Kabanata 13
Cadell "air" Flint
##########
KABANATA 13
Encountering an Alkirvia I
"ANG TAGAL naman gumising ni Astra. Parang pagod na pagod, ah?"
"Gaga! Malamang hindi pa siya maayos!"
"Tingnan niyo, baka mamaya patay na 'yan."
"Ang sama mo, Paige!"
Nagising ako dahil sa mga maiingay na boses na naririnig ko. Obviously, galing kila Echo at Dara ang boses na iyon. Umupo ako at nilibot ang tingin. Wala sina Fauna at Azriel, pati si Cadell ay wala.
"Ayan, nagising tuloy siya!" Aniya Dara na tumabi sa'kin. Tumabi rin si Echo, "Maayos ka na ba?"
"Hindi ka na gaanong maputla, and base on what Fauna said, your temperature is getting better now," Paliwanag ni Echo. "Well, all thanks to Paige's healing water and the healing candies. At syempre, kay Fauna na binibigyan ka nang init."
Napatingin ako kay Paige na busy sa pageensayo. Nakita ko ang bawat paggalaw niya sa mga tubig at hindi ko maiwasang hindi humanga.
Okay na nga ako kahit papaano. Kahit may pagkamaldita si Paige ay alam 'kong may mabuti siyang puso. Sadyang gan'on na talaga ang personality niya.
"Asan sila Azriel?" Kunot-noong tanong ko sa dalawa. Nginitian nila ako nang mapangasar na ngiti at tinusok tusok pa ang tagiliran ko.
"Uyyy, hinahanap. May gusto ka kay boss, 'no?" Pang-aasar sa'kin ni Echo.
Gulat na napatingin ako sakanya at nalaglag ang panga. Bigla ko tuloy naalala yung nangyari kagabi kaya naman ay ramdam ko ang pamumula nang pisngi ko at pagkiliti sa sikmura ko. What the hell, bakit kinikiliti sikmura ko?!
"Aba! At namumula ka pa talaga? Confirm!" Segundo naman ni Dara na pumitik pa.
Napalayo ako nang konti sakanila at binigyan nang what-are-you-talking-about look. "Tinanong lang kung nasaan, may gusto na? So kapag pala tinanong ko kung nasaan kayo, may gusto na ako sainyo?" Pigil ang inis na sagot ko.
Nagkatinginan sila at sabay pa na napa-face palm.
Hindi ata matanggap nang sistema ko ang sinabi nila. There's no freakin way na magkagusto ako sa lalaking 'yon. Iniisip ko palang na may gusto ako kay Azriel ay hindi ko na makilala ang sarili ko. Kinikilabutan ako. Yes, nagkakausap kami, pero sa sobrang yabang at sungit nung lalaking iyon, who would even dare to lay their love on him?
"In-denial ka pa. Hayaan mo par, makakarating din tayo dyan," Tinapik tapik pa ni Dara ang balikat ko.
"Hindi ako in-denial dahil wala naman talaga akong gusto sakanya," Singhal ko sa kanilang dalawa. Bwiset 'tong dalawang 'to, pinagtutulungan ako.
"Eh, pa'no kung may gusto siya sayo?" Abot hanggang tenga ang ngiti ni Echo.
Natigilan ako sa tanong niya. Si Azriel? Magkakagusto sa'kin? Napailing-iling ako at inirapan silang dalawa.
"Hindi mangyayari 'yon dahil hindi kami talo, at isa pa, hindi nga ata marunong magkagusto 'yon eh," Nakangiwing sagot ko at ikinatawa nila.
"Oh, eh bakit parang disappointed ka?" Pumameywang si Dara at tinaasan ako nang kilay. Ano ba talagang trip ng dalawang 'to?
Tumawa nang malakas si Echo sa tabi ko, "Ano ka ba, witch. In-denial nga kasi."
Napatayo ako at iritableng tiningnan sila. Tumayo rin sila. "Alam niyo, tigil-tigilan niyo ako sa mga pangaasar niyo dahil wala sa bokabularyo ko ang magkagusto."
"Ay, tomboy ka?" Sinamaan ko lamang nang tingin si Dara.
"Uy, Azriel! Andito na pala kayo!" Nanigas ako nang marinig ko ang pangalan ni Azriel na tinawag ni Echo. Nakatalikod ako sakanya kaya di ko siya makita. "Hi Fauns!" Hyper na bati ni Echo.
"Luh, anyare sayo?" Dinig kong sagot ni Fauna sakanya.
"Binabati na nga, choosy pa?" Ani Echo.
"Uy Azriel! Magaling na si Astra oh!" Nagulat ako nang ituro ako ni Dara kaya naman nanlalaki ang mga matang sinuway ko siya.
Tinapunan nila ako ni Echo nang nangaasar na tingin. Bigla tuloy akong napatingin kay Azriel na nakatingin sa'kin at pinagmasdan pa muna ang kabuuan ko bago siya tumango.
"Kilig siya~ Na-notice siya ni crush," Kinikilig na mahinang asar sa'kin ni Dara kaya naman sinamaan ko siya nang tingin.
Ngayon ko lang napansin na may dala silang mga isda at mga prutas. So, kumuha pala sila nang makakain namin.
"Buti naman okay ka na," Sabi sa'kin ni Fauna kaya naman nginitian ko siya at tinanguan.
"Salamat nga pala."
Nagkibit balikat ito at tinapik ako sa balikat, "You're a brave girl, Astra. Alam 'kong si Keya ang dahilan nang pagiging malakas mo. Hinahangaan kita, kasi sa totoo lang, ang bagal na nung heartbeat mo that time."
Natigilan ako nang banggitin niya si Keya. Isang pilit na ngiti ang isinukli ko sakanya. Kahit papaano pala ay maswerte ako dahil buhay pa ako, lalo pa't sobrang nakakamatay ang nangyaring paghalik sa'kin ni Azriel para lang hindi makalabas si Zed.
Pakiramdaman ko ay binabalatan ako nang buhay nung mga oras na 'yon kaya naman bagsak na bagsak ang katawan ko hanggang sa mawalan ako nang malay at tanghali na nagising.
"Oh, you're back. Ano balita?" Salubong sakanila ni Paige na tagatak ang pawis dahil sa ginawang pageensayo.
"Oo nga pala, nagamit niyo ba yung communicator voice para makontak si Cadell?" Biglang tanong ni Echo.
Umiling sakanya si Fauna at bumuntong hininga, "Hindi eh. Cannot be reached siya. Sana lang ay maayos siya."
Natigilan ako. Oo nga pala, nawalay sa'min si Cadell. Hindi ba dapat hinahanap na namin siya? Delikado ang lugar na ito lalo pa't nagiisa lang siya.
"Bakit hindi natin siya hanapin?" Mabilis na sabi ko kaya napatingin sila sa'kin nang ilang segundo. "May tiwala ako sa kakayahan ni Cadell, pero sa mga elementong nandito? Wala akong tiwala. Wala pa tayong isang linggo na naglalakbay pero ang dami nang nangyari. Delikado ang lugar na ito," Mahabang litanya ko.
"Tama si Astra. Hindi niya kakayanin nang magisa," Pagsang-ayon ni Dara sa sinabi ko.
"They're right. Hindi ako mapapakali hangga't kulang tayo," Aniya Echo.
"We'll find him. Prepare yourselves first," Napangiti ako sa sinabi ni Azriel. Sana nga lang ay maayos siya dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag pati si Cadell ay nawala. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag May nangyari sa isa man sakanila.
"By the way, may nakita kaming falls kanina. Gusto niyo maligo?" Ani Fauna.
"Gosh, oo naman! Namamaho na ako 'no," Agad na sagot ni Paige at kumuha nang damit.
Kumuha na rin kami nang damit at napagdesisyunan na maligo sa talon.
=====
ANG LINIS nang tubig at napakaganda nang lugar. Tila ba kumikinang ang tubig kada babagsak siya kaya naman tuwang tuwa kami nila Echo sa pagligo. Ilang araw din kami hindi nakaligo. Dapat pala sa ganitong klaseng misyon ay may ilog kaming nakikita.
Hanggang balikat ko yung tubig. Si Dara naman ay nakalutang dahil hindi niya ito abot. Bra at undies lang ang saplot namin since matatagalan kami na patuyuin ang damit namin lalo pa't hahanapin pa namin si Cadell pagtapos nito. Safe naman at walang ibang tao dito maliban sa'min.
Sinabihan na rin nila Fauna si Azriel na mamaya nalang maligo at paunahin kami. Hindi talaga siya pwede sumabay sa'min dahil lalaki siya.
"May kukunin lang ako, ah," Biglang umahon si Echo kaya naman kitang kita ko ang hugis nang katawan niya. Sexy siya at kapansin pansin ang magandang kurba nang katawan.
"Teka, sasama din ako!" Umahon din si Dara kaya naman ay mabilis na nanlaki ang mga mata ko.
"Iiwan niyo ako dito?" Tanong ko. Wala na rin kasi si Paige at kanina pa tapos.
"Saglit lang naman, Astra. Babalik din kami," Aniya Echo kaya naman ay pilit na napatango nalang ako saka niya hinila si Dara paalis.
Bumuntong hininga ako at ipinikit ang mga mata ko saka nagsimulang magfloating. Buti nalang at kahit papaano ay bumabalik na ang lakas ko. Hindi ko alam kung ano nangyari, pero parang kahapon lang hinang hina ako.
Ikinundisyon ko ang sarili ko gamit ang tubig. Isa sa nagbibigay nang saya at comfort sa'kin ang tubig. Dito ay malaya akong nakapagiisip at nakapaglalabas nang problema ko.
As much as I don't want to think about Keya, hindi ko maiwasan. Ayoko siyang isipin pero ito ang purpose nang misyon na 'to. Ang maibalik si Keya at mabawi ang crux pendant. Hinding-hindi nila ako masisisi sa pagiging mahina dahil hinding-hindi maiaalis ang pagdadalamhati na nararamdaman ko.
Babalik lang ang dati sa lahat kapag nagtagumpay kami. Babalik ako sa Vershia, at di ko na maaaring makita sila Echo. Bahagya ako nakaramdam nang lungkot sa aking naisip.
Nagmulat ako nang mga mata at nahagip nito ang bulto ng isang tao sa di kalayuan. Agad na nanlalaki ang mga mata ko at muntikan pa akong malunod nang makita ko si Azriel. What the hell is he doing here?! Wag niyong sabihing maliligo siya?!
Parang tumigil ang paghinga ko nang maghubad siya nang tshirt niya. Napalunok ako nang mapagmasdan ko ang katawan niya. Shit ang hot---wait what? What the hell, Astra?!
Mukha ngang maliligo ang yelong 'yon dito. Pero bakit?! Hindi ba siya nainform na nandito pa ako?! Hindi kaya...
Mabilis akong lumubog sa tubig nang mapansing papalapit siya dito sa talon. Makikita niya ako---hindi. Hindi niya ako pwede makita dito, lalo pa't masyadong naging awkward sa'kin yung nangyari kagabi. Hindi ko pa siya kayang harapin. Not in this kind of situation!
Pero di ako makahinga! Wrong timing naman 'tong yelong 'to. Di ko tuloy nadala yung crystal amulet!
Mariin akong pumikit at binigatan ang sarili upang hindi ako umangat sa tubig. Wala naman akong balak lunurin ang sarili ko, pero kasi pag nakita niya ako dito ay paniguradong madadagdagan lang ang awkwardness na nararamdaman ko.
Kaya ko pa. Kaya ko pang pigilan ang---Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya! Nauubusan na ako nang hininga kaya naman mabilis akong napaangat sa tubig at lumanghap nang hangin.
Habol habol ko pa ang hininga ko bago ako magmulat nang mga mata at...nakita ko si Azriel na gulat na nakatingin sa'kin at, teka---namumula ba 'to?
Bigla rin nag-init ang pisngi ko nang maalala ko na wala siyang suot na pangitaas tapos ako....naka-bra at undies lang ako!
"What the hell?!" Gulat na bulalas niya at napaahon sa tubig. Hindi ako pwede umahon dahil sa suot ko. "Binobosohan mo ba ako?!"
Mabilis na nalaglag ang panga ko. Pakiramdam ko ay umakyat lahat nang dugo sa mukha ko, "A-Ano?! Kanina pa ako dito at ikaw ang biglang lumusong sa tubig! Bakit ka ba nandito eh hindi pa naman kami tapos maligo?!"
"Hindi pa tapos eh nagaayos na yung mga babae don?" Medyo iritable niyang sabi. "Ang sabihin mo, gusto mo ako makasabay maligo!"
"At ang kapal din naman pala nang mukha mo?!" Ipiangkiskis ko ang ngipin ko sa inis. Kung pwede lang umahon para masuntok 'tong lalaking 'to ay nagawa ko na.
At anong sabi niya? Nagaayos na sila Echo don?! Sinasabi ko na nga ba't siandya nila akong iwan dito!
Ngumisi siya, "Then what? You're just trying to take a peak on my body?" Gume-gewang gewang pa ang ulo niya na animo'y nangaasar.
Nanlaki ang mga mata ko at inis na tinapunan siya nang tubig, "Mas gugustuhin ko 'pang malunod, kesa ang makita ang katawan mong---patpatin!"
Siya naman ngayon ang nanlalaki ang mga mata. Mukhang nainis pa ata si yelo sa sinabi ko. "Patpatin? Are you blind?!"
Matapos ang mangyari kagabi ay hindi ko inaasahan na magagawa pa naming magaway. Hindi naman siya sobrang payat, hindi rin ganon kalaki ang katawan niya. Sakto lamang. Walang bilbil, pero wala ring 8 pack abs. Siguro 4 pack--what the hell? At bakit ko ba iniisip yon?!
Inirapan ko lamang siya upang iiwas ang aking tingin sakanya. "Pakiabot nalang nang t-shirt ko d'yan para makaalis na ako," Aniya nang hindi tumingin sakanya.
"There's no t-shirt her, idiot."
Mabilis akong napalingon sakanya kasabay nang pagbilog nang mga mata ko. Napasabunot ako sa buhok ko sa inis. Humanda kayong dalawang bubwita kayo sa'kin! Sinadya nila 'to. Ano 'bang inaasahan nila na gagawin namin?!
"Can't you get out of here without your shirt?!" Dagdag pa niya na mas lalong nagpainis sa'kin.
"Bobo ka ba?! Edi nakita mo yung katawan ko?!" Inis 'kong sigaw.
Ngumisi nanaman siya at bumaba ang tingin kaya naman mabilis akong napatakip sa dibdib ko.
"Wala namang makikita," Nangingising aniya, halatang inaasar ako.
"Gago!"
Sumeryoso bigla ang mukha niya, "Watch your words."
Napataas ang kilay ko at bahagyang natawa, "At ano inaasahan mo sa isang Vershiatist na tulad ko?" Sarkastikong tanong ko sakanya.
Nakatira kami sa bayan ng Vershia at lumaki kami nang magaros at walang arte sa katawan, maging ang pananalita namin ay pangkalye. 'Yon ang mga bagay na hinding-hindi namin babaguhin para lang pakisamahan ang mga mayayamang tulad nila.
Nagtaka ako nang bigla siyang umalis, at maya-maya pa ay bumalik rin dala ang isang puting t-shirt. Ayun yung hinubad niya kanina.
Inabot niya ito sa'kin, "Magpalit ka na. Bilisan mo."
Kinuha ko na ito sakanya. No choice naman ako, hindi nalang ako mag-iinarte dahil hindi ako makakaalis dito.
"Tumalikod ka," Utos ko sakanya. Inis siyang tumalikod kaya naman umahon na ako at piniga ang buhok ko. Napasulyap pa ako kay Azriel na mukhang naiilang sa sitwasyon namin.
"Hurry up!" Iritableng ani Azriel kaya naman napairap ako at mabilis na sinuot yung t-shirt niya. Malaki ito sa'kin, sapat lang para matakpan pati ang undies ko.
"Salamat," Mahinang sabi ko at hindi na hinintay pa ang sagot niya. Umalis na ako d'on at dumeretso sa lugar namin.
Agad 'kong nakita sila Echo at Dara na nagtatawanan kaya naman salubong ang kilay ko na nilapitan sila. Natigil sila sa pagtatawanan at nagangat nang tingin sa'kin. Napatayo si Echo habang si Dara ay tumayo sa inuupuan nila.
"Saya niyo ah," Humalukipkip ako at nginitian sila nang sarkastiko. Sabay silang ngumiti sa'kin.
"Uy ikaw pala Astra! Masarap ba maligo?" Taas baba ang kilay na sabi sa'kin ni Dara.
"Oo, sobrang sarap," Sarkastikong 'kong sagot habang nakangiti pa'rin.
"Ito nga pala yung damit mo. Akala ko sa'kin eh," Ani Echo at inabot sa'kin yung damit ko.
Napatango tango naman ako, "Mm..Kaya pala.."
"Kaya pala ano? May nangyari ba?" Sabay nilang sabi kasabay nang pamimilog nang mga mata nila. Sinasabi ko na nga ba't!
"Kaya pala...." Napalitan nang pagkiskis sa ngipin ang nakangiti kong labi at pinanlakihan sila nang mata, "Kaya pala nandon yung yelo!" Inis 'kong sigaw at piningot ang tenga nila pareho. Napapa-aray sila sa ginagawa ko.
"A-aray! M-masakit Astra!" Nakangiwing pagmamakaawa ni Echo.
Kinaladkad ko sila habang pingot-pingot pa'rin, na dinala sa harapan ni Fauna at Paige na nagtataka.
"What are you doing?" Nagtatakang tanong sa'kin ni Paige.
"May nangyari ba, Astra?" Natatawang Ani Fauna habang tinitingnan ang nakakatawang itsura nung dalawa.
Binitawan ko na yung dalawa at pareho nilang hinihimas ang kanilang tenga habang nakanguso.
"Ayaw mo n'on nakasama mo si cr---" Agad na pinandilatan ko nang mga mata si Dara bago pa niya matapos ang sasabihin.
Hinarap ko si Fauna, "Magpapalit lang ako. Bantayan mo 'yang dalawang yan dahil baka may gawin nanaman," Nanliit ang mga mata ko at nagsiiwasan nang tingin yung dalawa.
"Ano ba kasing ginawa niyo, tsk tsk tsk," Dinig ko pang sabi ni Fauna sa dalawa bago ako tuluyang makalayo.
May nakita akong kahoy kung saan maaari akong makapagpalit ng damit. Para itong banyo na gawa sa kahoy pero sobrang liit at walang kubeta. Wala ring balde o kung ano pang makikita sa banyo. Normal na kahoy lamang.
Nagpapalit ako nang damit ko nang may mapansin akong isang maliit na kamay na unti unting hinahablot ang damit na ginamit ko kanina. Mabilis akong naalerto ng tumakbo ito. Goblin!
"Hoy! Akin yan!" Sigaw ko habang hinahabol ito. Magisa lamang ito. Buti na lang at nakapagpalit ako agad, pero kelangan ko padin kunin yung t-shirt dahil kay Azriel 'yon!
"Akin yan!"
Ang bilis nitong tumakbo. Habol-habol ko ito ng may isang lalaking naka-itim na hood ang kumuha nito at sinipa pa niya yung maliit na goblin. Natigilan ako nang makilala ko ang cloak niya. Itim. Isa siyang Alkirvia?
Tinitigan ko siya at sinubukang silipin ang kanyang mukha pero bigo ako. Tanging ang mapulang labi at matangos na ilong lamang nito ang aking nakikita.
"Oh," Medyo napalayo pa ako sa gulat nang i-abot niya yung damit sa'kin. Malamig. Yun lang ang napansin ko sa tono nang boses niya. Nakatungo lamang siya at hindi nagabalang magangat nang tingin.
"S-salamat," Mahinang sabi ko at kinuha yung t-shirt mula sakanya.
Di man lang talaga siya nagabalang tumingin pa dahil mukhang nagmamadali siya at dali-daling umalis. Isa siyang Alkirvia base sa suot niya, pero bakit hindi niya ako sinaktan?
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro