Chapter 54: Date( Part 2)
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi ni Savior ngayon sa‘kin.
“Pag sinaktan ka nya, aagawin uli kita. Andito lang ako max! Sa ngayon sa kanya kana muna.” tumayo ako para yakapin sya.“ Go kana baka malate kayo sa usapan oras na sinabi nya.” umalis agad ako nang lumayo ako sa yakap nya.
Mabilis kung tinungo ang motor at umangkas agad dito. Pinaandar kudin agad pero bago ako tuluyang makaalis kumaway muna ako sa kanya.
Ba’t kasi kailangan pang sa favorite place nya gusto na pumunta ako don midyo malayu layu din don. Mabuti nalang kinabisado ko mga lugar dito kung hindi baka naligaw na ako.
Malapit na ako sa part na‘yon nang may humarang sa tatlong van sa harapan ko kaya mabilis ko agad itong naiprino.
Napababa ako sa motor nang mapansin unti unti itong bumaba nang sasakyan nila at lumapit sa‘kin.“Anong kaylangan nyo? Sino kayo?”
“Dalhin sya.” dinig kung utos nong isang lalaki na may hawak na baril na kunin ako. Pero nagkusa ang katawan ko na makipag away.
Kahit ang sarili ko. Nagulat nalang bigla nang sipain ko ito sa bandang may kilid nya.
Ilang beses akong umilag, ilang beses din akong sumuntok at sumipa, naiinis ako baka hindi ako maka abot sa oras na sinabi ni brix sa‘kin . pano kung hindi nya ako hintayin?Pano kung pagdating ko don wala na sya.
Hindi ko din alam kung ang mga ito? Kung anong kailangan nila sa‘kin. Kung anong nagawa kung kasalanan dahil sa pansin kung balak talaga ako nito patayin
Napaharap ako don sa kabila at sakto pag harap ko tumama sa‘kin ang kutsilyong hawak nong isang lalaki. Napaatras ako nang maramdamang kumirot ito pansin kuding may dugo na tumulo. Pero nilakasan ko padin ang loob ko na tapusin ang gulong ito. Pagkatapos sumakay ulit ako sa motor para tumungo sa place ni brix.
Kagat labi akong pumasok don , at tanging mga roses lang ng naabutan ko , at wala nang brix ang nandon. Hindi nya manlang inabot sa 7 ang paghihintay sa‘kin.
Napapikit ako nang kunti nang naramdamang naninilim ang paningin ko. Kaya naman pumasok agad sa isip ko na tumungo sa ospital.
_____
√Kent Point of view√
×BAR×
•••••••••••
“Ano daw ba meron? Mag aalas otso na oh? Matutulog na sana ako tapus titxt kayo ano ba nangyari?”
Bulyaw ni Tristan habang papalapit ito sa gawi namin. Actaully nasa bar kami ngayon 7:15 nang nag txt sya sa‘kin. Ganon din sa iba na pumunta dito sa bar so ayon pumunta nga kami.“Iwan ko dito kay brix pagdating ko ganito na‘to mukhang tanga na iwan.”
“She’s ignoring our date, di nya ako sinipot. Did you know na ginawa ko ang lahat para maging maganda ang date namin, but why? Mas pinili nya padin ang Pinsan ko.”
“Baka naman kasi late lang nang dating brix?” tanong ni Kenno dito saka lumagok nang beer.
“Kung nalate sya(Huk!) Magtetxt sya sa‘kin. Hindi ‘yong pinaghihintay nya ako. Lester me-meron kabang granada dyan?”
“Ako? Granada? Gago kaba! Mukha bang may granda ako?”
“Meron ako pre, ano lang bomba!”singit ni Clenthon
“Tanga kaba pre, granada at bomba iisa lang ‘yon.” sabat ni Xaijohn.
“Ang sakit Huhuhu! Ang sakit nang puso ko mga pre? Parang tinusok nang kutsilyo! Parang dinurog nang bato HUHUHU parang winasak nang martilyo! Sobrang sakit!! Hindi ko kaya. ‘yong puso kung lumilipad sa tuwing nakikita ko sya ngayon parang nakabaon na. Parang inilibing na kasi ang sakit huhuhu!”
Tahimik nalang din ako pati ang iba nang mapansin umiyak si brix oo umiiyak ang loko. Kalalaking tao uniiyak.
“Panyo pr—BOOOGGGGSSHH!!!”
“Alangya naman Chester hanggang dito ba naman?” Bulyaw ni Daryl dito.
“Brix pre? Umiiyak kaba? Umiiyak ka dahil lang sa babae? Aba naman!”
“Wag—Huk! Wag... Mo akong kausa—hik! Kausapin Sean huhuhu hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon! Hindi mo nafefeel ang hinagpis nang sakit sa puso ko. Pakiramdam ko ba ay para bang chinapchap ito nang maliliit sobrang sakit!”
“Ang corny mo dude!”
“Ang pangit mo palang tignan pag nalalasing brix!”
“Yay! Ikaw ‘yan dre? Lasing kana ba?”
“Tanga kaba! Kita mo nangang lasing magtatanong kapa! Lutang kaba?!”
“OHHHH!! TAGAY!! KAMPAYYY UMUN....HIK!! UMINOM KAYO HAHAHHAHA KAMPAY PARA SA PUSONG INIWAN , HINDI PINILI AT PINAGPALIT SA IBA!!”
“Ikaw lang ang hindi pinili pre! Wag muna kami—
“SSHHHHH!! KAMPAYY WAG KANA MAINGAY KAMPAY NA TAYU!! KAMPAYY!! SA SUSUNOD MAHAL KO KAYOO!! I LOVE YOU MGA PARE!!”
Wala na! Mukhang nangingilabot na ang balahibo ko sa pinagsasabi nang lalaking ‘to.
“I love you to pare!!” sagot ni Sean saka umakbay kay Brix. Isa rin to eg embes na sumuway sinabayan pa.
“Ba—bakit ikaw lang huh... Huk!! Shila” turo samin.“ di pa shila mag I love you shakin? HOYY KAYO!! I LOVE YOU MGA PARE!! KAMPAYYYY INIWAN DIN KAYO !! AKO HINDI PINILI TAPOS KAYO INIWAN!! OHH KAMAPAY!!”
wala si luke dito, labing isa lang kami at si Brix lang ang sunod sunod na umiinom at kami naka alalay lang sa kanya. Walang balak na uminom mahirap na baka naman kasi magkaron nang kaaway to dito.
“Dre, ikaw lang din ang iniwan.”
“At ikaw lant din ang di pinili pre.”
“Oo nga wag muna kaming idamay.” isa isang sabat nina shan dito. Ang mga gago! Lasing nanga tropa nila pinagtritripan pa ibang klaseng mga gagong to.
“ANO—HIK! ANONG AKO LANG HUH? AKO NALANG PALAGI! AKO NANGA ANG NASHAKTAN!!”
“pre it’s ‘nasaktan’ not nashaktan.”
Pagtatama ni ko sa sinasabi nya.
“NO!!! IT’S NASHAKTAN PRE HIK! NOT NASHAKTAN! OH C’MON SHUT YOUR MOUTH AMOY KA ALAK LASHING KABA HUH?”
napakamot ako sa batok ko nang itanong nya ‘yon sa‘kin mukha ba akong lashing este lasing? At ginawa pa akong lasing.
“Tama na‘yan dre , uwi na tayo may pasok pa tayu bukas eh.”
“AYUKO. walang PASHOK BUKAS! UTOS KO‘YAN!”
“Dre! May pasok bukas, utos ni shan ‘yon.”
“Teka? Anong ako? Nananahimik ako dito eh dadamay nyo‘ko.” nakangusong sagot ni shan habang inis na nakatingin samin.
HAHAHAHA epic nang mukha parang binagsakan nang langit nang lupa eh.
“Oy wala akong dalang wallet dito.” saad ni lester.
“Ako din wala.”
“SAME!” sabay sabay naming sabi saka lumingon kay shan.
“Oh ba’t kayo nakatingin sa‘kin?”
“Pre , wala kaming pambayad! Ikaw na muna bahala mag bayad ah.” saad ko.
“Tangina! Ako na kakarating lang tapus ako pagbabayarin nang alak na inorder nyo! Suntukan nalang?”
“Ikaw daw kasi suki nang utangan, wag kana mag reklamo mayaman kanaman eh.”
“Mayamanin mo mukha mo.”
HAHAHAHAAH ‘yong suki namin nang utangan nagrereklamo na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro