Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Nagising si Mariel na may ngiti sa kaniyang labi. Tila wala siyang papasanin na problema, samanatalang kagabi naman ay naghihinagpis siya. Ang paghihinagpis na lumalamon sa buong sistema niya kagabi ay unti-unting naglaho. Punong-puno na kasi siya ng pag-asa ngayon dahil sa planong sinabi ni Ma'am Kate. Nabuhay ang paniniwala niyang makababalik din siya sa kaniyang daddy.

Hanggang sa pagbangon niya ay nakaukit pa rin ang ngiti niya habang pinagmasdan ang buong klase. Napahinga pa siya nang maluwag dahil kumpletong silang bente, walang bagong napatay.

Bigla namang nabura ang ngiti niya nang marinig niya nang magsagutan sina Bella at Mae sa may hagdan pababa sa first floor; inaawat naman sila ni Mich at Rae.

"Mae, umamin ka, hindi ba ikaw ang pumatay kina Sharrie at sa iba pa?" diretsahang tanong ni Bella at ngumisi. Kitang-kita ni Mariel ang panlalaki ang mga mata Mae na nag-iwas ng tingin.

"Bakit ako?" tanong naman nito pabalik.

Napaisip naman si Mariel kung bakit nga ba si Mae ang pinagbibintangan ni Bella. Kung sa bagay, si Mae lang naman ang may matinding pagkainis kay Sharrie. Mukha mang imposible siyang pumatay, pero hindi ikakaila ang posibilidad na maaaring kaya niya nga ring gumawa ng gan'on krimen.

Tinaasan naman ni Bella ng kilay si Mae. "Ikaw lang naman ang tumatawag ng anaconda kay Sharrie, 'di ba?"

"Eh, ano naman ngayon? Bagay lang sa kaniya 'yon!" sigaw sa kaniya ni Mae, at tinalikuran siya, kaya marahas niyang hinigit ang braso ng kaklase.

"Tandaan mo ito, Mae, hindi ka magtatagumapay! Uunahan kitang mamamatay tao ka!" may diing bulong ni Bella na tila nagbabanta. Hindi naman na iyon narining pa ni Mariel, kaya ibinaling niya na lang ang tingin niya sa ibang direksyon.

ALAS otso na ng umaga nang maisipang maghalughog ni Mariel sa kusina. Mabuti na lamang ay may natagpuan siyang supply ng mga pagkain, gaya ng cup noodles, canned goods, gatas, at biscuits, sa hanging cabinet sa may itaas ng lutuan.

Kumuha siya ng isang cup noddles, at nilagyan ng mainit na tubig na pinakuluan niya habang naghahalungkat siya, at dinala sa taas. Kumuha rin ng iba pang pagkain ang mga kaibigan niya, at sumunod sa kaniya.

Nang makita ng mga kaklase nila na kumakain na sina Mariel ay nagsibabaan na rin sila para kumuha ng makakain nila.

"Anong gagawin niyo kapag nakita niyo na lang na bangkay na ako?" tanong bigla ni Geam. Napadaing naman si Mariel nang mapaso ang dila niya, dahil sa mainit na sabay, nang tanungin iyon ni Geam.

"Anong mamamatay? Uunahin nating patayin ang killer para hindi tayo mamatay," sagot naman ni Leianne, sabay lapag ng cup noodles sa kaniyang tabi.

Matamlay namang ngumiti si Geam. Kapansin-pansin ding namumutla siya. "Basta, tandaan niyong apat na mahalaga kayo sa akin."

Hindi naman mawari ni Mariel kung bakit tila may nararamdaman siyang kakaiba. Pakiramdam niya ay parang may mali. Hindi niya lang matukoy kung ano iyon. Sinasabayan pa man din iyon ng pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib.

MABILIS na lumipas ang oras. Ang kaninang tirik na tirik na araw, dahil nawala na ang sama ng panahon, ay unti-unti ng lumulubog. Inaagaw na rin ng kadiliman ang buong paligid, hanggang sa tuluyang sumapit na ang oras ng pagluluto ng hapunan.

Pinagmasdan naman ng killer sina Jenn at Bella na nagluluto ng hapunan. Naalala niya tuloy noong naging kaibigan niya sila; sila ang naging kasama niya palagi at sinasabihan niya ng mga sekreto.

Subalit isang araw, noong pumutok ang scandal na hindi naman totoong siya ang nasa video, nilayuan na siya ng kaniyang mga dating kaibigan at hinayaan lang siyang ma-bully. Ang masakit lang sa lahat ay mabilis siyang hinusgahan ng mga dati niyang kaibigan—sila na rin ang nambulalas sa kanya.

Ang dalawa niyang dating kaibigan na traydor ay hindi niya na magawa pang ngitian ngayon—sina Jenn at Bella! Marahas niyang pinunasan ang tumulong luha niya, at ibinaling ang tingin sa iba.

Nakita niyang umalis ang dalawa, kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na lagyan ng pampatulog ang pagkain. Nang maisagawa niya na ang pakay ay bumalik na siya sa kaniyang mga kaklase.

Mayamaya pa ay nagtungo na silang lahat sa kusina para kumain. Tahimik lang sila habang kumakain, subalit ang killer at ang kasabwat niya naman ay hindi ginalawa ang pagkaing nakahain sa harapan nila.

Napaismid naman si Leianne nang makita niyang naglalandian na sa harap ng pagkain sina Omar at Rain, kaya itinuon niya na lang ang pansin niya sa kinakain niya. Ayaw niya ng pagtuunan pa sila ng pansin dahil maiinis lang siya lalo. Nadagdag pa ang hindi komportableng dulot ng nakaikipit na mga libro sa ilalim ng damit niya.

Makati kasi ang mga ito sa tiyan niya dahil sa alikabok, pero wala siyang magagawa dahil kailangan nila ang mga librong iyon mamamaya. Kapag iniwanan niya kasi sa bag niya iyon, baka kunin iyon ng iba niyang mga kaklase—papalpak pa sila sa plano nila.

Si Mariel naman ay hindi nilulunok ang kinakain niya. Inipon niya lang ito sa bibig niya, at noong nakakuha siya ng tiyempo ay itinapon niya iyon sa basurahan. Alam niya kasi nab aka nilagyan ng killer ng pampatulog ang pagkain nila.

Nang matapos silang kumain ay bumalik na sila sa taas, ngunit napagtanto naman ni Leianne na parang may mali. Unti-unting bumibigat ang talukap ng mga niya, at nakadama ng matinding pagkaantok.

"Ang bobo ko! Bakit hindi ko naiisip na maaaring nilagyan ng killer ng pampatulog ang pagkain?" inis na saad niya sa kaniyang sarili niya dahil unti-unti ng nanlalabo ang paningin niya. Mabuti na lamang ay nakaipit mabuti sa pants niya ang mga libro kaya hindi nalaglag.

Nanghihina man ay pinilit siyang bumangon. Dali-dali siyang nagtungo sa cr, at tumapat sa toilet bowl. Agad niyang sinungkit ang ngalangala niya, kaya agad siyang sumuka. Inilabas niya lahat ng kinain niya kaya nawala ang antok niya. Naghilamos na siya ng kaniyang mukha, at agad na nagtungo kung nasaan ang mga kaklase niya, at humiga sa sofa.

Nang unti-unting magbagsakan ang mga kaklase niya ay ipinikit niya kaagad ang mga mata niya at nagpanggap na tulog. Nang makita ni Mariel na nakapikit na si Leianne ay pumikit na rin siya.

TUWANG-TUWA ang killer dahil muli na niyang isasagawa ang susunod niyang plano. Ngayon naman ay plano niyang puksain ang isa sa mga malalaking kalaban niya. Dinala niya ang bagong biktima kaniyang lungga at itinahi ang bibig niya.

"Mamamatay ka na, Geam." Napahalakhak siya at tila nawawala na sa sariling katinuan.

Wala naman ng nagawa pa si Geam dahil agad siyang sinaksak ng killer sa dibdib. Nagtalsikan naman ang napakaraming dugo; tumalsik pa ang mga ito sa mukha ng killer.

"Kawawa ka naman, wala ka man lang kalaban-laban," saad pa niya, at humalakhak nang malakas. Wala ng Geam ngayon—ang Geam na kahit papaano ay may iniimpok na katiting na kabaitan.

Kinuha niya sa kaniyang kasabwat ang palakol, at agad niya itong ihinambalos sa dibdib ni Geam. Sumirit pa ang maraming dugo dito at tumalsik sa mukha niya ang mga ito.

"T-Tama na iyan!" suway sa kaniya ng kasabwat niya, pero hindi niya iyon pinansin.

"Simula ngayon, wala ka na, Geam! Mabuti iyan sa iyo. Matagal na kitang nais patayin!" Muli niyang hinambalos ng palakol ang dibdib ni Geam kaya't nagtalsikan pa ang mas maraming dugo.

Pagkatapos n'on ay napaupo siya sa tabi ni Geam, at ihinaplos ang kamay niya sa sahig na puno ng dugo. Umagos pa ang maraming dugo, na siya namang nagpapagaan sa damdamin niya. Tila isa siyang bambpirang hayok na hayok sa dugo. Kulang na nga lang ay inumin niya iyon.

"T-Tayo na... t-tantanan mon a 'yan," muli na namang saad ng kasabwat niya, kaya napatayo siya at napatingin sa kamay niyang nababalot na ng dugo.

Gaya ng dati, nagtugo siya sa silid ng mga portraits. Napatitig naman siya sa portrait ni Geam, sabay napailing. Ipinahid niya na roon ang duguan niyang kamay, at isinulat ang numerong "16".

"Kaunti na lang at malapit na akong magtagumpay sa plano ko," bulong niya, at pagkatapos n'on ay nilisan na nila ang silid na iyon.

"Tama lang na mamatay kayo! Masyado kayong mapang-api at mapang-husga sa akin. Wala akong nagawa noon kundi manahimik at umiyak!" bulalas niya.

Kamatayan ng iba ang papanatag sa loob niya. Bumibigat ang kaniyang damdamin tuwing iisipin niya ang mga pangyayari noon. Papatayin niya silang lahat at ipararanas niya ang impyernong naranasan niya sa bawat isa.

Napaluha siya habang pabalik siya sa lungga niya. Ang kasabwat niya naman ay nahiga na sa tabi ng mga kaklase niya.

NANG maramdaman ni Mariel na tahimik na ang paligid, dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Napalingon siya kay Leianne na bumangon na rin. Wala silang kaalam-alam na sa kanilang pagpikit ay mabilis na nakuha ng salarin si Geam.

Ni hindi na nga nila napansin na wala na si Geam doon dahil nakatuon ang isip nila sa planong isasagawa nila. Sinakop ng buong kaisipan nila tungkol sa gagawin nila, kaya hindi na nila naisipan pang tignan ang kalagayan ng mga kaklase nila.

Dahan-dahan silang lumakad papalayo, at dumiretso sa hidden place nila ni Ced. Malaya naman silang nakagalaw dahil maraming pasilyo ang mansion, at sa lawak n'on ay imposibleng makasalubong nila ang killer.

"Maghanda na kayo dahil isasagawa na natin ang plano," utos sa kanila ni Ma'am Kate, at inabutan sila ng tig-iisa silang kadena.

Pumasok na sila sa kwartong may sign na "do not enter", at dahan-dahan binuksan ang pinto. Palagi namang nakabantay sa likuran ni Mariel si Ced.

Gamit ang kadena, hinila nina Mariel at Leianne ang mga kalansay na nakapulang cloak, at minsanan nilang hinila sa sa isang kuwartong malapit sa pinagtataguan nila. Hindi akalain ni Mariel na may gan'on pang kuwarto dahil ang pinto n'on ay natatakpan ng malaking bookshelf.

Nakasunod naman sina Ma'am Kate at Ced na hila-hila ang rebultong may sungay gamit ang mga kadena. Pinagtulungan nilang hilain iyon dahil mas mabigat iyon kumpara sa mga kalansay.

Takang-taka naman si Mariel dahil kabisadong-kabisado ni Ma'am Kate ang bawat bahagi ng mansion. Isinawalang bahala muna niya iyon, at itinuon ang atensyon sa ginagawa nila.

Tagaktak naman ang pawis niya pagkapasok nila sa kuwarto. Napalinga siya sa paligid. May tatlong malakaking pugon doon na magkakatabi pa. Wala namang bintana sa kuwartong iyon, subalit may chimney naman ang bawat pugon kaya ang usok ay dederetso sa labas ng mansion.

"Ito pala, Ma'am, dala ko ang mga libro." Iniabot ni Leianne ang libro at isinama sa mga kalansay.

Inilagay na nila ang mga kalansay sa dalawang pugon, at ang rebulto naman ay sa isa pa. Binuhusan na nila ang mga iyon ng gasoline, at sinilaban gamit ang posporo, hanggang sa nilamon na ng malaking apoy ang mga isinusunog nila.

Nasunog agad ang libro, at kumapit din ang apoy sa tela ng red cloak; unti-unting namang tinutupok ng apoy ang mga buto. Mas mabilis namang nasunog ang rebultong may sungay dahil gawa iyon sa kahoy. Isa pa, inaanay na ito kaya mas naging marupok na.

Pinagmasdan nila ang apoy habang naka-ukit ang ngiti sa labi nila. Tumingin si Mariel sa paligid at nagmistulang kulay kahel ang madilim na paligid dulot ng malaking apoy. Tiniis naman nila ang init at tuloy-tuloy na pagtagaktak ng kanilang pawis.

"Ayos ka lang ba?" May bahid na pag-aalala na tanong ni Ced. Napangiti na lamang si Mariel at tumango.

Sa totoo lang, na-miss niya ang pag-aalala ni Ced sa kaniya, ngunit sa tingin niya ay huli na ito. Pitong araw pa lang ang nakalipas ngunit kinse agad ang namatay.

"Leianne, bumalik na kayo, kami na ang bahala rito," saad ni Ma'am Kate. Agad na lumapit si Ced kay Mariel at hinalikan siya sa noo.

"Good night," bulong ni Mariel sa tainga ni Ced kaya napangisi siya at muling hinalikan sa noo. Agad silang bumalik sa mga kaklase nila at hindi na siya nag-abalang tignan sila. Gan'on din si Leianne, kaya hindi ulit nila napansin na wala na roon si Geam.

Samantala, ilang oras pa ang lumipas bago tuluyang naging abo ang mga sinunog nila. Wala ng mga buto, at wala na rin ang rebulto, higit sa lahat wala na ring apoy. Binuhusan na nila ng holy water ang mga abo, kaya biglang umusok nang makapal. Wala silang makita kundi makapal na usok.

"Ma'am!" tarantang bulalas ni Ced. Sa pagkakataon kasing iyon ay nakaramdam siya ng takot.

"Manatili ka lamang sa puwesto mo, at huwag kang gagalaw upang sa gano'n ay walang mapinsila," narinig ni Cedna saad ni Ma'am Kate kaya nanatili siya sa pwesto niya.

Habang nababalutan nang makapal na usok ang buong paligid nagsambit ng mga dasal si Ma'm Kate na tila nag-e-exorcist.

"Sa Ngalan ni Hesus, inuutusan ko ang bawat masamang espiritung naririto na lisanin ang mansion na ito at huwag ng mamiminsala pa!" saad pa ni Ma'am Kate, at kasabay n'on ay ang mga malalakas na kalabog. Hanggang sa nawala na ang usok, at tumahimik ang paligid.

Nagtagumpay sila sa una nilang plano!

LINGID sa kaalaman ng killer, naisagawa na nila Mariel ang plano at nasunog na nila ang mga kalansay, na siyang dahilan ng pagkahina ng lola ng killer. Lingid din sa kaalaman nina Mariel, pinatay na ang kaibigan nila.

Tuwang-tuwa naman ang killer—hindi pa rin niya alam ang panghihinang nangyayari sa lola niya. Nasa kalapit na isla ang lola niyang naghihintay na sumapit ang sandaling mapatay na ng killer lahat ng mga kaklase niya.

Nasa kalagitnaan siya ng kasiyahan nang tumunog ang hawak nitong cellphone ni Mariel. Itinago niya kasi ang cellphone ng kaklase niya dahil may importante pa siyang magagawa gamit ito.

From: Dad

Kumusta kayo, anak? Hanggang kailan ba kayo riyan?

Napahalakhak ang killer sa nabasa niya. Walang kaalam-alam si Governor Lopez sa nangyayari sa anak niya. Isa pa, hindi na makakaalis ang buong klase roon ng buhay—kasama si Mariel. Ang anak na pinakiingat-ingatan nito ay malapit ng mamatay.

To: Dad

Okay lang kami rito, Dad. We are doing good kaya huwag kayong mag-alala sa akin.

Muli na namang napahalakhak ang killer sa pang-uuto niya sa ama ni Mariel. Napatigil naman siya sa pagtitipa nang bumukas ang pinto, at iniluwa nito ang matandang naka kulay itim na bistida.

"Lola Lucia?" may bahid na saya na saad niya at nilapitan ang matandang halos mabuwal na.

Simula kasi noong dumating sila sa islang iyon ay hindi pa niya nakakausap ang lola niya dahil naging abala siya sa pagpatay. Isang linggo bago ang pagdating nina Mariel sa islang iyon, naroon na sa kabilang ang kaniyang lola.

Planadong-planado nila ang lahat: ang paghihiganti ng salarin, at ang muling pagtatag nila ng satanismo. Subalit lingid sa kaalaman nila, nagplano na rin noon sina Ced at Ma'am Kate upang hindi sila magtagumpay.

"Apo, tulungan mo ako, nanghina ako bigla," nanghihinang sabi ng matandang hirap ng huminga kaya pinaupo niya ito sa upuan.

"Ano po ang kailangan kong gawin? Anong nangyari sa inyo? Akala ko po ba napanatili niyo ang kalakasan niyo?" sunud-sunod na tanong niya.

"Hindi ko rin mawari kung ano ang nangyari. Mabuti na lang ay pinuntahan ako ng kaklase mong kasabwat mo," tugon ng lola niyang nakahawak sa kaniyang dibdib. "Kailangan ko ng dugo ng babaeng birhen upang lumakas akong muli," dagdag pa niya. Napangisi naman siya sa nais ng lola niya dahil madali lang iyon para sa kaniya.

"Huwag kayong mag-alala, madali lang akong makakakuha ng babaeng birhen," wika ng killer sa lola niya.

"Sa susunod na linggo, kabilugan ng buwan. Doon ko kakailanganin ang dugo nito," dagdag pa nito. Sa paniniwala kasi ng lola niya, mas mabisa kung magaganap iyon sa kabilugan ng buwan. Isa pa, kahit na nanghihina siya ay kaya niya pa ring makagalaw dahil may natitira pa rin siyang lakas.

"Kung iyon po ang nais niyo, Lola. Si Mariel o kaya naman si Leianne ang papatayin ko. Sila ang birhen pa rin..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro