Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

DALI-DALI bumalik sina Mariel at Leianne kina Eliana, ngunit laking gulat ni Mariel nang makitang nakaluhod na si Eliana sa sahig habang umiiyak. Mahigpit din ang pagkakahawak niya sa kutsilyo.

"Eliana! Anong nagyari?" Patakbong lumapit sina Mariel at Leianne kay Eliana, at inalalayan siya sa pag-upo sa sofa. Hindi naman kaagad nakasagot si Eliana dahil hikbi lamang siya nang hikbi.

"U-Uyyy... ano ba kasi ang nangyari?" tanong din ni Leianne at hinaplos ang likod ni Eliana.

Nang kumalma na si Eliana ay isinalaysay niya kung ano ang ginawa sa kaniya ni Joanne kanina. Sina Mariel at Leianne naman na nakikinig ay napatakip sa kanilang mga bibig.

Hindi makanapaniwala si Mariel sa narinig niya. Hindi niya akalaing matutuklasan na nila kung sino ang totoong salarin sa mga karumaldumal na pagpatatay. Ngayon ay malinaw na sa kaniya kung sino ang gustong maghiganti sa kanila—si Joanne. Subalit hindi pa rin niya maisip kung bakit pati si Geam ay idinamay niya, tapos si Eliana naman ay pagtatangkaan niya.

Punong-puno ng pagkadismaya at kahihiyan ang puso ni Mariel. Hindi niya akalaing totoo pala ang mga paratang ni Erica.

Pagkalipas ng ilang minute ay papalapit na sa kanila si Joanne na nanggaling sa first floor. Lahat ng takot na naipon ni Mariel ay napalitan ng galit. Malakas na sampal ang pinakawalan niya kay Joanne nang makalapit siya.

"N-Nagkakamali ka Mariel—"

"Sinungaling ka! Paano mo nagawang patayin ang mga kaklase natin? Si Geam na kaibigan mo, paano mo gawang paslangin na parang isang hayop?!" bulyaw ni Mariel at muling sinampal si Joanne.

"Nagkakamali kayo! Hindi ako ang killer! Dala ko ang patalim kanina dahil yayayain ko sana si Eliana para hanapin kayo ni Leianne, pero hindi ko alam na iyon pala ang dahilan kung bakit mas pagihinalaan niyo ako," pagdedepensa ni Joanne sa kaniyang sarili at napahagulgol.

Sa pagkakataong iyon nakaramdaman na naman ng guilt si Mariel. Napagbintangan niya na naman ang kaibigan niya sa pangalawang pagkakataon. Alam ni Mariel kung ano ang nararamdaman ni Joanne dahil ilang beses na rin siyang napagbintangan ng kaniyang mga kaibigan.

Kahit na gan'on, hindi pa rin mabura sa isip ni Mariel ang pagdududa. Hindi kasi sapat ang alibi ng kaniyang kaibigan. Malaki pa rin ang posibilidad na siya nga ang salarin.

"Sorry, patawarin mo sana kami k-kung muli ka na naman naming napagbintangan," saad naman ni Leianne.

Napatango naman nang dahan-dahan si Joanne. Lingid naman si kaalaman ni Joanne, may pagdududa pa rin sina Eliana at Leianne sa kaniya. Hindi pa rin mabura sa isipan nila na baka si Joanne nga ang salarin.

"Sina Erica, nasaan sila?" tanong ni Leianne.

May tila kung anong naramdamang kakaiba at masama si Mariel. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya kasabay ng pagpatak ng mga pawis niya.

"N-Nasa loob lang sila ng kwarto kanina," sagot naman ni Eliana. Napatingin naman si Mariel sa kuwartong tinutukoy ni Eliana at nakitang nakabukas ito.

Dali-dali siyang nagpunta roon at kahit isang tao ay wala siyang nakita. Nag-umpisa na siyang kabahan at kutuban nng masama. Kung wala sila, ibig sabihin may maaaring mangyaring masama sa kanila!

Humahangos siyang lumabas ng kwarto at nanginginig na tumayo sa harap nina Eliana na ngayon ay kinakabahan na rin. Tanging silang apat na lamang ang naroon.

"H-Hanapin natin sina Mich! Wala na sila sa loob!" pag-uulat ni Mariel kaya napatakip sila sila bibig nila dahil sa pagkabigla.

"Nandito lamang ang salarin!" bulalas naman ni Eliana at marahas na hinigit ang braso ni Joanne.

"E-Eliana, nasasaktan ako. A-Ano bang ginagawa mo?"

"Hindi ka makakawala sa akin, Joanne."

"Teka, Eliana, anong nangyayari? Anong gagawin mo kay Joanne?" Sinusubukan namang awatin ni Mariel si Eliana subalit pinipigilan siya ni Leianne.

"Bakit mo ba ako pinipigilan, Leianne?" tanong ni Mariel habang sinusubukang alisin ang mahigpit na pagkakahawak ng kamay ni Leianne sa kaniya.

"Tama ang ginagawa ni Eliana, hindi natin puwedeng bastang pagkatiwalaan muli si Joanne. Nakita mo naman kanina, 'di ba? Naniniwala ka ba sa mga palusot niya?" sumbat ni Leianne at mas hinigpitan ang pagkakahawak kay Mariel.

Hindi na nakaimik pa si Mariel. Hinayaan niya na kaladkarin ni Eliana si Joanne na nagpupumiglas. Dinala niya ito sa isang kuwarto at itinulak papasok doon. Walang nagawa si Joanne kundi humagulgol at kalampagin ang pinto.

"Nagkakamali kayo, hindi ako ang killer! Palabasin niyo ako rito!" Pinagkakalampag pa ni Joanne ang pinto. Napalunok naman si Mariel at gusto sanang buksan ang pinto ngunit humarang si Eliana.

"E-Eliana, hindi ba kalabisan ang ginawa mo kay Joanne?" tanong niya.

Hindi naman umimik si Eliana. May inilabas siyang tali na galing sa kurtina, at itinali ang kabilang dulo nito sa doorknob. Ang kabilang dulo naman ng tali ay itinali niya nang mahigpit sa sabitan ng kandado malapit sa doorknob. Sinigurado niyang hindi makalalabas si Joanne.

"Tama lang ang ginawa niya, Mariel. Hindi natin maaaring pagkatiwalaan si Joanne. Ang daming pruwebang nagtuturo na siya ang posibleng salarin," pagpapaliwanag naman ni Leianne.

"K-Kung gan'on ay hanapin na natin sina Erica," napipilitang saad ni Mariel at muling lumingon sa pinto bago sila umalis.

Wawalo na lang sila at unti-unti na silang nauubos. Natatakot si Mariel na baka mamaya may mamamatay ulit o kaya ay siya na ang isusunod.

Agad silang kumuha ng kaniya-kaniyang patalim sa kusina at sama-samang hinanap ang apat na kaklase.

"Doon tayo," wika ni Leianne at itinuro ang direksyong papunta sa basement ng mansyon. Hindi pa man kami nakakalapit doon ay may nakita na silang mga patak ng dugo.

Napatigil sila sa paglalakad at nagmatiyag sa paligid. Para kay Mariel, maaring malapit o umaaligid lang sa kanila ang killer ngayon kung hindi nga si Joanne ang totoong salarin.

Tahimik lang sila at walang nagsalita. Tanging paghinga lang nila ang madidinig. Kahit kaluskos ay wala. Walang nagtatangkang magsalita.

Halos mapatili sila nang may narinig silang kumalabog sa hindi kalayuan sa kinatatayuan nila.

"Sigurado akong ang killer iyon. Sinasabi ko na sa inyo, tama si Joanne na hindi siya ang salarin," pabulong na wika ni Mariel.

"Paano kung siya? Paano kung nabuksan niya 'yong pinto? Tali lang mula sa kurtina ang pinantali ko kanina," sumbat naman bi Eliana.

"Ayoko na, bumalik na tayo sa taas," pagpupumilit ni Leianne. Wala siyang nagawa dahil hindi sumang-ayon si Mariel.

Sumiksik sila sa likod ng cabinet upang magtago. Napapikit na lamang si Mariel nang marinig nilang may mga hakbang na papalapit sa kanila.

"Sigurado akong si Joanne iyan!" asik Eliana kaya agad nilang tinakpan ang bibig niya.

"Huwag kang maingay. Mahuhuli tayo rito," panenermon ni Mariel.

Gumapang ang takot sa buong katawan ni Mariel nang madinig nilang papalapit na nang papalapit ang mga yabag. Pakiramdam niya ay papalapit na rin ng papalapit ang kamatayan sa kaniya.

Makalipas ang ilang minuto ay nawala na ang mga yabag. Gusto na nilang umalis ngunit nag-aalangan sila dahil baka inaabangan lang sila ng salarin.

"Hanapin na natin sila," saad ni Mariel kaya napatango ang dalawa.

Dahan-dahan silang naglakad upang hindi makalikha ng ingay, at laking pasasalamat naming nang walang ibang masamang presensya sa paligid.

"Tara na, at maging mapagmatiyag kayo. Dapat maging alerto kayo palagi sa kung anong pwedeng kapahamakang lumapit sa inyo," bilin pa ni Mariel.

Dali-dali nilang tinahak ang basement, at napatakip silang muli sa kanilang ilong nang sumalubong sa kanila ang nakakasulasok na amoy galing sa nabubulok na bangkay ng mga kaklase nila.

"Saan natin sila hahanapin? Puro bangkay na lamang ang nandito," tanong ni Eliana.

"May trapdoor dito!" sigaw ni Leainne kaya agad silang lumapit sa kaniya at tinignan ang sinasabi niya.

"Huwag niyong sabihing pupunta tayo riyan sa baba?" natatakot na tanong ni Eliana. Kahit na matakot pa sila ay wala na silang pagpipilian pa.

"Wala tayong magagawa. Kailangan nating pumunta riyan para mahanap sina Mich. Sigurado akong nandiyan sila," tugon ni Mariel kaya napapadiyak si Eliana.

"Eh, ano naman ngayon kung patayin sila ng killer? Ang importante ay ang kaligtasan natin," naiinis na sabi ni Eliana.

Para kay Eliana, hindi na importante sa kaniya ang iba niyang mga kakalse. Wala na siyang pakialam kung mamatay man sila. Ang importante sa kaniya ay ang kaniyang kaligtasan.

Bumaba na nga sila sa trapdoor, at sabay-sabay pa silang napaupo dahil sa nalanghap nilang mga alikabok. Napalinga si Mariel sa paligid at doon ay tumambad sa kaniya ang mahaba subalit makipot na pasilyo. Maagiw ang bawat sulok at tanging iisang bombilya ang nagsisilbing liwanag nila.

"Hindi ko akalaing may ganito pa palang parte ang mansion. Talagang napakalawak at misteryoso nito," sambit ni Leianne.

Hindi naman iyon masyadong pinagtuunan ng pansin ni Mariel dahil naagaw ng kaniyang atensyon ang bakas ng mga dugo sa hindi kalayuan.

"A-Anong tinitignan mo, Mariel?" tanong naman ni Eliana.

"May mga mantas ng dugo sa banda roon ng sahig," tugon ni Mariel at itinuro ang sahig na sampung hakbang lamang ang layo sa kanila.

"S-Sariwa pa ang dugo."

"H-Hindi kaya... k-kina Mich iyan?"

Nagkatinginan silang tatlo ngunit napukaw iyon nang mabalutan ng puting usok ang paligid. Huli na ng napagtanto nilang sleeping gas iyon.

Ihahakbang na sana ni Mariel ang kaniyang mga paa subalit tuluyan na siyang bumagsak sa sahig. Gan'on din ang kaniyang mga kasama. Naninikip na rin ang kaniyang dibdib at unti-unting bumibigat ang talukap ng kaniyang mga mata.

Ilang saglit pa ay nandilim na ang kaniyang paningin at nawalan ng ulirat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro