Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

CHAPTER 10

Freyja's POV

"Rei, nasaan ka?!"

Hindi maalis sa akin ang kaba habang patuloy na hinahanap ang kapatid ko.

"Kailangan mo ng tulong?" tanong sa akin ni Black. Tinanguan ko siya bilang tugon.

"Lapit ka dito," aniya sabay senyas sa akin.

Pagkalapit ko sa kanya bigla niya ako niyakop at tinago sa loob ng suot niyang hood saka ito tumalon papunta sa bubong ng mga bahay. Napakapit na lang ako sa kanya dahil sa takot na baka mahulog ako.

"Mas madali mo siya mahahanap kung nasa taas tayo," aniya habang nasa tuktok kami ng bubong.

Napakapit ako lalo ng mahigpit sa kanya nang makita nasa pinakamataas kami na  bahay.

"Bakit wala siya? Imposible namang mawala siya bigla," sambit ko pagkatapos ko suriin ang paligid. Hindi ko na alam kung ano iisipin ko. Ayoko maging negatibo pero hindi ko maiwasang mag-alala pero nakailang ikot na kami.

"Miss, may hinahanap ka ba?" tanong bigla ng isang lalaki. Agad ko naman siya nakilala dahil siya yung sinaniban kahapon at siya din yung bigla na lang nagtaas ng bangs ko. Napapadalas yata ang pagkikita namin.

"Kapatid ko. Nakita mo b--ah wait! Hindi mo pala alam itsura niya."

"Alam ko kamukha mo siya. Nakita ko siya sinakay sa taxi ng isang lalaki kanina."

"Talaga? Nakita mo siya? Saan papunta yung taxi?" tanong ko at dahil sa sobrang tuwa ko hindi ko na namalayan na napahawak ako sa kanya.

"Ehem. Kamay mo," sambit ni Black.

"Sorry, masaya lang ako sa balita," bitaw ko sa lalaki. Para hindi mahalata ng lalaki na may kausap akong nilalang sa likod hindi ko nilingon si Black. Mukha tuloy na yung lalaki ang sinasabihan ko.

"Ayos lang. May sasakyan ako kung gusto mo tulungan kitang hanapin sila."

"Alam mo ba kung saan sila papunta?"

"Kung may masama siya binabalak sa kapatid mo may ideya ako kung saan niya pwede dalhin ito."

"Wag ka sumama sa kanya. Hindi siya mabuting tao," kontra ni Black.

"Ayos lang kung ayaw mo. Sino pa naman ako para pagkatiwalaan mo? Gusto ko lang naman makatulong sa taong tumulong sa akin noong nahimatay ako. Pasensya na nga pala bigla ako umalis sa bahay mo na walang paalam. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sayo."

Tinitigan ko siya. Mukha naman siya mabait pero may iba akong nararamdaman sa kanya.

"Okay. Sasama ako pero sabihin mo muna kung saan tayo pupunta."

"May lumang bahay malapit dito. Mukha itong hunted house kaya walang nagtatangkang lumapit doon. Wala din masyadong dumadaan doon kaya maganda gumawa ng krimen doon."

Natulala na lang ako sa kanya dahil kung makapagsalita siya para sure siyang nandoon ang kapatid ko. Bukod doon naalala ko ang kinuwento sa akin Drie, noong nakilala niya si Kael. Sa parang hunted house din yun. Baka parehas lang na lugar ang sinasabi niya. Kung doon siya kuntik patayin ng sinasabi niyang killer hindi malabong doon din banda dadalhin ang kapatid ko.

"Sige. Dalhin mo ko doon," tugon ko. Walang mangyayari kung hindi ko susubukan. Baka sakaling nandoon nga ang kapatid ko.

"Freyja!" sigaw ni Black. 

"Okay. Kukuhin lang sasakyan ko. Hintayin mo ko dito o sasama ka na sa akin?"

"Hintayin na lang kita dito."

Pagkaalis niya tinignan ko si Black.

"Bakit ka pumayag? Paano kung may gawin siya sayo?" galit na tanong niya.

"Hindi mo naman ako pagbabayaan diba?"

"Alam mo naman na bawal ako manakit ng tao."

"Alam ko. Basta nasa tabi lang kita okay na ako."

Ningitian ko siya para naman kahit papaano panatag ang loob niya.

"Bahala ka," aniya saka ito nawala. Pero alam ko naman nandiyan lang sa tabi.

May sasakyan na huminto sa harapan ko.

"Sakay na," aniya sabay bukas ng pinto sa tabi niya.

"Salamat. Ano nga pala pangalan mo?" tanong ko.

"Mark."

"Freyja nga pala. Salamat ulit."

"Walang anuman. Basta ikaw..."

"Ha?"

Hindi ko masyado narinig yung huling sinabi niya dahil pabulong lang ito.

"Wala. Alis na tayo. Seatbelt mo wag mo kakalimutan," aniya bago magmaneho.

Napatingin naman ako sa seatbelt. Kamuntik ko na nakalimutan ilagay. Buti pinaalala niya. Habang nasa biyahe kami mas lalo ako kinakabahan. Paano kung wala doon si Rei?

"Ayos ka lang?" tanong ni Mark.

"Okay lang ako," sagot ko kahit hindi. Hindi naman kami friend para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

Napansin ko na habang tumatagal puro puno na lang nakikita ko.

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko. Hindi ko din maiwasan magduda kay Mark. Hindi ko na talaga alam kung ano iisipin ko.

"Oo." sagot niya habang seryosong nagmamaneho. Sa hindi malamang dahilan pakiramdam ko may nag-iba sa kanya.

"Bakit mo ko tinititigan?" tanong niya. Bigla ako natauhan.

"Sorry," nahihiyang sabi ko sabay iwas ng tingin.  Binalik ko na lang ang tingin ko sa bintana.

"Bakit tinatakpan mo ang mukha mo ng bangs?" tanong niya sa akin. Napahawak ako sa bangs ko dahil sa tanong niya.

"Wala lang."

"Sayang ang ganda pa naman ng mata mo. Parang pati soul ko makikita mo kapag tumitig ka sa akin."

"Nakita mo na ba mata ko?" tanong ko sa kanya. Totoo ang sinasabi niya na oras na tumitig ako sa kanila nakikita ko ang soul nila pero ganun lang ako kapag nagbabago ang mata ko. Wala ako maalala na nakita ko siya habang nasa ganun akong posisyon.

"Hindi mo maalala? Tinaas ko bangs mo dati. Nagalit ka pa nga sa akin."

"Ah! Ayun ba ang sinasabi mo? Bakit mo naman nasabi na pati kaluluwa mo nakikita ko?"

"Ganun ang naramdaman ko noong saglit kang tumingin sa mata ko. Kahit sulyap lang pakiramdam ko nakita mo kaloob-looban ko."

"Hindi ako ganun."

"Alam ko naman yun. Ganun lang talaga nararamdaman ko sayo. Kahit saglit mo lang ako tinignan pakiramdam ko kinukuha mo na ako. Willing naman ako sumama basta ikaw," aniya sabay tawa.

Bakit naman siya willing sumama sa akin? Ang weird niya.

Nagtatakang tinignan ko siya. Hindi ko alam kung pansin niya dahil nahaharangan ng bangs ang mata ko.

"Malakas ang pakiramdam niya," sambit ni Black na bigla na lamang sumulpot sa backseat. Napatakip ako bigla ng bibig dahil sa kamuntik ko na siya kausapin.

"Ano tinitignan mo?" tanong ni Mark. Tumingin siya sa likod kung saan nakaupo si Black.

"Wala," inayos ko ang upo ko at pasimpleng sinusulyapan si Black sa salamin. Hindi na ito umalis sa inuupuan niya. Nakatingin lamang ito ng masama kay Mark na para bang gusto niya ito patayin.

"Nandito na tayo."

Napatingin ako sa lumang sinasabi niya. Unang tingin ko pa lang dito napansin ko agad na madaming nagkakalatang ligaw na kaluluwa sa paligid.

"Papasok ka ba sa loob?" tanong ni Mark.

Tinanguan ko siya.

"Sasama ka ba?"

"Kaya mo ba diyan pumsok mag-isa?"

"Kaya ko."

Nandyan naman si Black para samahan ko kaya kahit wala siya kaya ko pumasok. Hindi ko naman pwede sabihin sa kanya na may kasama akong grimreaper. Mas mabuting palabasin ko na kaya ko.

"Paano kung nasa loob sila?"

"Kaya ko sa--"

"Walang tao sa loob. Wala sila dito," sambit ni Black.

"....."

"Papasok ka talaga sa loob?" tanong ni Mark.

Sasagot na sana ako sa kanya nang biglang umilaw ang hawak kong cellphone.

"Hello, sino ito?" sagot ko sa tawag.

"A-ate, nasaan ka?"

"Rei?! Ayos ka lang ba? Hinahanap ka. Pagdating ko sa sinabi mong street wala ka na. Cellphone mo lang nakita ko."

"Sorry ate. N--nandito na ako sa bahay."

"Umiiyak ka ba? Ayos ka lang ba talaga? Hintayin mo ko. Pabalik na ako."

"Kapatid mo?" tanong ni Mark.

"Oo. Salamat nga pala."

"Walang anuman. Hatid na kita."

Habang pauwi kami pakiramdam ko sobrang bagal ng oras. Gusto ko na makita ang kapatid ko.  Pakiramdam ko may mali sa kanya. Hindi niya sinabi sa akin kung ayos lang siya. Saka nauutal siya habang kausap ko siya..

"Salamat Mark," dali-dali akong bumaba ng sasakyan niya.

"Pwede ko ba mahingi number mo?"

"Okay."

Hindi na ako nagdalawang isip na ibigay ang number ko dahil nagmamadali na din ako. Pagkaalis niya pumasok ako agad sa loob.

"Re--"

Isang matigas na bagay ang humapas sa ulo ko.

"Freyja!" rinig kong sigaw ni Black bago ako mawalan ng malay.

"Hoy gising!" isang malamig na tubig ang gumising sa akin. Pagdilat ko nasa loob na ako ng bathtub. Nakatali sa likod ang kamay ko.

"Seb..."

"Yeah. Long time no see."

"Nasaan ang kapatid ko? Ano ginawa mo sa kanya?"

"Gusto mo malaman? May video ako dito. Habang natutulog ka pinasaya ko siya. Sayang nga lang dahil hindi ako nakauna sa kanya. Dibale magaling naman siya sa kama at mukhang nag-enjoy pa ang gaga."

"No way!" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Bakit? Iniisip mo ba na katulad mo ang kapatid mo? Bakit hindi mo siya gayahin? Mag-enjoy ka din habang kina--"

"Stop! Ayoko na marinig ang sasabihin."

Pinakita niya ang cellphone niya bigla. Pagpindot niya doon lumabas ang sex video niya ng kapatid ko. 

"Kita mo na? Paano kaya kung i-post ko ito sa social media? Iisipin kaya na ikaw ito?"

"Burahin mo yan!"

"Burahin ko? Kung mapasaya mo ko sa kama katulad ng ginawa ng kapatid mo bakit hindi. Ano payag ka ba?"

"...."

Tinignan ko siya ng masama. Bakit ba nakalaya ang isa ito? Dapat talaga sa kanya mabulok sa kulungan. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya ganito na lang ba?

"Ipopost ko na."

"Wag please."

"Marunong ka pala makiusap? Bakit hindi ka na lang kasi pumayag sa gusto ko? Madali lang naman ako kausap."

Iniwas ko ang mukha ko bago pa niya ito mahawakan.  Nandidiring tinignan ko siya.

"You-- ano ba meron sa akin na ayaw mo? Sa lahat ng babae ikaw lang ang tumanggi. Kahit ang kaibigan mo nagustuhan ako."

"Sinungaling. Alam ko may drugs kang ginamit sa kanila," sigaw ko. Alam ko na may ginagamit siya tulad ngayon. May kakaiba akong naamoy sa paligid. Tumawa siya bigla.

"Alam mo pala eh? Ano? Tinatablan ka na ba?" aniya na nagdulot ng kaba sa akin. Alam ko kung ano tinutukoy niya pero hindi ako papayag na magawa niya ang gusto niya.

"Freyja," napaangat ako ng ulo nang marinig ko si Black.

"Black..."

Alam ko nag-aalala siya sa akin pero hindi niya pati saktan si Seb.

"Tumawag na ako ng tulong," aniya dahilan para kumalma ako. Hindi ko man alam kung paano a kanino sya humingi ng tulong, pero sigurado ako na nagsasabi siya ng totoo. Sana nga lang hindi pa huli ang lahat pagdating nila.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro