Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25 : The truth

“Teka?San tayu pupunuta? Uuwi naba tayu?”

“Malay ko sa inyo! Basta ako gusto kung mapag isa.”


“Punta nalang tayong school mag lulunch na din eh. Mas magandang magandang tumambay don.”


I said habang nakasunod sila sa likuran ko.

*****

√Luke Point of View √

“Are you ok?”

Nasa likod ako nang campus sinundan ko si maria dito. Alam ko naman kasing dito sya tatambay sabi nya kasi mas maganda daw ang hangin dito.


“Uhmm hehehe.. Ayos naman ako.”


Napatitig ako sa mga mata nya,  at kita ko kung gaano ito nasasaktan. Kita ko sa mga mata nya ang luhang gusto nya nang pakawalan pero bakit ayaw nyang umiyak?


“Pagod na akong umiyak Luke,  simula ng buhay pa ako. Puro iyak nalang ginagawa ko kaya naman kahit gusto kunang umiyak wala nang luha ang bumabagsakt kasi sanay na ang mga mata ko at sana‘y nadin ang pusko.”


Lumapit ako sa kanya saka hinipo ang buhok nya.“Pasensya na di kita naipagtanggol.”


“Ayos na ako. Pero alam mo ba nong nagpaiwan ako don sa ospital? Nadinig ko na kasinungalingan lang ang lahat. Na hindi naman pala totoong may sakit si Kim.  Nakakainis nga eh kasi ayaw maniwala ni brix sa‘kin. Gusto ko syang pigilan kasi  ayukong maloko ulit sya pero nagpaloko at nagpadala ulit sya. Ganon ba talaga kayo luke pag alam nyong multo ang nagsasabi nang totoo hindi paniniwalaan.”



“Ma—maria?”



Halos maikuyom ko ang kamao ko dahil sa galit kaya naman pala. Damn it bro!


“Baka ito ang huling pag uusap natin luke kapag—kapag lumipas ang isang araw na hindi pa ako nagpapakita sa inyo ibig sabihin lang non. Wala na ako at ang saya ko kasi nakilala kayo!”

Hindi ko alam pero sobrang lungkot ng nararamdaman ko. Sobrang sakit kaya naman nagawa ko syang hilahin at yakapin.



“Bakit kaso hindi ako ang minahal mo? Bakit hindi nalang ako maria? Andito naman ako? Andito ako para mahalin ka? Para alagaan ka kahit ganyan ka? Pero bakit sya? Bakit sya pa?”



“Hindi naman pinipilit ang puso luke nagkukusa lang. At nag kusa ang puso ko na mahalin ang kaibigan mo lahit na alam kung balang araw masasaktan ako at iiwan ko kayo. Ganyan naman talaga mag mahal diba? Kailangan mong masaktan para tumatag ka. Para malaman mong hindi lahat nang oras na aayon sa‘yu ang panahon. Hindi ka namang mahirap mahalin eh.”

Nanatili akong nakayakap sa kanya. At ramdam kung may kung anong basa ang tumutulo sa mata ko. Umiiyak ba ako?


“Umiiyak kaba?”


Napahiwalay ako nang yakap sa kanya saka nakipagtitigan. Ngumiti naman ito at maiging pinunasan ang luha ko.


“Wag kanang umiyak,  pero kung mabubuhay man ako  at magkita tayu ulit,  ikaw na ang mamahalin ko. Ikaw na ang pipiliin ko.”

Ngumiti ako bilang tugon sa kanya. At niyaya itong umupo. For the first time umiyak ako sa isang babae at babaeng multo pa. Iibig nalang nga din ako sa babae multo pa.


“Alam mo ba? Wish ko mahanap mo nalang ang babaeng mamahin ka nang buo. Tulad nang pagmahal mo sa‘kin ngayon.”



“Pero hindi ka padin malilimutan nang puso ko kahit ano man at sino man ng babaeng pumasok sa puso ko.  Kasi ikaw ang unang babaeng nagpatibok nang puso ko.”



“Maaaring hindi mo ako makalimutan pero meron talagang pagkakataon na mawawala ako sa isip mo. Hindi naman minamadali ang pagkalimot eh kasi dinadahan dahan lang ‘yan.”



“Sana hindi nalang matapos ang araw na‘to,  sana habang buhay nalang kitang kasama kahit hindi mo ako mahal basta makasama kita ayos lang sa‘kin.”




“Lagi mo naman akong makakasama eh.”

Napatingin ako sa kanya habang sinasabi nya ‘yon. Ang lalim nang sinabi nya parang may ibig sabihin pero kung talaga ngang lagi ko syang makakasama sana maramdaman ko.“Pano kaba mawawala?”




“Tanggap kuna ang sarili ko na patay na ako. At masaya na ako don kaya sana tanggapin nadin nang puso mo na mawawala na ako.”



“Ba’t parang ang sakit?”



“Nasasaktan ka kasi hindi mo matanggap. Hindi mo matanggap na aalis na ako. Kapag tinanggap mo at pinaraya muna ang sarili mo hindi kana masasaktan. Alam mo ba? Ikaw ang pinakamabait na kaibigan na nakilala ko! Hehehe siguro kung naging kahawig mo si Reewiz maaaring ikaw na din ngayon ang mahal ko.”


“Pwede namang maging ako sya diba?”



“Hindi luke! Hindi ka magiging sya. Kasi sya patay na at ikaw buhay pa. At mag kaiba kayo nang pagkatao.”

Sa bawat pag bitiwa nya ng mga salita pakiramdam ko halos lahat tinatamaan ako. Childish sya pero pag dating sya ganitong bagay ang seryuso nya. Ganito ba masaktan ang isang multo.



“Teka asan pala ang iba? Bakit hindi mo sila kasama? Galit ba sila sa‘kin dahil sa pag aaway nyo ni brix kanina? Huhuhu di ko naman kasalanan ‘yon eh wala naman akong ginawa luke diba? Wala naman akong kasalanan.”



“HINDI KAMI GALIT SA‘YU!”


Sabay kaming napalingon ni maria sa may likuran namin ng makita namin don ang mga tropa ko.


“Ba’t andito kayo? Akala ko ba? Di kayo papadok?” tanong ko sa kanila. Pero embes na sumagot ito sa tanong ko ayon mas inuna pang makipag harutan kay maria kayda sagutin ang tanong ko.

“Mas magandang pumasok kaisa makipag harapan kina brix at kim don sa ospital.”

Reklamo ni Kent saka nakipag ngitian kay maria.

“Ayos ka lang ba maria?”


“Oo nga hindi kaba nasasaktan?”


“Sorry wala kaming nagawa kanina.”



“Anong plano mo maria? Babalik ka paba don para kausapin si brix?”

Sandaling nagkaron nang katahimikan dahil don sa tanong ni clenthon kay maria. At pare pareho kaming nagkatinginan na para bang sinasabi sa isa‘t isa kung bakit tumahimik. Bakit nga ba sila tumahimik?



“Aalis na ako!”

Halos lahat nagulat sa sagot ni maria except sa‘kin na nanatili lang nakatingin sa reaction nang mga kaibigan ko.



“Aalis na ako! Pero mananatili kayong lahat sa puso ko. Pero kung sakali mang magkaron nang pagkakataon na mabuhay ako at sa ibang katawan tapus makalimutan ko kayo sana ako hindi nyo malimutan.”


“MARIA?!”



“Pangako nyo sa‘kin. Hindi nyo ako kakalimutan kahit ano man ang mang yari? At sana matupad nyo mga pangarap nyo ah. Para sa‘kin hehehehe!”


“Per—



“Aalis na ako. Paalam!”



Isang malakas na hangin ang biglang nagpadala samin para pumikit kami at sa pag dilat namin wala na ang babaeng mahal ko ang babaeng kaibigan namin ang babaeng naging dahilan nang pag ngiti namin ang babaeng nagbigay nang kasayahan samin.



“Asan na?”



Tumalikod ako at nilagay sa bulsa ang mga kamay ko.“She’s gone.”  sagot ko sa tanong na‘yon at alam kung naiintindihan nila kung anong sinabi ko kaya naman hindi na ito nagtangka pang mag tanong sa‘kin bagkus ay sumunod nalang sila pabalik sa main.

Babalik na naman ba sa pagiging tahimik ang buhay namin? Tssss!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro