Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE

PROLOGUE

"Ano ba? Bulag ka ba?? Kita mo ng may tao," sambit ng isang lalaki na nasa edad na 38 sa binata nang mabunggo siya nito.

"Sorry," nakayukong sabi ng binata sabay tuloy sa paglalakad ngunit pinigilan siya ng lalaki.

"Kung magsosorry ka, sabihin mo ng maayos. Hindi yung nakayuko ka lang. Ulitin mo. Tumingin ka sa akin," utos nito.

"Sorry," ulit ng binata habang nakaangat ng kaunti nag ulo.

"Hindi ganyan. Tignan mo ko sa mata," pangungulit ng lalaki. Kaya walang nagawa ang binata kundi tignan ang lalaki sa mga mata. Napabuntong hininga muna ito bago inangat ang ulo.

"Sorry," seryosong sabi nito.

Natulala bigla ang lalaki. Ilang saglit pa ay nag-umpisa na itong manginig habang nakatingin sa binata.

"D-demonyo ka. Wag ka lalapit sa akin," takot na sabi.

"Ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng binata. Hahawakan na sana niya ang lalaki nang tumakbo ito.

"Tulong! Papatayin niya ako. Tulungan niyo ko," sigaw nito.

Nag-umpisang pagtinginan ang naiwang nakatayo na binata. Hindi na lang ito pinansin ng binata dahil sanay na ito makatanggap ng mapanghusgang tingin.

"Hanggang dito pa naman," bulong ng binata. Muli itong yumuko at tinuloy ang paglalakad pauwi.

Pagkarating nito sa maliit na apartment na inuupahan niya, agad ito nagkulong sa kwarto. Napatingin ito sa salamin kung saan kitang-kitang niya ang kakaibang kulay ng kanang mata niya. Kulay orange ito habang kaliwang mata niya ay kulay itim.

Napasuntok siya sa salamin nang maalala ang reaction ng lalaki kanina pagkatapos niya ito tignan sa mga mata. Hindi iyon ang unang beses na nangyari sa kanya.

"Walang masamang mangyayari sa kanya. Ayos lang siya. Ayos lang siya," paulit-ulit na sabi nito.

Samantala, tuloy pa rin sa pagtakbo ang ang lalaki habang pasulyap-sulyap sa likod.

"Ernesto, ano nangyayari sayo?" tanong matandang babae sa lalaki.

"Aling Lorna, Tulungan mo ko. Papatayin niya ako," takot na sabi nito. Sa sobrang taranta muli itong tumakbo at pumasok sa kanyang tinitirahan. Nilock nito ang pinto at saka nagkulong sa kwarto.

Napatingin ito bigla sa nakabukas na bintana nang humangin ang kurtina. Mula doon may nakita siyang kamay. Napatayo siya bigla habang umaatras patunggong pinto.

Isang lalaking nakaitim ang pumasok mula sa bintana. Nakahood ito at may hawak na scythe.

"Oras mo na para mamatay," sambit nito sabay angat ng ulo habang nakangiting katulad sa demonyo.

"Aaaahhhh!" sigaw nito nang makita niya ang mukha ng binatang nakabangga niya kanina. Lumabas ito sa kwarto at tumakbo hanggang sa umabot siya sa rooftop.

"Wag ka lalapit," takot na sabi niya sa lalaking nakaitim habang umaatras ito. Pero tuloy pa rin ito sa paglapit.

"M-maawa ka. Gusto ko pa mabuhay," napaupo ang lalaki dahil sa takot. Hinila siya patayo ng lalaking nakaitim at tinulak hanggang dulo ng rooftop.

"Wag! Maawa ka. Wag mo ko patayin," takot na sabi ng lalaki sabay sulyap sa ibaba. Ngunit parang walang narinig ang kausap nito. Itinulak siya nito sa rooftop habang walang emosyon na pinanonood siyang mahulog.

Nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog si Kael nang mapanaginipan niya ang lalaking nakabangga niya. Pawis na pawis ito. Napatingin siya sa kamay niya nanginginig.

"Panaginip lang yun. Hindi yun totoo. Hindi ko siya pinatay," sabi niya sa kanyang sarili habang paulit-ulit niyang naalala kung paano niya tinulak ang lalaki sa panaginip niya.


*******

Author's note:

Hello!! Bagong story ko ukit. Alam kong marami na akong on-going na story pero ayun ang kulit kasi ng isip ko, kung ano ano na lang naisip. Sana suportahan niyo din ito tulad sa iba pero wag muna kayo mag-expect na mabilis update nito dahil marami din akong on-going. Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro