Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12

##########

KABANATA 12
The Painful Kiss

PAGKAMULAT NANG mga mata ni Astra ay nasa isang paraiso na siya. Tumayo siya at inilibot ang tingin sa hindi pamilyar na lugar.

'Nasaan ako? Patay na ba ako?' Tanong niya sa kaniyang isip. Puno nang pagtataka at pagkalito ang kanyang mukha.

Ang ganda nang paligid. Maaliwalas at tahimik. Tanging mga lumilipad na ibon at paro-paro ang iyong makikita, mga magagandang halaman at masarap na simoy nang hangin na nagiging dahilan para tangayin ang nakalugay niyang buhok.

"Ang ganda dito, 'no Astra?"

Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na boses na iyon sa kanyang likod. Ang malambing at malumanay na boses na iyon na matagal na niyang gustong marinig. Agad na nangilid ang luha niya at ramdam niya ang pagbigat nang kanyang dibdib nang dahan dahan niyang nilingon ito.

Umuwang ang kanyang bibig kasabay nang sunod sunod na pagtulo nang kanyang luha nang makita ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Keya.

"Oh, bakit nakatayo ka lang dyan? Hindi mo ba ako na-miss?" Natatawang sambit ni Keya.

Tulala siyang dahan dahang nilapitan ang kaibigan hanggang sa dalawang dangkal nalang ang layo nila. Nanginginig na inangat niya ang kanyang kamay at hinawakan sa pisngi ang nakangiting si Keya.

"I-Ikaw ba talaga yan?" Basag at medyo paos ang tono nang boses ni Astra. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa'rin ang bigat sa kanyang dibdib.

Bumungisngis si Keya at pinunasan ang mga luhang umaagos mula sa mata ni Astra. "May iba pa ba'ng Keya bukod sakin? Atsaka, wag ka nga umiyak. Si Astra ka ba talaga?" Peke itong tumawa at mapait na ngumiti, "Hindi mahina ang kaibigan ko'ng si Astra." Umiiling na dagdag nito.

Naibaba ni Astra ang kanyang kamay, "P-patay na ba ako?" Nagtatakang tanong nito.

Nakangiting umiling naman si Keya at ibinaba rin ang kanyang kamay. "Hindi ka patay. Ililigtas mo pa ako, diba?"

"Pero bakit nandito ka? Hindi ba dapat nasa Alkirvia ka? Panaginip lang ba 'to?" Sunod sunod na tanong ni Astra habang nakakunot ang noo.

"Tinawag mo ako, Astra. Naririnig kita," Aniya. "Gusto pa kita makasama pero sa tingin ko ay dapat wag mo nang ipagpatuloy ang paghahanap sakin."

Natigilan si Astra, "A-ano? Kaibigan kita at ikaw lang ang pamilya ko. Ililigtas kita. Makakabalik ka sa katawan mo."

Bumuntong hininga si Keya, "Pero kung ipagpapatuloy mo 'to ay baka ikamatay mo lang. Delikado ang tinatahak mo'ng daan, Astra. Masyadong nakakatakot ang pagpasok sa lugar ng mga Alkirvia," Nakangiti ngunit mababakas ang lungkot sa mga mata na sambit ni Keya.

Mapait na umiling si Astra, "At sa tingin mo ay papayag ako? Sa tingin mo hahayaan nalang kita? Hindi ako ganon, Keya," Madiing usal ni Astra.

Bumaba ang tingin ni Keya kasabay nang paggalaw ng kanyang balikat. Umiiyak siya. Hindi niya maiwasang hindi masaktan sa kanilang mapait na kapalaran. Masyado pa silang bata para maranasan ang ganitong sakit at gulo sa buhay.

Kung hindi ba sila tumuloy sa Vershia Forest, hindi ba mangyayari ito?

Pinunasan ni Keya ang kanyang mga luha at pilit na ngumiti kay Astra, "Hindi karapatdapat sa'kin ang sakripisyong ginagawa mo, Astra. Marami akong tinago sayo."

"Kaibigan kita, Keya. Wala akong pake sa kung ano man ang tinatago mo," May diin ang bawat pagbigkas nang salita ni Astra.

"Magpalakas ka, Astra. Alam ko'ng hindi na rin ako magtatagal sa lugar na ito at tuluyan na akong mawawala," Ani Keya.

Niyakap ni Astra ang kaibigan at nagsimula nanamang rumagasa ang mga luhang pilit niyang pinipigilang lumabas. Halo-halong emosyon na ang kanyang nararamdaman at pakiramdam niya ay anumang oras ay bibigay na ang katawan niya.

"W-wag mo sabihin yan, Keya."

Niyakap niya ito pabalik. Pareho silang nagiiyakan. Hindi mo kakayanin na makita ang ganitong kabigat na pangyayari. "Totoong minahal kita, A-Astra. Kung dumating man yung panahon na iniisip mo'ng wala lang sakin ang lahat nang pinagsamahan natin, m-maniwala ka....mahal na mahal kita, Astra."

Dahan dahan na humiwalay sa yakap si Keya at hinawakan ang mga mata ni Astra upang ipikit ito. Mababakas ang labis na panginginig nang labi at balikat nito sa labis na pagiyak. "Paalam, Astra. Nandito lang ako palagi, tandaan mo yan."

=====

"BAKIT KASI hindi nalang tayo nag-stay sa bahay ni tanda?" Nakangiwing tanong ni Echo sakanila.

Kasalukuyan silang nasa malawak na gubat kung saan pinalilibutan nila ang bonfire na ginawa ni Fauna. Gabi na at wala silang nakitang kweba na pwedeng tirahan. Nakaupo sila sa mga mahahabang punong kahoy. Hindi pa nila alam kung saan sila pwede matulog, baka sa sanga nalang nang puno o kaya naman ay dito nalang sa mahabang punong kahoy na nilikha pa ni Echo.

Inaasahan din nila si Astra sa ganitong bagay, kaso kasalukuyan pa'rin itong nanghihina. Kung ano itsura niya kanina ay ganun pa din hanggang ngayon. Ang kaibahan lang ay umayos na kahit papaano ang paghinga niya.

"Oo nga, 'no? Ba't di natin naisip 'yon?" Segundo ni Dara.

"Ano ba kayo. Hindi tayo pwede manatili sa bahay na iyon dahil hindi natin alam kung ano pa'ng panganib ang dala non," Paliwanag ni Fauna sa tabi ni Echo. Katabi naman ni Dara si Astra sa kaliwa na mahimbing na natutulog habang suot ang asul na jacket ni Azriel. Sa kanan nito ay si Paige habang si Azriel ay nakasandal sa  isang malapad na puno at nakapikit.

"Asan na kaya yung bwiset na Cadell na 'yon?" Nagaalalang sabi ni Echo sa kawalan at sinandal ang baba sa kanyang tuhod saka ito niyakap.

"I'm sure he's fine. May tiwala ako sakanya," Pagpapalakas nang loob ni Fauna.

"He's probably not fine. Mapanganib sa lugar na ito, we're not sure what's going to happen next," Prangkang sabat ni Paige na ikinangiwi ni Fauna.

"Sinubukan ko na siyang kontakin sa isip kaso masyado na siyang malayo. Hindi ko na siya ma-track," Aniya Dara at hinawakan ang nanlalamig pa'rin na kamay ni Astra. Hindi pa'rin ito maayos kaya mas lalo silang nagaalala dahil mukhang hindi tumatalab ang healing candies. "Fauna, tingnan mo nga muna si Astra. Ang lamig nanaman niya," Tawag sakanya ni Dara.

Agad namang lumapit si Fauna at hinawakan ang pulso ni Astra. Naramdaman niya ang lamig dito, at gaya nang kanina ay mahina pa'rin ang kanyang pulso. Ginamit niya ang kakayahan upang mabigyan nang init ang dalaga.

"Paige, pa-heal. She needs your healing water and the healing candies," Tawag naman ni Fauna dito nang hindi nililingon si Paige.

Kunot noong lumapit si Paige at ngumiwi, "Hindi pa ba galing yan? Nakailang healing candies na siya ah," Aniya bago painumin ang dalaga nang kanyang healing water.

"Gosh, Paige! Ikaw kaya maging ganyan tapos iwanan ka namin?" Sarkastikong sabi sakanya ni Echo. Inirapan lamang siya ni Paige.

"Shut up. Ang ingay niyo," Biglang singhal sakanila ni Azriel na ngayon ay nakatayo na at lumapit kay Astra. "Ang iingay niyo. Kapag yan nagising, patay kayo sakin."

Napaamang naman yung apat na babae. Nanlaki ang mga mata ni Fauna at Paige habang si Dara at Echo ay naniningkit ang mga mata na animo'y nangaasar.

"Wow, ah. Parang ayaw mo na magising si frenny ko, ah?" Taas noong sagot sakanya ni Echo. Sinamaan naman siya nang tingin ni Azriel, "J-joke lang naman, boss."

"Tss..." Umupo siya at pinantayan ang natutulog na maamong mukha ni Astra. Kakapain sana nito ang noo ng dalaga pero muntikan pa di yang ma-out of balance nang bigla itong nagmulat nang mga mata, dahilan para magtama ang tingin nila at maiwan sa ere ang kamay ni Azriel.

Mabilis na napatayo ang apat na babae at mababakas ang tuwa sa kanilang mga mukha, maliban kay Paige na tahimik lang.

"Waaah! Gising ka na, Astra!" Natutuwang bulalas ni Echo. Hindi siya pinansin nang dalaga at nananatiling nakatingin kay Azriel na gulat na gulat.

"Anong ginagawa mo?" Paos ngunit seryosong tanong sakanya ni Astra.

"Omygosh, nakakapagsalita ka na!" Bulalas ulit ni Echo. Gulat na napatingin sakanya si Dara at natawa.

"OA? Bakit, pipe ba si Astra?" Sabat nito na ikinangiwi lang ni Echo.

Napakurap nang ilang beses si Azriel at naisipang umubo, at ibinalik sa walang ekspresyon ang kanyang mukha.

Tumayo ito at pumamulsa, "B-buti naman at okay ka na. Get yourself together. We don't allow an excess baggage here," Aniya bago bumalik sa dating pwesto at pumikit.

Nagtatakang sinundan nang paningin ni Astra si Azriel bago siya sinunggaban  ni Echo at Dara nang yakap, habang si Fauna ay nakangiti lang dito. Si Paige, as usual, walang pake at natulog nalang.

=====

[BACK TO ASTRA's POV]

TULALA AKO sa kawalan habang inaalala ang panaginip ko kanina. It feels so real. Pakiramdam ko ay totoong nakasama ko si Keya, at hindi iyon isang panaginip lamang.

Naramdaman ko ang pagtulo nang butil nang luha ko sa aking mata na agad ko namang pinunasan. Buti nalang at tulog na sila, di nila makikita ang paghihinagpis ko.

Aaminin ko, hindi pa ako tuluyang gumagaling. Yung panghihina nang katawan ko ay nandito pa'rin. Ngunit tila ba namanhid ako at nawalan nang pake sa sakit na nararamdaman ko. Mas masakit pa rin ang mawalan ng kaibigan.

Nagpalabas ako nang isang malalim na bunting hininga bago sinikap na tumayo. Muntikan pa akong matumba pero agad kong naalalayan ang sarili ko. Paika-ika ang lakad ko palayo sa lugar namin. Gusto ko magpahangin at sumigaw. Gusto ko isigaw ang labis na pangungilila ko kay Keya.

Medyo nakalayo na ako sa pwesto namin. Hinawi ko ang nakaharang na matataas na dahon sa daan ko at bumungad sa'kin ang napakagandang tanawin.

Isang cliff ito kung saan kitang kita ang maliwanag na buwan at mga nagniningning na mga bituin. Dahan dahan akong naglakad palapit at pinakiramdaman ang malakas na simoy nang hangin na tumatama sa mukha ko na siya namang nagdadala sa nakalugay 'kong buhok.

Pumikit ako nang magsimulang tumulo ang ilang butil nang luha mula sa mga malulungkot 'kong mata.

"Paalam, Astra. Nandito lang ako palagi, tandaan mo yan."

Muling nanumbalik sa'kin ang huling salita na binitawan ni Keya. Bakit mo ginagawa sa'kin to? Si Keya lamang ang nagiisang pamilya ko. Kasama ko na siya simula pagkabata, at hindi ko alam kung mabubuhay pa ako nang wala siya. Siya ang kasangga ko sa lahat. Siya...siya ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili sa nangyayari ngayon. Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat nang ito. Kung sana'y hindi ako nagpumilit na pumasok sa Vershia Forest ay baka sakaling kasama ko pa ang kaibigan ko. Baka sakaling wala ako sa ganitong sitwasyon ngayon. Baka sakaling hindi ako nahihirapan...

"Anong drama 'to?"

Mabilis na napamulat ako nang mga mata at gulat na nilingon ang lalaking nasa likod ko. Sino pa ba ang mahilig mangielam, edi si Azriel. Bakit pa ba nagising ang isang ito? Dapat ay sinusulit ko ang gabing ito sa paglabas nang bigat sa dibdib ko, pero paano ko magagawa 'yon kung nandito siya?

"Umalis ka na. Bumalik ka na do'n," Walang emosyong utos ko sakanya.

Napataas ang kilay niya. Alam 'kong hindi makikinig ang isang 'to dahil unang una ay hindi siya marunong makiramdam, pangalawa ay siya si Azriel, so therefore ay wala kang karapatan na utusan siya.

"Okay ka na ba? Pano ka nakapaglakad papunta dito?" Seryosong tanong niya.

"Ginamit ko paa ko."

"Tss. Pinipilosopo mo ba ako?" Pigil ang inis na sabi niya.

Tiningnan ko siya nang seryoso, "Sinabi kong bumalik ka na do'n, hindi ba? Umalis ka na, Azriel. Gusto ko mapagisa."

Hindi siya nagsalita. Nananatiling nakatitig siya sa'kin habang nakapamulsa. Bumuntong hininga ako at muling humarap sa magandang tanawin. Ang buwan na gustong gusto ko.

Naramdaman ko ang paglapit at pagtabi niya sa gilid ko kahit di ko siya lingunin. Hindi ba talaga aalis ang isang 'to?

"I told you already," Aniya. Bigla ay napatingin ako sakanya ngunit ang tingin niya ay nakatuon sa harapan. Ngayon ko lamang natitigan nang maigi ang napakagandang pagkakagawa sa mukha ni Azriel. Ang kaniyang mahahabang pilikmata, matangos na ilong, magagandang kilay kayumanggi na mga mata, at ang mapupula niyang labi. Dinaig niya pa ang babae sa ganda.

"You need to regain your strength. Ayoko nang pagbigat---" Natigalan siya nang tumingin siya sa'kin at nagtama ang paningin namin. "W-why are you crying? May nakakaiyak ba sa sinabi ko?"

Mabilis akong napahawak sa basa 'kong pisngi. Tuloy tuloy pa'rin sa pagagos ang mga luha ko, at wala akong balak pigilan 'yon kahit nandito pa si Azriel. Bahala siya, sinabi ko nang umalis siya eh.

"Why are you crying?" Tanong niya ulit kaya naman napasimangot ako.

"Ayaw mo kasing umalis," Nakangiwing sagot ko sakanya kahit hindi naman 'yon ang dahilan.

"Mas binigyan mo lang ako nang dahilan para hindi umalis," Aniya na ikinakunot nang noo ko. "Stop crying. Hindi ka maganda."

Napanganga ako at natawa. Parang umurong bigla yung mga luha ko sa sinabi niya. Nandito ba siya para i-comfort ako o asarin?

"Eh, ano ngayon?" Mataray na sagot ko sakanya na ikinagitla niya. "Umalis ka na nga!"

Natawa siya sa reaksyon nang mukha ko. Tuwang tuwa ang loko kasi nagagawa niya akong inisin. "Disappointed ka ba dahil sinabi 'kong hindi ka maganda?" Natatawang aniya.

Napapikit ako sa inis at sinamaan siya nang tingin, "Wala akong pake sa itsura ko, Azriel. At mas lalong hindi ko kailangan maging maganda para lang mapuri mo," Gigil kong litanya.

Hindi ko na siya narinig na magsalita. Itinuon ko nalang ulit ang pansin sa harapan at pumikit. Yung bigat at kirot sa dibdib ko na iniwan ni Keya ay nandito pa'rin. Hindi ko alam kung paano maiaalis 'yon, o kung maiaalis pa ba. Ang ganitong klaseng pakiramdam ang pumapatay sa'kin. Ang pakiramdam nang pagdurusa at kalungkutan.

Hindi ko na alam gagawin ko. Nawawalan ako nang pagasa magmula nung nagpakita siya pero tinatatagan ko ang sarili ko.

"Gusto pa kita makasama pero sa tingin ko ay dapat wag mo nang ipagpatuloy ang paghahanap sakin."

Nagsimula akong humagulgol na parang walang bukas nang nakapikit. Hindi ko na nga pinansin na nandito pa si Azriel sa tabi ko. Sa ngayon ay wala na akong pake kung makita niya ang pagiging mahina at miserable ko,

"Astra..." Malumanay at mahinang tawag sa'kin ni Azriel pero hindi ko siya pinansin.

Patuloy sa pagbuhos ang mga luha ko nang naisipan kong magmulat. Sinalubong ako nang malamig na hangin na animo'y nakikisabay da pagdadalamhati ko. Nagiinit na nang sobra ang mga mata ko at sumasakit na rin ang lalamunan ko.

Taas babang sunod-sunod na gumalaw ang nahihirapan kong dibdib at balikat.

"Si Zed.."

Natigilan ako sa sinabi ni Azriel at dahan dahang napatingin sakanya. Seryoso ang mga nagaalalang mata nito. Nagaalala? Nagaalala siya sa'kin?

"Malapit na siyang lumabas. Maghahating gabi na," Dagdag pa niya.

Nanlumo ako at bumagsak ang mga balikat. Muntikan ko nang makalimutan na may halimaw pa pala sa loob nang katawan ko. Napakasama talaga nang kapalaran ko.

"A-ayoko..." Umiiyak na sabi ko sakanya. Nagtataka ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. "Halikan mo ako. K-kahit ngayon lang...ayokong makuha niya ang katawan ko."

Bumalik sa pagiging seryoso ang mga mata niya at umiling, "No. I told you, right? Yun na yung huling beses na gagawin ko sayo yon. Pwede mong ikamatay kapag inulit ko pa," Seryosong aniya. "And one more thing, your body has not fully recovered yet. Di mo kakayanin."

Napaupo ako at humagulgol. Ngayon ko na lamang naramdaman ang panghihina nang katawan ko. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako kapag naramdaman ko pa ang pangtotorture sa'kin ni Zed.

Umupo din siya at pinantayan ang mukha ko. Nagkatitigan kami.

"Please..." Pagmamakaawa ko sakanya pero wala ako nakuhang sagot sakanya. Mas gugustuhin kong maramdaman ang sakit kaysa pagsamantalahan ni Zed ang kahinaan ko. Hindi, hindi ako papayag.

"Let's go---"

Hinawakan ko sa magkabilang pisngi si Azriel at hinalikan siya. Kahit nakapikit ako ay alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero ito lang ang naisip 'kong paraan.

Natigilan ako at napamulat nang wala man lang akong naramdaman na hapdi at kirot mula sa loob ko. Dahan dahan akong napahiwalay sa halik at nakita ang gulat na gulat na mukha ni Azriel. Para pa siyang nanigas sa itsura niya.

"A-Azriel..." Napapahiyang tawag ko sakanya at napalunok nang ilang beses. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa ko.

Tila ba nakapako ang gulat na gulat niyang mga mata sa'kin at di ko maiwasang hindi kabahan. B-bakit hindi siya nagsasalita? Galit ba siya? Taena, malamang galit siya! Mas lalo akong kinakabahan dahil hindi siya nagsasalita. Bakit ko ba kasi ginawa yon?! Akala ko ay gagana yung naisip ko pero...

"Hindi mo dapat ginawa 'yon."

Mas lalo akong napalunok nang marinig ang tono nang boses niya. Sobrang seryoso maging ang mga titig niya.

"Ako ang dapat gagawa n'on, naiintindihan mo?"

Natigilan ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya. A-Ano daw?!

"Azriel---"

At bago ko pa malaman, hinila niya ang batok ko at inangkin ang mga labi ko. Ramdam ko ang labis na pagkagulat sa mga mata ko at pagbilis nang tibok nang puso ko.

Bumaba ang mga nanlalaki kong mata sa mga mata niyang nakapikit nang mas diniinan pa niya ang halik na animo'y may pinapasok sa bibig ko.

D'on ko lamang ulit naramdaman ang malamig ngunit may halong hapdi at sakit sa loob nang katawan ko, kaya naman napapikit nalang rin ako kasabay nang pagtulo nang isang butil nang luha mula sa aking mata.

*****

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro