Chapter 8
Napailing-iling na lamang ang killer habang natatawa dahil mas pinili ng buong klase na maghiwa-hiwalay. Tila hindi nila inisip nang mabuti ang pasya nila. Binibigyan tuloy nila siya ng pagkakataon para madali silang patayin.
Kaya naman noong naghiwa-hiwalay sila ay isinagawa niya na ang susunod niyang hakbang. Mas lalo siyang napangisi nang magka-ideyang hindi muna siya papatay ng estudyante, bagkus ay guro muna ang isusunod niya.
Inabangan niya na ang kawawang guro sa pasilyo ng ikatlong palapag, at nang malapit na ang guro sa kinaroroonan niya ay mabilis niyang tinkapan ng panyo ang bibig nito, at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.
"Subukan mong manlaban, at itatarak ko ito sa leeg mo," pagbabanta niya, kaya tumigil ang guro sa pagpupumiglas.
Agad niyang itinali patalikod ang mga kamay ng guro, pagkatapos ay binusalan ito, at hinarap ito habang suot ang malawak na ngisi sa kaniyang mukha. Nanlaki naman ang mga mata ng guro dahil sa pagkabigla nang makita ang mukha ng salarin.
"SURPRISE, SIR JOE!" bati ng killer sa guro, at hinila siya sa third floor.
"Babawian na kita ng buhay dahil wala ka namang kuwenta, eh! Hiningian din kita ng tulong noon pero dedma ka lang! Kaya no choice, papatayin na lang kita!" saad niya, sabay isinaksak ang bitbit niyang kutsilyo sa braso ng guro.
"HMMMPPHHH!" daing ng guro, at napatingin sa braso niyang nababalutan na ng sarili niyang dugo—walang humpay ito sa pag-agos.
Tinanggal niya ang busal sa bibig ng guro, at kasabay n'on ay ang pagdura ng guro sa mukha ng killer. Napakunot ang noo ng killer na nagngingitngit sag alit, at marahas na pinunasan ang kaniyang mukha.
"Walang hiya ka talaga!" singhal niya, at sinuntok ang guro sa sikmura.
Sasagot din sana si Sir Joe nang mabilis siyang tutukan ng killer ng kutsilyo. Itinikom niya na lamang ang kaniyang bibig, at nagdasal nasana ay makaligtas siya sa gagawin ng killer sa kaniya.
May kinuha naman ang estudyante sa kaniyang bulsa at muling hinarap ang guro na naliligo na sarili nitong pawis dahil sa takot.
"Take this! Lunukin mo iyan para mawala 'yang sakit ng mga saksak ko!" utos ng killer, ngunit napailing si Sir Joe.
"Bakit mo ba ginagawa ito? Maawa ka naman sa amin!"
"Awa? Lulunukin mo iyan o ang kutsilyo ang ipapalunok ko sa'yo?" pagbabanta naman ng killer, kaya dali-dali niyang ibinuka ang kaniyang bibig. Hindi naman niya kasi makuha ang bagay na iyon dahil mahigpit ang pagkakatali ng mga kamay niya.
Inilagay ng killer ang itim na bilog na kasing laki ng mga malalaking tablet sa bibig ni Sir Joe, at agad niya itong nilunok.
Mabuti na lamang ay pinainom ng killer si Sir Joe ng isang basong tubig. Hindi naging mahirap sa kaniya ang paglunok sa bagay na iyon. Tuluyang napangisi ang killer nang malunok na iyon ng kaniyang guro.
"Sa oras na pindutin ko itong remote na ito, sasabog ka na dahil diyan sa nilunok mo!" bulalas ng killer kasabay ng halakhak. Napaluha na lamang si Sir Joe dahil sa takot.
Sisigaw pa sana ang guro, ngunit binusalan na ulit ang kaniyang bibig, at iginapos siya nang mahigpit sa upuan.
"Paalam!"
DALI-DALING umakyat sina Eliana, Mariel, at Mich sa third floor, at nakita si Sir Joe na duguan. Nakahinga sila nang maluwag nang makitang buhay pa siya, ngunit nakagapos ito at nanghihina.
Bigla naman sumulpot si Geam na galing din pala sa second floor. "Anong nangyari?"
"Si Sir! Pinahirapan ng killer!" sagot ni Eliana.
"Dali, tulungan natin siya," saad naman ni Mich, at lalapit na sana sa guro, ngunit tila tumigil ang pag-ikot ng mundo nila dahil sa sunod na nangyari.
Napasigaw silang lahat na naroroon nang biglang sumabog ang katawan ng guro. Tumalsik ang maraming dugo sa kanila, maging ang mga laman at buto niya ay nagtalsikan.
"Anong nangyari rito?" Biglang sumulpot ang iba pa nilang mga kaklase nang marinig nila ang pagsabog.
"Ano ang pagsabog na iyon?" tanong ni Joanne, at napatingin kina Mariel, subalit unti-unti siyang nabibigyan ng kasagutan dahil sa nakita niyang nagkalat na mga laman at dugo.
"Iyong katawan n-ni Sir... s-sumabog," nauutal pa na tugon ni Mariel, at napatulala na lamang siya.
"Mas masahol pa sa demonyo ang may gawa nito!" bulalas ni Bella, at kumawala ang mga luha sa mata niya.
"Siguro kayo ang salarin, ano? Ikaw, Mich, umamin kayo!" duro ni Mhen kay Mich.
"Hindi! Nagkakamali kayo! Hindi kami ang may gawa n'on!" pagdedepensa naman ni Mariel.
"Bakit mo ba kami pinagbibintangan?" singhal naman ni Eliana, at hinablot ang kuwelyo ng damit ni Bella.
"TAMA NA! Hindi ito oras ng pagtatalo, at ikaw, Eliana, binibigyan mo lang kami ng dahilan para isipin na kayo nga!" pag-awat sa kanila ni Jana.
"Kailangan nating mahanap agad ang killer. Humanap tayo ng mga bagay na maaaring magbigay ng clue," entrada ni Mae, at pilit niyang iniiwas ang kaniyang tingin dahil sa mga nagkalat na dugo't laman.
"Paano itong nagkalat na dugo?" tanong ni Jelyn, kaya napatahimik ang lahat dahil pare-pareho silang ayaw linisin iyon. May iba pa nga na naduwal dahil sa nakasusulasok na amoy.
Sino ba ang may gustong maglinis ng dugo at nagkalat na lamang loob?
"Iwanan na lang natin dito," sagot ni Mariel. Lahat naman ay sumang-ayon sa kaniya dahil wala namang may gustong pulutin ang mga laman at punasan ang dugo.
Bumaba na silang muli, at namuo ulit ang tensyon. Nagpakiramdaman sila sa isa't isa kung sino nga ang killer.
"May naisip na akong plano," pambasag ni Bella ng katahimikan. Malamang ay susundin siya dahil siya ang kanilang class president noon.
"Anong naisip mo?" tanong ni Mariel sa kaniya. Sa wakas ay tila nakiki-ayon na si Mariel sa kaniyang mga kaklase.
"Mag hati-hati tayo sa tig-tatlong miyembro nang sa gano'n ay mas mabantayan natin ang isa't isa, at tuwing umaga tayo magkikita-kita. Kapag kulang kayo sa ating pagkita-kita, ibig sabihin ay nasa inyong grupo ang killer," paliwanag niya sa buong klase.
"Pero paano natin mapoprotektahan ang isa't isa?" tanong pa ni Rae.
"May mga knives sa dining hall, kumuha na lang tayo ng tig-isa tayo," sagot ni Bella.
"Mamayang gabi na lang tayo maghiwalay," suhestiyon ni Geam, at tulad ng kay Bella, sumang-ayon silang lahat.
Sumang-ayon na naman sila sa planong walang kasiguraduhan kong tama o epektibo nga ba. Tila ba hindi nila masyadong iniisip ang mga sunod nilang hakbang, dahil nakasalalay sa kanilang plano ang kaligtasan nila. Isang pagkakamali lamang nila, maaari na naman silang malagasan ng kasama.
Estratehiya at tamang plano ang kulang sa kanila. Kumbaga sa gaming world, baguhan pa lamang sila't hindi pa nila alam ang kanilang ginagawa.
"May ideya na ba kayo kung sino sa atin ng killer?" tanong naman ni Eliana. Nakapamweang pa siya na tila siya ang boss sa kanila.
"Siguro naghihiganti siya o baka naman may galit siya sa mga pinatay niya," sagot ni Mariel, kaya napatingin naman sa kaniya si Joy. Ang mga tingin niya, tingin na pinagdududahan ang sagot ni Mariel.
"At paano ka nakasisiguro?" asik ni Joy.
"Napagtanto ko lang dahil wala naman sigurong ibang rason ang killer para gawin niya iyon," sagot pa ni Mariel.
"Kung may naghihiganti man, dapat sina Mariel, Eliana, Geam, Leianne, at Joanne lang ang dapat patayin ng killer," bulong naman ni Rain. Susumbatan sana siya nina Mariel, subalit bigla namang dumating si Ma'am Kate.
"Bakit ngayon ka lang?" walang galang na tanong ni Kara sa guro. Tila ba nahawaan na siya sa ugali nina Mariel.
"Nagpahangin lang ako, at naghanap ng pwede nating madaanan," tugon ni Ma'am Kate, at luminga sa paligid na tila may hinahanap. "Teka nasaan si Sir Joe?"
"Patay na siya," matipid na sagot ni Mariel.
"A-Ayoko na! Ayoko pang mamatay!" pagsisigaw ng guro na para bang masisiraan na ng bait.
"Paano? Sige nga, ni wala tayong masakayan!" naiinis na sumbat sa kaniya ni Josh.
"Bahala kayong mamatay rito! Basta ako, ililigtas ko ang sarili ko!" sigaw nito, at nagtatakbo papalayo.
"Balik na tayo sa plano," may diing saad ni Mariel.
"Pumili tayo ng kagrupo natin," dagdag pa niya. Ang kagrupo niya ay sina ni Leianne at Eliana. Pagkatapos ng limang minuto ay idineklara na niya ang mag kakagrupo.
"Narito ang pagkakahati: Sa unang grupo ay ako, sina Leianne, at Eliana. Sa pangalawa naman ay sina Geam, Joanne, at Bella. Sa ikatlo ay sina Mich, Rae, at Mae. Magkakasama naman sina Lyn, Jelyn, at Mhen. Sina Kara, Josh, at Erica ang magkakasama. Ika-anim na grupo sila Tina, Fred, at Joy. Pang pito sina Jen, Rain, at Omar. Kasama naman ni Chad sina Mark, at Jhun. Sa ika-siyam na grupo ay sina Riza, Carl, at Trunks. Magkakasama naman sina Jana, Aldrin, at Ann. At ang huli ay sina Sharie, at Ayka," basa ni Mariel sa papel kung saan nakalista ang magkakagrupo.
"Oh, ayan na ang division, mamimili na lang kayo kung saang parte ng bahay kayo magtatago," sabi pa ni Mariel sa kanila.
"Ngunit papaano naman kami? Dadalawa lang kami," reklamo ni Sharie, at inayos niya ang kaniyang salamin.
"Oo nga, atsaka anong laban naming, eh ang papayat namin," dagdag naman ni Ayka, magkaibigan sila ni Sharie.
"Basta ingatan niyo na lang ang isa't isa," sagot sa kanila ni Bella. Nang mahati na sila ay nagkanya-kanya na sila.
"Saan tayo ngayon magtatago?" tanong ni Leianne kina Mariel at Eliana.
"Hindi ba mas delikado kung maghihiwalay tayong lahat?" nangangamba ring tanong ni Eliana.
"Ewan," tugon ni Mariel. "Alam ko na, mas secure kung doon tayo!" dagdag pa niya.
"Saan naman?" tanong nila kaya lumapit si Mariel.
"Sa rooftop tayo," bulong niya
"Tara, bago pa tayo maunahan," aniya, at hinila ang mga kasama. Pagkarating nila sa taas, ang kalahating bahagi ay walang lilim at ang kalahati naman ay may bubong na pwede nilang maliliman.
Mula sa rooftop ay kitang kita nila ang magandang paligid, ang kaagubatan, ang mga iba pang isla, at dagat.
"Ang ganda rito, ano? At ang payapa. Sana ganito na lang palagi, walang patayan," sambit ni Leianne sa kawalan.
"Mariel, paano nga pala tayo rito hindi masusundan ng killler?" tanong ni Eliana.
"Hindi tayo dito masusndan dahil iisa lang ang pinto papunta rito sa rooftop, at kapag ni-lock natin ay wala na siyang ibang dadaanan," paliwanag ni Mariel sa kaniya.
"Pero ano ang gagamitin nating mga kumot?" tanong pa ni Leianne, kaya napalinga si Mariel sa malaking cabinet, sa dulo ng rooftop kung saan may bubong na gawa sa tabla.
"Ayun! May cabinet, baka mayroong gamit doon!" tugon muli ni Mariel, at tinuro ang cabinet, at binuksan iyon, subalit iba ang tumambad sa kanila.
"GEAM, sure ka rito? Sa kusina tayo mag-stay?" paulit-ulit na tanong ni Joanne sa kaniyang kaibigang 'di man lang umimik dahil malalim ang iniisip.
"Basta, magtiwala na lang kaya tayo sa kaniya!" inis na sambit ni Bella na dahilan ng pagkunot ng noo ni Joanne.
"Ikaw ba ang kinakausap ko?" sarkastikong tanong niya sa kaklase, kaya hindi ito nakaimik.
"Mas mabuting dito na lang tayo," wika ni Geam.
"Gaano ka nga kasiguradong ligtas tayo rito?" tanong ulit ni Joanne sa kaniya.
"Malamang mas maraming weapons ang nandito na pamprotekta natin," tugon niya.
"Malay ko ba, mamaya isa sainyo ang killer. Kung bakit kayo pa ang nasalihan kong grupo," pag-iinarte ni Bella.
"Bakit, sino ba ang may sabing gusto ka naming kagrupo?" singhal ni Joanne. "Atsaka kung gusto mo, mag-sarili ka! Eh 'di kahit pinatay ka na ng killer diyan!"
"Tumigil na nga kayo! Walang magagawa kung magatatalo pa kayo!" pag-awat ni Geam, kaya natahimik ang dalawa.
"Maghahanda na lang ako ng makakain, at bantayan na natin ang isa't isa," sabi pa ni Geam.
Hinintay na lamang nila ang pagkain na ihinahanda ni Geam para maipahinga na nila ang kanilang pag-iisip. Kanina pa kasi nila iniisip kung sino ang killer, at kung kailan sila mahuhuli nito.
"Kailan tayo maghahanap ng ebidensya?" tanong ni Bella, habang pinaglalaruan ng kaniya kamay ang bread knife.
"Saan naman tayo mag-uumpisa? Atsaka ang hirap tukuyin kung sino talaga, eh," tugon naman ni Joanne sa kaniya.
"People are deceivers. Malay natin, mga kaibigan na pala natin ang tumatraydor sa atin," sambit ni Bella na hindi naman pinansin ni Joanne.
Matapos mag-luto ni Geam ay nananghalian na sila at nagpahinga saglit, ngunit hindi nila namamalayang nakatulog na pala sila.
SA pagtakas ni Ma'am Kate ay nakarating siya sa dulo ng pampang habang rumaragasa ang kaniyang mga luha.
"Where do you think are you going?" Halos mapatigil ang pagtibok ng kaniyang puso sa narinig niya.
"H-Huwag mo akong papatayin, huwag please," pagmamakaawa niya, at humarap sa estudyante.
"Ikaw?" sambit niya habang nakaawang ang kaniyang bibig, at halos malaglag ang kaniyang panga.
"Don't worry, Ma'am, hindi kita papatayin," mahinahong tugon nito, kaya nakahinga siya nang maluwag.
"B-Bakit mo sila pinapatay?" tanong niya habang hindi pa rin makapaniwala sa natuklasan.
"Alam niyo naman po siguro ang dahilan," maamong tugon nito sa guro.
"Malaki ang atraso nila sa iyo, silang lahat, pero bakit kamatayan ang ganti mo sa kanila?"
"Sobra akong nasaktan, at naging miserable ang buhay ko noon, at ikaw lang, Ma'am, ang tumulong sa akin, kaya malaki ang utang na loob ko sa iyo," sagot niya.
"Hindi mo ako papatayin o sasaktan?" kinakabahang tanong ni Ma'am Kate habang hindi makatingin nang diretso sa estudyante.
"Hindi, pero ilalayo kita rito para hindi kayo makasagabal. Pangako, hindi kita papatayin," tugon nito, at mabilis na hinila ang guro sa kuwebang kalapit ng hall.
Mayroon doong speedboat at mga tali. Mabilis niyang hinila ang speedboat, kasama si Ma'am Kate na kaniyang itinali ang kalahating katawan, papunta sa dulo ng isla.
"Saan mo ako dadalhin?" tanong ulit ng guro.
"Sa kabilang isla, may bahay roon na maliit at kumpleto sa pagkain at magagamit," tugon ng killer.
Hindi naman nakapalag pa si Ma'am Kate dahil kalahating katawan nga nito ay nakatali. Sumampa na siya sa speed boat, sa likuran ng kaniyang estudyante, nang tahimik.
Makalipas and dalawampung minuto, nakarating na sila sa kabilang isla na higit na mas maliit. Mayroon doong konkretong bahay na hindi kalakihan, na siyang pinasok nila.
"Babalikan ko rin po kayo rito," wika ng estudyante at lumabas, saka isininara ang pinto.
Pilit na binubuksan ni Ma'am Kate ang pinto ngunit naka-lock ito. Maliit lamang ang dalawang bintana nito, kaya hindi siya makatatakas doon. Para lamang kasing isang bodega ang bahay na iyon.
Napaupo na lamang siya sa kalapit na kama, at naalala niya na naman ang mga pangyayari noon.
"MA'AM, tulungan niyo po ako. Hindi ko na po talaga kaya ang ginagawa nila sa akin," paghingi ng tulong ng isa sa mga estudyante niya.
"Sige, tutlungan kita sa abot ng aking makakaya. Noon, ganiyan din ako sa'yo, walang tumulong sa akin kaya alam ko ang pakiramdam mo, kaya tutulungan kita," pa-papalakas niya ng loob sa kaniyang estudyante.
Pumunta nga sa guidance office ang guro, at kinausap ang mga guro, maging ang principal. Ipinaglaban niya kung ano ang tama. Umabot ang isyu sa nakatataas, hanggang sa nagtagumpay siya. Nabigyan ng disiplina ang mga dapat bigyan, at nabigyan ng katarungan ang nangyari sa estudyante.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro