Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11

CHAPTER 11

Drie's POV

"Drie, ayos ka lang ba? Bakit natulala ka diyan bigla?" tanong sa akin ni Kael. Napaiwas ako ng tingin sa grimreaper saka binalik ang contact lens ko.

"A-ayos lang ako," sagot ko sabay balik ng tingin sa kanya. Hindi ko na nakita yung grimreaper. Matagal na ba siya nakasunod kay Kael? Kung hindi ko pa inalis contact lens ko, hindi ko siya makikita.

"Okay. Balik ka na sa kwar--"

Napatingin siya sa likod ko na para bang may nakita siya doon. Wala naman siguro siya nakitang grimreaper sa likod ko?? Hindi naman siguro siya katulad ko na nakakakita ng hindi tao.

"Ano tinitignan mo? May problema ba?"

Wala naman ako nakikita sa likod ko pero parang may kumakausap sa kanya doon dahil na din sa reaksyon niya.

"May susi ka ba ng bahay ni Freyja?" tanong niya bigla.

"Meron. Binigyan niya ako nung tumira ako sa kaniya. Bakit?"

"Pahiram ako."

Tinaasan ko siya ng isang kilay. Bakit bigla niya gusto hiramin susi ng bahay ni Freyja? Papasukin niya ba ito.

"Paraan saan?"

Bumuntong hininga siya bigla.

"Wala na tayong oras. Sumama ka na lang sa akin. Kailangan niya ng tulong," aniya sabay hila sa akin. Kinabahan ako sa sinabi niya. May masama bang nangyari kay Freyja? Saka paano niya nalaman na kailangan niya ng tulong?

"May masama bang nangyari sa kanya? Teka! Kunin ko muna susi sa kwarto."

Hindi ko alam kung bakit naniwala pa rin ako sa sinasabi Nita kahi na naguguluhan ako sa nangyayari. Baka naman totoo at kailangan nga ni Freyja ng tulong. Binilisan ko na pagkuha ng susi sa drawer.

"Ma, saan po kayo pupunta?" tanong ng anak ko.

"Pupunta lang ako sa tita Freyja mo. Babalik din ako agad. Wag mo na ako hintayin. Matulog ka na," sabi ko sa kanya. Pinahiga ko siya sa kama saka hinalikan sa noo.

"Goodnight baby."

"Goodnight mommy. Balik po kayo agad."

"Yes baby."

Lumabas na ako at naabutan ko si Kael na nakasandal sa gilid ng pintuan.

"Tara na?"

Tinanguan ko siya. Nagpunta kami sa bahay ni Freyja. Wala naman ako nakitang ilaw na nakabukas sa kwarto niya at tahimik din. Pero sabi ni Kael kailangan niya ng tulong.

"Ako na magbubukas. Wag ka din aalis sa tabi ko. Mas mabuti pa siguro kung tawagin mo din ang kaibigan mong pulis," sabi niya sa akin. Binigay ko na lang sa kanya ang susi saka tinawagan si Sky. Maingat niya binuksan ang pinto.

"Hello Drie," sagot ni Sky. Lumayo muna ako sa bahay ni Freyja.

"Pwede ka ba pumunta sa bahay nila Freyja?" pabulong na tanong ko.

"Bakit bumubulong ka? May nangyari ba?"

"Hindi ko pa alam ang sitwasyon. Basta kailangan niya ng tulong. Pinasok yata siya."

"Okay. Papunta na ako. Sakto malapit lang ako diyan. Nasa bahay ka ba niya?"

"Oo."

"Mag-iingat ka diyan. Papunta na ako. Wag ka padalos-dalos kumilos."

"Sige. Bye!"

Pinatay ko na ang tawag saka binalikan si Kael.

"Papunta na daw siya," sabi ko.

"Pasok na tayo."

Naglakad kami  ng dahan-dahan at iniwasang gumawa ng kahit anong ingay. Pagpasok namin isang pamilyar na amoy ang sumalubong sa akin.

"F*ck! Wag mo amuyin," sambit ni Kael. Sabay takip ng panyo sa ilong ko.

"Ano yun??"

"Ecstasy."

Nanlaki ang mata ko at agad na tinakpan ang  ilong ko. Bigla ko naalala kung saan ko ba ito naamoy. Kaya pala pamilyar.

7 years ago, sa isang kubo sa lilib na lugar kung saan ako ginahasa. Ganito din ang naamoy ko.

Noong oras na yun nagising na lang ako nang may maramdaman ako sakit sa maselang parte ng katawan ko. Pagdilat ko isang lalaki ang nakapatong sa akin at walang tigil sa paggalaw.

"Sino ka?" tanong ko. Tanging mata at bibig lang niya ang nakikita ko. Sinubukan ko siya itulak ngunit hinawakan lang niya ang kamay ko at itinaas at hinalikan ng marahas sa labi hanggang sa bumaba sa leeg.

"Wag! Aahh...   Tama na... masakit! Tulong!" sigaw ko ng paulit-ulit hanggang sa makaramdam na ako ng sarap. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang pakiramdam ko noong oras na iyon. Ayaw ko man ang ginagawa sa akin, subalit ginugusto ng katawan ko. Para akong mababaliw noong mga oras na iyon.

"Drie? Ayos ka lang ba? Pinapawisan ka? Kung hindi mo kaya, hintayin mo na lang ako sa labas," sabi ni Kael.

"Ayos lang ako. Puntahan natin sa kwarto si Frey--"

Blagghhh! Isang tunog nang nahulog na gamit ang narinig namin. Kasunod nito ang pagbukas ng isang pinto. Hinila ako ni Kael upang magtago.

"Freyja! Nasaan ka? Tingin mo ba makakatakas ka? Wag mo kakalimutan na hawak ko pa ang kapatid mo! Kapag hindi ka nagpakita siya pag-iinitan ko! Isa!" sigaw ng isang lalaki.

"Tulungan natin si Freyja," sabi ko kay Kael. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang sitwasyon niya. Sino kaya yung lalaki? Wala naman ako matandaan na kinakausap niyang lalaki pero sa tono nito parang kilala niya si Freyja.

"Wag ka maingay. Tutulungan natin siya mamaya," bulong ni Kael. Napalingon kami sa hagdan nang makarinig kami ng yapak mula doon. Isang lalaki ang bumaba doon.

"Se---"

Tinakpan ni Kael ang bibig ko bago ko pa masabi ang pangalan nito. Nakalimutan ko na bawal pala mag-ingay. Pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Seb dito. Kaklase namin siya noong highschool kami. Maraming nga may gusto dito dahil mabait siya pero sabi ni Freyja sa akin noon na mukha lang daw ito mabait.

"Freyja! Lumabas ka diyan. Kung ayaw mo magpakita magpaalam ka na sa kapatid mo," sigaw nito saka muling umakyat upang puntahan siguro ang kapatid ni Freyja.

Pag-alis nito bigla na lang sumulpot si Freyja sa may sofa. Yakap nito ang kapatid niya. Agad ko siya nilapitan. Wala na ako pakialam kung paano siya napunta doon ang importante ligtas siya.

"Drie, ano ginagawa mo dito? Umalis ka na dito bago ka pa niya makita," sabi niya sa akin.

"Ha? Bakit ako aalis? Saka ano naman kung makita niya ako? Nandito naman si Kael para tulungan tayo."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Wala ka ba talagang ideya tungkol kay Seb?"

Kinutuban ako sa tanong niya. Kanina pa talaga ako kinukutuban simula noong sabihin ni Kael na wag ko amuyin yung ecstasy.

"Wag mo sabihing si Seb yung...."

"Nandito ka lang pala. Nagtawag ka pa ng kasama," sabi ni Seb.

Sabay kami napatingin sa hagdan kung saan pababa si Seb. Humarang si Kael sa harap ko. Tinignan niya kami ng masama.

"Wala ka talaga takot sa akin no? Tingin mo ba hindi ko kayo kayang patayin." aniya sabay kasa ng baril at tutok sa amin.

"Seb, please tumigil ka na," pakiusap ni  Freyja.

"Tumigil? Baka nakakalimutan mong may atraso ka sa akin?"

"Atraso? Seb, alam mo sa atin dalawa, ikaw ang may atraso. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa. Kung kinakailangan kong magsumbong ulit sa pulis, gagawin ko para mabulok ka na sa kulu--!"

"Shut up!" sigaw ni Seb sabay baril kay Freyja. Galit na galit itong nakatingin sa kanya.

"Freyja!" sigaw ko. Handa na sana ako iligtas siya ngunit hinila ako ni Kael.

"Magpapakamatay ka pa," sabi ni Kael sa akin.

"Bitawan mo ko. Si Frey--"

"Kumalma ka nga lang diyan. Tignan mo ayos lang ang kaibigan mo."

Pagtingin ko kay Freyja, nakahinto lang sa ere ang balang tatama sana sa kanya. Kinusot ko pa ang mata ko na baka imahinasyon ko lang ang nakikita ko. Umikot ang bala at bumalik kay Seb.

"What the hell! Tao ka pa ba? Paano mo nagawa yun?" tanong ni Seb pagkatapos niya makaiwas sa bala. Nadaplisan lang ito sa mukha pero ayos naman siya.

Tinanggal ko ang contact lens ko at muli tumingin sa harap ni Freyja. Tulad ng inaasahan ko may nakatayo sa harap niya upang protektahan siya. Hindi ko lang inaasahan na isa itong grimreaper. Kamukha ito ng nakita ko sa likod ni Kael, ngunit kumpara sa aura nito mas masama yung lumalabas sa nakita ko kay Kael.  Ito unang beses na nakakita ako ng grimreaper na nagligtas ng tao. Diba dapat tagasundo sila ng namatay na tao?

"Sinasabi na nga ba may kakaiba sa bahay na ito. Paano ka nakatakas kanina? May tumutulong ba na engkanto sayo? Narinig ko noon na nakakakita ka daw ng mga nilalang na hindi nakikita ng tao. May kasama ka bang multo dito?" sabi ni Seb.

Pasimple kong binalik ang contact lens ko at nagpanggap na lang na walang nakita. Binalik ko ang tingin ko kay Seb. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang gumahasa sa akin. Ibang-iba siya ngayon sa kilala kong Seb noong highschool kami. Totoo nga ang sinabi nila hindi lahat ng mukhang mabait, mabait talaga.

"Ano? Sumagot ka? Kaya ba niyang iligtas ka kapag binaril kita ng sunod-sunod?" tanong ni Seb sabay tutok ulit ng baril kay Freyja. "Ah! May naisip ako. Bakit hindi na lang ang kaibigan mo ang barilin ko? Sigurado handa ka saluin ang bala para sa kanya."

Pagtingin niya sa akin, hinila ako ni Kael papunta sa likod niya.

"Wag mo idamay si Drie dito," sagot ni Freyja. "Gusto mo ko patayin? Sige! Barilin mo ko. Patayin mo ko!"

"Freyja!" sigaw ko. Gusto ko siya pigilan pero naglakad siya palapit kay Seb.

"Kayo na bahala sa kapatid ko," sabi niya sa akin sabay ngiti.

"No! Dito ka lang. Freyja!" sigaw nang lumapit pa rin siya kay Seb.

"Siya pa rin pala ang kahinaan mo? Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan mo na lang siya pahalagaan. Wag ka mag-aalala iba ang gusto kong iputok sayo."

Tumigil bigla sa paglalakad si Freyja.

"Bakit ka tumigil? Ayaw mo ba nun? Hindi ka lang mamatay, masasarapan ka pa."

Nang hindi kumilos si Freyja, nagmadaling lumapit si Seb upang hilain  siya.

"Seb wag! Maawa ka sa kanya. Hindi pa ba sapat sayo na binaboy mo ko? Napakasama mo. Pati pa naman si kaibigan ko gusto galawin," sambit ko. Hindi ko mapigilang maiyak dahil naalala ko ang mga ginawa niya sa akin. Ayoko maranasan ni Freyja ang naranasan ko. "Kung gusto mo ako na lang ga--"

"Drie!" sigaw ni Freyja. "Wag mo sabihin yan."


"Tama na ang drama! Diyan lang kayo. Si Freyja lang ang kailangan ko," sabi ni Seb sabay pulupot ng braso sa leeg ni Freyja. Tinutok niya ang baril sa amin habang dahan-dahang naglakad palabas ng bahay.

"Dito ka lang," sabi ni Kael. Sinundan niya sa labas sila Freyja.

"Wait!" habol ko din.

Paglabas ko, nakita ko siya na sinugod si Seb habang nakatalikod. Hinila niya ito at agad na itinaas ang kamay nito na may baril. Dahil sa ginawa niya nabitawan nito si Freyja.

"Freyja, ayos ka lang?" tanong ko habang tinutulungan siya makatayo.

Bang! Napalingon kami kila Kael nang pumutok ang baril. Nakikipag-agawan siya ng baril.

Isang sasakyan ang huminto sa tabi nila at lumabas doon si Sky.


"Seb, ano ginagawa mo dito?" tanong niya sabay awat sa dalawa.

"Kuya, bakit nandito ka?" tanong ni Seb sabay bitaw sa baril niya bumalik sa pagiging maamo ang mukha niya. Napatingin sa amin si Sky.

"Ano nangyayari dito?" tanong niya sa amin.

"Bakit hindi mo tanungin ang kapatid mo?" sagot ni Freyja.

"Magkapatid kayo?" tanong ko. Bakit hindi ko alam yun? Saka bakit alam ni Freyja na magkapatid sila?

"Seb, ano nanaman ginawa mo?" tanong ni Sky.

"Wala ako ginagawa," sagot nito.

"Anong wala?! Pagkatapos mo pagtangkaan gahasain si Freyja, sasabihin mo wala? Sky, alam mo na siguro dapat gawin sa kanya kahit kapatid mo siya? Bukas magsasampa kaki ng kaso laban sa kanya hindi lang sa ginawa niya ngayon. Pati sa panggagahasa niya sa akin," sambit ko.

"Naiintindihan ko. Sumama ka sa akin sa presinto," tugon ni Sky sabay lagay ng posas sa kamay ng kapatid niya. Nilingon niya kami bago umalis. "Pumunta kayo bukas sa presinto. Kailangan namin ng salaysay niyo."

Hinawakan ako ni Freyja sa braso. "Drie, sala..."

"Freyja!" sigaw ko nang matumba siya bigla.  Pagkahawak ko sa kanya, sobrang init ng katawan niya. "Kael, tulungan mo ko. Dalhin natin siya sa ospi--"

"Ayos lang ako. Dalhin niyo na lang ako sa kwarto."

"Sigurado ka? May sugat ka pa sa ulo."

"Ayos lang ako. Ayoko sa hospital. Hindi ako makakatulog doon."

Napabuntong hininga ako at walang nagawa kundi sundin siya. Ginamot ko na lang ang sugat niya saka pinalitan ang damit niya. Tinulungan naman kami ni Kael na alisin ang amoy ng drugs sa paligid.

"Salamat. Pwede niyo na kami iwan. Walang kasama ang anak mo. Pasensya na hindi ko kayo masasamahan palabas," sabi ni Freyja.

"Ayos lang. Tawagan mo ko kung may kailangan ka."

Hindi na ako napumilit na manatili dahil alam kong may ibang nagbabantay sa kanya. Niyaya ko na lang si Kael na umuwi.

Itutuloy...


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro