat nalang talaga may malisya eh, 'no? "Hinalikan mo nga ako eh, sinabi ko 'bang may gusto ka sa'kin?" Dagdag ko pa na ikinagulat niya.

Napaayos ito nang upo at napanganga, "And do you think na papatol ako sa tulad mo? Wag mo ako igaya sa'yo na walang taste!" At dinuro pa talaga ako ng loko!

"At sino may sabing wala akong taste?!" Halos lumuwa na ang mata ko sa panlalaki nito.

"Ako! And for your information Miss Healer, I did that because you needed my help," Aniya nang nakangisi.

Nginisian ko din siya pero sa loob-loob ko ay malapit na akong sumabog sa inis, "Pero ang sabi mo ay hindi mo na uulitin 'yon. Oh, eh bakit hinalikan mo ako?"

Mas lumawak ang ngisi ko nang matigilan siya at napalunok. Hindi siya nakasagot sa sinabi ko kaya naman ay nagkunwari akong seryoso.

"Don't tell me may gusto ka sa'kin?" Taas kilay na tanong ko. Dahil sa pang-aasar mo sa'kin sa totoy na 'to at pagpapainis sa'kin, ikaw naman ngayon ang a-asarin ko. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya ng yelong 'to.

"No fuckin way!" Sigaw niya at ni-cross pa ang magkabilang kamay sa hangin.

"Then why did you do that, Mr. Ice-Fire?" Iginewang ko pa ang ulo ko. Natutuwa akong makita ang namumula niyang mukha dahil sa inis. Sobrang sama nang tingin niya sa'kin pero hindi ko alam kung bakit natutuwa pa ako imbis na matakot.

"Shut up!"

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. H'wag mo sabihing talo na agad siya sa pang-aasar ko? Ang bilis naman pala mapikon ng isang yelo.

"Eh, bakit nga kasi---"

"Fvck! Ang iingay niyo!"

What the---Pareho kaming natigilan ni Azriel at mabilis na napalingon sa lalaking sumigaw. Nanlaki ang mga mata namin nang makitang nakamulat ang mga mata ni Xynos! Gaya nang unang kita ko sakanya ay nakasimangot pa'rin ito.

"You're awake!"

*****

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro