Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22: Yong tropa mong walang kwenta kausap

“Pano na‘yan les? Pano ka hihingi nang sorry don sa babae?”

“Nakakain ba ang sorry para hingin ko?”

“What I mean Is? Kailan ka mo sya bibigyan ulit nang sorry?”

“Bakit? Nanghihingi ba sya nang sorry ko?”

Alangya! Ano naman kayang nakain nito at walang kwenta kausap.

“Oy laru nalang tayu habang papunta sa school?”

Biglang saad ni Tristan na sinang—ayunan naman namin. Nakakabuang na kasing kausap tong lalaking to eh.

“Ok What "S" (Sampaguita) is the national flower of the Philippines?

“ Sunflower?” biglang pagsagot ni  kenno dahil para mapangiti kami. Madali lang naman pala eh.

“Hindi. Binebenta ito sa kalye.”

Iling —iling na sabi ni tristan kaya napakunot noo naman ako.

“Stork?” sagot ni  Xaijohn.

“Hindi. Bulaklak sabi eh.”


“Sitsarong bulaklak?” sabi ko.

“Hindi pa rin. It ends with a letter "A".”

“Sitsarong bulaklak na may suka?”

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano? HAHAHAA akala ko madali lang. Akala lang pala—

“ Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa! Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A", at kapangalan ng isang sikat na singer?”


“Si...Sharon Cuneta!”

Biglang  sabat ni kenno na kinatahimik namin.

“Ang corny naman nang pasagutan mo dre,  ito nalang What is INNER ROW?”

Nakangiting tanong ni  Daryl samin habang nag dadrive nang sasakyan.

“Inner Row is that which comes before Pibrerow, Marsow, Abril, Mayow...”

Sagot ni Lester.

“Ang O.A naman ,  ito may sasabihin ako sa inyo matagal kunang gustong sabihin to eh. Kaya lang ayaw nyo kung pakinggan”

“Ayusin mo sasabihin mo Sean ah. Pag ‘yan walang kwenta mapapatay kita makikita mo.”

Pagbabanta ko dito saka umayos nang upo.

“Kahapon kasi lumabas ako nang campus tapus biglang hindi na ako pinapasok nong guard na kalbo kaya nakiusap ako don sa guard na may buhok sa sobrang inis ko dahil ayaw talaga ako papasukin inaway ko.”

“Yong guard na may buhok?”

Tanong ni chester.

“Hindi yong walang buhok,  tapus nagalit din sa‘kin.”

“yong walang buhok?” seryusong tanong ni xaijohn dito.

“Hindi ‘yong may buhok. Kaya naman nakipagtalo ulit ako.”

“Don sa may buhok?” kunot noong tanong ni shan

“Hindi don sa walang buhok,  tapus nang papasok na ako bigla akong tinulak palabas ulit.”



“Nong walang buhok?” sambit ni lester


“Hindi nong may buhok,  kaya naman pinapili ko ito kung papasukin ba ako o masisisante sya.”


“Yong may buhok?”


“Hindi ‘yong walang buhok.”

Halos lahat kami nagpipigil nang galit dito sa loob nang sasakyan at kunti kunti nalang makakapatay na kami nang tropa na wala sa oras nakakapunyenta na.


“Tangina mo pre,  Pagsinabi naming may buhok ikaw naman walang buhok,  pag sasabihin naman naming walang buhok ikaw naman may buhok ano ba talaga! Umayos kanga kung ayaw mong natadyakan ‘yang ngala palabas nang planeta.”

Inis na bulyaw ni  Daryl dito na kanipa nang gigil. Halos ifull nanga pagpapatakbo sa manobela eh.

“Oo nga! So ano na nagyari?”

“Alin? Don sa walang buhok?”



“HINDI! DON SA MAY BUHOK.” sabay sabay naming sagot sa pagmumukha nya.



“Ang gulo nyo naman kausap eh. Itabu nyo na at nang makababa na ako? Malapit na tayu sa campus. Hystt mga wala talaga kayong kwenta kausap. Pero btw pinapasok na ako.”


“ALIN DON? ‘YONG MAY BUHOK?”


“Hindi ‘yong walang buhok.”

Halos mag unahan kaming lahat sa pag labas nang sasakyan para lang maabutan si sean at nang matadyakan nang wala sa oras putangina lang.


“HOY SEAN BUMALIK KA DITO DI PA KAMI TAPUS SA‘YO!” sigaw ni  kenno dito sa hallway.

Susunod na sana kami sa pagtakbo pero napatigil kami nang dumating si Luke nang mag isa.

“Oh asan si Brix?”

Tanong ko dito habang tinitignan ang likod nya malay nyo naman diba? Nasa likod nya lang si brix tumago.


“Nah. Nasa ex nya! Maria told me na pagkatapos maligo ni brix nakatanggap ito nang tawag galing sa ospital kaya nagmadali itong pumunta don. Tsskk! Paki bugbog nga ‘yang isa nating kaibigan baka ako pumatay ‘yan masydong marupok kahit siguro sa harap nya pa mag halikan babalik at babalik padin sya.Bullshit!”


Ano na naman ba ang ginawa ni brix? Alam ba ‘to ni shan?



“Oy shan alam mo”



“Oo nag txt sa‘kin kanina eh. Di kuna nasabi nabusy din kasi ako don sa kwento ni sean na walang kwenta.”


“Teka? Pano si maria asan ba si maria?” sunod sunod na tanong ni  kenno samin.


“Ba’t samin ka nagtatanong? Kami ba ang magkasama magdamag?” pabalang na sagot ni  chester dito.


“Teka ang mabuti ba hanapin nalang natin si maria? Tapus kausapin natin.  Wag na muna tayo pumasok byernes na naman ngayon eh.”



Sumang ayon nalang  kaming lahat sa sinabi ni lester. Mas malaga ngayon ang nararamdaman nang kaibigan naming multo kaysa sa pag pasok namin sa school baka bigla nalang mag laho ‘yon nang hindi namin alam.


****

√MARIA Point Of View√

Nakaramdam akong nang may humihipo sa buhok ko kaya naman napa angat ako nang ulo at kita ko si brix na nasa tabi ko nakangiti habang nakatingin sa‘kin.


“Magandang umaga.”


“Magandang umaga naman.” nakangiting pati ko dito saka sya niyakap.

“Dito kalang ah. Maliligo na muna ako!”


Tumango nalang ako bilang sagot at hinintay na matapos sya maligo. Mga ilang minuto pa nang tumunog yong cellphone nya kaya nilapita ko agad ito  hindi ko alam kung sino ang tumatawag kasi wala namang pangalan ang nakalagay.


Makalipas ang ilang minutes na pat hihintay ko.. Lumabas din si Brix at nakabihis na sya tapus lumapit sya sa cp nga at sinagot ito.

Napakunot noo naman ako nang mapansing parang nabigla sya kaya lumapit na ako dito.


“Anong nangyari? Sino ‘yon?”


“Doktor ni Kim ,  nag collapse daw si kim sabi nang doktor. Dito kalang ah.”



“Wag kana pumunta brix? Hindi naman totoo eh.”


“Maria? Buhay ang pinag uusapan dito ok? Kailangan kung puntahan si Kim ngayon baka mapano ‘yon.”


“Hindi mo ako naiintindihan eh. Hindi naman totoo na nagcollapse baka nagpapaggap lang. Wag muna akong iwan.”



“ANO BA! BUHAY NANG EX KO ANG PINAG UUSAPAN DITO. KUNG NAGSESELOS KA  WAG KANG MAGPAPAKITA AYOS LANG NAMAN NA IWAN KITA DITO KASI MULTO KANA! AT YONG BABAENG NASA OSPITAL BUHAY PA NAIINTINDIHAN MO BA?”


napabitaw nalang ako sa kamay nya saka ngumiti at sinasabing puntahan na ang ex nya. May tiwala naman ako sa kanya eh. Pero bakit sya ayaw maniwala sa‘kin? Totoo naman ang sinabi ko eh. Pano kung yong nadinig ko sa ospital ay ginawa na ni kim.

Ang hirap naman kasi makipag kompitinsya sa isang totoong tao diba? Don palang talo na ako. Kahit na sabihin na hindi na sila mag kasintahan pero sa nangyayari ngayon? Baka nga magkabalikan sila.

Ayuko na sa ganito gusto kunang mag laho at di na bumalik.


Napatigil ako sa pag mununi muni nang mapansin kung saan na ako napunta. Hindi ko alam pero tila ba parang familliar sa‘kin to?


Di—dito ba ako na—namatay?







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro