CHAPTER 4
CHAPTER 4
Drielle's POV
"Ayos ba?" tanong ni Sky habang tinitignan namin yung bahay na lilipatan namin.
"Wala bang mas malapit sa school ni Delziel?" tanong ko.
"Meron naman. Pero boarding house yun," tugon nito.
"Magkano naman?"
"2500 per month, libre na tubig saka kuryente."
"2500 lang? Okay na yun. Saan yun?" tanong ko. Kung titignan mas makakatipid ako. Lagi naman kami wala ni Delziel.
"Sigurado ka? May kasama kang iba na nakatira sa bahay. Hindi ba yun delikado? Paano kung masamang tao pala yung ibang nakatira doon?" nag-aalalang tanong niya.
"Kaya ko sarili ko. Tara. Samahan mo na ako doon," nakangiting sabi ko kaya wala na siya nagawa kundi dalhin ako sa boarding house na sinasabi niya.
"Sigurado ka na ba na dito titira? Bakit hindi mo na lang bayaran si Freyja sa pagtira niyo sa kanila? Kwarto lang din naman hanap mo," sabi ni Sky sa akin.
"Kilala ko si Freyja. Hindi siya magpapabayad sa akin dahil kaibigan niya ako," sabi ko. Ilang beses na din kasi ako niyaya ni Freyja na sa bahay na lang niya tumira para hindi na ako maupahan. Pero ayoko maging pabigat sa kanila.
"Ano kailangan nila?" tanong ng isang matandang babae.
"Good Afternoon po. Titingin po kami ng kwarto," tugon ko.
"Ikaw yung pulis na nagtanong kanina. Pasok kayo. Isang kwarto na lang yung bakante namin. Dalawa ba kayong titira?" sabi sa amin habang naglalakad patunggo sa kwarto na sinasabi niya.
"Naku hindi po. Sinamahan lang ako ni Sky. Dalawa kami ng anak ko."
"May anak ka na? Ang bata mo pa ah? Ilang taon na anak mo?"
"7 po."
"Tama lang itong kwarto sa inyo. Malaki naman yung kama kaya kasya na kayong dalawa ng anak mo," aniya sabay bukas ng pinto ng isang kwarto. Okay naman yung kwarto. Kumpleto na sa gamit. Siguro ibebenta ko na lang yung mga gamit namin sa bahay tutal may gamit na dito.
"Ilan po ba nakatira dito?" tanong ni Sky.
"Walo. May nagrent kasi na mag-asawa."
"Ilan po yung lalaki?"
"Anim."
"Anim? Ibig sabihin isa lang yung babaeng nakatira dito?"
"Oo. Yung may asawa lang yung babae dito. Dito talaga madalas bagsak ng mga lalaki dahil sa mga katabi kong boarding house puro babae lang yung pinapaupa nila," paliwang nito.
"Ayos ka na ba dito?" tanong ni Sky sa akin.
"Okay na ako dito. Tignan mo? Password yung lock ng kwarto nila. Hindi na ako basta-basta mapapasok niyan," tugon ko. Alam kong nag-aalala siya sa akin.
"Kahit na. Kung may isa pa sanang kwarto, uupahan ko na din yun."
"Wag kayo mag-aalala Sir. Kapag may umalis, sasabihan kita agad," sabi ng landlady.
"Salamat. Pwede ko po ba mahingi number mo?" masayang
sabi ni Sky sabay abot ng cellphone.
"Okay na. Kailan ka ba lilipat Miss?" tanong sa akin ng landlady pagkatapos niya ibalik yung cellphone ni Sky.
"Bukas po," gusto ko na kasi makalipat para makapasok na din ako trabaho.
Pagkatapos ko magbigay ng down payment nagpaalam na kami. Biglang tinawagan si Sky sa trabaho niya kaya nauna na siya umalis. Gusto pa nga sana niya ihatid pero hindi na ako pumayag. Mas importante yung trabaho niya kaysa sa akin.
"Bata may sasakyan! Mag-iingat ka!" sigaw ko bigla nang may tumawid bata sa harapan ko. Natigilan ako nang makitang tumagos lang sa kanya yung sasakyan.
"Miss, sino kausap mo?" tanong ng matandang babae na nagtitinda sa gilid.
"Wala po," ningitian ko na lang siya pilit. Pagdating talaga sa mga bata, hindi ko malaman kung tao ba nakikita ko. Mahilig kasi ako sa mga bata kaya ganun na lang ang pag-aalala ko.
"Ate, nakikita mo ko?" tanong ng batang multo. Lalaki ito na tingin ko kasing edad lang ng anak ko. Tinuloy ko na lang ang paglalakad at hindi ito pinapansin. Iniiwasan ko din kasi makipag-usap sa kanila.
Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na nakakakita ako ng multo pero puro good spirit lang lang nakikita ko. Kaya hindi ko alam na may sumusunod na pala sa akin na multo noong pauwi ako sa bahay kahapon, dahil bad spirit yun. At kaya takot na takot din ako doon sa lumang bahay na pinagtaguan ko nung may nagparamdam dahil alam kong bad spirit sila. Kung hindi edi sana nakita ko na sila kahit ayaw nila magpakita.
Noong inatake ako sa bahay ayun pa lang ang unang beses na nakakita ako ng bad spirit. Mabuti nandoon si Freyja para tulungan ako. Alam ko may nakikita din siya pero hindi niya sinasabi.
"Aaahh-hhmmmp," biglang may humila sa akin at tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg. Sisigaw na sana ako pero tinakpan niya bibig ko.
"Wag kayo susunod kung ayaw niyo patayin ko ito," sabi niya habang nakaharap sa mga pulis. Naglakad ito paatras habang tangay-tangay ako. Hindi naman alam ng mga pulis ang gagawin. Nung malayo na kami agad ako binitawan at tumakbo ito paalis. Napaupo pa nga ako dahil patulak yung pagbitaw niya. Hindi ko na nakita mukha niya sa sobrang bilis niya. Likod na lang niya nakita ko.
"Miss, ayos ka lang?" tanong ng isa sa pulis habang yung kasama niya sinundan yung lalaki.
"Ayos lang ako. Sige na. Habulin niyo na siya," sabi ko na lang. Tinulungan niya muna ako makatayo bago sumunod sa mga kasamahan niya.
"Aray," bulong ko nang kumirot sugat ko. Naghanap muna ako ng mauupuan para magpahinga. Kanina pa ako palakad-lakad. Nagtitipid kasi ako.
Tinignan ko yung sugat ko. Kailangan ko na yata palitan ng benda dahil may dugo nanaman yung nakalagay.
Napaangat ako ng ulo nang may sumulpot na benda sa mukha ko.
"Sorry kanina," sabi nito habang inaabot ang nakaroll na benda.
"Kael, ikaw yung kanina?" hindi makapaniwalang sabi ko. Sabi na nga ba pamilyar sa akin yung boses niya. Siya yung lalaking kasama ko sa lumang bahay.
Hindi siya sumagot. Kinuha lang niya kamay ko sabay lagay nung benda na binibigay niya. Madami siguro siyang ganun sa bahay niya.
"Sala--" magpapasalamat sana ako sa kanya pero pagtingin ko wala na siya. Parang tumingin lang ako sa benda, wala na siya agad? Marunong ba siya magteleport?
Pinalitan ko na lang yung benda sa paa ko bago umuwi. Sumakay na ako baka kung ano nanaman kamalasan ang maganap sa akin. Subalit wala pa rin ako takas. May naramdaman akong nakaupo sa tabi ko kahit na mag-isa lang ako sa taxi. Mula sa pagkakatingin ko sa bintana, dahan-dahan ako lumingon sa tabi.
"Aahhhhhh!" sigaw ko saka nagmadaling buksan ang pinto ng taxi. Wala akong pakialam kung umaandar pa yung taxi, ang gusto ko lang makatakas sa multong humahabol sa akin. Nagpakita nanaman sa akin yung multong sumugod sa akin noon.
Nagasgasan ako sa siko at kamay dahil sa pagbaba ko bigla. Pagkaangat ko ng ulo na sa harap na yun multo. Muli ako sumigaw at gumapang sa lupa para makatakas bago dahan-dahan tumayo para tumakbo. Halos madapa na ako sa kakamadali. Binalewala ko na lang yung sakit ng katawan ko.
"Please lang tigilan mo na ako. Sorry kung pumasok ako sa bahay mo ng walang paalam," sigaw ko habang natakbo. Bigla siya sumulpot sa harapan ko. Natumba na lang ako dahil sa takot. Nanlambot bigla tuhod ko. Nag-umpisa na ako manginig.
Umatras na lang ako habang nakaupo sa sahig.
Hindi ko na alam gagawin ko hanggang sa isang tunog ng sasakyan ang narinig. Pagkatingin ko sa kanan ko isang truck ang palapit sa akin. Katapusan ko na ba? Dito na ba ako mamatay? Hindi ko na nagawang kumilos pa. Malapit na sa akin yung sasakyan nang may bumuhat sa akin para igilid ako.
"Ayos ka lang? Mabuti na lang sinundan kita," tanong ni Kael sa akin. Biglang nawala yung multong gusto akong patayin.
"A-ayos lang ako. Salamat," tugon ko sabay ngiti.
"Saan ka ba nakatira? Samahan na kita sa inyo," aniya sabay hila sa akin papasok ng sasakyan. Ngayon ko lang napansin na naka-eyepatch yung isang mata niya. Sinabi ko na lang sa kanya yung address ni Freyja.
"Drie, ayos ka lang? Ano? Pinuntahan ka ba niya?" tanong agad sa akin ni Freyja. Parang alam na niya na may masamang nangyari sa akin.
"Ano ba sinasabi mo? Ayos lang ako," nakangiting sabi ko. Ayokong mas mag-alala pa siya kapag nalaman niya yung totoo.
"Mabuti naman. Sino kasama mo?" tanong niya nang mapansin niya si Kael sa likod.
"Si Kael, Siya tumulong sa akin nung hinahabol ako ng killer. Kael, si Freyja nga pala. Kaibigan ko."
"Hi! Pwede ko ba matanong kung ano nangyari sa mata mo?" tanong ni Freyja kay Kael.
"Ah! Wala lang ito. Sige, una na ako," paalam nito.
"Pasok ka muna," pigil ko sa kanya. Lumapit ako lalo sa kanya saka bumulong. "Mas makakapagtago ka sa mga pulis kung dito ka muna. Isipin mo na lang na tulong ko na ito sayo kapalit ng pagtulong mo."
"Ano pinagbubulungan niyo diyan? Pumasok na kayo," sabi sa amin ni Freyja. Nauna na itong pumasok. Ako naman hinila papasok si Kael.
"Kamusta ang baby ko?" tanong ko sa anak ko habang busy ito sa paglalaro sa tablet niya.
"Okay lang Mommy," tugon niya.
"Siya na ba anak mo?" tanong ni Kael.
"Oo. Maupo ka. Gusto mo ba ng kape?" tugon ko.
"Hindi na. Salamat na lang."
"Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin."
"Sino po siya mommy?" napalingon ako kay Delziel nang magtanong ito bigla. Titig na titig ito kay Kael. Para siyang nakakita ng artista kung makatingin.
"Si Tito Kael yan," tugon ko.
"Mommy gusto ko din po nun,"
turo niya sa eyepatch ni Kael.
"Hindi pwede baby. Pangmatanda yun."
"Ehhhh! Gusto ko nun mommy."
"Delziel, wag makulit. Maglaro ka na lang diyan."
Wala ito nagawa kundi maupo. Yun nga lang nakasimangot ito. Tampo nanaman ang baby ko. Mamaya siya sa akin.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro