Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

Echo "earth" Morales

##########

KABANATA 10
The Cannibalist II

"ANG TAPANG mo naman 'ata? Baka nakakalimutan mo na sa isang pitik ko lang ay kaya kitang patayin?" Mayabang na sabi nito habang ngumingisi.

Kailangan ko siyang galitin. Kailangan ko siyang insultuhin nang sa ganon ay hindi niya mailabas ang kanyang kakayahan sa'kin. Susulitin ko na ang pagkakataong ito dahil wala akong laban sakanya.

"Isa 'kang Alpheniel.." Sambit ko. Natigilan ito pero maya maya lang ay nagsimula nanaman siyang tumawa.

"Isa akong Alpheniel....ngunit isa din akong Alkirvia."

Natigilan ako. So that explains everything. She was not affected by the curse because she's half!

"Ako si Numeda. Nagmula pa sa panahon ng Great Amarine..." Dagdag pa nito. Bigla ay sumeryoso ang kaniyang mukha at napalitan nang galit, "Mahina ako kung tawagin nila. Walang lakas at walang alam. Kaya bago pa man mangyari ang First Great War ay gumawa ako nang sarili kong ritwal. Sarili kong dugo't kakayahan kung saan mapapasakin ang kapangyarihan nang isang nilalang," Tumawa ito nang peke.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Wala naman akong sinabi na magkwento siya, pero sa tingin ko ay kailangan ko nalang siya sabayan hanggang sa makarating sila Echo.

Nakita ko ang galit, hinagpis at lungkot sa mga mata niya kasabay nang pagtiim nang kanyang bagang, "Akala nang mga Ezeans ay ako ang nagtataglay nang ability of absorption nang subukan 'kong magaral sa kanilang paaralan....pero itinaboy nila ako. Nalaman nilang hindi ako isang Ezean at isang hamak na Alpheniel lang."

Palihim kong nilibot nang tingin ang kabuuan nang bahay. Bakit ang tagal nila? Kani-kanina pa umalis si Dara, ganun ba kahirap mahanap yung susi? O baka naman...

"Walang tumanggap sakin dahil maski ang mga katribo ko ay ipinagtabuyan ako!" Pagpapatuloy niya, "Simula non ay namuhay na ako ng magisa..." Dagdag nito at humalakhak. Nababaliw na siya. Naiintindihan ko ang kanyang pinagdaanan ngunit demonyo pa rin siya.

"Nagtataka ka siguro kung nasaan na ang mga kaibigan mo?" Natigilan ako sa tanong niya at deretsong napatingin sakanya. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ko sila pinigilan? Akala ko pa naman ay matalino ka," Natatawang aniya.

Dinig ko ang paghaharumentado sa kaba nang dibdib ko, "Anong ginawa mo? Nasan sila?!" Pigil ang galit na sigaw ko. Hindi ako sinagot nito imbis ay ngumisi lamang.

Hindi na ako nagsayang pa nang oras at mabilis na tumakbo papunta kila Echo, ngunit natigilan ako nang marinig ko siyang magsalita.

"Akala ko pa naman ay katulad ka niya. Akala ko ay kasinggaling at talino mo siya. Ngunit, nagkamali ako."

Kumuyom ang kamao ko at inis na nilingon siya, "Kapag may nangyaring masama sa mga kaibigan ko, humanda ka."

=====

HINDI KO inaasahan ang nakita ko. All along I thought it's just a simple small house, but I was wrong. It was hiding a secret passage once you search for every part of the house. Hindi ko ito napansin nung una at paniguradong nandito sila Echo.

Hindi ako sinundan nung babae. Paniguradong may ginawa siya. Kampante siyang hindi na kami makakalabas nang buhay dito.

"Echo? Dara?" Tawag ko sa pangalan nila ngunit walang sumagot sakin. Isang madilim na hallway ang sumalubong sakin nang pasukin ko ang pintuang nakita ko mula sa pinakadulo nang nilalakaran ko.

Madilim ang paligid kaya naman kinuha ko ang torch na nasa gilid ko upang magsilbing liwanag sa aking dinaraanan. Nang maaninag ko ang kabuuan nang lugar ay nanlaki ang mga mata ko. Isang madilim na kulungan ang pinasukan ko.

Dahan dahan akong naglakad habang tinitingnan ang bawat rehas na nadadaanan ko. Hindi ko pa maiwasang hindi magulat sa tuwing may makikita akong bangkay sa loob nito. Kung ganon, ay dito itinatago ni Numeda ang mga user na nabibiktima niya. Hindi sila ganon karami at bilang lamang sa mga daliri ko.

Isang babae ang pumukaw sa atensyon ko. Nahihirapan itong huminga at dumilat. Punong puno pa nang dugo ang kanyang katawan. Nangilabot ang katawan ko sa aking nakita at hindi maiwasang hindi maawa sa lagay ng babae. Grabe ang ginagawa sakanila ni Numeda. Hindi ko hahayaang mangyari ito sa mga kaibigan ko.

"A-Anong ginagawa m-mo dito?" Paos ang boses nito at nahihirapang magsalita.  Buhay pa siya, ngunit unti unting nagf-fade ang kanyang katawan.

"Isa akong healer. Tutulungan kita--" Akmang lalapit na ako sakanya nang pigilan niya ako.

"W-wag na. Wala na r-rin namang s-saysay kapag g-gumaling po ako. N-nakuha na niya ang k-kapangyarihan ko. M-mawawala na rin ako sa m-mundong ito."

Ang mga taong nawalan nang kapangyarihan ay siyang maglalaho di kalaunan. Ngunit, bakit ibang iba siya sa mga bangkay na nakita ko? Hindi kaya buhay pa ang mga ito at hindi pa nakukuha ni Numeda ang mga kapangyarihan nito?

"K-kinakain ni N-Numeda ang ibang b-bangkay dyan..Maswerte n-na lang at mawawala na r-rin ako.." Nagulat ako sa sinabi niya na tila ba ay nabasa niya ang iniisp ko, "H-hindi ka d-dapat nandito...." Dagdag pa niya.

"Hinahanap ko ang mga kaibigan ko," Matigas kong sabi sakanya at iniiwas ang paningin sa kanyang kabuuan. Hindi ko kayang makita ang itsura niya sa ganyang lagay, lalo pa't isa akong healer na ang layunin ay ang makapagpagaling.

"W-wala sila dito. Wala a-akong nakitang tao dito...U-umalis ka na.."

"Ano? Kung wala sila dito, nasaan---"

Isang boses nang tumatawang babae ang narinig ko na dumagundong sa kabuuan nang kwartong ito. Ang boses ni Numeda. Nakatayo siya sa pintuan at mala-demonyong nakangisi sakin.

"Nasaan ang mga kaibigan ko?" Mahinahong ngunit nanggigigil 'kong tanong sakanya.

"Iniwanan ka na nila." Nakangising sagot nito.

Sarkastiko akong natawa, "Iniwanan? At sa tingin mo, maniniwala ako sayo?"

Hindi naman maipagkakaila ang kaba na nadarama ko. Hindi nila ako iiwan. Alam ko yan. Hindi iyon gagawin sakin ni Echo. Niloloko lang ako nang babaeng ito.

"Ikaw ang kailangan ko, babaeng taga-Vershia. Ang kakayahan mo ang kukumpleto sa ritwal na ginagawa ko. Matagal na akong naghahanap nang babaeng nagtataglay nang healing ngunit wala ni-isang Vershiatists akong nakikita." Ani Numeda.

At paanong ako ang kukumpleto sa ritwal niya? Sa aming dalawa ni Echo, ang kakayahan niya ang sa tingin ko ang pagtutuunan nito nang pansin, ngunit bakit ang healing ang gusto niya?

"NASAAN ANG MGA KAIBIGAN KO?!" Sigaw ko. Hindi ko napigilan ang inis na nararamdaman ko. Sumibol nanaman yung pakiramdam na parang may panganib na darating, at mukhang meron nga. Sino ba talaga ang nasa panganib? Ako o ang mga kaibigan ko?

"Hindi mo na sila makikita. Salamat sayo dahil mukhang makakalabas na ako sa impyernong ito."

Hindi agad ako nakapagsalita nang marinig ko ang malakas na pagsara nang pintuan.

Shit. Kinulong niya ako! Isang usok ang lumabas mula sa ilalim nang pintuang pinagmulan niya at hindi ko alam kung ano 'yon, ngunit isa lang ang sigurado ako.

Nahihirapan akong huminga...

=====

(Dara's Point Of View)

YUNG TOTOO? Bahay ba to o kastilyo?! Ilang beses din ako nawindang sa paghahanap nang pesteng susi na yon! Pakiramdam ko ay naliligaw ako! Buti nalang at dumating agad si Echo at tinulungan ako sa paghahanap nang susi.

Tinanong ko pa siya kung bakit niya iniwan si Astra, pero di niya sinagot yung tanong ko at ang sabi lang ay...

"Shut up ka muna, witch! Kailangan natin magmadali para tulungan ang frenny ko!"

"Eh, mukhang wala naman dito yung susi eh!" Reklamo ko habang nakangiwi.

"Anong wala?! Eh, ano tawag mo dito?!"  Nagulat ako nang may kinuha siya sa gilid ko at nakitang hawak niya yung susi, "Hay nako, witch! Bulag ka na ba? Sabihin mo lang, ipapacheck up kita!"

"Pano napunta yan dyan? Wala naman yan dyan kanina eh!" Depensa ko.

Seryoso, wala yun doon kanina. Ilang beses nga akong naghanap diba? Hala! Malabo na ba mata ko? Sign of aging na ba to?! Waaa!

"Wala, bulag ka!"

Napasimangot ako at ngumiwi, "Edi, ikaw na malinaw ang mata!"

Hindi na kami nagsayang pa nang oras at madaling bumalik kung saan naroon si Astra. Nakita namin itong nakayuko nang makapunta kami sa pwesto niya.

"Asan na si tanda?" Nakangiwing tanong ni Echo.

Nagangat ito nang tingin at ngumiti samin, "Napatay ko na siya, wag kayong magalala." Aniya.

Pareho kaming nagulat ni Echo na nagkatinginan pa. "Woah! Ang astig mo naman?! Pano mo siya napatay?!" React ko. Hindi ako makapaniwala. Ang isang healer na si Astra, napatay ang isang immortal?

"Wag nalang natin pagusapan. Ang mahalaga ay makakaalis na tayo dito," Ani saka humarap sa pintuan at binuksan ito. Nagulat nanaman kami ni Echo nang mabuksan niya ito nang hindi ginagamit yung susi.

"Pano mo nabuksan, eh na sa'min yung susi?" Nagtatakang tanong ni Echo at pinakita yung hawak na susi.

Ngumiti nanaman ito nang malumanay. Hindi ko alam kung bakit nawiwirduhan ako sa ngiti niya. Anyare? Sinapian ba to?

"Hindi na yan kailangan dahil napatay ko na siya," Ani Astra at dumeretso palabas.

Nagkibit balikat nalang kami ni Echo at sinundan siya. Masaya lang siguro siya dahil napatay niya yung babae. Pero paano? Di ko naman magawang makichika dahil ayaw naman niyang pagusapan yung tungkol don.

=====

"TRY TO reach Cadell's mind," Utos sakin ni Echo at tumingin kay Astra na tahimik lamang, "What do you think, Astra?"

"S-sure.." Nakangiting sagot nito. Napatitig ako sa mukha nito dahil kanina pa ako may napapansing kakaiba. Parang may mali sa nangyayari ngayon at di ko alam kung ano.

Napaiwas ako nang tingin nang tumingin siya sakin at ngumiti. Ngumiti na naman siya! Bakit nagiging pala-ngiti na ngayon si Astra? Weird.

Kanina pa kami palakad lakad pero wala namang nagbabago sa lugar na na'to. Ni kahit anong lagusan wala. Sayang nga yung matanda kanina. Mukha pa namang masarap yung mga pagkain, hayys.

Sinunod ko nalang yung utos nung bruha at ni-track ang lokasyon ni Cadell saka ko isinigaw ang pangalan niya.

"Cadell!" Sinubukan ko rin makipagkonekta kila Fauna para makapagusap usap kami.

"Hey guys! May nakita kaming lagusan! Ang liwanag!" That's Fauna's voice, for sure.

"Mamaya ka muna Fauns! Si Cadell muna!" Suway sakanya ng bruhang si Echo.

"Edi okay." Ani Fauna.

"Cadell? Cadell!" Echo shouted kaya naman halos matakpan ko na ang tenga ko at napangiwi. Nagpeace sign naman siya. 

"Aray naman, Ecs! Bakit ka ba nasigaw?" Okay. That's him. Nagbabalik na ang hangin.

"Asan ka na?!" We all asked in unison, except for Astra na tahimik lang. Hays, kelan ba nag-ingay yan?

"Uyy, nagaalala sila bwahahaha--"

"CADELL!" Sigaw namin.

"Okay fine! High blood ng mga 'to oh. Nasa ere pa rin ako . The monster is still chasing me at ramdam ko na ang pagubos ng lakas ko. Teka nga, 'asan nga ba kayo?! Bigla kayong nawala ah!" Aniya.

"Shunga kasi! 'Kala mo naman si Superman ka!" Sarkatikong sabi ni Echo.

Narinig namin ang tawa ni Cadell, "Si Wonderwoman ako."

"Ay, bakla ka na?" Sarkastikong sabi ko.

"Nahulog kami sa butas and we parted ways," Fauna finally explained.

"Butas? Wala namang butas dito----ah shit! Mamaya na kayo guys! I have some business to do," Bigla na lang nawala ang koneksyon namin sakanya.

"Ano nangyari?!" Nagaalalang tanong ni Echo pero hindi na nakakonekta samin si Cadell.

"The Giant Ogre is still chasing him. Tss. We're now in a...garden, I guess," Azriel said in a bored tone.

"We can clearly see the three of you here," Said Paige. "Makakasalubong na namin kayo. Cut the connection."

I immediately cut our connection after seeing their built meters away from us. Nakaway sa gitna si Fauna habang yung dalawang ay tahimik lang.

"FREEEEENIIIES!" Sigaw ni Echo at sinalubong sila nang yakap. Tuwang tuwa naman si Fauna habang si Paige at Azriel ay parehong nakangiwi at nakasimangot.

"Akala ko di na tayo magkikita," Natatawang sabi ni Fauna at ngumiwi, "Kanina pa ako kating kati dumaldal, kaso KJ tong dalawang to!" Turo pa niya kay Paige at Azriel.

"Gosh! Di kayo maniniwala sa nangyari samin kanina," Maarteng panimula ko, "We just encountered a cannibalist! Diba, Astra?" Nilingon ko pa si Astra na mukhang nagulat pa at dahan dahang tumango habang nakangiti.

"Cannibalist?" Takang tanong ni Paige.

Ni-flip ko ang hair ko, "Kakasabi ko lang diba, duh?"

"Ah, so tinatarayan mo na ako?!" Pinanlakihan ako nang mga mata ni Paige at umambang lalapit pero agad akong lumayo at nag peace sign sakanya.

"Eto namang si frenny, di na mabiro."

"F-frenny? We're not friends, old-looking-child!" Mataray pa na sagot nito sakin. Pareho naming inirapan ang isa't isa. Narinig ko namang natawa si Echo at Fauna sa gilid namin.

"Where's Astra?" Napatingin kaming lahat kay Azriel na seryoso ang mukha. Luh? May sayad ba 'to? Kaharap niya lang si Astra, ah!

"B-bakit?" Nauutal na tanong ni Astra. At bakit naman nauutal 'to? Bago yon, ah. Parang....naninibago talaga ako, mygosh! Hindi naman siguro to sign of aging?!

Azriel cock his head to the side and flashed a smirk on his face, "At bakit kayo nagsama ng ibang tao?" Humarap ito sa'min ni Echo.

Pareho kaming nagkatinginan ni Echo sa pagtataka. Hanudaw? Wala naman sigurong third eye 'tong si Azriel, ano?

"May sakit ka ba, boss?" Natatawang tanong sakanya ni Fauna, ngunit agad ding napawi nang makitang seryoso ang mukha nito.

"Bakit mo hinahanap si Astra? Bulag ka na din ba gaya ni Dara?" Nakangiwing tanong sakanya ni Echo. Hinampas ko ito nang mahina dahil sa sinabi niya.

Bulag agad? Hindi pwedeng sumalisi lang paningin ko? Atsaka di ako naniniwalang sign of aging to no!

"Bulag ka?" Gulat na tanong sa'kin ni Paige. Agad naman akong napangiwi.

"Duh? At naniwala ka naman dyan sa bruhang yan!" Sagot ko at tinuro si Echo.

"Bakit, totoo naman ah--"

"Pwede 'bang tumahimik kayo?!" Natigilan kami nang inis na sumigaw si Azriel, "You dare to make some noise infront of me, and yet, hindi niyo alam na nagsama na kayo ng ibang tao?!"

Natahimik kaming lahat sa sinabi niya. Walang ni isa ang nagtangkang magsalita. Ibang tao? Baliw na ba siya? Hindi kaya...

"Stay away from that poser..."

*****

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro