17
C Y A N
5 new messages from Jeon Jeungguk.
▬▬
Luh? Anyare dito at ang daming message? Miss na miss ata ako.
"Asul, bumaba ka na dyan nandito na sina Cessia!" sigaw ni puti sa labas ng kwarto ko. Ano ba 'yan, aga naman kasing dumating ng mga sundo ko eh.
Cha-harhar lang.
"Teka lang! Nagmemedyas pa eh." sigaw ko pabalik.
"Medyas pero cellphone ang hawak? Iyong totoo, Asul? Isusuot mo phone mo sa paa?" nakapameywang na sabi ni Lilyn pagpasok nila sa kwarto ko.
Agang-aga umiiral pagiging daldalera niya. Tsk! Bagay talaga sila ni puti.
"Wow ha! Pinapasok ko kayo? Gusto niyong kasuhan kayo ng trespassing? Uso katok!" nakairap na sabi ko sa kanila ni Cessia bago sila sumalampak sa kama ko.
"Agang-aga highblood, bes? LQ ba kayo ni Ilong o break na kayo ng 'baby' mo?" tanong ni Cessia tsaka nag make face ng sabihin niya ang salitang baby.
"None of the above." maarteng sagot ko sa kanila.
"Ay pak ganon! Daming shiks." sabi ni Lyn sabay hataw sa likod ko.
"Kingina. Sakit ha! Sampalin kita d'yan eh." singhal ko sa kanya at inambaan.
Lakas makahataw akala mo di malakas pumalo. Sampalin ko siya tingnan ko lang kung hindi mag-360 degrees leeg niya.
"Chill. Ito naman! Si Ilong nga pala oh, nagdadrama sayo sa chat." sabi niya habang nakatutok sila ni Cessia sa phone ko.
Mga pakialamerang plat talaga.
"Ang drama naman nito. Sarap tapyasan ng ilong eh." rinig kong komento ni Cessia habang nagbabasa ng messages sa akin ni Jungkook.
"Ano bang sinabi ng sense organ na yan?" sabi ko bago isinakbit sa likod ko yung backpack.
Lumabas na ako at sumunod naman yung dalawang plat habang nakatutok pa rin sa phone ko.
"Nakakamis— Bakit ba?!" rinig kong sigaw ni Lilyn kaya napalingon ako sa kanila.
"Anong nangyayari sa inyo dyan?" tanong ko.
May ininguso naman si Cessia sa amin sa baba at pagtingin ko nandun ang mga Bangtagago.
"Ang gwapo ni Rapmon. Kingina!" bulong sa amin ni Cessia.
"Landi mo, bes." sabi sa kanya ni Lilyn bago tinulak si Cessia. Dire-diretso lang akong bumaba ng hagdan at hinayaang magtalo ang dalawa sa itaas.
Nakita ko namang nakatingin sa akin ang malaking sense organ na si Ilong.
"Puti, papasok na is me. Byers!" sabi ko sa kanya.
"Suga! Cyan!"
"Dave?"
Mabilis pa sa alas-kwatro kong nilingon ang lalaking tumawag kay Kuya.
"Oh my God. Dave!" tumakbo agad ako palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "I miss you." nakayakap na bulong ko sa kanya.
"I miss you more." marahang sabi nito bago hinalikan sa noo. Nakarinig naman kami ng bulungan sa paligid namin at may isang nangibabaw doon.
"Strike 2, maknae." rinig kong sabi ni Rapmon sa lalaking seryosong nakatitig sa amin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro