Chapter 28
Habang patagal nang patagal sina Mariel sa lugar na iyon, mas lalo namang parami nang parami ang mga katanungang bumabagabag sa kanya. Padagdag din kasi nang padagdag ang mga misteryong nadidiskubre niya.
"Ano ito?" tanong ni Mariel sa kaniyang sarili. Tinitigan niya nang mabuti ang bagay na nasa palad niya at inusisa. Isang kwintas na may pulang pendant, na hanggang ngayon ay nagtataka siya kung paano napunta iyon sa bulsa niya.
Kailangan niyang malaman kung ano ang gamit no'n sa kaniya. Naisip niya na baka alam nina Ma'am Kate iyon dahil sila ang kasama niya kanina bukod sa killer. Babangon na sana siya para kausapin si Leianne, pero napatigil siya nang pumasok si Leianne sa kuwarto dala ang kaniyang pocket journal at ballpen.
"Mabuti na lang nahanap namin ito," usal ni Leianne at inilapag ang mga iyon sa tabi ni Mariel.
Imbes na kunin ni Mariel ang mga iyon ay mahigpit niyang hinawakan ang braso ng kaibigan. "K-Kailangan kong bumalik kina Ced."
"Oo nga pala, may hindi ako naitanong! Kumusta sina Ced at Ma'am Kate? Nakaligtas ba sila?" sunod-sunod na tanong ni Leianne. Umupo pa siya sa kama, at inalalayan sap ag-upo si Mariel.
Sumilay naman ang mga ngiti ni Mariel. "Nakaligtas sila; may suot pala silang bulletproof vest."
Kapwa tuwang-tuwa sina Mariel at Leianne dahil sa pagkakaligtas nina Ced at Ma'am Kate mula sa ginawa ng killer. Maitutuloy pa nila ang plano, at mapapabagsak pa nga nila ang killer.
Kinuha na ni Mariel ang pocket journal at ballpen niya, saka inilagay sa bulsa ng kaniyang denim shorts. Sunod naman niyang ipinakita kay Leianne ang kuwintas na may pulang pendant.
"Hindi ko alam kung sino ang naglagay nito sa bulsa ko. Ang hula ko, kung hindi ang killer, baka sina Ma'am Kate," saad pa ni Mariel.
Napagpasyahan nilang dalawa na muling bumalik kina Ma'am Kate. Hindi naman tumutol si Leianne dahil gusto niya silang kumustahin. Tuwang-tuwa naman si Mariel dahil hindi niya na kailangan pang magpumilit.
Palihim silang lumabas sa kuwarto para takas an ang mga kaklase nila. Mabuti na lang din ay kabisado pa ni Mariel kung saan ang daan papunta sa bagong taguan nina Ma'am Kate at Ced. Mabagal naman ang paglalakad nila dahil iika-ika pa rin si Mariel; nakaalalay naman sa kaniya si Leianne.
Wala namang kahit anong idea si Leianne kung saan sila pupunta ni Mariel. Narating na nila ang third floor, hanggang sa huminto sila sa harap ng nakasaradong cabinet na nakadikit sa dingding. Binuksan iyon ni Mariel na siyang ikinagulat ni Leianne.
"Isa itong secret passage papunta sa bagong hidden place natin nina Ma'am Kate." Namangha si Leainne sa nalaman niya. Hindi lang iyon basta cabinet dahil ang cabinet na iyon ay may hagdan pababa kapag binuksan.
Agad silang pumasok doon at isinara na ni Mariel ang cabinet at kinandado mula sa loob. Mabuti na lang ay hindi iyon naikandado kanina kaya wala silang kahirap-hirap na pumasok doon. Bumaba na sila ng hagdan, at pagkababa nila ay may makipot pang hallway. Tila napunta sila sa ibang bahay pero tiyak niyang parte pa rin iyon ng mansyon.
Ang ipinagtataka lamang ni Leainne ay kung paano alam ni Ma'am Kate na may gano'ng parte ang mansiyon. Paano kung alam din iyon ng killer?
May nakita silamg pintong gawa sa matibay na kahoy. Binuksan agad iyon ni Mariel, at bumungad kay Leainne ang marangyang sala kung saan naroon sina Ma'am Kate. May nakalagay na maraming papel sa lamesa na sa tingin niya ay mga plano. Kapansin-pansin ang napakalaking papel na sa tingin ni Leainne ay blueprint ng mansion.
"Bakit ka bumalik kaagad? Akala ko ba magpapahinga ka roon?" sunod-sunod na usisa ni Ced.
May kinuha si Mariel sa bulsa niya, at ipinakita ang kwintas na may malaking batong pulang pendant.
Hindi niya na sinagot pa ang tanong ni Ced, bagkus ay tinanong niya rin, "Ano sa tingin niyo ito?"
Napatayo naman si Ma'am Kate nang makita niya iyon. "Ako ang naglagay niyan, nakalimutan ko lang sabihin. Isa yang kuwintas pamproteksyon dahil hindi lamang tao ang kalaban natin dito."
Tila may bumara sa lalamunan ni Leainne nang marinig niya ang katagang binitawan ni Ma'am Kate. Habang patagal kasi nang patagal ay mas lalong nagiging komplikado at malala ang lahat.
"May kinalaman 'yan sa satanismong naganap noon." Sa sinabing iyon ng guro ay napagdugtong na ni Leainne ang lahat. Mula sa kakaiba at misteryosong mansion, kakaibang libro, mga kalansay at sa kuwintas na hawak ni Mariel.
Ipinakita pa ni Ma'am Kate ang leeg niya na may pulang kuwintas, at gano'n din si Ced. Iniabot niya naman ang huling kuwintas kay Leainne.
Agad na isinuot na lamang ni Leainne ang kuwintas, at tila may kung anong inerhiyang dumaloy sa katawan niya nang maisuot niya iyon.
"Proteksyon 'yan laban sa lola ng killer—laban sa masama. Pero, hindi ibig sabihin nito na may kapangyarihan na tayo; wala tayong kapangyarihan. Tanging kapangyarihan natin ay proteksyonan ang sarili natin, dahil ang Diyos lang ang may kapangyarihan na kontrolin ang lahat-lahat," pagpapaliwanag naman ni Ced. Naipaliwanag na kasi sa kanya iyon kanina ni Ma'am Kate.
"Kung gano'n, hindi na tayo basta-basta makukuha ng killer," sabi ni Leianne at napangisi pa.
"Mali ka, Leianne. Panlaban lang iyan sa lola ng killer, at hindi sa mismong killer. Dalawa ang kalaban natin, ang killer at ang lola niya. Tao laban sa tao at espiritu laban sa espiritu," pambubura ni Ma'am Kate sa mga ngiti ni Leianne.
"Kung gano'n, ano ang plano natin?" tanong ni Leianne kaya napangisi si Mariel, at ibinulong sa kanya ang plano na sinabi nina Ma'am Kate.
Bumalik na sina Mariel sa kuwarto kung saan siya nagpapahinga kanina. Mabuti na lang ay hindi napansin ng kanilang mga kaklase na sila umalis sila. Subalit, bago sila nakaalis ay sinermonan ni Ced si Mariel na huwag basta-basta pumupunta roon dahil baka masundan sila. Kaya naman, ikinandado na ni Ced ang cabinet mula sa loob. Bubuksan lamang iyon sa oras na pupunta na roon sina Mariel para sa plano.
"Bukas ng gabi natin gagawin ang plano," sabi ni Mariel kay Leianne.
"Hah! Excited na ako sa pagkatalo ng killer!" Kompyansang sabi ni Leianne kaya napailing si Mariel.
""Huwag tayong masyadong pasisiguro, Leianne. Tandaan mo, dalawa ang kalaban natin dito," pagpapaalala ni Mariel saka lumabas na, at pumunta sa mga kaklase nila. 'Di gaya kanina, kahit papaano ay medyo nakalalakad na siya nang maayos.
"Bella, bilang class mayor natin noon, tiyakin mo palaging kumpleto tayo. Tignan mo kung may kulang sa atin," pag-uutos kaagag ni Mariel kay Bella kaya tumango ito.
Matapos builangin ni Bella ang mga kaklase ay bumaling siya kay Mariel. "Walang kulang sa atin."
Alas dos pa lang ng hapon kaya nagtipon silang lahat sa isa pang kuwarto sa second floor, pero ramdam ni Mariel na parang may mali. Parang may pares ng mata na nakamasid sa kanila. Hindi pa rin niya naman nakakausap si Joanne, dahil siguradong pati siya kanina ay nag-alala dahil sa nangyari kay Mariel.
Tumayo si Mariel at pumunta ng terrace ng kuwarto, pero nanlaki ang mga mata niya nang may nagtakip sa ilong niya na galing sa likuran niya.
"HHMMMPPPHHH!!!" Hindi siya makahinga at biglang umikot ang kaniyang paningin. Naramdaman niya na lamang ang muli niyang pagbagsak sa sahig.
Matapos patulugin ng killer si Mariel, pinagulong niya ang sleeping gas sa loob ng kuwarto. Gumawa ito ng makapal na usok, at nang nawala na ang usok ay hinila niya ang dalawang katawan ng kaklase niyang susunod niyang biktima.
Pinagtulungan nila ng kasabwat niya na dalhin ang mga bagong biktima sa lungga niya at itinali sila. Binusalan niya rin sila sa bibig at pinagmasdan. Hindi na siya makapaghintay pa na paslangin sila.
Kinuha niya ang mga gamit niya at unang kinuha ang patalim. Sinugatan niya ang braso ng isa sa mga biktima niya at nilagyan ito ng asin.
"AAAHHHHRRRRGGGHHH!" Umalingaw-ngaw ang palahaw ng isa sa mga biktima nang tanggalin ng killer ang busal nito sa bibig. Nanlaki ang mga mata nito biktima nang napagtano niya kung sino ang gumawa n'on.
"I-Ikaw? P-Paanong—"
"Ako nga! Naalala mo na ako?" saad ng killer, at sinugatan din ang braso ng isa pa niyang kaklase. Nilagyan niya rin ito ng asin habang nakaukit ang ngisi sa kaniyang labi.
"AAHHHHH!" Muling umalingawngaw ang sigaw sa paligid. Sigaw na nagpapasiya sa kaniya.
"Naalala niyo na ba ako, mga dati kong kaibigan?" Ngumisi ng malademonyo ang killer at kinuha ang patalim at itinutok kay Bella.
"Huwag, please ibaba mo iyan," pagmamakaawa ni Bella sa kaniya kaya inilapit niya pa sa mukha nito ang patalim.
"Ibaba mo 'yan!" sigaw ni Jenn kaya binusalan muli siya ng killer upang tumahimik.
"Bella, sinayang mo! Sinayang niyo ang pagkakaibigan natin!" sigaw niya, at muling ginalusan si Bella sa braso.
"AAAHHH! Tama na! Pinagsisihan ko naman na ang mga ginawa ko!"
"Iniwan niyo ako sa ere! Iniwan niyo ako noong wala na kayong makuha sa akin at noong naging miserable na ang buhay ko!" sumbat ng killer habang rumaragasa ang kaniyang mga luha. Mariin niyang hinawakan ang kutsilyo, at walang pag-aalinlangan itong itinarak sa dibdib ni Bella.
Tama, sina Bella at Jenn ang dati niyang mga matalik na kaibigan. Masaya siya sa tuwing kasama niya sila, at itinuring pa nga niya silang kapatid. Subalit, noong pumutok ang eskandalo niya, na wala namang katotohanan dahil sa kagagawan pala ni Ma'am Kate, nilayuan siya ng mga itinuring niyang kapatid.
Napakasakit n'on sa kanya dahil wala siyang naging kakampi. Dagdag pa sa pagdurusa niya noong maging sina Bella at Jenn ay nambulalas sa kaniya. Ang dapat sanang mga kakampi niya ay sila na rin ang sumasaksak sa kaniya patalikod.
"P-Patawarin mo sa na ako..." bulong ni Bella, at sumuka nang napakaraming dugo nang hugutin na ng killer at patalim.
"Huli na ang pagsisisi mo, dati kong kaibigan," tugon ng killer sa bangkay ni Bella, at hinarap ang takot na takot na si Jenn.
"Huwag!" Sigaw niya pero ibinuhos niya na ang isang baldeng muriatic acid kay Jenn.
Napasigaw ang dalaga ngunit unti-unti iyong humina nang unti-unti siyang bawian ng buhay. Mabilis na nalapnos ang kaniyang balat na dati ay napakakinis at maihahalintulad sa porselana. Hindi na rin halos mamukhaan ang dating kariktan ng kaniyang mukha.
Napangisi siya habang pinagmamasdan ang bangkay ng dati niyang mga kaibigan. Para sa kanya, nararapat lamang iyon sa kanila. Kailangan din nilang magbayad sa mga ginawa nila kahit pa minsan ay itinuring niya silang kapatid.
"Mamatay kayong lahat!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro