Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Paulit-ulit na mura ang sinasambit ni Mariel dahil huli na naman sila. May namatay na naman sa grupo nila; walo na lamang silang natitira. Talagang inuubos sila ng killer, at hindi iyon matitigil hangga't hindi sila napapatay lahat.

Lumapit si Mariel sa bangkay nina Lyn at Jelyn, at sumunod din ang mga natitira niyang kaklase. Wala na silang magawa pa kundi pagmasdan ang kaawa-awang bangkay ng kaniyang mga kaklase.

"Ayoko na rito! Kung sino man ang pumapatay, sana naman tumigil ka na!" pag-aatungal ni Erica at gano'n din sina Mich, Mae, at Rae. Pare-pareho na sila ng reaksyon; lahat sila ay natatakot na dahil anumang oras ay maaari na silang isunod na patayin.

"Siguro ay isa sa inyong magkakaibigan ang killer. Iyan ang masisiguro ko sa inyo!" matapang pa na sabi ni Erica. Nagpanting naman ang mga tainga ni Mariel, at akmang susugurin si Erica pero pinigilan siya ni Leianne.

"Wala kang ebidensya na isa sa amin ang killer!" sigaw sa kaniya ni Eliana pero napangisi si Erica.

"Ebidensya? Nasa kuwarto ng mga portraits 'yong mga ebidensya. Puwede nating suriin 'yon gamit ang mga nakasulat na numero!" sumbat ni Erica kaya natahimik si Eliana.

May punto si Erica dahil gan'on din ang naiisip ni Mariel. Ang problema, makailang-beses na siyang tumitig sa mga numero at pangalang inilista niya, ngunit 'di niya pa rin nahahanap ang kasagutan.

Posible ngang nakakubli ang katotohanan sa mga paintings, ngunit ang hindi kayang tanggapin ni Mariel ay ang pagpaparatang ni Erica na isa sa kanilang magkakaibigan ang salarin.

"Tama na ang, Erica! Isa pang daldal mo at buburahin na kita rito!" madiing sabi ni Joanne kay Erica.

"Paano mo naaatim na sabihin iyan? Buburahin mo ako dahil ikaw ang killer? Demonyo ka pala dahil maging si Geam na kaibigan mo ay pinatay mo!" sagot ni Erica, at mayamaya pa ay dumapo na sa kaniyang pisngi ang palad ni Joanne.

"I said, SHUT UP! Umalis ka sa paningin ko bago pa kita tuluyan!" sigaw ni Joanne kay Erica kaya takot na takot itong tumakbo papalayo. Maging sina Mariel at Leianne ay nagulat sa inasal ng kaibigan nila.

"May pupuntahan lang ako. Bantayan niyong mabuti ang mga natitira nating mga kaklase; bantayan niyo ang isa't isa," utos ni Mariel kina Joanne at Eliana.

Tinaasan naman ni Eliana nang kilay si Mariel. "Saan k aba punta nang punta? Hindi mo ba naisip na napakadelikadong gumala ngayon? Unti-unti na nga tayong nauubos!"

"Huwag nang maraming reklamo, Eliana. Sasamahan naman ako ni Leianne. Basta gawin niyo na lang ang sinasabi ko," giit naman ni Mariel. Hindi niya na hinintay pa ang tugon ni Eliana, bagkus ay hinila na niya papalayo si Leianne; pupuntahan nila sina Ced at Ma'am Kate

Pagkarating nila sa tapat ng cabinet, kung saan naroon ang sekretong daanan, ay kinatok nila iyon nang malakas. Sinigurado naman nilang walang ibang nakakakita sa kanila habang ginagawa nila iyon.

Ilang saglit lamang ay bumukas na iyon, at bumungad sa kanila si Ced na namumula ang mukha tapos ay magkasalubong pa ang kaniyang mga kilay. Hindi batid ni Mariel kung ano ang dahilan kung bakit gan'on ang hitsura ni Ced.

Mabilis na isinara ni Ced dang cabinet, at hinigit si Mariel papunta sa lungga nila. Nakasunod lang din naman si Leianne na nagtataka rin sa inaasal ng binata.

Pagkarating nila sa lungga nila ay magsasalita na sana si Ced, subalit inunahan siya ni Ma'am Kate.

"Mariel, may binabalak sa inyo ang killer at ang lola niya," mabilis na saad ni Ma'am Kate. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Mariel, at bumundol ang kaba sa kaniyang dibdib.

"A-Ano ang binabalak ng killer?" kinakabahan namang tanong ni Leianne sa guro.

Nakakuyom lang din naman ang mga kamao ni Ced habang nakatingin nang masama sa guro. Salubong pa rin ang kaniyang mga kilay at nakakunot ang kaniyang noo.

"Natatandaan niyo pa ba ang pagsunog natin ng mga kalansay?" tanong ni Ma'am Kate. Napatango naman silang dalawa.

"Nanghina ang lola ng killer kaya binabalak nilang mag-alay ng dugo ng isang babaeng birhen pa, at isa sa inyo ni Leainne ang iaalay. Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, tatlong araw mula ngayon, isasagawa nila ang plano nila."

Halos hindi makahinga si Mariel sa sinabi ng guro. Tila may bumara sa lalamunan niya at hindi siya makapagsalita dahil sa kaniyang nalaman.

"M-maam..." Tanging nasabi ni Mariel at napatulo ang luha ko.

Nangingibabaw na ang kaniyang takot. Pinipilit niya na lamang maging matatag para maka-survive, subalit sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang nanghina.

"At kasalanan mo lahat Ma'am Kate!" dumagundong sa apat na sulok ng kuwarto ang boses ni Ced na puno ng poot. Gulat namang napatingin si Mariel sa kanya.

"A-Anong nangyayari? B-Bakit si Ma'am Kate?" sunod-sunod na tanong ni Mariel. Napayuko lang naman si Ma'am Kate na tila senyales na inaamin niya na lahat ay pagkakamali niya.

"Ngayon, si Mariel naman na ang mapapahamak dahil sa iyo!" muli na namang litanya ni Ced.

"Ano bang kasalanan ni Ma'am? Ipaliwanag niyo nga sa akin kung ano ang nangyayari!" muling saad ni Mariel kaya hinarap siya ni Ced.

Namumula pa rin ang mukha niya sa galit. Salubong pa rin ang mga kilay niya, at mabibigat din ang bawat paghinga niya.

"Si Ma'am Kate ang puno't dulo ng lahat!" tugon ni Ced, at isinalaysay niya kina Mariel at Leianne ang mga nalaman niya. Hindi naman siya pinigilan ng guro.

Pagkatapos niyang ikuwento ang lahat ay kapwa napatingin nang masama sina Leianne at Mariel kay Ma'am Kate.

"Namatay si Geam dahil sa kagagawan mo! Napunta kami sa impyernong mansion na ito dahil sa kasamaang ginawa mo! Hindi sana kami unti-unting pinapatay ng killer kung hindi mo ginawang miserable ang buhay niya. Kasalanan moa ng lahat!" panunumbat ni Mariel at saka tuluyang rumagasa ang mga luha niya.

"Hindi ako, Mariel, kundi ang ama ng killer! Hindi ko rin siya paghihigantian kung hindi nila iyon ginawa sa pamilya ko!" lumuluha ring tugon ng guro.

Si Leianne naman ay hindi makaimik sa mga nalalaman niya. Napasabunot lamang siya sa kaniyang buhok, at patuloy ang pagmumura.

Humakbang papalapit si Mariel kay Ma'am Kate. "Simula ngayon hindi na ako tutulong sa mga plano mo. Gagawa na lang ako ng sarili kong hakbang!"

Napailing naman ang guro, at hinawakan ang braso ni Mariel. "Hindi puwede! Please, Mariel, kailangan natin ang isa't isa. Masisira lang ang nasimulan nating mga plano."

Hindi naman umimik si Mariel. Marahas niyang tinanggal ang mga kamay ni Ma'am Kate sa kaniyang braso.

"Ayoko nang magtiwala sa'yo," halos pabulong na tugon ni Mariel.

"Kaya nga ako pumunta rito para itama ang lahat! Gusto kong ituwid ang mga pagkakamali kom lalo't napakaraming nadadamay. Nagawa ko pa ngang takas an ang killer noong itinago niya ako sa kabilang isla!" Sa pagkakataong iyon ay muling napatingin si Mariel kay Ma'am Kate.

"Itinago ka niya sa kabilang isla? Paano ka nakatakas? Paano ka nakabalik dito?" sunod-sunod na tanong ni Mariel. Kalmado na ang boses niya ngayon, hindi gaya kanina.

"Inaasahan ko na talagang mangyari iyon. Kaya naman, noong bago pa lang tayo pumunta sa islang ito, nagtago na ako ng speed boat ko sa isla kung saan niya ako ikinulong. Planado na ng killer ang lahat, pero mas planado ko na rin ang lahat-lahat," pagpapaliwanag naman ni Ma'am Kate.

Sadyang matigas naman ang puso ni Ced. "Hindi pa rin iyan, Ma'am Kate," wika niya.

"Sige, tatanggapin ko nang mali nga ako sa mga ginawa ko noon. Ngayon, pati si Mariel o Leianne ay mapapahamak, kaya babawi ako. Ako muna ang magsasagawa ng hakbang ngayon." Dinampot ni Ma'am Kate ang kutsilyo niya sa kalapit na mesa, at agad na umalis nang walang pasabi.

Wala namang kahit anong ideya sina Ced at Leianne sa gagawin ng guro, subalit may hula na si Mariel. Baka isasagawa niya nang mag-isa ang napag-usapan nilang plano noong nakaraang araw. Alam ni Mariel na hindi madali ang gagawin ni Ma'am Kate dahil medyo mahirap ang napagplanuhan nila.

"Hindi ba natin susundan si Ma'am Kate?" tanong ni Leianne kay Ced.

Umiling naman si Ced sabay sabing, "Hindi. Hayaan natin siya sa gagawin niya."

Isang oras na ang lumilipas subalit hindi pa rin bumabalik si Ma'am Kate. Nag-aalala na rin sina Mariel at Leianne dahil baka pagdudahan na sila nina Eliana at Joanne. Kahit na gan'on, gusto pa rin nilang malaman kung ano ang resulta sa ginawang hakbang ng guro.

Naghintay pa sila ng ilan pang minuto, hanggang sa nakarinig sila ng mga kalabog mula sa makipot na hallway papunta sa lunggang kinaroroonan nila.

Agad napatayo silang tatlo at tinignan kung ano ang mga kalabog na iyon. Pare-pareho silang nanlaki ang mga mata sa nakita nila. Si Leianne ay napatakip sa kanyang bibig, habang si Mariel naman ay napakunot ang noo.

"Bitiwan mo ako! Ibalik mo ako sa apo ako!" pagpupumiglas ng matandang nakasuot ng mahabang itim na bistida.

"Hindi ko hahayaang magtagunpay kayo sa plano niyo ng demonyo mong apo!" madiing wika ni Ma'am Kate, at itinutok niya pa ang patalim na hawak niya sa leeg ng matanda.

"I-Ikaw ang lola ng killer?" tanong ni Leianne at napaawang ang kanyang bibig.

"Siya nga ang lola ng killer! Ang lider ng satanismo, at ang ina ng lalaking dahilan ng paghihirap ko noon!" entrada naman ni Ma'am Kate.

Pinagtulungan naman nilang itinali ang matanda sa isang silya, at binusalan siya sa bibig. Matalim naman ang tingin sa kanila ng matanda. Kung nakamamatay lang ang talim ng kaniyang mga tingin ay tiyak na patay na sila kaagad.

"Teka... parang pamilyar siya sa akin..." bulong ni Mariel.

"Siya 'yong muntik nasagasaan ng bus na sinasakyan natin noon!" bulalas ni Leianne.

"A-At... kahawig niya rin 'yong nasa malaking portrait na malapit sa hagdan sa second floor..." dugtong pa ni Mariel.

Napangisi naman si Ma'am Kate, at hinarap niya ang matandang nagpupumiglas pa rin. Humakbang siya papalapit sa matanda at idinuro sa kanya ang kutsilyo.

"Sisiguraduhin kong hindi kayo magtatagumpay ng apo mo! Hindi niyo maitatatag muli ang satanismo dahil papatayin ko sa harap moa ng demonyo mong apo!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro