Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

Paige "water" Sandoval

##########

KABANATA 15
Vershia's under attack

SA PAMAMAGITAN nang teleportation ni Dara ay nakabalik kami sa Ezea High kasama si Xynos. Sa dami namin ay buti nalang nakayanan nang lakas ni Dara, pero kalaunan ay nahimatay siya kaya dinala muna siya ni Echo sa Infirmary.

Sinubukan din dalhin d'on si Xynos ngunit di kaya nang simpleng magic spells ang paggaling dito kaya naman ay kinakailangan pa ni Sir. Etienne na magpatawag nang mga healers mula sa Vershia. Nakaramdam ako bigla nang pagka-miss sa bayan namin.

Kasalukuyan naman kaming nasa Headmaster's Office. Ipinaliwanag na rin ni Fauna ang nangyari at kung bakit kami bumalik.

"Where's Cadell?" Tanong ni Sir. Etienne na ngayon lang napansin.

"Nawalay siya sa'min," Paige answered with her usual tone. Mukha namang nagulat si Sir. Etienne sa kanyang nalaman at napaayos nang upo.

"What? How's he?" Tanong pa niya.

"He's fine, I guess. Okay naman siguro siya," Kibit balikat na sagot ni Fauna. Nagkatinginan kami sa sinabi niya. Maging kasi kami ay hindi sigurado kung nasaan at kung ano ang lagay niya. Pero sana naman ay nasa maayos na sitwasyon siya.

Bumuntong hininga si Sir. Etienne, "Okay, I'll try to contact him later. Anyways, kamusta na yung isa niyong kasama? Yung duwende."

Napabungisngis si Fauna, "She's fine. Binabantayan siya ngayon ni Echo sa Infirmary."

"Sir, paano si Xynos?" I interfered. Napatingin sila sa'kin lalo na ang tahimik na si Azriel na nakasimangot. Badtrip pa rin siya dahil natalo siya ni Xynos.

"Nasa Technology Center sila, sa bandang ICU, kasama yung ibang magagaling na healers na pinapunta dito. I still don't know the result since nasa loob pa sila nang TC," Paliwanag ni Sir. Etienne. "But there's a low chance that he'll survive. Masyadong malakas ang tama niya," Dagdag pa niya.

Napatingin ako bigla kay Azriel matapos sabihin 'yon ni Sir. Etienne. Tinaasan ako nito nang kilay nang makitang nakatingin ako sakanya.

"Patutulugin lang pala ah," Bulong ko. Sinamaan lamang niya ako nang tingin. Hindi na ako magtataka kung sabihing hindi na buhay si Xynos. Sa sobrang lakas ba naman nang suntok ni Azriel, nagawa pa nitong tumilapon at halos mabasag ang mukha. Masakit 'yon panigurado lalo pa't matigas ang yelo.

"But we need him alive. Siya ang magiging alas natin," Sabi ni Fauna.

Pumalabi si Sir. Etienne at muling bumuntong hininga, "We'll see, then."

=====

NAPAGDESISYUNAN NAMIN na pumunta sa Technology Center para tingnan ang lagay ni Xynos. Ngayon ko lang rin nalaman na may ICU pala sila dito. Hindi namin siya pwedeng pasukin sa ICU kaya naman naghintay lang kami sa paglabas ng mga healer.

Kilala ko ang dalawang healer na 'yon. Si Ate Faye at Kuya Jacob. Sila ang sikat na healer sa bayan namin dahil sila ang pinakamagaling sa panggagamot. Silang dalawa lang rin ang natatanging healer na naka-a-apak sa ganitong lugar kapag kinakailangan. Kami naman ay natulong lang kapag maraming sugatan at sila na mismo ang napunta sa bayan namin since hindi kami pwede sa teritoryo nila.

"Masyadong malakas ang tama niya. Sa ngayon ay kritikal ang lagay niya. Hindi namin alam kung kailan siya magigising," Ani Ate Faye habang kausap si Sir. Paulo at Sir. Etienne at kami naman ay nakikinig.

Napabuntong hininga kami nina Echo at Fauna, at sabay na napalingon kay Azriel. Agad na nagsalubong ang kilay nito nang mapansin ang mga tingin namin.

"What?!" Iritable niyang wika kaya mabilis kaming nagiwas nang tingin.

"Pero may chance ba na magising pa siya?" Tanong ni Sir. Etienne.

Si Kuya Jacob ang sumagot. Bumuntong hininga muna ito bago magsalita. Mukhang nanghina sila sa ginawang panggagamot kay Xynos.

"Sa ngayon ay kalahati lang ang tyansa na magising siya. Himala nalang kapag nangyari 'yon lalo pa't ngayon na mukhang na-coma siya," Aniya Jacob.

Nagpaalam na sa'min si Ate Faye at Kuya Jacob. Kailangan rin nila umalis agad dahil hindi sila pwede magtagal dito sa Ezea at since tapos na ang trabaho nila. Hihintayin nalang namin na may himala na mangyari.

"Wala na. Kung hihintayin pa natin ang paggising niya, which is impossible, ay baka wala na tayo maabutan sa Alkirvia," Ani Paige na seryosong nakikipagusap sa'min.

"Tss. I knew it, wala tayong mapapala sa totoy na 'yon. We just wasted our time going back here," Pigil ang inis na sabi ni Azriel.

"Eh, bakit ba naman kasi ang lakas nang suntok mo? Pinatulog mo nga, pero mukhang di na magigising," Sumbat sakanya ni Echo nang nakangiwi.

Masamang tingin ang ipinukol sakanya ni Azriel, "That kid almost killed me!"

Bumuntong hininga si Fauna, "Right. So what's your plan, Sir. Etienne and Sir. Paulo? Papatayin niyo ba siya or ibibigay sa mga Lifars?"

"Ako ang papatay sa totoy na 'yon---aray!" Agad na kinurot ko ang tagiliran ni Azriel bago pa niya matapos ang sinasabi niya. Napakamainitin nang ulo kapag natatalo, eh.

Inis na binalingan niya ako nang tingin at inambahan nang suntok pero agad ko siyang pinanlakihan nang mga mata. Wala siyang nagawa kun'di ang sumimangot at ngumuso.

"No, we can't kill him," Panimula ni Sir. Paulo at binigyan namin siya nang nagtatakang tingin. "He was scanned as an Ezean. He's not an Alkirvia, and we can't kill an Ezean."

Natigilan kaming lima at napasinghap sa hangin. Tila ba naiwan sa ere ang nakabuka naming bibig sa sinabi niya. Hindi siya isang Alkirvia? Pero bakit sa teritoryo nang mga ito siya nakatira?

"What? Ezean ang totoy na 'yon? Psh!" Dismayado na may halong inis na usal ni Azriel at napailing nang ilang beses.

"How come he's an Ezean when he lives in Alkirvia?" Takang tanong ni Paige.

"He belongs to our kingdom, so therefore we must keep him here. Marahil ay hindi niya alam na isa siyang Ezean," Ani Sir. Etienne.

"Lalo pa ngayon na sobrang espesyal at delikado nang kakayahan niya," Dagdag ni Sir. Paulo.

Magsasalita pa sana si Fauna nang biglang tumunog ang Red Light sa loob nang Technology Center. Napatakbo sa labas si Sir. Paulo at sumunod naman kami sakanya. Sumalubong sa'min ang isang babaeng estudyante na sa palagay ko ay parte nang SSG base sa kanyang badge sa dibdib.

"Ano nangyayari?" Agad na tanong ni Sir. Etienne.

"Sir, nilusob daw po ng Dark Alkirvia ang bayan ng Vershia," Hinihingal na aniya.

Nagkatinginan kami ng Elementalists sa masamang balitang hinatid sa'min. Nagsunod-sunod ang pagtambol sa dibdib ko.

"Call all the Upper Class Division. Sabihan sila na dumeretso sa bayan ng Vershia, and inform the lower classes to stay inside the academy," Madaling utos ni Sir. Etienne na agad namang sinunod ng babae. Humarap ito sa'min. "Pupunta tayo sa Vershia."

"Let's go," Ani Azriel.

We teleported with the help of Lei, a Class-C student that has the ability of teleportation. Mas mabuti na yung makapunta kami agad sa bayan kaysa naman mahuli kami. Si Sir. Etienne at Sir. Paulo ay naiwan sa Ezea High upang asikasuhin ang mga estudyante at ipaalam sa Haring Matsu, ang namumunong Hari ng Ezea, ang nangyaring paglusob. Susunod daw siya sa'min pagtapos.

"Always be alert. It's Dark Alkirvia," Paalala ni Azriel bago namin pasukin ang bayan ng Vershia.

Nanlaki ang mga mata ko at halos manlumo nang makita ko ang kalagayan ng bayan na kinalakihan ko. Nasusunog ang ibang bahay na gawa sa makakapal na kahoy. Ang market na lagi naming pinagtatambayan ni Keya ay wasak na, at ang mas nakakalubog ng puso ay ang makita ko ang mga ka-mamamayan ko na pilit lumalaban sa mga Dark Alkirvia. Yung iba ay nakahandusay na sa sahig, at yung iba naman ay nagtutulungan para pagalingin ang bawat isa.

"What the hell!" Malakas na sigaw ni Echo kaya naman nabaling sa'min ang atensyon ng ibang Alkirvia.

"They're coming," Aniya Paige at hinanda ang sarili nang makitang papalapit sa direksyon namin ang ibang Alkirvia.

"Ako na dito!" Ani Echo at pumwesto sa harapan namin. Lumuhod siya at itinukod ang magkaparehong palad sa lupa dahilan para yumanig ito at matumba ang mga kalaban.

"Echo and Fauna, stay at our back. Kayo ang bahala sa mga nasa gilid at sa mga magtatangkang pumasok. Attack and defense will be everyone's role here. Paige, Astra and I will position infront," Mahabang sabi ni Azriel at tumingin sa'kin. Saglit na napigilan ko ang hininga ko gawa nang titig niya. "At ikaw, h'wag kang aalis sa tabi ko."

Dugdug. Dugdug.

Ngayon ko na lamang ulit naramdaman ang paginit at pagbilis nang puso ko na tila ba hinahaplos ito. Bago pa man ako maka-tango ay iniwas na niya ang kanyang tingin at nagsimula ng makipaglaban. Shit. Focus, Astra!

At anong tingin niya sa'kin? Weak?

Tumalon ako sa gilid nang maglabas nang isang maliit na itim na enerhiya ang Alkirvia na kaharap ko. Tumaob ako at nagasgasan ang tuhod ko dahil d'on.

Nilapitan ako ni Azriel at tinulungan na tumayo, "Tss, lampa," Napangiwi ako sa sinabi niya. "They're just a lower class Alkirvia. Kaya mo yan,"" Aniya bago siya umalis.

Gumawa siya ng ice spear at pinatamaan ito sa isang Dark Alkirvia pero nakaiwas ito. Tumakbo palapit sakanya ang kalaban pero agad na napayuko si Azriel at siniko ang mukha nito. Lumikha siya nang ice spike at patalon na tinusok sa ito sa likod ng Alkirvia.

Sa gilid niya ay may isang Alkirvia ang balak umatake. Sisigaw dapat ako pero mukhang alerto naman siya sa mga kalaban na nasa paligid. Mabilis niyang pinalibutan nang makapal na yelo ang kanyang kamao at palingon na sinuntok ang Alkirvia'ng balak atakihin siya. Kagaya ni Xynos ay tumalsik ito at nawalan nang malay. Sinipa naman ni Azriel ang isa sa panga at pinalubutan ito nang malamig ngunit nakapapaso na Ice-Fire.

Napahanga ako sa kanyang galing. Sabagay, hindi siya magiging si Azriel kung mahina siya. Kaya pala sobrang nakakaapak sa kanyang pagkatao kapag natatalo siya. Ang isang Alkirvia na gaya ng mga ito ay kayang kaya niyang tirisin na parang langgam nang hindi masyado gumagamit nang kapangyarihan.

Sa gilid ko naman ay magkasamang lumalaban si Echo at Fauna.

Lumikha nang bolang apoy si Fauna at pinatama ito sa Alkirvia'ng kalaban nila, pero mabilis ang reflex ng kalaban at nakagawa agad ng dark shield. Nang akmang susugod sakanila ito ay mabilis na lumikha si Echo ng earth shock na naging dahilan para tumalsik ito. Mga lower class nga lang ang mga ito at hindi pa masyado malakas at trained.

Sa kabilang banda naman ay nakita ko si Paige na nagpalabas nang tubig sa magkabila niyang kamay at hinuli ang kalaban na parehong nasa magkabilang gilid niya at malakas na pinaguntog ang mga 'to.

Kung nandito pa siguro si Cadell ay baka naubos na agad nila ang mga 'to. Nakita ko ring nagsidatingan ang mga Upper Class Division na pinadala no Sir. Etienne. Yung iba ay nakipaglaban habang yung iba ay inililigtas ang mga healers na sugatan.

Nakakalaban ang mga Vershiatists dahil gaya nang sabi ko ay bihasa kami sa physical combat, kaso masyadong dehado ang sitwasyon ngayon.

Hindi dapat ako tumunganga na lang dito. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Yung dating maayos na bayan ng Vershia ay nawasak na. Parang gusto 'kong maiyak sa nakikita ko.

Nilapitan ko ang isang batang babaeng Vershiatist na namimilipit sa sakit. Hindi na niya siguro magamit ang healing niya dahil naubos na ang lakas niya. Idagdag mo pa na bata lang siya.

Ako na lang ang nagpagaling sa mga sugat niya. Dalawang minuto ang tinagal bago humilom ang mga sugat nito.

"S-salamat A-Ate Astra..." Dinig 'kong sabi niya. Ngumiti ako sakanya. Di ko alam na kilala pala ako ng batang ito.

Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya at ginulo ang buhok niya, "Tayo ang mga Vershiatist. We're not just a healer, because we are also a fighter. Alam 'kong biglaan ang pagsugod ng mga Alkirvia sa bayan natin pero alam ko namang makakalaban kayo...tayo," I gave her my reassuring smile and a nod. Dinukot ko ang isang dagger na nakasipit sa bewang ko at binigay sakanya. That's for her protection.

"Ate Astra...h-hindi namin alam kung bakit sila bigla dumating," Napatingin ako sa batang babaeng katabi ko nang bigla siyang nagsalita. "Ginalugad nila ang maliit na bahay niyo ni Ate Keya. Mukhang may hinahanap sila, pero nang wala silang mahanap, winasak nila ang buong Vershia," Naluluhang aniya.

Niyakap ko ito upang patahanin. Nang malaman 'kong kami pala ni Keya ang dahilan kung bakit lumusob sa Vershia ang mga Alkirvia ay hindi ko maiwasang hindi makonsensya. Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang kailangan nila. Hindi pa ba sapat na nasa kanila na yung kaibigan ko at kelangan pa nila idamay ang ibang healers?!

"H'wag 'kang magalala. Magiging maayos din ang lahat," Pagpapagaan nang loob ko sakanya.

"Ako nga pala si Allison, Ate Astra."

Isang ngiti ang binigay ko sakanya, "Magiging okay din ang lahat, Allison."

Ipinaubaya ko muna si Allison sa mga Ezean upang mailayo sa bayan. Hinanap nang paningin ko ang Elementalists at unang nahagip nang tingin ko si Paige na dumudugo ang braso. Mabilis na tumakbo ako papalapit sakanya at sinipa ang Alkirvia'ng nakatalikod sa'kin saka ko itinarak ang dagger ko sakanyang leeg.

"Buti naman at naisipan mong tumulong. Akala ko makikipagchismisan ka lang d'on sa batang Vershia na 'yon," Mataray na nakangiwing sabi ni Paige sa'kin.

Lumapit ako sakanya at mabilis na pinagaling ang kanyang sugat. Nawala ang pagdurugo nito ngunit ang bakas ay naiwan. 'Yan palang kasi ang kaya ko bilang healer. Ang patigilin ang pagdurugo nang isang sugat, ngunit okay na rin naman 'yon dahil mawawala ang sakit na nararamdaman mo.

"At your back!"

Mabilis akong napalingon sa likuran at Agad na sinipa sa mukha ang kalaban, ngunit mabilis itong nakabangon at nagpalabas nang itim na kapangyarihan. Ibinato niya ito sa'kin, at nang akala ko ay tatamaan na ako, ay mabilis akong nahila ni Paige kaya naman natumba kami sa lupa at nadaganan ko siya.

Mabilis ako tumayo, "Paige! Okay ka lang?" Nagaalalang tanong ko.

"Boba! Mukha bang okay ako eh kakagaling lang nang sugat ko tapos dadaganan mo agad ako!" Singhal nito sa'kin at mabilis na tumayo. "Tumayo ka na d'yan at tumulong para naman may pakinabang ka," Aniya at gigil na hinagis niya ang kalaban gamit ang tubig.

Napapailing nalang akong sumunod sa sinabi niya. Mukhang kailangan ko nang masanay sa ugali ng babaeng 'yon.

"Parang hindi sila nauubos," Hinihingal na lumapit sa'min si Echo kasunod si Fauna. May mga galos rin sila pero di naman malala.

"I knew it. They are after that Xynos kid. Mukhang malaki ang role sakanila ng batang 'yon," Salubong ang kilay na ani Fauna.

Si Xynos? Kaya ba lumusob ang Alkirvia dahil sa batang 'yon? Hindi na ako magtataka kung mataas ang pwesto n'on sa Alkirvia.

"Fvck!"

Nadinig ko ang boses ni Azriel. Nakita ko siya na nakasimangot na nakahawak sa kanyang dumudugong labi. Sa harap niya ay ang nanghihinang Alkirvia. Hindi pa nakuntento si Azriel at sinipa niya pa ito nang malakas sa panga dahilan para mawalan ito nang malay.

"Omygosh! Ikaw nanaman?!" Kay Echo naman nabaling ang tingin ko nang sumigaw siya. Nakatingin siya sa isang direksyon na sinundan ko naman nang tingin. Napahinto ako nang makita si Chelle na masama ang tingin sa'min.

"At ang lakas nang loob mong magpakita?" Gigil na ani Paige sa tabi ko.

"Sinabi ko na sainyo na humanda kayo diba? Mahalagang tao ang kinuha niyo, at sa oras na mamatay siya sa mga kamay niyo ay pagsisisihan niyo!" Sigaw nito sa'min.

"Oh dear, we already knew that from the start," Nangingising sagot sakanya ni Fauna at sinenyasan ako.

Tumango ako at humugot nang isang malalim na hininga. Tiningnan ko siya sa mga mata. Nanginginig ang mga mata nito na tila ba naiilang.

"Ang buhay ni Xynos, kapalit nang pagbabalik niyo sa'min kay Keya," Madiing sabi ko sakanya. Saglit siyang natigilan at natawa.

"Keya? At sino naman 'yon?"

"You don't know? Edi papatayin nalang namin 'yung totoy na 'yon---" Siniko ko agad si Azriel. Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Ayan nanaman siya sa pagiging padalos-dalos.

Muling ngumisi si Chelle ngunit mahahalata dito ang inis sa kanyang mukha, "Imposible ang hinihingi niyong kapalit. Kung hindi niyo ibabalik si Xynos ay wala akong magagawa kun'di ang gumamit nang dahas!"

Napaatras kami nang lumabas ang mahigit ilan na Alkirvia. Ang dami nila at batid kong wala nang masyadong lakas ang Elementalists para labanan ang mga 'to.

Mabilis na sumugod ang mga ito sa'min kaya wala kaming nagawa kun'di ang lumaban pabalik. Sinugod ako ng isang Alkirvia nang suntok pero dahil mabilis ang reflex ko at nagawa ko itong ilagan. Inangat ko ang ulo ko dahilan para tumama ito sa panga niya at matumba. Bahagya pa akong napangiwi at napakamot sa ulo ko sa sakit.

Nagulat ako ng may isa na humawak sa magkabila 'kong braso. Muling nakatayo ang isa 'kong kalaban at sumugod sa'kin. Inangat ko ang katawan ko at sinipa siya sa dibdib at nagbackflip para matumba sa lupa yung nakahawak sa braso ko.

Astang susugod ulit ako pero natigilan ako nang maramdaman ko ang isang matulis at malamig na bagay sa leeg ko. Napaangat ako nang tingin at bumungad sa'kin si Chelle na nakangisi habang tinutukan ako nang espada.

Napamura ako. Kung minamalas ka nga naman.

"Astra!" Sigaw ni Echo. Natigilan ang Elementalists sa pakikipaglaban at nabaling ang atensyon sa'kin.

Tila ba nanigas ako sa kinatatayuan ko. Konting maling galaw ko ay mapupugutan ako ng ulo.

"Ibabalik niyo si Xynos, o mamamatay 'tong babaeng 'to?" Seryosong banta niya.

Susugod dapat si Echo pero agad siyang napigilan ni Azriel. Seryoso ang mga walang emosyong mata nito, ngunit biglang kumurba ang ngisi sa kanyang labi.

"Do you know his situation? Pwedeng mamatay ang totoy na 'yon sa oras na maalis siya sa ICU. Do you want that?" Nakangising sabi sakanya ni Azriel. Ramdam ko ang paghinto at pagtahimik ni Chelle. "Sa isang tawag ko lang ay pwede nilang alisin ang pesteng totoy na yon sa Ezea, then poof--!" Gumawa pa ito nang gestures na parang pumutok na lobo. "That damn kid will be dead for good."

Nakita ko ang panginginig ng kamay ni Chelle sa galit. Sarkastiko niyang binigyan nang ngisi si Azriel. "At bakit niyo ba pinagtatanggol 'tong babaeng 'to? Baka pag nakilala niyo kung sino 'yan ay mas matakot pa kayo sakanya kaysa kay kamatayan?!"

Natigilan ako at napalingon kay Chelle. Biglang bumilis ang tibok ko sa sinabi niya. Ako ba ang tinutukoy niya? Anong ibig niyang sabihin d'on?

Maging ang Elementalists ay natigilan sa sinabi ng babaeng nasa tabi ko. Mababakas ang pagtataka sa kanilang mukha.

"Okay, let's say you won, pero ngayon lang. Dahil gaya nang sabi ko ay babalik kami, at sa araw na 'yon ay matatalo na kayo!" Huling salita nito bago tuluyang naglaho kasama ang ibang Alkirvia.

*****

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro