Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

Azriel Tyler Guevarra

##########

KABANATA 11
In Trouble

[THIRD PERSON's]

"STAY AWAY from that poser," Delikadong utos sakanila ni Azriel habang matalim na nakatingin kay Astra.

Gulat na mabilis na napalayo si Echo at Dara dito at napatingin sa nagpapanggap na si Astra. Kunwari pa'ng nagtataka ang mukha nito sa nangyayari, pero masyadong matalino si Azriel para mapaniwala ito sa kanyang kilos.

"What do you mean, Azriel?" Nagtatakang tanong ni Paige dito.

"Oo nga naman. Ano 'bang sinasabi mo?" Natatawang tanong sakanya ng pekeng Astra, o kung tawagin ay Numeda.

"Tss. Are you really the Elementalists? Masyado kayong naniniwala dyan. That's not Astra, stupid!" Inis na singhal sakanila ni Azriel.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Dara, "Oo nga! Kanina ko pa napapansin na may kakaiba sakanya!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Dara.

"W-what?!" Gulat na napatingin si Fauna dito.

"Omygosh! K-kung hindi ka si frenny ko...sino ka?!" Nanlalaki ang mga mata ni Echo dahil sa sobrang gulat. Bakit nga ba kasi hindi nila napansin iyon? At nasaan ang totoong Astra kung ganon?

Natawa ang pekeng Astra, "At naniniwala talaga kayo na hindi ako ito? Kaibigan ba talaga kayo?!" Inis na sigaw nito sakanila na nagsisimula nang kumuyom ang kamao. "Ako si Astra! Mukha 'bang hindi?!" Galit na dagdag nito.

Napangisi si Azriel at mabilis na sinakal ito. Hindi agad nakaiwas si Numeda dahil hindi niya inaasahan ang mabilis na pagsugod nito sakanya.

"N-nasasaktan ako," Nahihirapan man huminga ngunit nagawa parin nitong magsalita.

"Where is she?" Madiin at seryosong tanong sakanya ni Azriel. Makikita mo'ng nanlilisik at nagaapoy ang mga mata nito kung iyong tititigan. Iyon ang mga klaseng tingin na hinding hindi mo kakayaning tagalan, at mangangatog ka nalang sa sobrang takot.

Ngunit hindi iyon naramdaman ni Numeda at nagawa pa'ng ngumisi sa binata. "I'am Astra," Diin nito na para bang may ipinaglalaban.

"Azriel stop! Mapapatay mo siya!" Kinakabahang sigaw ni Paige. Ang apat na babae ay walang magawa sa isang gilid at pinapanood lamang ang nangyayari. Hindi nila magawang sumabat dahil paniguradong pagiinitan sila ni Azriel.

Hindi sila sinagot nito at hindi nagpatinag. Deretso ang mga nanlilisik na mga mata nitong nakatingin kay Numeda na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata.

"I-Ikaw si---"

"Where the fvck is she?!" Galit na tanong ni Azriel dito at nagpalabas nang isang matulis na yelo sa isa niyang kamay.

Hindi ito nagsalita kaya naman parang aso na kinaladkad niya ito. "Lead the way, Echo," Utos niya sa dalaga nang hindi lumilingon dito at saka tinahak ang daan.

====

NASA TAPAT nang tagong pintuan si Azriel, Fauna, at Paige kasama si Numeda. Si Echo at Dara ay pinagbantay sa labas nang tahanan nito upang maging alerto kung sakaling may panganib na dumating.

"Buksi," Utos ni Azriel. Puno nang awtoridad ang malalim at nakakatakot na boses nito habang matalim na nakatingin sa nakangising si Numeda.

"My gosh, Azriel! You don't have to command her. Just fuckin open that door using your power!" Sabat nang naiirita at naiinip na si Paige.

"Shut up, Paige. Azriel knows what he's doing," Suway naman sakanya ng katabing si Fauna.

Napatingin sila nang humalakhak na parang baliw si Numeda at mala-demonyong ngumisi, "Kahit pasukin niyo yan ay wala kayong mapapala dahil paniguradong nilamon na nang usok ko ang katawan niya."

Nakaposas ang magkaparehong kamay nito gamit ang ice cuffs ni Azriel kaya hindi niya magawang lumaban. Ngunit kung gugustuhin niya ay pwede niyang gamitin ang mga kakayahang nakuha niya, pero naisip niya na kahit gawin niya iyon ay kayang kaya siyang pataubin nang mga taong nasa harap niya.

Yes, she's an immortal. She will not be easily killed unless you cut her head off.

Sumibol ang inis sa dibdib ni Fauna at binigyan nang isang malutong na sampal ang babae. "Kapag may nangyaring masama kay Astra, I swear, I will kill you!" Dinuro pa niya ito.

Gumawa siya nang isang matulis na bagay na gawa sa apoy at inatake ang doorknob nang pintuan, ngunit nagdulot lamang ito nang init at hindi nagawang buksan.

Nasipa niya ang pintuan sa inis.

"I told you. That door was covered by spells," Naiinis na sabi sakanya ni Azriel.

"Bitch, open the damn door kung ayaw mong mamatay," Delikadong banta sakanya ni Paige na ngayon ay masama na ang tingin. Gumawa nang tubig si Paige at ipinalibot ito sa katawan ng babae. Unti unti ay hindi makahinga si Numeda.

Blood is liquid, and she's a water manipulator.

"Stop that. We won't be able to open this shit if you kill her that early," Mahinahong ngunit mababakas ang pagpipigil sa inis na sambit ni Azriel.

Muling humalakhak si Numeda, "Tingnan natin kung hanggang saan ang talino niyo at kung mabubuk---"

"Shut up, bitch," Agad na pinainom ni Paige nang tubig si Numeda para patahimik ito kaya naman halos mabilaukan siya.

"Ano na, Azriel?" Pigil ang inis na humarap si Fauna kay Azriel na malalim na nagiisip. "Hindi natin alam kung ano na nangyayari kay Astra! She needs us ASAP---"

"Shut up, Fauns! Kita mong nagiisip ako!" Singhal sakanya ni Azriel kaya naman natahimik ito.

=====

"ANG TAGAL naman nila," Bakas ang kaba sa tono nang boses ni Dara. Hindi sila mapakali ni Echo sa pagsilip sa loob nang bahay ni Numeda.

"Kung bakit ba kasi hindi natin agad napansin na hindi siya si Astra!" Naiinis ngunit may halong kaba ang boses ni Echo. Hindi siya mapakali sa kakaikot habang nagiisip.

"Nung una palang napansin ko na, na may kakaiba sakanya," Ani Dara.

Napatigil sa pagikot si Echo at tumingin sakanya, "Eh, bakit hindi mo sinabi agad?!"

"Gaga ka ba? Ikaw nga di mo nahalata, magrereact pa ako?! Atsaka, hindi ako sigurado," Nakangiwing pumameywang si Dara at malalim na bumuntong hininga.

"My gosh! Ano nang gagawin---Tama," Lumaki ang mga mata ni Echo at nilapitan si Dara, "Use your telepathy. Communicate with her."

Agad naman sinunod ni Dara ang sinabi nito ngunit unti unting bumagsak ang balikat niya.

"H-hindi ko mapasok ang isip niya..." Mahinang sabi nito.

"What? At ano namang ibig sabihin non?!" Tanong ni Echo.

"Maaaring tulog siya, pero maaari ring...." Natigilan si Dara at agad na napailing nang mabilis.

Sumibol ang kaba sa dibdib ni Echo at napapadyak sa lupa. Naiinis siya dahil kung hindi niya iniwan si Astra ay baka kasama pa nila ito. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama dito, at pumalpak sa kanilang misyon.

Napahilamos siya sa mukha at bumaba ang kamay sa kanyang bulsa. Nanlaki ang mga mata niya nang makapa niya ang isang maliit na matigas na bagay don. Hinugot niya ito sa bulsa at nakita ang susi na nahanap nila ni Dara kanina.

"Sundan na kaya natin---" Hindi natuloy ni Dara ang sinasabi niya nang bigla siyang hinatak ni Echo papasok sa loob. "Woah, bruha! Excited?! Makahatak naman 'to!"

"Kailangan natin bilisan dahil nasa atin yung susi! Ang tanga mo naman kasi, di mo pinaalala!" Singhal sakanya ni Echo.

Nanlaki ang mga mata ni Echo at napauwang ang bibig sa pagkamangha, "Ay wow! Ako pa tanga?! Bruhang to."

Natigil sa pagtakbo si Echo at nilingon si Dara, "Bumalik ka don, witch."

"Ano?! Pagkatapos mo akong kaladkarin dito, pababalikin mo ako?!" Nakapameywang na sagot sakanya ni Dara.

"Gawin mo na! Arte mo!" At iniwan siya ni Echo duon. Walang nagawa si Dara kun'di ang inis na bumalik sa labas nang bahay.

=====

NAHIHIRAPANG NAGMULAT ang mga mata ni Astra nang marinig niya ang mga sigawan sa labas nang pintuang iyon. Kasalukuyan siyang nakasalampak sa sahig at walang lakas para gumalaw man lang. Ramdam niya ang pagbigat nang talukap nang kanyang mga mata, pagtuyo nang kanyang labi, pamumutla niya, at ang panghihina nang kanyang katawan.

Ni  hindi niya magamit ang sariling kakayahan upang mapagaling ang sarili. Hindi niya alam kung anong meron sa usok na iyon upang lamunin nito ang kanyang lakas hanggang sa tuluyan siyang bawian nang buhay.

Nahihirapan man ngunit nagawa niya pa'ring lingunin nang dahan dahan ang babaeng kausap kanina. Wala na ito sa kanyang selda at tuluyan nang naglaho. Sumakit ang dibdib niya kasabay nang pagtulo nang isang butil nang luha sa kanyang mata dahil hindi niya ito nagawang iligtas.

Ayaw niya nang ganitong pakiramdam. Ayaw niya nang nagmumukhang mahina siya. Ngunit mukhang ito na ang katapusan niya, pero paano si Keya? Yun ang pumasok sa isip niya.

Sinikap niyang itungkod ang magkabilang palad sa sahig upang alalayan ang sarili sa pagtayo. Naghahabol siya nang hininga dahil konting maling galaw niya ay babagsak siya.

Napahawak siya sa bakal nang selda nang tuluyan siyang makatayo, ngunit ramdam niya pa'rin ang pangangatog at panlalambot nang kanyang tuhod.

"K-Keya...." Nahihirapang banggit niya, halos bulong na. "N-nandito pa a-ako.."

Hindi niya maidilat nang ayos ang kanyang mga mata sa labis na panghihina. Kung walang tutulong sakanya ay hindi na niya alam kung mabubuhay pa ba siya. Binalot nang luha ang kanyang mga mata dahilan para manlabo ang paningin niya, ngunit pinipigilan niya ang mga ito sa pagpatak.

Isang liwanag ang sumilaw sa mukha niya na nagmula sa labas nang pintuan. Naibuka niya nang bahagya ang kanyang bibig at sinubukang huminga nang malalim. Nakita niya ang ilang bulto nang mga nagkakagulong tao sa labas ngunit dahil sa panlalabo nang kanyang paningin ay hindi niya maaninag ang mga ito.

Sigurado siyang ito ang mga Elementalists. Mapait siyang napangiti dahil alam niya'ng hindi siya pababayaan ng mga ito.

"Astra!" Ang gumagaragal na boses ni Echo ang kanyang narinig.

Inihakbang niya ang isang paa ngunit naging dahilan lamang ito para siya'y matumba. Hinintay niya ang masakit na pagbagsak niya sa sahig pero wala siyang naramdaman. Isang bisig ng lalaki ang sumalo sakanya at binuhat siya. Hindi niya ito maaninag ngunit sigurado siyang siya 'yon. Ramdam niya ang mabigat na paghinga nang lalaki na animo'y pagod na pagod.

Binuhat siya nito na parang pangkasal at inilabas sa madilim na kwartong iyon. Bukas ang kalahating talukap nang kanyang mga mata at nakita niya ang malaking apoy na sumisilab at pinapalibutan nang umiikot na tubig. Isang sigaw ng babaeng kilala niya ang umiiyak sa sakit. Si Numeda.

Ngunit, hindi nila basta basta mapapatay ito sa ganiyang paraan.

"Omygosh, Astra! Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag nawala ka!" Umiiyak na niyakap siya ni Echo na ngayon ay nanginginig.

"Tough, huh? Ginigitilan na kita nang hininga, pero nagagawa mo pa'ring sumigaw?!" Inis na sambit ni Paige kay Numeda at gigil na hinigpitan pa ang pagikot sa mga tubig.

"Immortal," Walang emosyong sambit ni Azriel at inilapag si Astra sa sahig, "Look after her," Aniya nito kay Echo na mabilis tumango.

Natigil sa ginagawa si Fauna at Paige, at kapwang hinihingal pa. Nawala ang apoy na bumalot sa nasunog na katawan ni Numeda at ang tubig na pumapalibot dito. Nanghihinang nakasalampak ito sa sahig. Halos hindi na siya makilala sa kanyang itsura.

"Paige, heal her," Mabilis na napalingon si Paige kay Azriel at dumako ang tingin kay Astra na nilapitan naman niya agad. Mababakas ang pagaalala sa mukha nito habang nanginginig na nagpalabas nang tubig sa kanyang palad at pinainom kay Astra.

Lumapit rin si Fauna at hinawakan ang pulso nito, "Mahina ang pulso niya at nilalamig siya." Binigyan niya nang init ang katawan ni Astra.

"W-wag ka'ng pipikit, Astra," Hindi mapakaling sabi naman ni Echo. Hindi mawala ang labis na kaba sa kanyang dibdib.

"I'll go get the healing candies," Aniya Paige at mabilis na umalis.

"Astra, naririnig mo ba---"

Isang malakas na halalhak ang narinig nila mula kay Numeda. At talagang nagawa pa nitong tumawa at ngumisi matapos nang nangyari sakanya.

Sinamaan siya nang tingin ni Echo at astang susugurin ang babae ngunit agad siyang pinigilan ni Fauna at inilingan.

"Si Azriel na bahala dyan," Seryosong aniya.

"Inaasahan ko na patay na siya at mapapasakin ang healing, ngunit matibay ang isang iyan. Immortal din ba siya gaya ko at hanggang ngayon ay nagagawa pa niyang huminga?" Sarkastikong natatawang sambit ni Numeda.

Saglit itong natahimik at nawala ang ngisi sa kanyang labi nang biglang napatingin sakanya si Azriel at nilapitan ito dala ang kumikintab na ice sword na hawak.

"A-Anong gagawin mo?" Ngayon lamang ito nabakasan nang takot sa kanyang mukha na bahagyang pang lumalayo.

"I'll kill you, bitch." Walang emosyong sambit ni Azriel.

"H-ha!" Peke itong natawa, "Alam mo ba kung sino ka?" Nakangising patuloy nito.

Hindi nagbago ang reaksyon sa mukha ni Azriel at matalim lang na tiningnan ang babae. Hindi siya nagsalita.

Mas lumawak ang ngisi sa labi ni Numeda, "Gusto mo ba'ng malaman kung sino ka talaga? Ako...kilala kita."

"I don't care." Ani Azriel at itinaas ang kanyang hawak na espada. "You're nonsense. You're a deceiver. No one will believe you."

"Kilala kita! Hindi ka ba nagtataka sa pagkatao mo? Let me live then I'll tell you everything."

Napangisi si Azriel at hindi inintindi ang sinabi ng babae. Bumalatay ang takot sa mukha nito nang iwinasiwas ni Azriel ang espada at pinugutan ito ng ulo.

Sabay pa'ng napaiwas ng tingin si Fauna at Echo sa nakita.

Huminga nang malalim si Azriel kasabay nang paglaho nang kanyang espada. Mabilis niyang nilapitan si Astra na pinapanguya na ngayon ni Paige nang healing candies. Matapos ay binuhat na niya ulit ito saka sila lumabas sa mahiwagang bahay na iyon ni Numeda.

=====

Meanwhile...

ILANG BESES na siyang tumakbo, umiwas at nagtago pero para 'bang wala pa'ring nagbabago. Nahuhuli at nahuhuli pa'rin nila ito. Nahahanap at nahahanap pa'rin nila ito pero hindi siya sumuko. Hinding hindi siya susuko hangga't hindi niya nahahanap ang taong matagal na niyang gustong makita.

"Ayun siya! Hulihin siya!" Sigaw ng isang kawal di kalayuan sakanya. Pagod at nanlalambot na ang mga tuhod niya, at naghahabol na rin siya nang hininga ngunit sinikap niya pa rin na makatakbo at makalayo sa mga ito.

'Hinding hindi na ako magpapahuli sakanila,' Aniya sa isip.

Gamit ang hangin ay patalon siyang lumipad at tumapak sa sanga nang isang mataas na puno. Buong lakas siyang nagipon nang kapangyarihan sa kanyang palad. Wala naman siyang balak ubusin nang tuluyan ang kaniyang lakas. Kailangan lang niyang labanan ang mga ito upang makalaya na siya nang tuluyan.

"Nasa itaas siya ng puno!" Dinig niyang sigaw ng kawal at tinuro pa siya.

Hinayaan niyang makalapit ang mga ito nang tuluyan sa kanyang pwesto bago pinakawalan ang kapangyarihang inipon niya sa mga palad. Saktong tumama ito sa mga kawal na nagdulot nang malakas na pagsabog. Napatakip pa siya sa mukha gamit ang kanyang braso.

Napatay niya ang mga ito pero hindi pa'rin siya pwede magpakampante. Alam niyang hindi titigil ang Dark Lady na ipahanap siya lalo pa't pag nalaman nitong nakatakas siya.

Umalis na siya sa lugar na iyon at muling tumakbo, ngunit isang Giant Ogre naman ang sumalubong sa kaniya. Mula sa malayo ay tanaw niya ang isang binatilyo na nakahandusay sa lupa at mukhang wala nang lakas para lumaban.

Aalis na dapat siya ngunit napansin niya ang pagangat nang malaking kamao ng Giant Ogre at akmang ihahampas ito sa kaawa-awang lalaki. Agad na naalerto ang kanyang sistema. Nagtatalo ang kaniyang utak at sarili kung tutulungan ba niya ito.

Mauubos ang lakas niya kapag ginawa niyo iyon, ngunit kung hindi naman niya iyon gagawin ay mamamatay ang lalaki.

Sa huli ay napagdesisyunan niyang tulungan ang lalaking estrangherong yun. Hindi niya sinaid ang lakas niya, ngunit nagawa niyang paliparin palayo sa Giant Ogre ang lalaking iyon at ibinaba sa pwesto niya.

"GRROWWWRR!" Dumagundong ang malakas na alulong nang higanteng Ogre ng makita ang ginawa nito.

Hindi niya ito pinansin at mabilis nilapitan ang lalaki. Ito'y walang iba kun'di si Cadell. "Hey, are you dead?"

Napangiwi si Cadell nang maramdaman niya ang pananakit nang kanyang katawan. "K-kailangan na n-nating umalis d-dito," Nanghihina niyang sambit.

'Malamang kelangan na namin umalis dito! Wala pa akong balak mamatay!' Sigaw ng lalaki sa kanyang isip.

"Gagamitin ko ang natitirang lakas ko," Dinig niyang dagdag nito.

"Anong sinasabi mo?!" Kunot noong tanong nito sakanya.

Hindi na ito nagsalita pa, imbis ay kinapitan niya ang lalaking tumulong sa braso at bago pa siya makaangal ay nakita nalang niya ang sarili na nagsusumigaw dahil sa hilo. 

'Fuck! He's using aeroportation! At masasabi 'kong hindi pa niya ganun kakontrolado ito.' Aniya ng lalaki sa isip.

Tumigil ang pagikot at napagalaman niyang nasa gubat pa'rin sila ngunit malayo na sa Giant Ogre. Ang tanging maririnig mo lamang dito ay ang mga paghuni ng ibon at ang paghampas ng hangin. Napaupo siya sa damuhan at napahawak sa ulo nang nakangiwi.

Tiningnan niya si Cadell na kasalukuyan nakaupo at nakasandal sa isang puno at naghahabol nang hininga.

Inayos nito ang kanyang hood na nagsisilbi upang di makita ang kabuuan ng kanyang itsura. Base sa itsura at kapangyarihang meron si Cadell, batid niyang isa itong Ezean na kabilang sa Elementalists at nagtataglay nang kapangyarihan nang hangin.

"Kaya mo ba?" Nakangiwing tanong niya.

"N-naiwan ko yung bag ko sa gubat na yun. Nandoon pa naman ang healing candy ko," Nanghihina nitong sagot at tumingin sakanya. Mabilis siyang nagiwas nang tingin dahil delikado kapag makilala siya ng lalaking ito.

"Sino ka? Anong pangalan mo?" Tanong ni Cadell, ngunit hindi ito sumagot.

Dumukot ako siya nang dalawang dahon sa bulsa niya. Ang dahon na iyon ay may kakayahan na makapagheal kapag nginuya mo, at isa pa, bibigyan ka nito ng katiting na lakas. Itong healing leaf na ito ang nagsisilbing healing candies ng mga Alkirvia.

Ibinigay niya ito kay Cadell na ikinapagtaka niya.

"Nguyain mo yan. Isa 'yang healing leaf. Kung may healing candy, meron ding healing leaf," Aniya.

Nagtataka man ay tinanggap din niya ito at nginuya. May pagkapait ito di katulad nang healing candy na matamis, kaya naman ay napangiwi siya at tiniis ang lasa.

"S-salamat," Ani Cadell.

Tumango ang lalaki at tumayo. Pinagpagan muna niya ang sarili bago tumingin kay Cadell. "Sorry, I have to go. May kelangan pa ako puntahan."

Hindi na ito naghintay pa nang sagot at madaling umalis.

*****

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro