Chapter 19
NAPAPIKIT na lamang sina Ayka at Mhen habang hinihila sila pabalik ng killer sa isa sa mga kuwarto sa kanyang lungga; sa kuwartong katabi ng kuwarto kung saan niya kalunos-lunos na pinatay si Sharrie. Marahas namang pinaupo ng kasabwat ng killer ang dalawa nilang kaklase sa upuang bakal, saka niya sila itinali. Pagkatapos n'on ay muli na naman siyang nagtungo sa kuwarto ng killer.
"Please, let us go. Hindi namin sasabihin na kayo ang may kagagawan nito," umiiyak na wika ni Mhen na pilit kumakawala sa pagkakatali. Itinutok ng killer sa noo niya ang baril, kaya napapikit siya.
"No! Taste my revenge first!" bulyaw ng killer, at ipinatama ang bala ng baril sa hita ni Mhen. Napasigaw si Ayka habang si Mhen naman ay napalakas ang pag-iyak dahil sa kanyang tama.
"Hindi niyo kasi ako maintindihan!" sigaw niya sa kanila, sabay tumulo muli ang luha niya kaya marahas niya itong pinunasan. "Naalala niyo ba 'yong ginawa niyo sa akin eight years ago? Kinawawa niyo ako!"
"A-Akala ko limot mo na 'yon?" natatakot na tanong ni Mhen.
"Paano ko kalilimutan ang nakaraan kung ang nakaraan ang pilit na nagpapa-alala sa akin? Mahirap kalimutan dahil nakatanim na iyon sa puso ko! Akala ba ninyo madaling kalimutan ang itinanim niyo sa puso at isip ko na dala ko hanggang sa hukay?" sumbat niya at napahikbing muli. Tuluyang rumagasa ang mga luha niyang matagal niya ng pinipigilan.
"Please, pakawalan mo kami. Promise 'di ka namin isusubong," pagmamakaawa na naman sa kanya ni Mhen, subalit marahas niya itong itinulak kaya natumba ito sa sahig.
Si Ayka naman ay nanatili lamang na lumuluha, at hindi pa rin makatingin ng diretso sa killer. Natatakot siya na baka sa pagtama ng mga tingin nila ay tatama rin sa kanya ang bala mula sa killer.
"Nagmakaawa ako sa inyo noon, sa'yo, Mhen! Akala ko tutulungan mo ako, pero wala akong napala sa iyo!" sigaw niya sa kaklase, at napapikit habang inaalala ang nakaraan.
Palabas na siya noon sa kanilang science laboratory, at uuwi na sana sa kanilang bahay, ngunit hinarang siya ng mga kaklase niya.
"Ikaw, babae, masyado kang sipsip sa mga teachers! Tapos ikaw na naman ang highest kanina!" singhal ni Bella sa kaniya, at humarang sa kaniyang daraanan
Napayuko na lamang siya dahil alam niya sa kaniyang sarili na wala siyang kasalanan. Hindi niya kasalanang mataas na naman ang nakuha niyang marka. Palibhasa ay wala siyang ginawa kundi ang mag-aral.
"Please, tama na. Gusto ko ng umuwi kaya padaanin niyo ako," mahinahong wika niya, ngunit itinulak siya ni Bella.
"Ayoko! Kung gusto mo, magpakamatay ka na lang para wala na kaming poproblemahin!" Napatingin siya sa sinabi ni Bella. Namuo ang galit sa kaniyang dibdib dahil nais na pala ng kaniyang mga kaklase na mamatay na lamang siya.
Tinabig niya sila at tumakbo patungo mini forest ng school. Doon ay ibinuhos niya lahat ng kaniyang mga luha—luha ng poot at hinagpis.
Napatayo naman siya nang makitang papalapit sa kaniya ang tatlong babae. Sina Rian, Eila, at Angel. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang patalim na hawak ni Angel. Napaatras siya ngunit hindi niya napansin ang bato, kaya bumagsak siya sa damuhan. Pinipilit niyang tumayo ngunit kumikirot ang kaniyang mga paa.
Papalapit na ang tatlo sa kaniya. Wala siyang magawa kundi umatras at tumitig sa hawak ni Angel na kutsilyo. Malakas na sapak ang ibibigay sa kaniya ni Eila, at naramdaman niyang tumulo ang dugo mula sa bibig niya.
"Tama na, please!" pagmamakaawa niya sa tatlo, ngunit hindi sila tumigil. Pinagtatadyakan siya ni Rian kaya tuluyan siyang nanghina.
Hinang-hina siyang nakahiga sa damuhan, at punong-puno ng mga galos. Nalalasahan niya na rin ang dugo sa kaniyang bibig, at unti-unti na ring bumibigat ang talukap ng kaniyang mga mata.
Sa 'di kalayuan ay may nakita siyang isang babae na nagulat sa pinaggagawa sa kaniya at napatakip sa kaniyang bibig. Napatingin ito sa kaniya, at kita niya sa mga mata ni Mhen ang awa.
Hanggang sa naramdaman niya ang malamig na talim ng kutsilyo na tumusok sa tiyan niya at bumulwak ang dugo. Lumabas na rin sa bibig niya ang dugo. Tumakbo ang tatlo palayo kasabay ng paglabo ng panigin niya.
"Tulungan mo ako..." bulong niya.
"Hintayin mo ako," tugon ni Mhen at tumakbo papalayo.
Naghintay siya ngunit tuluyan na siyang nanghina. Dumidilim na ang paningin niya ngunit wala pa rin siya. Hindi na siya binalikan ni Mhen.
Nagising na lang siya at bumungad sa kaniya ang nakasisilaw na liwanag. Napatingin siya sa gilid niya, at nakita ang mga doctor na naka kulay berde at naka-mask. May mga pantahi at iba pang aparato, subalit dumilim na naman ang kaniyang paningin.
"Naging mabait ako sa inyo pero gan'on lang ang ginawa niyo. Ngayon, naiintindihan mo na ba ako?" Hindi nakaimik si Mhen, at tanging hikbi lamang ang lumalabas sa kaniyang bibig.
"Sorry... sorry..."
"Ngayon, alam niyo na ba ang pakiramadam na malapit ka ng mamatay? Ganiyan ang naramdaman ko noong tinagka nila akong patayin!" Nanginging niyang itinutok ang baril sa noo ng kaniyang kaklase at pumikit. Hanggang sa naiputok niya na ito sa dibdib ni Mhen. Umubo ito ng dugo at bumagsak sa sahig.
"P-Please... h-huwag mo akong patayin," pagmamakaawa ni Ayka, pero tulad ng kay Mhen, binaril niya na rin ito sa dibdib.
Napapikit siya habang nanumbalik lahat ng sakit sa kaniyang dibdib—panghihinagpis at pagkaawa sa sarili. Lumapit naman na sa kaniyang tabi ang kaniyang kasabwat. Dala nito ang cloak at maskara ng killer.
Isinuot na ng killer ang cloak at maskara, at pagkatapos no'n ay muli niyang ipinahid ang kaniyang mga kamay sa dibdib nina Ayka at Mhen. Nang mabalutan na ng dugo ang mga kamay niya ay nagtungo na sila sa silid ng mga portaits. Pinagbuksan naman siya ng pinto ng kasabwat niyang walang imik.
Muli na namang namuo ang poot sa kaniyang dibdib habang sinusulatan ng mga numero, gamit ang dugo sa kaniyang mga kamay, ang mga portraits nina Sharrie, Ayka at Mhen. Silang lahat ang dahilan ng pagpatay niya ng tao. Sila rin ang magiging dahilan ng pagkadala niya sa impyerno.
Nilinis niya na nang maigi ang kaniyang katawan. Kasabay ng pag-agos ng tubig sa mukha niya ay ang pag-agos ng luha niya. Nang matapos siyang umiyak at maligo ay naglagay siya ng concealer para hindi mahalatang umiyak siya. Pagkatapos n'on ay dahan dahan siyang umakyat sa second floor at humiga sa tabi ng kaniyang mga kaklase. Samantala, ang kasabwat niya naman ang naglabas sa mga bangkay ng kaniyang mga kaklase.
NAPABALINGKWAS si Mariel nang magising siya. Doon ay napagtanto niyang nakatulog pala silang lahat. Pagkatingin niya sa bintana ay papalubog na ang araw. Niyugyog niya si Geam na katabi niya lamang kaya nagising na rin siya.
"Ang haba pala ng tulog natin," sabi niya sabay hikab. Uminat pa siya kaya natamaan niya si Leianne.
"Ang haba naman kasi ng kamay mo," pagrereklamo ni Leianne, kaya nagsitawanan silang lima.
Nagising rin ang iba nilang mga kaklase, at ang unang bumangon sa kanila ay si Mae na sinundan nina Mich at Rae.
"Tulog pa rin ba ang anaconda?" nakakalokong tanong ni Mae kina Mich at Rae kaya nagtawanan sila.
Iginala naman ni Mariel ang kaniyang paningin upang hanapin si Sharrie, pero hindi niya siya mamataan. Ipinagsawalang-bahala niya na lang ang kaniyang kaklase nang makaramdam siya ng pagkauhaw.
"Kukuha lang ako ng tubig, ah," pagpapaalam niya sa kaniyang mga kaibigan. Humiga naman muli si Geam, at ginawang unan ang bag niya.
Tumungo na si Mariel sa hagdan, ngunit napadaing siya nang napatid siya dahil may sumangga sa paa niya. Napasigaw siya nang makitang ang kamay pala ni Mhen ang nasangga niya, at doon ay nakita ang iba pang mga bangkay.
"Sharrie!" sigaw nina Rain at nagsilapitan na ang lahat.
Halos masuka ang iba dahil sa hitsura ni Sharrie. Kapansin pansin din na wala na siyang balat sa mukha at nagsiiyakan na ang iba, at nagsilapitan sa bangkay nina Mhen at Ayka.
"Unti-unti na talaga tayong inuubos," entrada ni Carl.
"At sigurado akong may gustong maghiganti sa atin," saad naman ni Geam, kaya nagkatinginan silang lahat.
Napaisip naman si Mariel kung sino sa kanila ang posibleng naghihiganti. Habang palaisipan sa kanila kung sino ang naghihiganti, ang tatlong bangkay ay itinago na ng iba nilang mga kaklase. Ang iba naman ay bumalik sa sala at doon umiyak.
Kinuha naman ni Mariel ang pinagsulatan niya ng mga pangalan ng mga kaklase niyang napatay na at nagtungo sa silid ng mga portraits, kasama si Leianne, para tignan kung ano ang mga lagay ng portraits. Agad niya namang kinopya ang mga numerong nakasulat sa mga portraits nina Ayka, Mhen, at Sharrie.
"(1) Rian, (2) Eila, (3) Angel;
(4) Ann, (5) Aldrin;
(6) Chad, (7) Mark, (8) Jhun;
(9) Tina, (10) Janna, (11) Fred, (12) Trunks;
(13) Sharrie, (14) Ayka, (15) Mhen"
Pagbalik nila sa sala ng second floor ay nadatnan nila si Mich na salita nang salita. "Please, killer, alam kong isa ka sa amin kaya makinig ka. Huwag mo ng ituloy ang binabalak mo." Napaismid naman si Mariel at ibinulsa ang kaniyang pocket journal.
"Nawalan ka na ba ng utak? Sa tingin mo maaawa sa atin ang killer?" panunupalpal sa kaniya ni Joanne. Napatingin nang masama sa kaniya si Mich kaya nilapitan niya ito, at akmang sasampalin ang kaklase, ngunit hinawakan ni Mariel ang kaniyang kamay para awatin siya.
"Tama na iyan. Isipin na lang natin kung paano natin mahuhuli ang salarin, at kung paano tayo makakaligtas," walang emosyong wika ni Mariel, at binitiwan ang kamay ni Joanne.
"Ano kaya kung tumakas na tayo?" tanong ni Jelyn.
"Tatakas? Sige, sabihin mo nga paano?" tanong naman sa kaniya ni Geam. Napatapik na lang si Mariel sa noo niya at umupo sa sofa. Tumahimik na lamang siya at 'di na nagsalita pa.
Mabilis na lumipas ang oras. Madilim na at dinig ni Mariel ang pagpatak ng ulan na kasabay ng kulog at kidlat na malalakas kaya nagtilian ang iba.
Tumayo naman si Mariel sa tapat ng bintana at napatitig sa kalangitan. Pinanapanood niya ang bawat kidlat na gumuguhit doon. Hindi naman siya takot sa kidlat kaya nagawa niyang manatili roon.
Mayamaya pa ay napayakap siya sa kaniyang sarili at pinigilang mapaiyak. Bumuntong-hininga na lamang siya at muling inilabas ang kaniyang pocket journal. Pagkabuklat niya nito ay may nalaglag na litrato, at agad niya naman iyong pinulot.
Larawan niya iyon kasama ang kaniyang pamilya, ang kaniyang kuya, ang mommy at daddy niya. Iyon ang mga oras na buo pa sila. Patay na ang kaniyang mommy dahil sa isang plane crash. Ang kuya naman niya ay nalulong sa drugs kaya nadepress at nagbigti.
Silang dalawa na lang ni Governor Lopez ang natitira. Napahikbi na lamang si Mariel dahil mag-isa na lang ang ama niya dahil walang kasiguraduhan kung makakaligtas ba siya sa mansion na iyon. Tumingin muli si Mariel sa kalangitan, at tinuyo ang luha niya.
Huminto na ang kulog at kidlat, ngunit malakas pa rin ang ulan. Halos itumba naman ng hangin ang mga puno sa labas, at maging ang mga alon sa dagat ay tumataas din. Tila may bagyong dumating.
Inilabas ni Mariel ang kamay niya sa bintana at hinayaan itong mabasa ng ulan. Naramdaman niyang may tumapik sa balikat niya kaya napatingin siya, si Leianne lang pala.
"Tahan na, nandito naman si Ced, eh," wika ni Leainne at nginitian siya.
"Pupuntahan ko siya pero huwag mong sasabihin sa iba," saad ni Mariel at tumango naman si Leianne bilang pagtugon.
Agad siyang nagtungo sa kinaroroonan ni Ced, ngunit sinigurado niyang walang nakasunod sa kaniya.
"Mariel? Nandito ka ulit!" masayang salubong sa kaniya ni Ced at niyakap siya.
"Nakakainggit, ang sweet niyo naman." May bigla namang sumingit na nagsalita, kaya napatingin doon si Mariel at nanigas sa kinatatayuan niya.
"NASAAN si Mariel?" tanong ni Geam kay Leainne. Napaurong ang dila niya dahil sa tanong ng kaniyang kaibigan. Nabulabog tuloy ang pananahimik niya sa sofa habang nakabalot ng kumot.
Hindi niya pwedeng sabihin kay Geam ang mga nalalaman niya. Hindi siya maaaring magtiwala kahit na sa mga kaibigan niya. Kahit pa ilang taon niya na silang kilala, hindi pa rin iyon sapat na dahilan para ibigay ang kaniyang tiwala habang nasa gan'ong sitwasyon sila.
"Ah, gusto niya kasing mapag-isa, kaya hindi ko alam kung nasaan na siya," pagsisinungaling niya.
"Masyado talagang padalos-dalos si Mariel. Hindi ba niya alam na mapanganib ang mag-isa?" panenermon ni Eliana. Halos mapasigaw naman siya dahil sa gulat nang biglang umugong ang kalangitan, dahil sa malakas na kulog, na tila may sumabog. Ang iba namang mga kaklase nila ay nagtilian.
Pagkatapos ng eksenang iyon ay nanatili silang tahimik. May mga nakatulala habang nakaupo sa lapag, at may mga naluluha rin. Ang iba naman ay nakabalot ng kumot, na nakuha nila sa mga kuwarto, gaya nina Leianne, Geam, Joanne, at Eliana.
"Hayy... inaantok na ako!" wika ni Geam at humikab pa.
May mga kaklase na rin silang nagsisihikaban, kaya humiga na si Leianne sa sofa, at ipinikit ang kaniyang mga mata. Dinama na lamang niya ang init na dulot ng malambot na kumot.
"Matulog na tayo! Babalik din 'yan si Mariel!" pagmamaktol ni Joanne, at humiga na rin.
Nakaramdam naman si Leianne ng antok, kaya kahit ayaw niyang matulog ay unti-unti na siyang hinihila papuntang mundo ng mga panaginip. Ipinagdasal na sana ay wala ng mamatay sa kanila.habang sila ay himbing sa pagtulog.
"WALA na ba kayong love quarrel?" Napalingon si Mariel sa gawi ng nagsasalita. Napahinga siya nang maluwag, at tila nabunutan ng tinik sa dibdib, nang mapagtanto niyang si Ma'am Kate lang pala ang nasa likuran nila ni Ced.
"By the way, alam ko naman ang reason, eh. Oo nga pala, Nandito ako para i-discuss ang plano nating gagawin," saad ni Ma'am Kate, at umupo sila sa may dulo ng kama. Wala kasi silang upuan o kaya ay kahit lamesa man lang.
"Balita ko may kasama tayo sa plano," wika pa niya at tumingin kay Mariel.
"Si Leianne po," matipid niyang tugon dahil naiilang siya. Naiilang siya dahil hinusgahan niya noon si Ma'am Kate. Hindi niya alam na siya pala ang tutulong sa kanila.
"Oh, ba't natahimik ka?" tanong sa kaniya ng guro.
"Ma'am, sorry kasi hinusgahan ka namin na ikaw ang killer." tugon niya. Pati tuloy ang iba pa niyang nagawang pagkakamali ay unti-unti niyang pinagsisisihan.
Hinawakan naman ni Ma'am Kate ang kamay niya at nginitian siya. "Huwag mo ng intindihin iyon, ayos lang."
"Pero bago ko ipaliwanag ang plano, kailangan nandito muna si Leainne," saad pa niya. Napaisip naman si Mariel kung paano niya kukunin si Leinanne. Nandoon ang iba ang mga kaklase niya., tiyak na mahihirapan siya sa kaniyang gagawin.
"Ma'am, magkakasama sila ngayon kaya mahihirapan ako," sabi niya, subalit napailing-iling ang guro dahil kilala niya si Mariel: matapang siya, at kung ano ang gusto niya ay siyang makukuha niya.
"Kaya mo naman siyang tawagin, 'di ba Mariel?" tanong sa kaniya ni Ma'am Kate. Napaangat naman ng tingin si Mariel, at tumingin din kay Ced.
"Sasamahan na kita pero 'di ako magpapakita sa kanila," saad naman ni Ced nang mapansin niyang walang lakas ng loob si Mariel.
Saka lamang pumayag si Mariel nang sabihin iyon ni Ced. Nagkakalakas lang siya ng loob dahil sa kanya. Pakiramdam niya kasi ay magiging ligtas siya kapag kasama niya ang binate.
"Dalian ninyong dalawa. Tandaan niyo na bawat oras o segundo ay mahalaga," pangangaral ni Ma'am Kate bago sila umalis. Nang makaalis sila, saka lamang naaalala ni Mariel na may itatanong nga pala siya sa guro. Iyon ay kung saan siya galing, at bakit siya biglang nawala, tapos ay bigla ring sumulpot.
Pigil naman ang hininga ni Mariel habang naglalakad sila. Buti na lang ay may ilaw sa dinadaanan nila. Dahan-dahan naman silang bumaba sa second floor at pinipigilang makagawa ng anumang tunog. Inalis na nga ni Mariel ang tsinelas niya para hindi iyon lumikha ng ingay sa bawat pagyapak niya sa sahig na kahoy.
"Sige, ako na ang gigising kay Leianne," bulong ni Mariel. Napatango naman si Ced, at nagtago sa likod ng isang shelf malapit sa hagdan.
Napahinga naman nang maluwag si Mariel nang makita niyang tulog na ang buong klase. Pinuntahan niya na si Leianne sa may sofa at tinapik ito. Mabuti na lamang ay walang nakaharang na kaklase niya sa sahig na kaniyang dinaanan, kung mayroon ay siguradong naapakan niya na sila.
"Leianne... gising," bulong niya sa kaibigan, at muli siyang tinapik. Sa pagkakataong iyon ay napalakas ang pagtapik niya.
"Ano ba—" Agad niyang tinakpan ang bibig ni Leianne upang hindi makasigaw. Nang mapagtanto ni Leianne na si Mariel lamang iyon ay napabangon siya at tumayo.
"Ano 'yon?" bulong niya, sabay sulyap sa kaniyang mga kaklase.
"Basta, sumunod ka na lang sa akin," sagot ni Mariel. Hindi naman na nagtanong pa ng kung ano-ano si Leianne, bagkus ay sumunod na lamang siya.
Dinaanan naman nila si Ced na nasa likuran ng shelf, atsaka na sila umakyat patungong third floor. Sa pagdaan nila sa sala ng third floor, kung saan sumabog si Sir Joe, nanunoot pa rin sa ilong nila ang masangsang na amoy, subalit natuloy na ang mga dugo sa paligid. Nabubulok na rin ang iba pang mga nagkalat na laman.
Gan'on palagi ang nadaraanan ni Mariel kapag pinupuntahan niya si Ced, pero isinasawalang bahala niya na lang iyon, habang ang isa niyang kamay ay nakatakip sa kanyang ilong.
Nang makarating silang tatlo sa sekretong lungga ni Ced, gaya ng naging reaksyon ni Mariel noong nakita niya si Ma'am Kate, ay gano'n din ang reaksyon ni Leianne. Hindi siya makatingin nang diretso, at ang kaniyang mga daliri ay hindi matahimik.
"M-Ma'am..." nauutal pa na sabi niya. Ngumiti naman ng mapanukso si Ma'am Kate kaya napayuko si Leianne. "Ma'am, sorry talaga," muli niyang sambit.
"Tama na ang drama. Kailangan kong maipaliwanag agad dahil kinakapos na tayo sa oras," saad ng guro, at inumpisahan na niyang ang ipaliwanag ang naisip niyang plano.
"Una, kailangan makuha natin ang lahat ng kalansay na narito sa mansion. Pangalawa, hanapin niyo 'yong mga libro na nasa rooftoop dati." Napangisi naman sina Mariel at Leianne dahil nakuha na nila ang mga libro noon: nakatago lang iyon sa bagahe ni Leianne. Mabuti na lang ay nakuha nila iyon kay Eliana.
"Pangatlo, susunugin natin ang mga 'yon, at 'pag naging abo na ay bubuhusan natin ng Holy water. Pagkatapos n'on ay kailangan nating mahanap ang energy source ng lola niya," dagdag pa ng guro
"Anong klaseng energy source iyon?" tanong ni Ced.
"Isang kuwintas. Kuwintas iyon na kulay itim," sagot ni Ma'am Kate.
"Kung gano'n ay kailangan nating halughugin ang buong bahay," entrada ni Leianne.
Napangiti naman si Ma'am Kate sa ideya ni Leianne. "Tama ka, kailangan nga nating mahalughog ang mansion. Kapag naisagawa na natin ang plano, ang killer na ang isusunod natin."
"Kailan naman po tayo mag-uumpisa?" tanong naman ni Mariel.
"Bukas ng gabi ay likumim niyo lahat ng kalansay, at isama niya 'yong mga libro. Dahil busy ang killer sa pagpatay tuwing gabi ay malaya kayong makagagalaw." Malawak na ngisi ang ipinukol ni Ma'am Kate sa tatlo. Sigurado kasi siyang magtatagumpay sila sa plano nila.
Pagkatapos maipaliwanag ni Ma'am Kate ang mga plano nila ay bumalik na sina Leainne at Mariel sa second floor.
Tinignan ni Mariel ang buong klase. Kumpleto ang lahat at walang kulang. Hiniling niya na lamang na sana ay wala ng mamatay pa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro