Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

33

C Y A N

Kasalukuyang nag-didiscuss ang aming gurong gurang ng biglang may pashnea ang umepal sa amin.

"Ma'am Yhou, excuse daw po sa representative niyo para sa darating na intrams. Papuntahin daw po sila sa gym para sa practice tapos mag-pipictorial na rin daw po."

Agad namang umikot ng 360 degrees ang mata ko dahil sa narinig ko. Ayokong ma-excuse. Like duh! Maghahabol na naman ako.

... ng lessons.

"Ms.Min and Mr.Jeon! Get out. Go to the gymnasium." katakot-takot na sigaw sa amin ni Ms.Yhou. Itong matandang to talaga walang pasintabi! Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas ng classroom.

Jusko lang talaga. Ito'y isang kapunyetahan!

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng maramdaman kong may tumabi sa akin.

"Hi..." nilingon ko siya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin.

"H-Hello." simpleng sagot ko sa kanya bago tumingin ulit sa dinadaanan namin.

"Musta na? Its been a month."

Ito, miss na miss ka na...

"Okay lang naman. Masaya. Ikaw?" nakangiti kong tanong sa kanya. Ngumiti din naman siya ng tipid.

"Kuntento na sa buhay."

"Naks naman! Masyado bang inlove kay Kellie?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Mahadera ka, Cyan! Napaka-plastic mo.

"Hindi naman. Masama kasi lahat ng sobra. Baka masaktan na naman ako..."

Napatungo naman ako dahil sa naging sagot niya sa akin. Hindi lang naman siya ang nasaktan. Mas masakit sa akin kasi ako. Ako mismo na nagsabi sa kanya na mahal ko siya ang bumitaw para lang hindi na siya mas masaktan pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro