Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Dahil sa mas matinding galit ni Mariel sa killer, na nabuo dahil sa pagpatay kay Geam, mas naging matapang siya para ipaglaban ang kanilang kaligtasan. Mas nabuhayan siya ng loob na bigyan ng katarungan ang kamatayan ng kaniyang kaibigan, at para sa kanya, makakamit niya lang iyon kapag nahuli niya na kung sino ang killer.

BUMALIK na si Mariel sa mga kaklase niya sa first floor. Nakita niyang nandoon pa rin ang mga kaibigan niya, pati si Joanne. Muli naman siyang napaluha nang hindi mahagilap ng mga mata niya si Geam; wala na talaga ang pinakamatalik niyang kaibigan.

Umupo na siya sa tabi ni Leianne na nakatulala sa kawalan. Pare-pareho na silang gutom, ngunit wala silang gana para kumain. Kumakain na nga ang iba nilang mga kakaklase, ngunit silang apat ay nanatiling nakatunganga. Para silang nasa isang bangungot na hindi na magigising pa.

Pinalipas nila ang umaga at hapon habang nananatili sa kanilang puwesto—ni hindi man lang sila umalis sa first floor. Sumilip na rin ang liwanag ng buwan mula sa labas, subalit wala yata silang balak na umakyat.

Sa kanilang pananahimik ay iniisip pa rin nila kung kailan kaya sila makakaalis doon, lalo na si Mariel. Sawa na kasi siya sa pakikipagpatentero nila sa salarin, at atat na siyang mahuli kung sino man ito. Sa katunayan, gusto niya ring kitilan ng buhay ang killer kapag nahuli niya ito, subalit ayaw niya rin namang madungisan ang kaniyang mga kamay.

"AAAHHH!" Nagambala ang pananahimik ng klase nang umusok ang paligid, kaya isa lamang ang nasisiguro ni Mariel, may nagpakawala ng sleeping gas.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi na nakita ni Mariel kung sino ang may gawa n'on. Tinakpan niya na lamang ang ilong niya, at sinubukang makaalis sa lugar na iyon kahit pa napakakapal na ng usok sa loob.

Subalit kahit gaano pa kahigpit ang pagtakip niya sa kaniyang ilong ay nabigo siya. Hindi madali sa kaniya ang maglakad papalayo dahil wala siyang ibang nakikita kundi ang usok. Hindi na rin siya makahinga, kaya natanggal niya ang kaniyang kamay mula sa pagkakatakip sa kaniyang ilong, at unti-unting nagdilim ang kaniyang paningin sabay bumagsak sa matigas na kahoy na sahig.

PALAISIPAN pa rin sa salarin kung sino ang isusunod niyang papatayin. Kaya naman, napatingin siya sa dart board kung saan naroon lahat ng litrato ng mga kaklase niya. Ang ibang mga litrato ay may bahid na ng dugo. Sila ang mga pinaslang niya na.

Binuksan niya ang drawer niya at bumungad sa kaniya ang natitirang darts. Kinuha niya ang isa napatingin sa tulis nito. Napangisi siya at agad itong ibinato sa litrato ng mga kaklase niya. Muli siyang napahalakhak nang makita kung kaninong larawan ang tinamaan nito.

"Kay suwerte mo nga naman! Pero mas maganda kung kayong dalawa ang papaslangin ko para naman hanggang kamatayan ay sabay kayo," wika niya habang pinagmamasdan ang litrato ng dalawa niyang kaklase.

"Pati sa kayabangan ay inuungusan niyo sina Mariel," bulong niya. Napalingon naman siya sa kaniyang lola, at sa kaniyang kasabwat. Noong bago kasi mailaglag ang sleeping gas ay pasimple itong nakatakas.

"Saludo ako sa katapangan mo, apo!" nakangiting saad sa kaniya ng kaniyang lolang nakaupo sa dulo ng kama. Gumanti naman siya ng ngiti, at lumapit sa matanda.

"At dahil 'yon sa tulong niyo. Atsaka, dapat lang sa kanila 'yon dahil kulang pa iyon sa ginawa nila sa akin," tugon niya at binigyan ng mainit na yakap ang kaniyang lola.

Napatayo naman ang kasabwat niya, at inusal niya, "Wala na siguro ang usok doon ngayon. Puwede na nating kunin 'yong mga bagong biktima." Napakalas naman sa pagkakayakap ang killer, atsaka sila nagtungo sa first floor.

Pagdating nila roon ay wala ng kausok-usok. Nadatnan din nilang bagsak na ang katawan ng mga kaklase nila, at wala ng kamalay-malay. Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon, nilapitan na nila ang mga bagong biktikma.

Tig-isa sila ng katawan na hinila. Kaawa-awa ang dalawa nilang kaklase dahil sa sandaling imulat nila ang kanilang mga mata, kaharap na nila kaagad ang kanilang kamatayan. Mabilis nilang nahila ang dalawa papunta sa lungga nila. Gaya ng dati ay nagtago ang kasabwat ng killer sa kaniyang kuwarto, kasama ang matanda.

Eksakto ring naalala niya si Ma'am Kate dahil matagal niya na itong hindi nadadalaw simula n'ong malaman niyang siya ang dahilan ng pagiging miserable ng kaniyang buhay. Kaya naman ay binabalak niya itong puntahan pagkatapos niyang paslangin ang dalawa niyang kaklase. Lingid naman sa kaniyang kaalaman na matagal ng nakatakas ang guro, at gumagawa na ito ng mga hakbang para mapabagsak sila ng lola niya.

Kinuha niya ang dulo ng dalawang mahabang kadenang nakakonekta sa kisame, at ikinabit ang mga ito sa leeg ng dalawa niyang kaklase. Napangisi siya sa maaaring mangyari sa kanilang dalawa dahil sa kadenang nakalagay sa leeg nila. Sa oras kasi na tumakbo sila papalayo, masasakal sila.

Napangisi siya at hindi na siya makapaghintay na paslangin sila. Isa-isa niyang kinuha sa sulok ang baldeng may lamang tubig—kanina pa iyon nakahanda roon, at isa-isa niya ring ibinuhos ang laman no'n sa dalawa niyang kaklase.

Tuluyang nagising ang diwa ng dalawa, at tila nakakita ng multo nang mapagtanto nilang hawak na sila ng killer. Higit sa lahat, hindi nila lubos na akalain kung sino ang pumapatay sa klase nila.

Ngumis naman ang killer—ngisi na tila nagbabanta. "Surprise!"

"I-Ikaw? P-Paanong..." Napaurong ang mga kaklase niya dahil sa muling pag-ngisi niya.

"Bring it on! Ang galing niyong mambunganga, eh tiklop naman pala kayo sa akin," pang-aasar niya sa dalawa, at tinalikuran sila.

"Mamaya lang ay mabubura na ang Rain at Omar sa mundo," saad pa niya, at kinuha ang patalim na nakapatong sa lamesa. Narinig niya naman ang pagkalansing ng kadena kaya napangisi siya.

Pagkaharap niya ay nasaksihan niya na lang ang paghabol ng hininga ni Rain dahil siguradong nagtangka siyang tumakas. Bigo siya dahil sa pag-urong lang niya ay bahagya siyang nasakal.

"Please, pakawalan mo kami!" sigaw ni Rain, at lumuhod pa. "Atsaka, paanong nangyaring ikaw ang killer—" naputol sa pagsasalita ang kawawang dilag nang ibato ng killer ang kutsilyo sa kaniya. Tumarak naman iyon sa makinis niyang braso.

"Huwag mo na akong tanungin pa, Rain," saad ng killer at inilapit ang mukha sa kaniyang kaklase, sabay ngumisi pa.

"Walanghiya ka! Pakawalan mo kami rito! Akala ko ba—"

Bago pa man maituloy ni Omar ang sasabihin niya, gaya ng ginawa ng killer kay Rain, ibinato niya ang kutsilyo sa braso ni Omar. Umagos tuloy ang napakaraming dugo mula sa mga braso ng magkasintahan.

"W-wala naman... kaming a-atraso sa iyo," impit na wika ni Rain, kaya hinigpitan pa ng killer ang pagkakapulupot ng kadena sa leeg niya.

"Itigil mo 'yan, please!" bulyaw ni Omar, ngunit hindi niya pinakinggan ang pagmamakaawan nito.

"Atraso? Dahil sa pambubulalas niyo ay naipapaalala niyo ang nangyari sa akin noon!" bulyaw niya.

"Eh, bakit sina Mariel?!" matapang din na sumbat sa kaniya ni Rain, kaya sinampal niya ito. Sadyang may katapangan talaga si Rain dahil nagawa pa niyang sigawan pabalik ang killer, kahit na alam niya kung ano ang maaring maging kahihinatnan niya, gan'on pa man hindi pa rin naaalis ang takot na unti-unting lumalamon sa kaniya.

"Darating din tayo riyan. Sa ngayon, ikaw muna ang uunahin ko!"

Hindi matanggap ni Rain na darating na ang sandaling kinatatakutan niya. Natatakot siya dahil marami siyang maiiwan. Napatingin siya kay Omar habang rumaragasa ang kaniyang mga luha. Para sa kaniya, kung dahil lang sa pambubulalas niya kaya siya papatayin ay handa siyang magbago.

"P-Please..." pagmamakaawa niya, at handa ng magpakumbaba, ngunit hindi siya pinansin ng killer.

Napahawak si Rain sa bibig niya nang makita niya ang hawak ng killer—isang bote ng muriatic acid na nakalapag kanina sa lamesa.

"Huwag mong gagawin iyan!" muling bulyaw ni Omar, at pilit na inaabot ang killer para pigilan, subalit nasasakal siya sa bawat paghakbang niya.

Sumenyas si Rain kay Omar na hayaan niya na ang killer. Unti-unti ng tinatanggap ni Rain na mamamatay na siya. Handa niya ng harapin ang kamatayang kinatatakutan niya. Subalit, napansin naman niya pagkakamali ng killer. Hinayaan ng killer na malaya ang kamay nila, kaya iyon ang gagamitin niya upang makalaban. Huhugutin niya sana ang kutsilyong nakatarak sa kaniyang braso para isaksak iyon sa killer, ngunit halos mapaos siya kasisigaw nang ibuhos sa kaniya ng killer ang muritatic acid.

Nararamdaman niyang tila nag-aalab ang kaniyang buong katawan. Nalapnos na rin ang buong katawan niya at hindi niya na magawang imulat ang kaniyang mga mata. Sigaw lamang siya nang sigaw dahil tila nilalamon siya ng apoy.

"H-Huwag mo na... akong p-pahirapan pa... please... patayin mo na ako..." pagmamakaawa niya.

Ilang saglit lamang ay naramdaman niya ang talim ng kutsilyo na unti-unting tumatarak sa kaniyang dibdib. Naramdaman niya ang pag-agos ng kaniyang dugo sa nalalapnos niyang katawan.

"W-wala akong... a-atraso sayo... kung meron man... p-patawarin mo ako..." bulong ni Rain hanggang sa mawalan na siya ng buhay.

Napahalakhak na naman ang killer, at bumaling ng tingin kay Omar na sindak na sindak. Dali-dali siyang lumapit kay Omar, at gamit ang kutsilyong pinangsaksak niya kay Rain ay itinarak niya ito sa dibdib ni Omar.

Mas lalong lumawak ang ngisi sa kaniyang labi nang lumapit na sa kaniya ang kaniyang lola, at ang kasabwat na hindi nakaimik nang makita niya ang lapnos na bangkay ni Rain.

"Mahusay, apo ko" papuri sa kaniya ng kaniyang Lola Lucia at pumalakpak pa. Sa lagay na iyon ng kaniyang lola—nanghihina dahil sa ginawa nila Ma'am Kate—ay nagagawa pa rin niyang maglakad at pumalakpak.

"Nagmana lang ako sa inyo," tugon naman ng killer. Yayakap sana siyang muli sa kaniyang lola, subalit nabuwal na lamang ito sa kaniyang kinatatayuan, at nawalan ng malay. Muntik ng bumagsak sa sahig ang kaniyang lola, mabuti na lamang ay nasalo niya agad ito.

Pinagtulungan nilang buhatin ang kaniyang lola patungo sa kuwarto niya, at pinahiga siya sa kaniyang kama. Ilang saglit niya namang pinagmasdan ang matanda. "Hayaan niyo, Lola, malapit ko ng makuha si Mariel o Leianne para sa inyo."

Noong magkamalay na ang kaniyang lola, at nang masigurado niyang ayos na siya ay hinila na nila ng kasabwat niya ang bangkay nina Rain at Omar sa ikalawang palapag. Nadaanan naman nila ang kanilang mga kaklaseng tulog na tulog pa rin.

Katulad na naman ng dati, sinulatan niya ang mga portraits ng dalawang biktima gamit ang dugo sa kaniyang mga kamay. Pagkatapos n'on ay bumalik na sila sa lungga niya, at nilinis ang kanilang sarili. Napatingin naman siya sa kaniyang repleksyon sa maalikabok na kuwadradong salamin.

"Mas matitikman pa nila ang impyerno sa mansion na ito," bulong niya. Kitang-kita niya sa kaniyang repleksyon ang pagkurba ng kaniyang labi—isang malawak na ngising tila may maitim na namang binabalak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro