Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

            Palahaw—iyan ang senyales na may bagong na namang nabiktima ang salarin. Iyana ng tumatak sa isip ni Mariel simula noong nag-umpisa ang karumal-dumal na patayan. Hindi maipaliwanag na takot ang dulot nito sa tuwing umaalingawngaw ito sa tainga ni Mariel.

NAALIMPUNGATAN si Mariel nang makarinig siya ng malakas ng sigaw na nagmumula sa labas. Bumundol ang takot sa kanyang dibdib, at kahit tila binubuhusan siya ng malamig na tubig ay tagaktak pa rin ang mga butil ng kaniyang pawis. Agad siyang bumangon—siya na lang pala ang nahuling bumangon pagkatapos silang patulugin ng killer.

Mas dumoble ang kaba sa kaniyang dibdib dahil sigurado siyang may namatay na naman noong pinatulog sila ng killer. Kaya naman, kahit medyo kumikirot ang katawan niya, dahil sa pagbagsak niya sa sahig kanina.

Pagbaba niya sa first floor ay napatigil siya sa paghakbang nang makita niya ang dalawang bangkay. Halos hindi makilala kung sino sila dahil ang isa ay buong katawan ang nalapnos, at ang isa naman ay puro galos na ang mukha.

"Sino siya? Sino sila?" tanong ni Joy nang halos hindi naman makatingin.

"Sino ang kulang sa atin?" tanong naman pabalik ni Mariel sa kanya.

Napalinga naman ang lahat sa isa't isa. Ang naroon ay sina Mariel, Leianne, Eliana, Joanne, Mich, Lyn, Mae, Erick, Joy, Rae at Jelyn.

"S-Sina Bella at Jenn!" sigaw ni Jelyn.

"No way!" Nag-umpisa na namang nag-iyakan ang klase dahil muli na naman silang nalagasan—maliban kay Erica na bagamat bakas na ang takot sa kaniyang mukha ay hindi pa rin tumutulo ang kaniyang mga luha.

"Umalis na lang kasi tayo rito!" matapang na saad ni Erica, saka inirapan sina Mariel, at lumakad patungo sa pinto. Pagbukas niya sa pinto ay bumulagta sa kaniya ang kadiliman ng gabi.

"A-Ayoko pang mamatay. Tama si Erica, umalis na tayo," pagsang-ayon ni Rae kaya hinarap siya ni Mariel.

"Umalis? Ano ang sasakyan natin? Iniisip niyo ba ang mga sinasabi niyo?" pabalang na tanong niya. Hindi naman nakasagot si Rae, bagkus ay napasalampak siya sa sahig habang lumuluha.

Iisa-isa niyang tinignan ang kaniyang mga kaklase. Pare-pareho ang nababasang ekspresyon ng kanilang mga mukha—nawawalan na sila ng pag-asa.

"Mariel, masyadong nakasusulasom ang ginawa ng killer sa kanila. Hindi sila mamukhaan," wika ni Eliana na napatakip pa sa kanyang bibig.

"T-Tama, m-marahil ay naghihiganti nga ang k-killer." Napatingin si Mariel kay Joanne nang marinig niya itong nagsalita.

"Buti naman at nagsalita ka na rin," puna ni Mariel. Tama nga naman si Joanne, talagang may naghihiganti sa kanila, subalit wala silang ideya kung bakit.

"Mariel, please gumawa tayo ng paraan." Lumapit sa kaniya si Rae at lumuhod pa—desperada nang makaalis doon upang makaligtas pa.

"Gumagawa na kami ng paraan," bulong ni Mariel kaya matamlay na napangiti si Rae.

Patakbo namang umakyat sa second floor sina Mich at Mae para tignan ang mga portraits. Kahit pa hindi sila utusan ni Mariel ay kusa na silang pumunta sa silid ng mga portraits para makita kung may nakapahid bang numero sa portraits nina Bella at Jenn.

Pagdating nila roon ay kumpirmado nga, may nakasulat nang "23" sa portrait ni Bella, habang "24" naman kay Jenn. Mabilis na bumalik ang dalawa sa first floor para iulat kay Mariel ang nakita nila.

"Salamat sa pakikipagtulungan," wika ni Mariel, at inilabas ang kaniyang pocket journal at ballpen. Halos mabitawan niya naman ang kaniyang ballpen dahil sa panlalambot ng kaniyang mga daliri.

"(1) Rian, (2) Eila, (3) Angel;

(4) Ann, (5) Aldrin;

(6) Chad, (7) Mark, (8) Jhun;

(9) Tina, (10) Janna, (11) Fred, (12) Trunks;

(13) Sharrie, (14) Ayka, (15) Mhen;

(16) Geam;

(17) Rain, (18) Omar;

(19) Riza, (20) Carl, (21) Kara, (22) Josh;

(23) Bella, (24) Jenn"

Napalunok siya nang basahin niya ang mga bagong naidagdag sa listahan niya. Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa papel. Samantala, binuhat na ng mga natitirang klase ang dalawang bangkay upang dalhin sa basement.

"Sasama ako," saad ni Mariel kaya napahinto sina Jelyn, Lyn, Joy, at Mich na nagtutulung-tulong upang buhatin ang dalawang bangkay.

"Ako rin," pagpepresenta rin ni Leianne, kaya silang lahat na natira ay nagtungo sa basement.

Kadiliman ang sumalubong sa kanila pagdating nila roon. Kinapa ni Mariel ang switch ng ilaw, at nanlumo siya nang makita niya ang napakadaming mga bangkay. Dalawampu't apat na mga bangkay ang naroroon.

Napatalikod si Mariel at pinigilang lumuha nang makita niya ang bangkay Ni Geam pero bigo siya. Rumagasa ang mga luha niya at hindi niya mapigilan pa. Hindi niya rin alam kung makaka-survive ba siya o matutulad sa kaibigan niya.

Naramdaman niya ang pagtapik ni Eliana sa balikat niya kaya agad niyang pinunasan ang luha niya.

"At tuluyan na ngang natibag ang pader ng katapangan sa puso natin," asik ni Eliana at bumuntong-hininga.

"Kailangan na nating magbago dahil... malapit na ang oras natin. Kailangan maging mabait na tayo bago pa mahuli ang lahat," sagot ni Mariel. Napatingin siya sa mga kaibigan niya na gaya niya ay lumuluha rin.

"Namimiss ko na si Geam," sambit niyang muli, at kusa na namang kumawala ang kaniyang mga luha.

Naputol ang pagtangis nila nang makarinig sila ng parang binabasag na salamin. Napagtanto niya na lamang na silang apat na lamang ang natira sa basement. Wala na roon ang iba pa nilang mga kaklase

"Saan nanggaling ang basag na iyon? Nasaan na ang iba?" tanong ni Joanne.

"Sa banda roon!" Nagtungo sila sa pinakadulo ng basement. Nanlaki ang mata ni Mariel nang makita niya ang napakadaming bubog na may bahid ng dugo.

"Umalis na tayo rito! Manganganib ang buhay natin dito," wika ni Eliana at akmang aalis.

"Sandali..." Napatingi si Mariel sa cabinet na naroroon at binuksan ito.

Laking gulat niya nang may nakita siyang balat ng tao ngunit wala man lang bahid ng dugo o laman. Halatang silicon lamang ito at 'di totoong balat.

"H-hindi kaya—"

Naputol ang usapan namin ng biglang umusok ang paligid. Sigurado silang sleeping gas iyon mula sa killer. Kumaripas na sila ng takbo at agad isinara ang pinto ng basement.

INIWAN nina Joy at iba pang mga kaklase niya ang apat na magkakaibigan. Nanguna siya sa pag-alis dahil diring-diri na siya sa dugo nina Jenn at Bella na dumikit sa kaniya. Idagdag pa ang nalapnos na laman ni Jenn na nahawakan niya.

Napagpasiyahan niya na lamang na linisin ang kaniyang sarili kaya kumuha na siya ng kaniyang damit.

"Saan ka pupunta, Joy?" tanong sa kaniya ni Lyn.

"Ang lansa kasi n'ong dugo, tapos 'y-yong nalapnos pang katawan ni Jenn," sagot niya.

"Diring-diri na nga rin ako kanina pa. Susunod ako sa iyo pagkatapos mo," wika ni Lyn.

Tumungo na sa cr si Joy dahil sabik na siyang linisin ang kaniyang katawan. Binuksan niya na ang faucet ng bath tub at nagtanggal ng damit. Tila gumaan ang pakiramdam niya nang magtampisaw siya sa malamig na tubig.

Inilubog niya pa ang katawan niya at ipinikit ang kaniyang mga mata, subalit agad din siyang napamulat. Napatingin siya sa paligid nang tila may nakamasid sa bawat galaw niya.

Ipinikit niya na lamang ulit ang mata niya at mayamaya ay nakadinig siya ng kaluskos ng paa na papalapit sa kaniya.

"AAAHHHHHH!!!!"

Napasigaw siya nang biglang naging kulay dilaw ang tubig, at tila sinusunog ang balat niya—tumatagos hanggang sa kailaliman ng laman at buto May muriatic acid ang tubig!

"AAHHHH!!!"

Hindi siya makabangon dahil unti-unting pumapasok sa loob ng katawan niya ang asido. Pinilit niyang tumayo pero hindi niya magawa. Nasusunog na rin ang loob ng kaniyang katawan.

Akma na naman sana siyang tatayo, ngunit biglang lumalim ang tubig hanggang sa mailubog ang mukha niya at nakainom ng asido. Hindi na rin siya makahinga at parang sinusunog ang mga lamang-loob niya.

Bago niya maipikit ang mata niya ay nakita niya ang babaeng nakatayo sa harap ng tub at may hawak na patalim.

"Eliana..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro