Chapter 24
Hindi na alam ni Leianne kung ano ang sumunod na nangyari pagkatapos silang hagisan ng sleeping. Siya ang unang nagising sa kanila, kaya nagtungo na lamang siya sa lababo ng kusina para naghilamos.
Ngayon niya lamang din napansin na may suot pa rin pala siyang relo. Nang tignan niya ang oras ay eksaktong alas kuwatro pa lang ng madaling araw. Papalabas siya mula sa kusina nang may narinig siyang mga yabag na sigurado niyang nagmumula sa sala.
Dahan-dahan siyang lumabas, at doon ay nakita niya ang taong nakasuot ng itim na cloak habang may hawak na patalim di kalayuan sa mga natutulog niyang mga kaklase. Hindi niya rin naman mamukhaan kung sino iyon dahil nakamaskara ito ng silver, pero sigurado siyang iyon ang killer.
Nakita niyang naglalakad na papunta sa pinto ang killer, kaya sinundan niya ito nang palihim, pero laking gulat niya nang may paparating na dagger sa kaniya na galing naman sa ibang direksyon.
Agad naman siyang nakaiwas, ngunit napahawak siya sa kaniyang pisngi dahil nadaplisan iyon. Nanlaki na naman ang mga mata niya nang may paparating muli na dagger sa kaniya. Nasalo niya naman kaagad iyon kaya nakahinga siya nang maluwag.
Napangisi si Leainne, at dahan-dahang lumapit sa killer. Itinaas niya ang dagger at handang itarak sa batok ng killer, subalit napakabilis ng pangyayari. Nakatutok na ang dagger sa leeg niya, kaya napapikit siya nang dumiin ito sa gilid ng leeg niya.
"Sino ka ba talaga?" walang emosyong tanong ni Leainne, at pilit tinantanggal ang dagger na nakatutok sa kaniya.
Hindi naman umimik ang salarin na siyang dahilan ng pagkainis niya. Tinadyakan niya patalikod ang killer at inagaw ang dagger sa kaniya. Aatakihin niya na sana muli ang killer ngunit, nanlumo siya nang may panyong tumakip sa kaniyang ilong—siguradong siyang hindi ang killer ang may gawa n'on sa kaniya. Unti-unting nanlabo ang kaniyang paningin at bumagsak sa sahig.
Matapos naman ang pangyayaring iyon, agad lumabas ng mansion ang killer, at pumunta sa pinagtataguan niya ng speed boat. Sa likod ng hall kung saan idinaos ang madugong party nila ay naroon ang speed boat na kinublian niya ng tolda. Agad niya itong hinila papunta sa dulo ng isla, at pinaandar nang mabilis patungo sa pinagtaguan niya kay Ma'am Kate. Wala siyang kaalam-alam na wala siyang madadatnan doon.
"Magbabayad siya sa akin! Siya ang dahilan ng pagiging miserable ng buhay ko!" sambit niya, at dali-dali siyang nagtungo ng pinto at binuksan ito.
Gayon na lamang ang kaniyang pagkagalit nang wala siyang ibang nadatnan doon bukod sa mga nagkalat na gamit.
"Hayop ka!" Pinagtatadyakan niya ang mga gamit na makikita niya dahil sa sobrang galit. Lumapit naman siya sa kama dahil may nakita siyang papel doon na tila may nakasulat.
Hindi ka magtatagumpay sa plano mo. Tandaan mo, papunta ka pa lang pabalik na ako. Hindi ko hahayaang magtagumpay ka sa plano mo, lalo na at ang ama mo ang dahilan ng pagkasira ng buhay namin ng ina ko noon. Hindi ka magtatagumpay!
Pinunit niya ang papel, at agad sumakay sa speed boat dala ang katanungan kung ano ang kinalaman ng ama niya kay Ma'am Kate. Gan'on pa man, nadagdagan na ang nais niya. Iyon ay ang pahirapan ang guro—labis-labis na paghihirap.
MALABO pa rin ang mga mata ni Mariel pagkagising niya, subalit naging malinaw naman iyon nang may narinig siyang sigawang nagmumula sa second floor. "Hindi maaaring may mamatay ulit. 19 na nga lang kami, eh," bulong ni Mariel habang paakyat sa hagdan.
Nanlumo siya nang makita niya ang bangkay nina Rain at Omar na malapit sa sala ng second floor. Napatingin naman siya sa buong klase. Lahat sila ay umiiyak—may mga nagsisigawan at humahagulgol.
"Ayoko na rito! Umalis na tayo, natatakot na ako!" hagulgol ni Rizza. Gustuhin man nilang umalis doon ngunit na-trap na sila. Wala silang masakyan paalis. 'Yong yate namang sinakyan nila noon, walang may alam kung paano iyon paandarin. Sigurado rin si Mariel na inanod na iyon ng alon nang bumagyo noong nakaraan.
"M-May nakasulat ng '17' sa portrait ni Rain, t-tapos '18' naman kay... O-Omar," pag-uulat ni Mich sa kanya. Halos mabasag pa ang boses niya habang sinasambit ang ulat niyo.
Agad namang inilabas ni Mariel ang pocket journal at ballpen niya, saka isinulat ang mga pangalan at numero nina Rain at Omar.
"(1) Rian, (2) Eila, (3) Angel;
(4) Ann, (5) Aldrin;
(6) Chad, (7) Mark, (8) Jhun;
(9) Tina, (10) Janna, (11) Fred, (12) Trunks;
(13) Sharrie, (14) Ayka, (15) Mhen;
(16) Geam;
(17) Rain, (18) Omar"
Isinara na niya ang journal niya, at muling ibinulsa saka luminga sa paligid na tila may hinahanap.
"Nakita niyo ba si Leianne?" nag-aalalang tanong ni Mariel kina Joanne at Eliana, ngunit umiling lang sila. Bumaba naman siya papunta sa kusina, at doon ay nakita niya si Leianne na nakahandusay.
"Leianne!" Inalog-alog niya ito ngunit hindi niya ito magawang gisingin.
Nag-umpisa ng dumaloy ang kaba sa kaniyang puso. Mas lumakas pa ang pagkabog ng kaniyang puso nang makita niya ang leeg ni Leianne na dumudugo pa. May mga maliliit ding patak ng mga dugo sa sahig.
"Leianne! Leianne, please gumising ka!" sigaw niya kaya napatingin ang mga kaklase niya. Tumakbo sina Eliana at Joanne sa kanila pati na rin ang iba pa niyang mga kaklase.
"Please, umalis ma tayo rito! Ikaw ba, Mariel, gugustuhin mo bang mawalan ulit ng kaibigan, ha?" Hindi naman nakaimik si Mariel sa tanong ni Jelyn.
Labis-labis na ang paghihingapis niya dahil sa pagkamatay ni Geam, mas lalong hindi niya maaatim kung isa na namang mahal niya sa buhay ang mawawala. Napalingon siya kay Leianne nang bahagya itong gumalaw. Iminulat niya ang kaniyang mata at agad dahan-dahang bumangon.
"Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Mariel, at niyakap si Leianne.
"Nakasagupa ko pa ang killer, pero hindi ko man lang nakita ang mukha niya!" tugon niya kaya napakalas sa pagkakayakap si Mariel. Rumagasa ang mga luha ni Leianne, at mas lalo namang napaawang ang bibig ng iba nilang mga kaklase.
"Please, umalis na tayo rito kung gusto niyo pang mabuhay!" pag-iyak ulit ni Rizza, at nag-umpisa ng magwala na tila isang paslit na gustong maglaro sa labas.
"Manahimik ka, Rizza! Dito na tayo hanggang kamatayan! Trapped na tayo rito, wala na tayong magagawa," sumbat sa kaniya ni Eliana na base sa tono ng kaniyang boses ay nawawalan na siya ng pag-asa.
"Puwes, kung gano'n ay aalis ako! Kayo lang ang mamamatay at hindi ako," sagot ni Rizza. Sumang-ayon din ang iba nilang mga kaklase. Nagsilabasan na sila kaya agad nilang sinundan sa labas ang kanilang mga kaklase.
Si Leianne naman ay patuloy na inaalalayan ni Eliana, habang si Joanne ay nakatanaw lang sa kanila mula sa sala ng first floor.
"Huminahon kayo!" sigaw ni Mariel kaya napatingin ang mga kaklase niya sa kaniya.
"Hindi lang din kayo makakaalis dahil wala tayong sasakyan. Tingin niyo ba kaya niyong languyin iyang dagat makauwi lang? Sumunod na lamang kayo sa akin," wika niya kaya agad silang nagtungo kay Mariel. Tila natauhan naman si Riza kaya kumalma siya.
"Siguraduhin mo lang na tama iyang desisyon mo, Mariel,," maarteng sabi ni Erica kaya napairap na lamang si Mariel. Umismid naman si Eliana; hindi pa rin naman umiimik si Joanne.
"Pumasok tayo sa loob," utos ni Mariel, at pinangunahan sila sa paglalakad.
Kumuha ng soup bowl si Mariel, at inilabas ang kaniyang pocket journal. Pumunit siya ng 17 pages doon, kaya naman mas maging manipis ang journal niya. Nanatili naman sila sa sala ng first floor upang doon isagawa ang naiisip niya.
"Anong naman ang gagawin natin?" tanong na naman ni Erica, kaya diretsong napatitig si Mariel sa kaniya habang nagpapaliwanag.
"Isulat niyo sa papel na na hawak niyo kung sino sa tingin niyo ang killer, at kung ano ang saloobin niyo," wika ni Mariel. Wala naman ng iba pang nagawa ang mga kaklase niya kundi tumango at sumunod sa nais niya.
Napangiti naman si Mariel nang maisip niya kung ano ang puwedeng isulat. Ilang saglit lamang ay isinulat niya na kung ano ang laman ng kaniyang isipan. Pagkatapos niyang magsulat ay itnupi niya na ang papel at nilagay sa bowl. Ipinasa niya naman ang ballpen kay Leianne.
Iisang ballpen lang ang pinagpasa-pasahan nila hanggang sa ang lahat ay natapos na magsulat. Si Erica ang nahuling nagsulat kaya nakaismid siya habang ibinabalik ang ballpen kay Mariel, atska inilagay ang nakatuping papel niya sa bowl.
"Ngayon ay babasahin ko na ang mga sinulat niyo, at baka malay niyo isa rito ay ang papel ng killer," saad niya at binuksan na ang papel na binunot niya.
Blangko lamang ang papel at qalang nakasulat kahit isang letra. Bumunot muli siya ng isa pang papael at binasa. "Hindi ako ang killer... nagkakamali kayo." Napatingin siya kay Joanne na napaiwas lamang ng tingin.
Umiwas na lang din ng tingin si Mariel, at bumunot muli siya ngunit blangko ulit. Maraming blangko ang nabuklat niya at pito lamang sa mga papel ang may nakasulat.
"Malay ba natin kung isa kina Mariel ang killer." Napatigil si Mariel sa nabasa niya at napatingin sa buong klase na nagbubulung-bulungan.
Napatingin ng masama si Eliana at bago pa man sila makapagsalita ay itinuloy na ni Mariel ang pagbabasa. Sa pagkakataong iyon ay ang papel niya na ang nabunot niya.
"Gumagawa na ako ng hakbang laban sa killer. Dalawa kaming gumagawa ng hakbang pero hindi ko maaaring sabihin kung sino ako baka makasagabal ito sa plano. Makakaalis din tayo rito." Kita niya sa reaksyon nila ang pagkatuwa at pagkakaroon ng pag-asa.
"Kailan pa? Iniisa-isa na tayo. Tanggapin na lang natin na wala na tayong pag-asa. Mamatay na tayo rito," entrada ni Mich. Naluluha ang kaniyang mga mata at bumuntong-hininga.
"Huwag na tayong mambintang kung wala tayong ebidensya." Hindi alam ni Mariel kung kanino ang papel na iyon ngunit may katuwiran ang kung sino mang sumulat n'on. Ebidensya ang kailangan nila.
"Natatakot ako dahil baka mamayang gabi ay may patayin na naman sa atin."
"Top 1 ka noon, Mariel, 'di ba? Dapat kumilos ka na ngayon Wala ka namang kuwenta!" Napatingin si Mariel nang masama. Kung buhay pa sana si Rain ay iisipin niya na siya ang nagsulat.
Ibinaling niya ang kaniyang tingin kay Erica na nakangisi. Hindi na lamang siya umimik dahil wala siyang ganang makipagbangayan.
"Sino ang sumulat no'n?!" Nag-ngingitngit na tanong ni Eliana—siya na ang nagagalit para kay Mariel, at si Kara naman ang sumagot.
"Totoo naman, ah. Dapat ngayon gumagawa na siya ng hakbang," sumbatr sa kaniya ni Kara.
"Huwag mong isusumbat iyan kay Mariel dahil nandito pa naman ang dati nating class president," panunupalpal ni Eliana, at tumingin kay Bella na nag-iwas lamang ng tingin.
"Tumigil na nga kayo! Walang maitutulong ang pagsusumbatan ninyo," sabat naman ni Josh kaya napatayo si Eliana.
"Wow! Bakit may naitulong ka na ba? Naglalandian lang naman kayo ni Kara, eh. 'Yon lang naman ang ginagawa niyo!"
Inawat na sila ni Mariel. Iisang papel na lamang ang natitira. Dahan-dahan niya itong binasa at halos magtayuan ang mga balahibo niya habang binabasa iyon.
"Takot na ba kayo? Mamatay kayo nang hindi niyo nalalaman na ako ang killer! Lagi lang akong nakamasid sa inyo. You should expect the unexpected! Maraming namamatay sa maling akala!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro