Chapter 17
MATAPOS tanggalin ng killer ang busal sa bibig ng apat ay hindi na nila tinangka pang sumigaw. Alam kasi nilang walang magagawa iyon; walang makakarinig sa kanila. Tanging malalalim na paghinga lamang ang naririnig sa kanila dahil sa labis na takot.
Kapansin-pansin ang mga talsik ng dugo sa pader, at maging ang sahig ay may bakas pa ng natuyong dugo. Tanging ilang mga bakal na upuan at isang lamesang parihabang gawa sa kahoy ang naroon sa kuwartong iyon. Gustong-gusto ng apat na takpan ang kanilang ilong dahil sa umaalingasaw na masangsang na amoy, subalit hindi nila magawa dahil nakatali ang mga kamay nila.
Tila sanay na sanay naman na ang killer sa gan'ong amoy dahil palanghap-langhap pa siya sa paligid. Gumiginhawa ang pakiramdam niya sa tuwing nakaamoy siya ng dugo. Nilanghap pa niya ang masangsang na amoy galing sa dugo at ngumisi.
"B-Bakit mo kami pinapatay?" naiiyak na tanong ni Janna, habang ang iba naman ay hindik na hindik nang nakatingin sa killer.
"Kaya nga may ikukwento sana ako! Dahil atat kayo masyado, huwag na lang. Isa pa, hindi pala kayo ang may karapatang malaman ang kuwento. Dapat ay ang mga sisingilin ko lamang ang pagsasalaysayan ko," inis na saad ng killer, at dinampot ang kaniyang maliit na kutsilyo, katabi n'on ay baril niya, na nakalapag sa mesa.
"Kung gan'on, maawa ka sa amin! Wala naman pala kaming kasalanan sa iyo, kaya huwag mo na kaming idadamay," lumuluhang wika ni Tina sa kaniya. Napangisi naman siya, at hindi pinansin ang pagmamakaawa ng kaklase.
"Sino kaya ang uunahin ko?" tanong niya habang pinaglalaruan ang kutsilyo. Nanlaki ang mata nila nang itapat niya ang kutsilyo kay Tina.
"Huwag, please! Maawa ka naman sa amin! Promise, hindi ka namin isusumbong, basta pakawalan mo lang kami," saad naman ni Fred, at pilit na kumakawala sa pagkakatali.
"Maawa? Noon may awa pa ako, pero ngayon wala na akong awa. I am now merciless and fearless," tugon niya at lumapit kay Fred. "Isa pa, hindi ako bobo para pakinggan ang suhestiyon mo," dagdag pa niya kaya napalunok si Fred.
"Bakit mo ba ginagawa ito?" tanong din ni Trunks. Sunod naman niyang nilapitan si Trunks, at tinignan nang diretso sa kaniyang mga mata.
"Because all I want is a bloody revenge!" sigaw niya sa apat, kaya napatahimik sila. Mas lalo namang lumakas ang mga hikbi nina Tina at Janna.
Kahit pa napakatigas ng ng puso ng killer ay hindi pa rin niya maiwasang maluha. "Sabi nila, masama raw ang paghihiganti, but I guess mali sila. Hindi ba napaka-unfair kung ako lang ang makararanas ng impyerno?"
Pilit namang pinapaamo ni Fred ang killer. Nagbabakasakali siyang mababago pa niya ang isip nito. "Alam naming may natitira ka pang kabaitan sa puso mo kaya naluluha ka ngayon kahit na ilan na ang pinatay mo nang brutal."
"Huwag mo akong pangaralan dahil matapos nilang gawing miserable ang buhay ko, wala ng kabaitang natira sa puso ko," giit ng killer, at pinunasan ang kaniyang mga luha. "Hindi nila maiintindihan ang nararamdaman ko hangga't hindi nila ito nararanasan. Ipararanas ko ang impyernong naranasan ko noon, at nang maintindihan nila ang pinagdaanan ko," dagdag pa niya.
"Pero bakit pati kami—"
Hindi na naituloy ni Fred ang kaniyang sasabihin nang damputin ng killer ang kaniyang baril at pinaputok ito sa ulo ni Fred. Sigaw naman nang sigaw ang dalawang babae, na halos mawalan na sila ng boses, lalo na si Tina.
Mas lalong napangisi ang killer nang maalala niyang dahil sa baril na patago niyang inilagay sa bagahe ni Mariel. Naging dahilan tuloy iyon para maibaling ang bintang sa kanya. Noong nakakuha naman siya ng tiyempo, agad lang din niyang kinuha ang baril at ibinalik sa lungga niya dahil ang plano lang naman niya ay i-set up si Mariel.
"AHHH! Bakit mo ginawa iyon?!" bulyaw ni Tina na nagngingitngit na rin sa galit, ngunit napalunok siya nang itutok sa kaniya ang baril, kaya kusa na lamang siyang napapikit.
Sunod na ipinutok ng killer ang baril sa dibdib ni Tina, at sunod namang itinapat kay Janna na iling nang iling, pero wala ng nagawa dahil bumaon na rin ang bala sa dibdib niya. Totoo ngang wala ng natitirang kabaitan sa puso ng killer dahil walang pag-aalinlangan niyang binaril maging si Trunks na nananahimik.
"Kailangan ko ring ipagpatuloy ang sinimulan ng lola ko noon. Kailangan kong ipagpatuloy 'yon dahil iyon ang dahilan ng pagtatagumpay ko, ang dugo!" Dumagundong pa ang boses niya sa apat na sulok ng kuwarto habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.
"P-Pataya na sila." Napatingin naman siya sa kaniyang likuran nang magsalita ang kasabwat niyang kagagaling mula sa kabilang kuwarto.
Nababasa rin sa kanyang mga mata ang pagkaawa at panghihinayang. Palibhasa, hindi kasing tigas ng puso ng killer ang puso niya.
"Kung naaawaka sa kanila, sana hindi ka nakipagsabwatan sa akin noong kinumbinse kita noon," pambabara naman ng killer.
"H-Hindi! D-Dapat lang iyan sa kanila. Gaya mo ay naging kaaawa-awa rin ako, kaya hindi dapat ako maawa." Napangisi ang babae dahil sa sinabi niya.
"Huwag kang mag-alala, marunong naman akong panindigan ang mga sinasabi ko. Hindi kita papatayin gaya ng napagkasunduan natin." Sa sinabing iyon ng killer ay unti-unting nawawala ang pag-aalinlalangan niya.
Pagkatapos ng pag-uusap nila, isinuot na ng killer ang kaniyang cloak at maskara. Ipinahid niya naman ang kaniyang dalawang kamay sa dibdib ni Janna dahil mabilis na umaagos ang napakaraming dugo roon. Nang mabalutan na ng dugo ang dalawa niyang kamay, nagtungo na sila sa silid ng mga portraits.
Gaya ng ginawa niya sa iba, pinahiran niya rin ng dugo ang mga portraits nina Janna, Tina, Fred, at Trunks. Ang dating pintura n'on ay napalitan na ng masangsang na dugo.
"Malapit ng malaman ang itinatago nilang baho at sekreto. Pati na rin ang sekreto namin ng lola ko kasama ang mansion na ito!" saad niya habang tinititigan ang mga portraits na nabahiran na ng dugo.
"9" ang nakalagay kay Tina, "10" kay Janna, "11" kay Fred, at "12" naman kay Trunks. Lahat ng mga numerong iyon ay isinakto niyang ipinahid sa buong mukha nila. Labing-dalawa na ang napatay niyang kaklase niya nang wala pang isang linggo, at siguradong madagdagan pa iyon...
MAAGANG nagising ang lahat. Ang iba ay nagboluntaryo na magluto ng umagahan, samantala silang limag magkakaibigan naman ay nakahilata pa, kaya ang daming nakabusangot sa kanila.
Napabangon naman mula sa sofa si Mariel, at nagtungo siya sa Room 1 para kunin ang journal at ballpen niya sa kaniyang bagahe. Nang kalkalin naman niya ang kaniyang luggage, wala na roon 'yong baril na siguradong inilagay roon ng killer. Kinuha niya na lamang 'yong pocket journal niya at isang maliit na itim na ballpen.
Pagbalik ni Mariel sa sala ng second floor ay agad niyang isinulat ang mga pangalan ng mga kaklase niyang namatay na. Pinagsunod-sunod niya ang mga pangalan nila ayon sa numero na nakalagay sa portraits nila.
"(1) Rian, (2) Eila, (3) Angel
(4) Ann, (5) Aldrin
(6) Chad, (7) Mark, (8) Jhun"
Pilit na iniisip ni Mariel kung paano niya makukuha ang mga clue sa pamamagitan ng mga numero at mga pangalan na, ngunit wala talaga siyang ideya.
Sumilip naman si Joanne sa journal ni Mariel. "Seryoso ka talaga riyan sa mga clue, huh?"
"Oo naman, nakasalalay rito ang pagkaligtas natin, eh," tugon niya naman nang hindi inaalis ang pagkakatitig sa isinulat niya.
Mayamaya ay may narinig silang sigaw na nagmumula sa sala ng first floor. Nagkatinginan silang lima na tila ba kaya nilang basahin ang isip ng isa't isa. Iisa lamang ang nasa isipan nila, may namatay na naman sa mga kaklase nila.
Dali-dali silang tumungo roon, at halos bumaliktad ang sikmura ni Mariel sa nakita niya. Apat na kaklase niya muli ang napatay. Ibig sabihin twenty-three na lang sila!
Umiiyak ang iba at ang iba naman ay nangangatog na ang mga tuhod dahil sa takot. Wala namang nagtangkang lumapit sa apat na bangkay. Lakas-loob na lumapit si Mariel sa apat na bangkay, at doon ay nalaman niyang tama ng baril ang ikinamatay nila.
"S-Siguradong nababalutan na rin ng dugo ang mga portraits nila," saad naman ni Mich.
Agad nagtungo sina Rae, Mich, at Mae sa silid kung nasaan ang kanilang mga portraits. Tama rin ang kanilang hinala, nababalutan na rin ng dugo ang portraits ng apat. Agad naman nila itong iniulat sa klase, pati na rin 'yong mga nakasulat na numero, kaya mas lalong nadagdagan ang nasa listahan ni Mariel.
"(1) Rian, (2) Eila, (3) Angel;
(4) Ann, (5) Aldrin;
(6) Chad, (7) Mark, (8) Jhun;
(9) Tina, (10) Janna, (11) Fred, (12) Trunks"
"Pero paano itong mga bangkay?" tanong ni Ayka kaya napatigil sa pag-iisip si Mariel.
"Bobo ka ba? Malamang ay ililigpit!" pambabara sa kaniya ni Eliana.
Napatahimik ang lahat. Ang iba ay natatakot, habang inililigpit ang apat na bangkay. Hindi na sila nakakain pa; walang gana ang lahat dahil parang bangungot na tumatatak sa isipan ang nangyayaring pagpatay.
Nag-paalam naman si Mariel kina Joanne at sinabing magpapahangin lamang sa kung saan, pero ang totoo ay gusto niya na namang puntahan si Ced para ipakita ang isinulat niya.
"Delikado, Mariel! Sasamahan ka na lang namin," pagtutol ni Geam. Pupuntahan niya si Ced, kaya hindi pwedeng may kasama siyang pupunta. Hindi maaaring malaman nila na naroon din si Ced.
"Huwag na, dahil gusto kong mapag-isa," sagot niya, at umakto na tila nangungulila pa rin kay Ced. Sa tuwing nalulumbay kasi siya ay palaging si Ced ang alam nilang dahilan.
"Si Ced na naman ba?" tanong ni Leianne. Tumango lang si Mariel na pinipigilang tumawa dahil sa kaniyang pag-arte na mukhang pinaniniwalaan naman ng mga kaibigan niya.
"O sige, basta mag iingat ka, ha?" bilin naman ni Geam.
Nagpaalam siya na sa rooftop siya pupunta, ngunit doon siya dumiretso sa pinagtataguan ni Ced. Masyadong malawak ang mansion kaya imposibleng matunton sila roon.
Napatingin siya sa likuran niya nang pakiramdam niya ay may sumusunod sa kaniya. Kailangan niyang maging mapagmatiyag upang hindi siya masundan. Binilisan niya na lamang ang paglalakad para hindi siya masundan ng mga kaklase niya.
Dali-dali na siyang pumasok sa kuwartong pinagtataguhan ni Ced, at sinalubong naman siya ng kasintahan niya ng may malawak na ngiti.
"Oh, nandito ka na naman?"
"May gusto kasi akong ipakita sa'yo," tugon ni Mariel, at inilabas ang pocket journal niya mula sa bulsa ng kaniyang denim shorts.
Lingid sa kaalaman ni Mariel ay may sumunod sa kaniya, at binabantayan ang kaniyang mga kilos. Sinundan siya nito at dahan-dahang sumunod sa kaniya. Nagtatago naman ito sa likod ng cabinet sa tuwing lilinga sa paligid si Mariel, hanggang sa tagumpay siyang nasundan.
"Mariel, Ced?!" Napalingon silang dalawa sa nakabukas ng pinto ng kuwarto. Nahuli na silang dalawa!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro