Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

DAHAN-DAHANG pinihit ni Leianne ang doorknob—nanginginig pa nga ang mga kamay niyang tila nanlalambot na, at saka lakas-loob niyang binuksan ang pinto. Mulat na mulat ang kaniyang mga mata dahil handa na rin siya sa maaari niyang masaksihan.

"Hindi!!!" sabay na bulalas nilang dalawa. Napahawak si Leianne sa kaniyang bibig at impit na napahikbi.

Napako naman sa kinatatayuan niya si Eliana at ang mga mata niya'y mas dumoble pa ang laki. Dumating na naman ang isa pang pagkakataong labis nilang kinatatakutan, subalit tunay na kay lupit ng tadhana para sa kanila.

"Huli na... tayo," lumuluhang saad ni Leianne at napaluhod pa sa lapag.

"No, Mariel!" napasigaw rin si Eliana nang makita niya sa sahig ang ballpen ni Mariel sa sahig, kasama ang pocket journal na nakabuklat na. May mga patak pa ng dugo sa pocket journal, at hula nila ay galing iyon sa kaibigan nila.

"A-Anong ibig sabihin nito?" Dahan-dahang lumapit si Eliana sa baril na kusang pumuputok kagaya ng sa time bomb. May nakita rin silang dos pordos sa sahig na may bahid din ng dugo. "Ano bang nangyari sa kaniya? Bakit may ganito?"

"H-Hindi ko alam," pagsisinungalang ni Leianne, subalit ang totoo ay alam niyang may kinalaman iyon sa paghahanap ni Mariel kina Ced at Ma'am Kate.

Napakagat si Leianne sa kaniyang labi habang palinga-linga sa paligid na tila may hinahanap. Pabulong-bulong pa siya na hindi naman halos maintindihan ni Eliana.

Dahil doon ay nag-umpisa nang kutuban si Eliana. "Huwag mo nang itago sa akin, Leianne! Kayo ang palaging magkasama ni Mariel kaya sabihin mo na kung ano ang nalalaman mo!"

"Hindi ko nga alam, Eliana! Basta ang alam ko, natatakot na ako sa maaring nangyari sa kaibigan natin!" litanya ni Leianne, at pinulot ang ballpen at journal ni Mariel, at iniwan si Eliana nang walang pasabi.

Agad namang sumunod si Eliana habang pinupunasan ang kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung saan paroroon si Leianne pero sinundan niya na lamang ito.

"Saan tayo pupunta, Leianne?" tanong ni Eliana nang maabutan niya si Leianne.

Imbis na sagutin siya nang kaniyang kaibigan ay mas binilisan niya pa ang pagtakbo. Nakarating sila sa tagong pasilyo ng mansion at huminto sa isang pinto. Binuksan iyon ni Leianne subalit walang tao sa kuwartong iyon.

"Hindi ito maaari. Nasaan sila?" bulong ni Leianne.

Napakunot naman ang noo ni Eliana, sabay tanong, "Sinong sila?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Leianne sa tanong ni Eliana at agad na umiling. Hindi niya pa rin maaaring ipagtapat ang lahat sa kaibigan. Nangako siya na kahit anong mangyari ay hinding-hindi niya ipagsasabi kahit kanino ang tungkol sa sekreto nila.

Isinara na ni Leianne ang pinto at hindi niya na napigilan pa ang pagragasa ng kaniyang mga luha. Wala roon sina Ma'am Kate, Ced, at Mariel. Sa tingin niya ay hindi nagtagumpay si Mariel. Iyon na nga ang katapusan nila—wala na rin kasing tutulong sa kanila. Kung siya lang ang gagalaw at magpaplano para mahuli ang killer, alam niyang hindi niya kakayanin iyon.

Kung sa mga kaklase niya naman siya magpapatulong, malabo rin ang pagtatagumpay nila dahil isa sa kanila ang killer. Tanging si Ma'am Kate at Ced lamang ang nakakakilala si killer, at sa pagkawala nila ay tuluyan nang maibabaon sa hukay ang tunay na pagkakakilanlan ng salarin.

Bumalik na sila sa sala ng second floor na tila wala nang kabuhay-buhay. Halos hindi na maihakbang pa ni Leianne ang kaniyang mga paa dahil nanlalambot ang kaniyang mga tuhod. Hindi niya akalain na wala na naman ang isa sa mga kaibigan nila.

"N-Nasaan na si M-Mariel?" tanong sa kanila ni Joanne, ngunit nilagapasan lang siya ni Leianne.

"Lumayo ka sa amin, murderer!" singhal ni Eliana, kaya napaatras si Joanne sa gulat. Maging si Leianne ay nagulat sa pagsigaw ni Eliana kay Joanne.

"E-Eliana, b-bakit?" nagtatakang tanong ni Joanne.

"Malinaw na sa akin, Joanne, na ikaw ang killer! Paano mo nasisikmura na patayin ang dalawa mong kaibigan? Paano mo nasisikmurang pumatay ng tao?" saad pa ni Eliana sa pagitan ng kaniyang mga paghikbi.

Mas lalo namang kumawala ang mga luha ni Leianne dahil sa pagsusumbatan ng dalawa niyang kaibigan dahil sa nangyari kina Mariel at Geam. Wala na nga ang dalawa niyang kaibigan, tapos nagkakagulo pa silang tatlo. Mabuti na lang ay nasa ibaba ang mga kaklase nila. Mas lalo kasi silang magkakagulo kapag narinig pa nila ang bangayan nila.

"Nanahimik lang ako dahil sobra akong nasaktan, pero hindi ako ang killer! Eliana, ganyan ka na ba kababaw? Wala ka namang ebidensyang magtuturo na ako nga ang killer!" umiiyak na sagot ni Joanne atsaka tumalikod. Umalis ito at bumaba sa first floor kung nasaan ang mga kaklase nila.

Lumapit naman si Leianne kay Eliana at niyakap ito. Doon ay mas ibinuhos pa niya ang natitira pa niyang mga luha.

"A-Ayoko na, Eliana. Natatakot na ako sa mga puwedeng mangyari, lalo pa't hindi pa rin natin natatagpuan si Mariel," hagulgol ni Leianne, at humigpit ang pagakakayakap sa kaibigan.

"Malalagpasan din natin ito, Leianne. Kailangan lamang nating magpakatatag. Matapang tayo, kaya nga kinatatakutan tayo ng mga kaklase natin, 'di ba?" sagot ni Eliana habang hinahaplos ang likod ni Eliana.

Kumalas si Eliana sa pagkakayakap at pinunas ang mga luha niya saka ngumiti. "May isa pang paraan para makumpirma kung totoo ngang napatay na si Mariel."

"P-Paano?" tanong naman ni Leianne at suminghot pa.

"Iyong portrait niya! Kung wala pang bahid ng dugo, ibig sabihin ay buhay pa siya," tugon ni Eliana. Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon. Nagtungo sila sa silid ng mga portraits, at halos maluha pa sila sa tuwa nang makita nilang wala pa ngan bahid ng dugo ang portrait ni Mariel.

"Babalik si Mariel! Buhay pa siya!" Bakas sa boses ni Eliana na punung-puno pa rin siya ng pag-asang babalik din ang kanilang kaibigan at hindi matutulad kay Geam.

NAGISING si Mariel na tila pinipiga ang kaniyang ulo. Agad siyang napaisip kung nasaan siya at kung nasaan din sina Ced at Ma'am Kate. Napahawak siya sa gilid ng noo niya at doon ay may nakapa siyang dugo.

Luminga siya sa paligid at sinubukang bumangon ngunit hindi siya makabangon dahil sa pagkirot ng buong katawan niya. Ang pananakit ng kaniyang katawan ay hindi mapapantayan sa pagkirot ang kaniyang puso dahil sa labis na pag-aalala kina Ced at Ma'am Kate.

Pinunasan niya ang kaniyang luha at pilit na bumangon, ngunit mas lalong kumirot ang kaniyang likod. Pakiramdam niya ay nagkadurug-durog na ang kaniyang spinal chord. May nakapa rin siyang dugo sa likod niya subalit hindi iyon gan'on karami.

Hindi siya pamilyar sa kuwartong kinaroroonan. May malaking cabinet sa tabi ng kama, at sa bandang gitna naman ng kuwarto ay may pabilog na lamesang gawa sa kahoy. May malaki namang lumang chandelier na nasakabit sa sentro ng kisame na siyang karagdagang liwanag. Hindi kasi sapat ang liwanag na nagmumula sa maliit na bintana sa may itaas ng headboard ng kama.

Tiyak niya nasa puder siya ngayon ng killer. Ang ipinagtataka niya nga lang ay hindi siya nakatali.

"Huwag mo ng subukan pang bumangon." Napatingin sa pinto si Mariel habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.

"Bakit tila nakakita ka ng multo?" natatawang tanong ni Ma'am Kate—siya kasi ang biglang pumasok sa kuwarto.

"Pinatay na kayo ng killer, 'di ba? Anong nangyari?" hindi makapaniwalang tanong ni Mariel na tila binuhusan ng malamig na tubig.

"Nandito nga ako sa harap mo, buhay na buhay," tugon nito kaya sinubukan muling bumangon ni Mariel na siya namang napagtagumpayan niya.

"Ma'am Kate!" Agad na niyakap ni Mariel ang guro, at napaluha dahil sa labis na kagalakan. Ang buong akala niya ay tuluyan ng napatay ang kaniyang guro.

Ngumisi naman ang guro. "Nautakan namin ang killer, walang tinamaan ang baril."

Maslalo namang napangiti si Mariel nang pumasok sa kuwarto si Ced. "Paano kaya nakaligtas? Anong ginawa niyo?" sunud-sunod pang tanong ni Mariel.

Itinaas nila ang damit nila. Nanlaki ang mga mata ni Mariel nang makita niyang nakasuot pala sila ng bulletproof vest.

"Sabi ko naman sa'yo, ayos lang kami. Sabi ko pa nga na huwag ka nang pupunta roon dahil sasaktan ka ng killer. Tignan mo ngayon ang nagyari sa iyo," panenermon ni Ced at itinuro ang mga galos ni Mariel.

"Ayos lang 'yon, Ced. Nag-alala lang naman sa'yo si Mariel, eh," nakangisi pang entrada ni Ma'am Kate. Todo ngisi pa sila na tila ba hindi sila galing sa panganib kanina, samantalang halos mamatay na sa pag-aalala si Mariel.

"A-Ano na po pala ang susunod nating gagawin?" tanong ni Mariel, at umayos sa pagkakaupo.

"Sa susunod na gabi ay aatake tayo. Isasagawa natin ang plano namin ni Ced," tugon ni Ma'am Kate, at marahang hinaplos ang buhok ni Mariel, at lumapit pa sa kaniyang tainga sabay ibinulong ang plano nila. Napanisi si Mariel sa planong ibinulong sa kaniya ni Ma'am Kate.

Hindi mapigilan ni Mariel na mapangisi. "Magandang plano, siguradong masusurpresa ang killer sa gagawin natin."

"Kaya magpahinga ka na muna ulit upang makapag-ipon ka pa ng lakas," dugtong naman ni Ced, at akma siyang aalalayan sa paghiga ngunit pinigilan niya ito.

"Babalik na ako sa kanila," wika ni Mariel, pero agad na napailing si Ced. "Ced, siguradong nag-aala na si Leianne," giit pa niya.

"Sa tingin mo ba hindi ako nag-aalala sa'yo? Mariel, hindi mo pa kaya. Tignan mo nga iyang sarili mo, may dugo pa sa ulo mo," panenermon ni Ced kaya napatungo si Mariel at bumuntong-hininga.

"Ced, please, hayaan mo na akong bumalik sa kanila. Hindi ko hahayaan ang sarili ko. Magiging malakas ako para magtagumpay tayo sa plano natin." Sadiyang matigas ang ulo ni Mairel kaya wala nang nagawa pa si Ced kundi sumuko. Hinayaan naman siya ni Ma'am Kate sa gusto niya.

Iika-ikang lumakad si Mariel pabalik sa kaniyang mga kaklase. Mabuti na lamang ay natunton niya pa rin ang daan pabalik. Panay namn ang pagkapit niya sa mga pader at railings para lamang makapaglakad. Kahit hirap na hirap na siya ay pinilit niya pa ring lumakad. May mga pagkakataon pang muntikan na siyang madulas.

Pagkarating niya sa kinaroroonan ng kaniyang mga kaibigan ay agad siyang napangiti; tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Nagsilapitan naman sina Eliana at Leianne sa kaniya at inalalayan siya sa pag-upo.

"Anong nagyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Eliana.

"Nakasagupa ko ang killer habang naghahanap ng ebidensya," pagsisinungaling ni Mariel.

Inalalayan naman siya ng dalawa niyang kaibigan sa isang bakanteng kuwarto, at tinulungan siya sa pagpapalit ng damit. Nilinis naman ni Leianne ang mga sugat ni Mariel gamit ang nahanap niyang first aid kit sa kuwartong iyon, at hinayaan muna siyang humiga sa kama.

Sa kaniyang pag-iisa ay napansin niyang may nakasiksik sa kaniyang bulsa. Hindi iyon ang kaniyang ballpen at pocket journal. Agad niya itong kinuha at pinagmasdan.

"A-Ano ito?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro