Kabanata 1
EZEA HIGH: THE SEVEN ADVENTURERS
Original Story by: JieJieAya
NO TO PLAGIARISM! MAKE YOUR OWN STORY!
##########
KABANATA 1
The Healer
[ASTRA DELA FUENTE]
"ANG SAYA siguro mamuhay bilang Maharlika."
Napalingon ako sa kaibigan 'kong si Keya nang marinig ko ang malumanay na boses niya kasabay ang kanyang pagbuntong-hininga. Lumapit siya sa'kin ngunit ang paningin niya ay nasa harapan. Napatingin ako sa tinitingnan niya, at mula dito ay tanaw ko ang mataas na kastilyo ng Ezea.
Ang tuktok lamang nito ang aking natatanaw ngunit sapat na iyon upang madetermina ang itsura at hubog nito. Masiyadong perpekto, mataas, kumikinang ang pagkakagawa dito, ngunit asahan mo na tanging mga maharlika lang ang maka-aapak sa lugar na iyan.
"Pakiramdam ko ay matagal na akong naka-apak sa lugar na iyan," Nakangiti si Keya nang lingunan ko siya.
Napasinghal ako at nag-umpisang magtrabaho, "Masiyadong mataas ang pangarap mo. Hanggang bayan lamang ang mga taga-hilom na gaya natin," Pagmumukha ko sakanya.
Sa buong buhay ko na kasama si Keya ay wala siyang ibang hinangad kun'di ang maging maayos ang kanyang buhay at maging isa sa mga mayayaman. Hindi siya kuntento sa pagiging healer at iyon ang kinaiinisan ko sakanya.
Nagsasawa ako sa mga reklamo niya, ngunit hindi n'on nai-alis ang pagiging magkaibigan namin.
"Dumeretso na tayo sa Vershia Forest," Sabi ko. Agad namang nanlaki ang mga mata niya. Bumalatay ang kaba at takot sa kanyang mukha, at napahigpit ang kapit sa hawak-hawak na patalim.
"Bakit doon? Delikado doon, Astra. Wala namang sinabi si tanda na sa Vershia----" Pinutol ko ang sinasabi niya. Humarap ako sakanya nang walang emosyon sa mukha.
"Wala tayong mapapala dito. Nasa Vershia Forest ang lahat nang mga gamit na maaari nating makuha, at bakit ngayon ka pa natakot? Matagal na nating ginagawa to," Medyo napataas ang boses ko.
Naiintindihan ko ang takot na nararamdaman niya dahil hindi nga naman biro ang pagtapak sa gubat na iyon. Delikado, nakakatakot, puno nang misteryo, at hindi mo mababatid kung makakalabas ka ba ng buhay sa oras na pasukin mo iyon. Ngunit, ni isa sa mga deskripsyon d'on ay wala akong pinaniwalaan.
"Astra, isang beses," Diin niya. "Isang beses nung una nating tapak d'on---"
"At walang nangyari," Pinigilan ko ulit ang sinasabi niya. "Ligtas tayo at walang nangyaring masama. Paniguradong sinabi lang 'yon ng mga Ezeans para hindi tayo makatapak sa munting teritoryo nila," Napairap ako sa sinabi ko.
Halos katabi lamang ng paaralan ng Ezea ang Vershia Forest, ngunit kahit nakahango ang pangalan nito sa bayan namin ay in-angkin na nila ito bilang kanilang teritoryo. Dahil na rin sa pinaniniwalaang delikado ito at tanging ang mga tulad lang nila na makakapangyarihan ang makaliligtas sa lugar na iyon.
Walang ni isang taga-Vershia ang sumubok na pasukin ang Vershia Forest. Ako lamang ang kauna-unahang naglakas loob noong inutusan ako ng amo namin ni Keya na si tanda na mangalakal. Trabaho kasi namin ni Keya na mangalakal nang mga gamit na maaari pang maayos at mabenta.
Naisipan 'kong maraming makukuha sa Vershia Forest dahil na'rin katabi nito ang sikat at mayaman na paaralan ng Ezea. Ngunit sa unang tapak ko naman doon ay walang nangyaring masama sa'kin, kung kaya't hindi ko pinaniniwalaan ang sinasabi nila na delikado doon.
"Muntikan na tayong atakihin ng isang nilalang doon!" Bulalas ni Keya na takot na takot. Kumunot ang noo ko nang tingnan ko siya.
"Wala akong natatandaang may umatake sa'tin noon," Seryoso kong sabi.
"Imposible! Magkasama tayo n'on---hays! Maaaring hindi mo nakita," Napanguso siya. "Pero imposible 'yon...pakiramdam ko ay isang nakakakilabot na tao ang nakita ko. Pakiramdam ko ay sinusundan niya tayo," Niiyakap pa niya ang sarili at nanginig na parang takot na takot.
"Tara na. At wag ka ngang matakot dyan..hangga't nandito ako, ligtas tayo," Mayabang kong sabi. Tinawanan naman ako nito kaya napasimangot ako.
"Sana ganyan din ako katapang," Sabi niya. Nginitian ko lamang siya nang tipid at naglakad na kami patungong Vershia Forest. Hindi naman ito kalayuan sa bayan, siguro mga nasa 50 metro lang ang layo nito.
Pagkarating ay nakarinig agad kami nang kaluskos kaya naman napatago sa likod ko si Keya. Nakahinga kami nang maluwag na makita na isang kuneho lamang ito.
"A-Akala ko kung ano na hehehe," Lumayo ito sakin at napanguso.
"Masiyado ka kasing matatakutin!" Singhal ko sakanya at nagpatuloy sa paglalakad. Batid ko namang nakasunod siya sakin.
"Halaaa syeeet!" Mabilis akong napalingon sa kaba nang marinig ko ang sigaw ni Keya. Nilapitan ko kaagad siya at tiningnan ang salamin na hawak niya. "Ang gandaaaa," Tuwang tuwa niyang pinagmamasdan ang basag na salamin na iyon.
"Anong ikinaganda niyan?" Pagtataray ko. "Ang dumi-dumi at basag."
Nakangiti siyang humarap sakin, "Alam mo ba kung ano ito? Ito ang salamin ng Great Amarine," At iniharap niya sakin ang salamin.
Di sinasadyang napagmasdan ko ang mukha ko habang nakaharap sa'kin ang salamin. Madungis ang mukha. Magulo ang nakataling buhok. May malaking eyebags. Tapos ang pananamit ko ay sobrang dumi na parang nilaba sa putik. This is how a Vershiatist should dressed up. We don't have expensive clothes to use nor make ourselves look pretty.
Napailing ako at napairap sa kawalan, "Mga paniniwala mo eh, 'no? Kung gawa nga 'yan ng Great Amarine, hindi 'yan itatapon ng mga Ezean."
"S-sabagay.." Napanguso na lamang siya. Nagtuloy ako sa paghahanap at si Keya naman ay nanatiling tahimik. Mula sa gilid nang mata ko ay pakiramdam ko ay may bumabagabag sakanya dahil kanina pa siya palingon-lingon. Tatawagin ko dapat siya nang unahan niya ako.
"M-mas mabuti pa siguro Astra kung dun ka sa kaliwa maghanap, dito ako sa kanan," Nabigla ako sa sinabi niya. Maghihiwalay kami? Hindi ko maintindihan ang tono nang boses niya. Natatakot ba siya? Kinakabahan?
"Sigurado ka? Takot ka sa lugar na ito, bakit biglang nagbago ang isip---"
"H-Hindi. N-niloloko lang kita. Naniniwala naman ako na walang masama sa lugar na ito," Nagiwas siya nang tingin. "S-Sige na Astra...m-mauna ka na."
Hindi ko gusto ang pinapakita niya. Pakiramdam ko ay may tinatago siya sa'kin. Dapat ba akong pumayag?
"Sige na.." Ngumiti siya sakin saka lumayo.
"S-Sige..." Mahinang sabi ko pero bago pa man ako maglakad papuntang kaliwa ay muli akong napalingon sakanya. Siguro naman ay walang masamang mangyayari sakanya. May tiwala ako sa kakayahan niya.
Habang naghahanap ay may bigla akong narinig na kaluskos. Nilibot ko ang tingin ko. Imposibleng si Keya yun dahil medyo malayo na siya sakin. Tsaka hindi imposible isang elemento yun dahil nandito lamang kami sa Vershia Forest.
Hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdam nang kaba. Pakiramdam ko ay hindi mula sa'kin ang pakiramdam na iyon.
"Sino nandyan?" Sumibol ang kaba sa loob ng dibdib ko nang ilibot ko ang tingin sa paligid, ngunit wala akong narinig imbis ay puro kaluskos lang.
I also heard footsteps coming through my direction. Palagay ko ay isang tao ang makasasalubong ko bukod kay Keya. Hinanda ko ang sarili ko pero naalala ko na wala pala akong dala ni kahit anong sandata. Napamura ako.
Nakarinig na naman ako ng kaluskos kaya naman pumulot na lang ako ng di kalakihang bato at hinanda ang sarili ko. This should be enough. Bilang isang healer ay hindi pwedeng pagpapagaling lang ang alam mo. We we're trained physical combat and I'm so good at it na para bang ipinanganak na akong taglay-taglay 'yon.
Napatigil ako ng isang lalaki ang bumungad sa harapan ko. Tumalon siya dito galing sa taas ng puno. Pinagmasdan ko ang suot-suot niya. He's wearing a royal blue cloak that symbolizes the Kingdom of Ezea. No wonder.
Nagulat ito nang makita ako pero agad ding bumalik sa wisyo, "I'm from Ezea High. Sino ka at anong ginagawa mo dito?"
Napakurap ako at ibinaba ang hawak 'kong bato, "Vershia," Maikling tugon ko.
Napatango tango ito, "Ah. Isang healer," Kumunot ang noo nito. "You shouldn't be here. Delikado ang lugar na 'to. At pano ka nakapasok dito? This place is highly secured only for Ezeans."
Dahil doon ay napataas ang kilay ko. Only for Ezeans? Pinaglololoko ba niya ako? Teritoryo nila ito ngunit wala sa batas nang Magic Council na hindi kami maaaring makapasok dito. O baka naman ay nasanay lang sila na ganun nga dahil wala pang tagaVershia ang nakakapasok dito maliban samin ni Keya.
"This is the Vershia Forest, and I'm from Vershia. Therefore, may karapatan din kaming makapasok dito."
Napapahiya siyang tumango tango at pumalabi, "Sorry. By the way, I'm Cadell."
So what? Hindi ako interesado sa mga Ezeans. Masyadong mataas ang posisyon nila para makasalamuha ng taong kagaya ko.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimulang magtrabaho. Ramdam 'kong nakasunod siya sa'kin kahit hindi ko siya lingunin. Ano bang kailangan ng isang to?
"May nakita ka bang lalaki dito kanina?" Tanong niya. Saglit akong napalingon sakanya at kumunot ang noo.
"Ikaw lang ang lalaking nakita ko," Who would even dare enter this forest? Kami lang siguro ni Keya. Masyado kasi malakas ang loob ko. Kamusta na kaya si Keya?
"May hinahanap akong kwintas at salamin. By any chance, may nakita ka ba?"
Hindi ko alam kung ano 'yung kwintas na tinutukoy niya, pero hindi kaya 'yung salamin na hinahanap niya ay 'yung salamin na nakita ni Keya? Kung gan'on, tama siya. Galing nga 'yon sa Great Amarine.
"Anong kwintas?"
Maraming nagkalat na kwintas dito at hindi ko batid kung ano sa mga iyon ang hinahanap niya.
"Crux Pendant."
Natigilan ako at agad na napalingon sakanya. Bakit niya hinahanap ang Crux Pendant dito? The necklace, as for I know, is the necklace of the missing Princess of Ezea. Ito ang nagsisilbing barrier at proteksyon nila para hindi sila malusob ng Dark Alkirvia. Sakop ng bayan ng Vershia ang barrier na iyon, at kung gan'ong nawawala ang Crux Pendant, maaaring nawala na rin ang aming proteksyon. Hindi ko alam ang eksaktong itsura nito dahil tanging ang mga Magic Council pa lamang ang nakakakita nito.
"Hindi ko nakita, pero alam ko kung nasaan yung hinahanap mong salamin."
Tila ba lumiwanag ang mukha nito sa aking sinabi. May bigla namang dumating na dalawang babae at tinawag ang lalaking nasa harapan ko ngayon. They're from Ezea also, I bet.
"Cadell!" Isang babaeng sobrang puti na mayroong kulot na mahabang itim na buhok ang lumapit sa'min. Sobrang puti nang kutis nito na para bang lumiliwanag kada tatamaan nang liwanag ng araw.
Napatingin ako sa kutis ko at hindi sinasadyang naikumpara sa kutis na meron siya. Napakadugyot ko tingnan kung tutuusin.
"Nahanap mo ba?" Sumunod naman yung isa. Di katulad nung nauna ay may pagkamorena ang isang 'to. Di kaiklian ang deretso at kulay kayumanggi niyang buhok.
"Hindi ko alam kung nasaan yung Crux Pendant, but this girl knows where the Magic Mirror is," Tinuro ako nung lalaki na sa pagkakaalam ko ay Cadell ang pangalan. Magic Mirror? Magic Mirror ang tawag nila sa salamin na iyon?
The girl with the black hair looked at me, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka ngumiti, "You're from Vershia? I'm Echo."
Tumango lamang ako. Bakit pa nila kelangan magpakilala? Wala akong pake kung sino sila.
"Nasaan yung Magic Mirror?" Tanong nung isang babae. Pumasok sa isip ko si Keya. Nasa kanya yung Magic Mirror ng Great Amarine, at masyadong malawak 'tong lugar na 'to para mahanap siya.
"Sasamahan ko kayo," Wala naman akong magagawa kun'di ang tulungan sila dahil na kay Keya ang salamin.
Tinahak namin yung daan na tinahak ni Keya. Hindi naman siguro lumayo yung babaeng yon.
Nagusap-usap yung tatlo sa likuran ko. Napagalaman ko na may isang Alkirvia na nakapasok sa Ezea High at kinuha ang dalawang mahalagang bagay, and that is the Crux Pendant and the Magic Mirror.
Kung gan'on ay maaaring nawala na ang bumabalot na barrier dito sa Ezea High, at maaari ding nandito pa yung Alkirvia na tinutukoy nila. Natigilan ako nang pumasok sa isip ko si Keya. Si Keya, nanganganib siya!
Napahawak ako sa leeg ko nang may kung anong hapdi akong naramdaman dito. Napaluhod ako sa lupa dahil hindi ako makahinga! Sinubukan kong huminga pero nahihirapan ako. Ano nangyayari?!
"What's going on?" Lumapit si Cadell pati yung dalawa. Pumunta naman sa harapan ko si Echo at tiningnan ang mukha ko.
"Are you okay? May masakit ba?" Nagaalala ang tono nang boses nito
"A-ahh--!" Naibuka ko ang bibig ko ngunit walang lumalabas sa bibig ko! Pakiramdam ko ay may sumasakal sa'kin.
Bigla ay nakarinig ako nang sigaw. Natigilan ako at nanigas sa pwesto nang makilala ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ko na'rin naramdaman yung hapdi sa leeg ko.
"Keya..." Napatingin ako kay Echo na nasa harapan ko. "Narinig mo ba 'yon?"
Kumunot ang noo niya at agad na umiling,"I didn't hear anything. Ano ba 'yon?"
Sigurado akong boses ni Keya ang narinig ko. May nakapasok na Alkirvia dito, nanganganib siya! Agad akong tumayo at mabilis na tumakbo. Narinig ko ang tawag nila sakin pero di ko 'yon pinansin.
"Keya!" Sigaw ko nang makita ko ang kaibigan ko.
Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa nakikita ko. Isang lalaking nakaitim na cloak ang hawak-hawak si Keya.. Nakaangat si Keya habang sakal sakal siya nung lalaki. Nanigas ako nang makilala ang lalaking iyon..isang Alkirvia.
"Shit. Dark Alkirvia!" Di ko namalayan na sumunod sakin sila Cadell.
Sa oras na 'to, wala akong magawa. Nakatayo lamang ako dito at hindi alam ang gagawin ko. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko ng ibagsak ng walanghiyang lalaking yun ang katawan ni Keya na wala nang buhay!
I snapped back when I heard Cadell's shout. Nakita ko pang 'binato niya nang air ball ang lalaki at natamaan naman ito sa braso pero nakaalis din. Nabitawan naman nito ang Magic Mirror na hawak-hawak.
Napatingin ako sa katawan ni Keya at mabilis na nilapitan ito. Shit! Hindi pwede. Hindi siya pwede mamatay!
Tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko at di ko alam kung ano ang gagawin! Natataranta na ako. Hinawakan ko ang mukha niya at tinapik. Sobrang putla na ng mukha niya.
Sinubukan ko siyang i-heal pero hindi gumagana ito. Anong nangyayari? Bakit ayaw?!
"Soul eater. Yun ang type ng Dark Alkirvia na naencounter niya, kaya walang saysay ang healing power mo. That guy already got her soul," Ani nung babaeng morena.
Natulala ako. Hindi. Hindi totoo ang sinasabi nila.
"I'm sorry. It's all our fault. K-kung hindi dahil sa'min hindi sana kayo madadamay," Si Echo.
Hindi ko alam kung ano ba dapat maramdaman ko. Galit? Inis? Sakit? Poot? Pinaghalo halo ang nararamdaman ko. Alam 'kong kasalanan ko din kung bakit nangyari ito. Kung sa una palang ay hindi ko siya pinayagang lumayo sakin...edi sana...
Tulala ako. Tanging luha lang ang lumalabas sa mga mata ko and I can't even mutter a single word. Gusto 'kong magalit, gusto kong manakit pero ano mapapala ko? Kasalanan ko ito!
"Nakita 'kong hawak niya ang salamin ng Great Amarine, and maybe that was the reason she was attacked," The brown haired girl picked up the mirror and turned her gaze on us, "But thank goodness because hindi niya nakuha yung salamin."
Nainis ako bigla. They fuckin don't care if someone died because of their carelessness! I fuckin hate these people. Kung ang salamin na iyon ang pakay nila...at kung hindi nila ito pinabayaan ay hindi mangyayari ito!
"Ganyan ba talaga kayo?! Mas iniintindi n'yo parin ang mga bagay na wala namang kwenta kahit na may tao ditong nawalan ng buhay dahil sa inyo!" Hindi ko napigilan ilabas ang hinanakit ko.
Napataas ang kilay nito, "What did you say? Miss..for your information, mahalaga ang Mirror ng Great Amarine, and I'm saying this because may paraan pa para maibalik ang kaibigan mo."
Natigilan ako d'on. This is ridiculous! You can't bring back the life of a person unless you are as powerful as the Great Amarine. Ngayon sabihin nila sa'kin, pano ha?
They saw the hesitate in my eyes. Cadell interfered, "Yung Magic Mirror. That will help you."
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Nagtuloy ito sa sinasabi.
"Let's go back to Ezea High. We'll find a way for this."
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro