Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

15

Min Yoongi
active now

Puti
Hoy, Asul

Asul
Bakit?

Puti
Baba. Kakain na.

Asul
tawag mo si jhope?

Min Yoongi is typing...

Asul
dejoke lang ito na pababa na.

Puti
umayos ka.

✔ Seen: 7:31 pm

**

C Y A N

"Huy, puti." bati ko kay Yoongi pagbaba ko ng hagdan.

Inirapan lang niya ako at dumiretso sa kusina.

Sungit.

"Kuya, ganon ka na ba kabusy sa pag-rarap mo kaya sa chat mo na lang sinasabi yung mga kailangan mong sabihin?" tanong ko sa kanya pagkaupo sa harap ng hapag-kainan.

"Medyo? Ikaw din naman ah. Lagi ka nga lang nasa kwarto mo eh." simpleng sagot niya.

Bakit kaya ang cold ni kuya? Di ba niya nararamdaman ang hotness ko? Dejoke lang yun!

Napabuntong-hininga naman ako bago magsalita.

"Tayong dalawa na nga lang ang magkasama sa buhay pero parang nag-iisa lang ako lagi." mahinang bulong ko pero alam kong narinig ako ni kuya.

"Yan ka na naman. Diba sinabi ko sayo na hindi ka nag-iisa? Nawala man si mama at papa, andito pa rin ako."

Ito na naman ako. Lagi na lang akong naiiyak kapag napag-uusapan 'to.

"Kuya, bakit kasi sumunod agad si mama kay papa? Ganun ba kamahal ni mama si papa para iwanan niya agad tayo?" humihikbing tanong ko.

Naramdaman ko naman si kuya sa gilid ko at niyakap ako.

"Siguro nga mahal na mahal ni mama si papa kaya iniwanan niya na tayo. Katulad ko, mahal na mahal ko ang nag-iisa kong asul kaya hindi ko siya iiwan."

Swerte pa rin siguro ako kasi kahit wala na akong mga magulang may kuya pa rin ako na hindi ako kailanman iiwan.

"Kaya ikaw wag mo muna akong iiwan ha? Wag ka munang mag-boboyfriend. Lagot ka sa akin!" sabi niya bago ako batukan.

"Aray! Para saan naman yun?" tanong ko sa kanya bago tiningnan siya ng masama.

Sadista talaga 'to. Nyeta.

"Anong para saan! Ikaw ha. Tigil-tigilan mo si Jungkook. Bata pa yun! Child abuse ka."

"Lul. Mas bata pa ako don. Excuse me!"

"Gague! Ilang oras lang mas matanda sayo yun." sabi niya bago ako binatukan ulit.

"Mas matanda pa rin siya. Tanga!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro