Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16 : Selos

“Bakit bawal ba ipagloto ang multo? At saka malay mo ngayon kumain na sya diba maria?”

“Ano kakainin ko?”

“Ano ba kina kain mo?”

Tanong ni  tristan dito? Kaya naman nanatili akong nakatitig sa kanya at hinihintay ‘yong sagot nya.“hindi naman ako kumakain eh? Kayo ba kumakain kayo?”

“Ang O.A naman nang tanong mo maria. Syempre kakain kami dahil kapag di kami kumain idi mamamatay kami.”

“Hallaa kaya pala ,  nanghihina ang katawan ko kasi hindi ako kumakain so ibig sabihin mamamatay din ako ganon ba?”

“TANGINA !” sabay sabay na mura namin except kay brix na nasa gilid at galit na nakatingin samin. Gago! Anong problema nito.


“Kita nyo na huhuhu! Mamamatay pala ako huhuhu kaya pala ayaw nyong sumagot.”


“Hahahaha patay kananga tapus mamamatay ka ulit? Ano ‘yon double kill?”

“Nakakatawa kent! Nag jojoke kaba?” tanong ko dito na kinatigil naman nang pagtawa nito.

Napatingin naman kami sa pinto nang bumukas ito at iniluha nito si luke na parang badtrip na batrip. Ano din naman kaya ang problema nito.

“San ka galing luke?”

“Don nanood nang naghahalikan.”


“Wehhh talaga! San banda?”

“Tsskkk!!”

Nagkatinginan nalang kami nang ibagsak nito nang malakas ang pinto. Uso ba problema ngayon? Ba’t ako wala?


“nasundo muna ba kaibigan mo luke ?hehehe!”

Tanong ni maria dito. Mabuti pa ‘to alam,  kami hindi. May dapat ba kaming malaman sa dalawalang to? Este sa tatlo pala.

“May pasok paba kayo mamaya?”

“Parang wala na. Byernes na naman ngayon webes naman ngayon eh kaya mga mga vacant tapus bukas isang subject lang ang meron.”

Paliwanag ko habang nakikitulong nadin sa gagawin ni daryl. Habang ‘yong iba naman busy sa cellphone nila.

“Oh brix san punta mo?”

Tanong bigla ni kenno dito kaya naman napaangat din kami nang ulo.“Oo nga dre? Ba’t parang alalang alala ka?” pahabol na tanong ko.


“Nasa ospital daw si kim and I neex to go there baka walang may nagbabantay sa kanya.”

“Pano mo nalaman?”

“Nagtxt sa‘kin isa sa mga friends nya.”

“Aba sasama kami,  baka pagbalik mo may kayo na ulit.”

So yon nga napasama kaming lahat papunta sa ospital habang tong ni luke naman at maria tahimik lang aa gilid parang namatayan lang eh.

“Ayos kalang ba?”

Mahinahong tanong ni luke kay maria na ngayon ay nakasungaw sa bintana.

“Heheheh oo naman ikaw ba? Luke ayos kalang ba?”

“I steel ok,  kahit na alam kung mahal nyo ang isa‘t isa.”

“Huh?”

“nothing.”

Nothing daw,  kahit nga ako nadinig ko eh tapus nothing Inlove to kay maria eh. Sigurado ako ah basta ako kahit naman inlove ako kay maria wala din namang pag asa kaya move on na lilipas din naman diba.

“Oh luke a— ARAY KO  naman ba’ kaba nananapok!”

“Sabi ko sa‘yu ayusin mo pag bigkas nang pangalan ko wag munang sabayan nang oh? Ang bastus pakinggan eh.”

Inis na reklamo nito pagkatapos nyang sapukin sa ulo si kenno. HAHAHAHA oo nga naman ang pangit pakinggan parang olok lang tama ba?

Mga ilang minutes pa nang makarating kami sa ospital. At dali daling bumama si Brix sa sinasakyan namin kaya naman hinawakan ito ni Sean.

“Dre! Baka nakakalimutan mo niloko kanya,  kung ano man ang sasabihin nya sa‘yu plss lang wag kana magtiwala huh? Tama na pagiging tanga.”

Tumingin muna ito kay maria saka sumagot.“ Don’t worry I can handle my self.” sagot nito saka umalis.

****

√ Maria Point Of View√

Bakit ganon? Kahit na alam kung may nararamdaman sya sa‘kin ba’t di padin maalis sa isip ko ‘yong pag aalala na baka isang araw mapagtanto nyang mahal nya pa talaga si kim at mapagtanto nyang multo lang talaga ako at hanggang don nalang ‘yon.


“Oh ba’t kayo nakatayu dyan arat na at sundan si brix marupok pa naman ‘yon baka mahulog ulit ‘yon sa bitag pambihira.”

Napabalik ako sa pag iisip nang magsalita si Tristan. Ba’t ganon? Ba’t parang sinasabi nang isip ko na wag akong sumama at baka masaktan lang ako. Pero nag kukusa ang mga paa ko na sumunod sa kanila.


“Ms? Anong Room nakaconfine si Ms Kim Denise Nuñez? May I know kung anong room nya?”

Tanong ni clenthon don sa babaeng nababalot nang puti na ang tawag yata ay nurse sa pagkaka alala ko. Sa taon kasi namin meron nang ganito eh. So ibig sabihin nasa ospital nga kami. Tama ospital nga nag tanga ko naman.

Ba’t ngayon kulang napansin taong 1985 ibig sabihin karamihan sa mga salita nila ngayon at mga gamit meron kami. Pero bakit hindi ko sila maintindihan? Bobo ba ako o pati utak ko naibaon nadin sa lupa nang namatay ako.

“kaano ano nyo po bang ang pasyente sir? Kapated nya po ba kayong lahat? Ang dami naman po?”


“Wala kaming kapated na malandi.” biglang sabat ni  kent dito.

“Tumahimik kanga!” pag susuway ni  Xaijohn dito.

“No ms. She’s my tropa’s ex so pwede ba namin malaman anong room nya?”

“ah nasa room 245 po sir nasa third floor.”

“Salamat.”

Umalis na kami pagkatapos magpasalamat ni tristan. Hindi na ako sumabay sa kanila kaya ko naman mag laho eh. At biglang sumipot kung saan kaya hinanap ko nalang ang  number na 245 para makita kuna agad si brix.


At napangiti nalang ako nang makita ko agad ang numerong hinahanap ko kaya naman tumagos na ako sa pinto at halos matumba nalang ako nang makitang naghahalikan ‘yong dalawa.

Tila ba hindi ako makagalawa sa nakikita ko. Hanggang sa maramdaman kung bumukas ang binto sa bandang may likuran ko na kinatigil nong dalawa.

“Ma-maria?”


“Ma-maria?who’s maria brix?”

Takang tanong nong babae kay brix nang banggitin nito ang pangalan ko.

“Ah kaya pala gusto mong pumunta agad dito it’s becuase para makipag halikan sa babaeng ‘yan.“Turo ni luke don kay kim” akala ko ba dre mahal mo si maria?”


“Mag papaliwanag ako! Mali ‘yong nakita nyo ok?”

“Then explain it bro! Halos maglaplapan nanga kayo sa harap nang babaeng mahal mo tapus mali ‘yong nakita namin? Samin ayos lang sana kasi alam na naman naming marupok ka pero kay maria? Alam mo bang doble ang nararamdaman nya bukod sa—


Lumabas nalang ako at don at naupu sa upuan sa gilid nang pinto.


“I’m sorry!”

Napalingon ako sa gilid kung nang makita ko si brix don nakatayu na tila ba umiiyak.“Hindi mo naman ako iiwan dahil sa nakita mo diba? Magpapaliwanag ako maria.” dagdag nito.

Ngumiti naman ako saka lumapit sa kanya.“ayos lang naman sa‘kin  ehm ayos lang naman kung sabihin mong mahal mo pa sya. Kasi wala naman akong panama don eh. Totoong tao ‘yon tapus ako hindi. Kaya ayos lang talaga.”


“I'm sorry mali ‘yong nakita nyo. Hinalikan nya agad ako kaya nagulat ako at hindi ko sya agad nagawang ilayo sa‘kin pero maniwala ka. Ikaw na ang mahal ko kaya wag kanang magalit ok wag kana mag tampu.”

Napangiti nalang ako nang yakapin ako nito.

HAHAHAHA ang saya kasi kahit isipin nang mga tao ngayon na siraulo tong lalaking to kasi yumayakap sa hangin kahit wala namang kayakap dahil di nila nakikita. Pero ito parang wala lang sa kanya at nanatiling nakayakap sa‘kin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro