Kabanata 14
Fauna "fire" Gonzales
##########
KABANATA 14
Encountering an Alkirvia II
HINDI KO alam kung bakit hanggang ngayon ay nakapako pa'rin ako dito sa kinatatayuan ko at tulala. Hindi ko alam kung bakit bahagya akong nakaramdam nang kirot nang umalis yung lalaki. Pakiramdam ko ay gusto ko siyang sundan at makilala, pero nakalayo na siya.
Ihahakbang ko na dapat ang paa ko paalis ngunit natigilan ako nang may marinig akong mga boses. Boses ng babae at isang lalaki. Hindi sila Echo 'yon.
"Ano ba, Xynos! Bilisan mo dahil hindi na natin siya ma-aabutan!"
"Wag mo akong utusan kung ayaw mo mamatay!"
"Eh, ang bagal mo kasi---" Isang babaeng nakasuot nang itim na cloak ang tumambad sa'kin. Maiksi ang buhok nito at hindi katangkaran. Mukha pa siyang bata. Natigilan pa siya at nagulat nang makita ako.
Sumunod sa likod niya ang lalaking nakasimangot habang nakapamulsang naglalakad.
Pakiramdam ko ay nanigas din ako sa kinatatayuan ko nang mapagtanto ko kung sino sila. Mga Alkirvia.
"Oh, bakit tumigil ka?" Tanong nung lalaki sakanya.
"X-Xynos...siya...siya yung tinutukoy ni Kuya Cyrus," Biglang sabi nung babae nang hindi inaalis ang tingin sa'kin. May halo pang pagkataranta ang tono nang boses niya.
Ako? Ako ang tinutukoy nino? Kahit gusto 'kong tumakbo ay hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay nakadikit ang paa ko sa lupa.
Biglang napatingin sa'kin yung batang lalaki na sa pagkakarinig ko ay Xynos ang pangalan. Hindi naman siya actually bata. Siguro ay dalawang taon ang agwat nila sa'min. Kita ko ang kulay abo na buhok nito kahit natatakpan iyon nang kaniyang hood. Kagaya ng babae ay nakasuot siya nang itim na cloak. Nakakatakot ang tila nagaapoy at seryoso nitong mga mata nang sabihin iyon ng babaeng kasama niya.
"Mga Alkirvia..." Wala sa sariling usal ko at napahigpit ang kapit sa tshirt na hawak ko. Pasimple akong napakapa sa gilid nang bewang ko at halos mapatadyak ako sa inis nang hindi ko nadala ang dagger ko.
"You are..." Natuon ang atensyon ko kay Xynos nang walang emosyon itong nakatitig sa'kin. Bumaba ang tingin ko sa mga kamao niyang nakakuyom.
Humakbang siya papalapit kaya naman ay napaatras ako, "Wag kayong lalapit. May mga kasama ako at kaya nila kayong patayin."
"Xynos, let's go. This is not our business anymore. May kailangan pa tayong---" Pinigilan ni Xynos ang sinasabi nang kasama niyang babae.
"Shut up, Chelle!" Muli itong bumaling sa'kin nang may nanlilisik na mga mata. Puno nang galit at poot ang mga mata niya na animo'y may ginawa akong isang malaking kasalanan.
Muli itong humakbang papalapit kaya naman ay mabilis akong tumakbo papalayo at mabilis din nila akong hinabol. Shit! Hindi ko na alam kung saan 'to. Nang dahil sa paghabol ko sa goblin na 'yon ay napalayo ako sa lugar namin!
Natigilan ako nang maramdaman ko ang paninigas ng katawan ko. Damn, I can't move! Someone's controlling my body and probably, that ability is from one of that stupid Alkirvias.
Sumibol ang kaba sa aking dibdib nang makita ko sa harapan ang dalawang Alkirvia. Hindi ko alam kung sino ang kumokontrol sa'kin dahil parehong masama ang tingin na ipinupukol nila.
"Pakawalan niyo ako," Matigas na sabi ko at nilabanan ang tingin nila. "Ano kailangan niyo sa'kin?"
"Ako, wala. Pero itong kasama ko ay meron," Sagot nung babae sa'kin, na si Chelle daw.
Nalipat ang tingin ko kay Xynos na hanggang ngayon ay sobrang sama nang tingin sa'kin. Mas nakakatakot ang kanyang tingin kaysa sa mga tingin ni Azriel. Kung nakamamatay siguro ang tingin ay baka isang malamig na bangkay na ako ngayon.
"Sa wakas, nagkita rin tayo," Ngumisi ito nang mala-demonyo ngunit ang tono nang boses niya ay naiiba. May pagkakahawig ito sa nagiisang lalaking kilala ko na ganon ang tono nang boses....ang tono nang boses ni Azriel.
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kilala ko itong batang ito at nakikita ko sakanya ang pagkakapareho nila ni Azriel.
"Anong sabi kailangan niyo?!" Inis na sigaw ko sakanila.
"Pakawalan mo siya, Chelle," Malamig na utos niyo, at maya maya pa ay naramdaman ko nalang ang sarili ko na naghahabol nang hininga at muntikan pang matumba.
Kung gan'on ay yung Chelle ang may gawa n'on sa'kin.
"Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mo," Aniya Xynos. Mababakasan nang pagtataka ang mukha ko sa sinasabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Kilala ko ba siya? "I want to kill you," Dagdag niya na puno nang pagdidiin.
"Hindi kita maintindihan. Sa pagkakaalam ko ay hindi kita kilala," Pigil ang inis na sagot ko sakanya.
Sarkastiko itong natawa at ngumisi, pero maya-maya lang ay bumalik ito sa pagiging seryoso, "You killed her. You fvckin killed my mother!"
Natigilan ako at mas lalong nagtaka sa sinabi niya. Yung kabang nararamdaman ko ay nandito pa'din, at mas pinakaba niya ako sa sinabi niya. Ano 'to, false accusation?!
Saglit akong natawa nang peke at sinamaan siya nang tingin, "Nagbibiro ka ba? Ni di pa nga ako nakakapatay ng tao, tapos sasabihin mo sa'kin na pinatay ko ang nanay mo?!" Nanlalaki ang mga matang sigaw ko sa inis.
"Just kill her, Xynos! Wag mo nang patagalin!" Sigaw ni Chelle kay Xynos.
Ngayon alam ko na, na ganito kasama ang mga Dark Alkirvia. Dahil kahit isang inosenteng tao ay handa nilang patayin para lang sa sariling kagustuhan.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at nilakasan ang loob. Pagkatapos ni Numeda ay ito naman. Lintek yan, ganon na ba talaga ako kamalas?! Hindi ako dapat magpakita nang takot sakanila. Tama, kailangan kong lakasan ang loob ko dahil paniguradong hinahanap na ako nila Azriel at ililigtas nila ako.
"Isa lang akong healer. Wala kayong mapapala sa'kin," Matigas na sabi ko sakanila.
"Of course, may mapapala kami. Matutuwa ang mga nasa Alkirvia lalong lalo na si Kuya Cyrus," Sabi ni Chelle habang nakangiti sa'kin na may halong pang-aasar.
Nagsalubong ang kilay ko, "At sino naman 'yang Cyrus na yan?!" Wala akong kilalang Cyrus sa tanang nang buhay ko, at mas lalong wala akong kilalang isang Dark Alkirvia!
"Hindi mo na kailangan malaman," Mataray na sagot nito sa'kin at humarap kay Xynos. "Ano pa hinihintay mo? Dalian mo dahil marami pa tayong gagawin!"
Inis naman siyang tiningnan ni Xynos, "Diba sabi ko sayo wag mo ako uutusan? Eh, kung ikaw kaya unahin ko?!" Napaamang naman si Chelle sa sinabi nito at hindi na nagsalita.
Hindi ko rin sila maintindihan. Magkakampi sila pero parang hindi rin. I bet they don't even treat each other as friends, o kung may kaibigan ba ang mga Alkirvia na tulad nila.
"Nagbago na ang isip ko," Napahinto ako sa sinabi ni Xynos. Nakangisi itong lumapit sa'kin kaya naman napaurong ako. "Sumama ka sa'min. Sumama ka sa Alkirvia."
Mas lalo akong natigilan sa sinabi niya. Sa Alkirvia. Sa Alkirvia kung saan nand'on ang kaibigan ko. Hindi ko na kailangan pang magpakahirap na hanapin ang lungga nila dahil kusa na nila akong dadalhin d'on.
Pero....sila Azriel. Hindi ko sila pwedeng iwan. At mas lalong hindi ko pwede pagkatiwalaan ang isang 'to. Imbis na mailigtas ko si Keya, ay baka pareho lang kaming mamatay d'on.
"At sinong tanga ang sasama sa'yo?" Mataray na sagot ko at nginsian siya. Nawala ang ngisi niya kaya naman bago pa siya makapagsalita ay mabilis ko siyang sinapak nang malakas.
Na-alerto si Chelle sa ginawa ko at umastang susugod pero naunahan ko siya nang sipa sa tyan, dahilan para tumaob siya at mamilipit sa sakit.
Mabilis na nakatayo si Xynos na ngayon ay dumudugo na ang gilid nang labi. Astang susugod ako pero bigla akong natigilan nang maramdaman ko ang pagkawala nang hininga ko. H-Hindi ako makahinga!
Napabuka ang bibig ko pero wala talaga akong malanghap na hangin. Nanghihina na napatingin ako sa mga nanlilisik na mga mata ni Xynos.
Tuluyan na akong napaluhod sa lupa at sinapo ang dibdib ko. H-hindi...hindi talaga ako makahinga! Hindi pwede....hindi ako pwede mamatay sa ganitong paraan. Kaya pala gan'on nalang kalaki ang takot ni Chelle sa lalaking ito dahil isa siyang instant killer machine. Kaya ka niyang patayin sa pamamagitan nang tingin lang.
"A-Azriel..." Hindi ko alam kung bakit ang pangalan niya ang nai-bigkas ko pero umaasa ako na dadating sila para tulungan ako.
"Xynos!"
Mabilis ang naging pangyayari. Namalayan ko nalang na nagkaroon nang hiwa ang pisngi ni Xynos na ngayon ay dumudugo na. Napagalaman 'kong isang ice spear ang bumulasok sa direksyon niya.
"Pakielamero," Dinig kong sabi ni Xynos habang nakatanaw sa gilid ko. Nawala ang paningin niya sa'kin kaya naman ay naghahabol ako ngayon nang hininga.
"Isang Elementalist. Umalis na tayo dito," Bumalatay ang kaba at takot sa mukha ni Chelle.
"Are you scared?! Wala akong pake kung isang Elementalist 'yang pakielamerong yan," Iritableng ani Xynos.
Mapait akong napangiti at sumulyap sa aking gilid. Nakita ko si Azriel na walang emosyon na nakapamulsa lang at nakatingin sa'kin. Sumunod sa likod niya ang kagagaling sa takbo na si Echo. Napuno nang pag-aalala ang mukha nito nang makita ako.
"Astra!" Lumapit siya sa'kin at mabilis akong inalalayan. Nanghina ako kahit papaano sa pagkawala ko nang hininga pero kaya ko pa naman lumaban.
"Fighting a helpless healer? Weak," Hindi ko namalayan na nakalapit na sa'kin si Azriel. Sumulyap siya saglit sa'kin at ngumiwi. "Troublemaker."
Ano? So kasalanan ko pa palang inatake ako ng mga kumag na Alkirvia na 'to?!
"What did you say?" Xynos grinned and faced Azriel. Ngayon ay nagtititigan silang dalawa. Bigla 'kong naalala ang kayang gawin ni Xynos. He can kill a person just by staring!
Mabilis na na-alerto ang sistema ko at tinakpan ang mga mata ni Azriel. "Wag mo siyang titingnan. Delikado---" Nagulat ako nang alisin ni Azriel ang kamay ko at sinamaan ako nang tingin.
"What do you think of me? Weak?"
"Taga-Alkirvia kayo. Umalis na kayo kung ayaw niyong makalaban kami," Puno nang awtoridad na utos ni Echo.
"Tara na, Xynos." Pag-aaya ni Chelle at hinawakan sa braso si Xynos, pero mabilis itong hinawi ng binata.
Hindi ko inaasahan ang biglaang pag-atake sa'kin ni Xynos. Nagulat na lamang ako nang may hawak na itong itim na espada at akmang itatarak sa'kin, pero mabilis na naisangga ni Azriel ang braso niya.
Natigilan ako nang dumugo ang braso ni Azriel. Naglabas nang yelong espada si Azriel at mabilis na nakipaglaban kay Xynos.
Akmang susugod rin si Echo pero nakontrol agad ni Chelle ang katawan niya. Nagulat nalang ako nang may hawak na, na patalim si Echo at itinutok niya ito sa sariling dibdib.
Napatingin ako kay Azriel nang bumagsak ito sa lupa at nakahawak sa kanyang leeg. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Ang gamitin ni Xynos ang kapangyarihan niya sakanya.
Sinubukan 'kong sumugod pero biglang nagsalita si Xynos nang hindi tumitingin sa'kin.
"Mamili ka. Sasama ka...o mamamatay ang mga pesteng 'to?"
Nagpapalit palit ang tingin ko kay Echo at Azriel. Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam ang gagawin ko. Konting maling galaw ay pwede silang mamatay.
"Sagot!" Sigaw ni Xynos.
"Wag Astra! Wag kang magpapauto sa mga gunggong na yan---Ahh!" Napasigaw si Echo nang maramdaman niya ang matulis na dulo nang patalim na unti unting tumatarak sakanya.
"Dadaldal pa, eh," Sabi sakanya ni Chelle.
"Tumigil na kayo! Sasama ako!" Mabilis na sigaw ko. Kung hindi pa ako gagawa nang desisyon ay baka tuluyan na akong mawalan ng kaibigan.
Dahil sa sinabi ko ay napatingin sa'kin si Xynos at kumurba ang ngisi sa kanyang labi. Napatingin ako kay Azriel na ngayon ay nakaluhod habang naghahabol nang hininga.
Bago pa siya makapagsalita ay narinig nalang namin ang tili ni Chelle. Mayroong palaka sa ulo niya kaya naman nagpaikot ikot siya at mababakas ang pandidiri. Agad akong napatingin kay Echo na ngayon ay malaya nang nakakagalaw.
Teka, saan galing yung palaka? Napalingon ako sa aking likuran nang mapansin na nakatingin d'on si Xynos at Chelle. Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag nang makita ko sina Fauna, Paige at Dara. Kung gan'on ay si Dara ang may kagagawan nung pagsulpot nang palaka.
"Are we late?" Maarteng salubong ni Paige. Agad na inalalayan naman ni Fauna si Azriel na mabilis na tumayo at masamang tiningnan si Xynos. Mukhang hindi matatanggap ng isang 'to na natalo ulit siya.
"Bwiset ka! Sinugatan mo ako!" Ikinumpas ni Echo ang kanyang kanang kamay at mayroong mga ugat na gumapang patungo sa direksyon ni Chelle at pumulupot ito sa kanyang katawan.
"Mga peste talaga!" Inis na sigaw ni Xynos. Sinugod ako nito nang suntok na mabilis ko namang nailagan at sinipa siya paibaba. Mabilis na gumawa si Paige nang tubig at itinira kay Xynos dahilan para tumama ang likod nito sa puno. Napangiwi siya sa lakas n'on at sakit.
"Xynos!" Sigaw ni Chelle. Napatingin sakanya si Dara at nag-cast ito nang spell.
"Tumahimik ka!" Bigla nalang ito nagkaroon nang takip sa bibig.
Akmang susugod dito si Fauna nang pigilan siya ni Azriel. Nilapitan nito ang nanghihinang si Xynos at naging yelo bigla ang kanyang kamao. As in, makapal na makapal na yelo.
"H'wag mo siyang papatayin," Mabilis 'kong sabi sakanya.
Ngumisi siya sa'kin, "Patutulugin ko lang," At sinuntok niya nang malakas si Xynos. Nagulat ako nang tumalsik ulit si Xynos at bumakat ang suntok sa kanyang pisngi na duguan. Ibig sabihin lang ay sobrang lakas nung suntok ng yelong 'yon. Nawalan nang malay si Xynos. Hindi ko alam kung buhay pa ba yan.
"Humanda kayo!" Napatingin kami kay Chelle na nakaalis na sa pagkakapulupot sa ginawang ugat ni Echo. "Pagsisisihan niyong kinalaban niyo kami!" Sigaw niya ulit at biglang naglaho.
"Duwag!" Inis na pahabol na sigaw ni Echo.
Agad na nilapitan ko si Azriel, "Hindi mo naman siguro siya pinatay?"
Nakasimangot niya akong hinarap, "Eh, ano naman kung patay na 'yan? He's an Alkirvia after all," Inis na sabi niya. "Ako nga muntik na niyan patayin, nagalit ka ba?"
Natigilan ako sa huling sinabi niya. Ang drama naman ng yelong 'to. H'wag niya sabihing nagtatampo siya dahil d'on?
"He's still breathing, pero mahina na ang heartbeat niya," Aniya Fauna na hawak-hawak ang pulso ni Xynos.
"Gosh, who cares? Let's just leave him here. Tama si Azriel, isa naman 'yang Alkirvia," Segundo ni Paige.
"Kailangan natin siyang dalhin sa Ezea High. Siya ang magiging alas natin sa paghanap sa lungga ng Dark Alkirvia Dungeon, at isa pa, kakaiba ang kapangyarihang meron siya." Nagulat kami sa sinabi ni Fauna. Seryoso ba siya? Magpapasok sila ng isang Alkirvia sa Ezea?
"No freakin way!" Inis na sagot ni Azriel.
"Makinig kayo, wala siyang takas sa Ezea High. He can't hurt anyone dahil baka siya pa ang unang mamamatay d'on. We need informations," She continued.
On the other hand, she has a point. Balak na niya ako dalhin sa Dark Alkirvia kanina, at base sa takot na nararamdaman nung Chelle na 'yon sakanya ay batid 'kong hindi lang siya isang ordinaryong Alkirvia sakanila. Marahil ay mahalaga ang batang ito sa kanila.
At kapag totoo lahat nang naisip ko, pwede naming hilingin na ibalik si Keya kapalit ni Xynos.
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro