Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Sa mundong mapaglaro at puno ng kaguluhan, mahirap matukoy kung sino ang mga magiging kakampi at kalaban. Ang minsang itinuring na kakampi, siya pala ang kalabang sasaksakin ka pala ng matalim na kutsikyo mula sa likuran. Higit sa lahat, hindi ang saksak ng talim ng kutsilyo ang nagdudulot ng matinding sakit, kundi ang katotohanang ang minsang pinagkatiwalaan mo ay siya pala ang kalaban mo.

WALANG ibang nararamdaman ang killer ngayong, bukod sa mas matindi pang poot na parang isang apoy—tumutupok ito sa buong pagkatao niya. Masyado siyang minaliit noon at kinawawa; wala siyang nagawa para sa sarili niya.

Hinayaan niyang lamunin siya ng matinding galit dahil iyon ang nagbibigay ng lakas sa kaniya para ipaghiganti ang sarili na hindi niya nagawa noon.

"Pagbabayaran nila ito! Papatayin ko silang lahat, kasama ang taksil na guro! Kamatayan ang ipapataw ko sa kanila!" puno ng poot na wika niya habang hawak nang mahigpit ang kutsilyo.

Pilit namang kumakawala ang tatlo sa pagkakatali dahil hindi nila maiwasang masindak sa babae. Hindi nila lubos akalain na ang babaeng walang imik noon at hindi makalaban ay siyang salarin ngayon sa kalunos-lunos na pagpatay.

Napalunok si Chad nang binalingan sila ng tingin ng babae. Ang mga titig nito ay napakatalim—tumatagos hanggang sa kailaliman ng katawan ang takot na dulot ng kaniyang mga tingin.

"Maniwala ka, si Ma'am Kate iyon! Siya ang may pakana ng lahat ng pagkasira ng buhay mo!" saad ni Mark na tila ba hindi natatakot. Sa bagay, tanggap na niya ang kahihinatnan niya dahil sa mga ginawa niya noon.

Hinila niya ang kuwelyo ng damit ni Mark, at mas hinigpitan niya pa ito, dahilan para hindi makahinga si Mark. "Paano ako maniniwala sayo?!"

"D-Dahil ang tatay mo ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay niya noon!" tugon ni Mark kaya napabitaw ang babae.

Bahagya siyang napatahimik nang banggitin ni Mark ang tatay niya. Matagal nang pumanaw ang tatay niya dahil sa pamamaril, pitong taon na ang nakalilipas. Wala siyang ideya sa ipinaparatang ni Mark, ngunit may parte sa pagkatao niya na gusto niya itong paniwalaan.

"Kung gan'on bakit niya ako tinulungan noon?"

Sabik na sabik na ang killer na malaman ang dahilan ng guro. Subalit, may parte sa puso niya na tila ayaw malaman ang katotohanan dahil tiyak na masasaktan lang ulit siya sa malalaman niya.

"Para hindi halata na siya ang may pakana ng pagkasira ng buhay mo. Ang lahat ay kasama sa kaniyang plano, pati ang pagbabait-baitan niya sa'yo," pagpapaliwanag naman ni Jhun.

Nanikip ang dibdib niya sa mga salitang naririnig niya. Tila ba isang karayom ang bawat salita, at unti-unting bumabaon sa kaniyang puso. Iwinaksi niya na lang ang hinagpis, at ngumisi nang malawak.

"Kung gano'n sisimulan ko na ang laro!" dagundong ng kaniyang boses.

"A-Anong gagawin mo?" nanginginig na tanong ni Chad kaya napangisi siya.

Mas lalo siyang nasisiyahan sa tuwing nakikita ang takot sa mukha ng kaniyang mga binibiktima.

Kumuha siya sa sulok ng tatlong upuang bakal, at isa-isa niya silang pinaupo, at itinali nang mahigpit ang kanilang katawan sa upuan gamit ang matatabang tali. Nanatili namang malaya ang kanilang mga kamay, subalit hindi pa rin nila magawang makawala..

Pagkatapos n'on ay inilagay na niya sa harap nila ang lamesa kung saan nakapataong ang tatlong basong hindi gaanong malaki. Sa tabi naman ng bawat baso ay may isang matalim na blade.

"Simple lang naman ang gagawin niyo. Pipili kayo ng parte ng katawan niyong gusto niyong sugatan. Pagkatapos ay isahod niyo sa basong 'yan ang dugo, at paunahan kayo na mapuno 'yan. Kung sino ang mahuli, siya ang una kong papatayin," pagpapaliwanag niya sabay lapag ng kaniyang kutsilyo sa lamesa.

"Simulan niyo na! Isang maling galaw niyo ay lalaslasin ko ang leeg niyo!" dagdag pa niya at humalakhak.

Agad nilang kinuha ang blade at nagsugat. Aliw na aliw siya sa ginagawa ng tatlo, kaya prente siyang umupo malapit sa tapat ng tatlo. Mas lalo siyang nasisiyahan dahil ang mga biktima niya ang mismong nagpapahirap sa mga sarili nila.

Malalim na laslas ang ginawa ni Chad sa kaniyang palad kaya mabilis na umagos ang dugo. Hindi naman nag-alinlangan pa si Jhun sa paghiwa ng kaniyang hinliliit. Naputol nga ito, kaya mas mabilis na umagos ang dugo. Si Mark naman ay sinugatan din ang kaniyang palad.

Nangunguna si Jhun dahil malapit ng mapuno amg baso. Kitang-kita sa mga mukha nila na nanghihina na sila. Makalipas ang tatlong minuto ay natapos na ang dalawa ngunit ang isa ay hindi pa.

Si Chad ang nahuli!

Halos mamanhid na ang kamay ni Chad dahil sa dami ng dugong nawala sa kaniya. Lumapit naman ang killer sa kaniya na nakangisi.

"Bago matapos ang iyong buhay, pahihirapan muna kita! Ipararanas ko ang impyernong naranasan ko noon!" Hindi ipinakita ni Chad na natatakot, siya ngunit 'di niya magawang manlaban.

Lumapit pa ang killer sa kaniya at nilalagyan siya ng duct tape sa bibig. Ginawa niya iyong pagkakataon upang manlaban. Sinipa niya ang killer, pero agad itong nakaiwas dahil sa liksi ng kaniyang mga galaw.

"HHMMMPPPHHHH!" Napasigaw siya nang laslasin ng killer ang mga kamay niya gamit ang matalim na kutsilyong nangingislap pa.

Nanghina na siya nang labis dahil sa mas marami pang dugo ang tumalsik sa paligid.. Naging mas masaya ang killer nang nabahiran ng dugo ang mukha niya.

"Dapat lang 'yan sa'yo! Para hindi ka na makapag-edit! Alam niyong hindi ako ang nasa scandal dahil in-edit niyo 'yon!" sigaw ng killer.

Muli siyang napasigaw nang laslasin ng killer ang kabila niyang kamay. Paulit-ulit na sinasaksak ng killer ang kamay ni Chad, pataas sa kaniyang braso. Sina Mark at Jhun naman ay hindi magawang tignan ang ginagawa ng killer kay Chad.

"P-Patayin... mo na ako..." nanghihinang sabi ni Chad dahil natanggal na ang busal niya sa bibig.

Napahalakhak ang killer kaya itinaas nito ang kutsilyo at itinarak sa dibdib ni Chad. Napaslang na ng killer si Chad. Napatingin naman siya kina Jhun at Mark na sindak na sindak.

Agad niya silang isinunod. Kung ano ang ginawa niya kay Chad, gano'n din ang ginawa niya sa kanila; tumalsik pa ang napakaraming dugo sa mukha niya. Unti-unting gumagaan ang pakiramdam niya nang mapaslang niya ang tatlo. Sa wakas ay unti-unti na silang mabubura kasabay ng pagkabura ng bigat ng pakiramdam niya.

Matapos niyang paslangin ang mga kaklase ay isinuot na niya ang itim niyang cloak at silver na maskara. Tuwing papaslang din siya ng mga kaklase niya, lagi siyang nagpapalit ng damit pang-ibaba at pang-itaas para hindi matalsikan ng dugo ang damit na gamit niya sa pakikisalamuha sa kaniyang mga kaklase.

Lalabas na sana siya sa kaniyang kuwarto nang may sumalubong sa kanya sa pinto ng kuwarto.

"Mabuti naman at sumunod ka sa akin dito. Nakakadismaya lang dahil hindi mo ako tinulungang hilain sina Mark, Jhun, at Chad," wika ng killer.

"Nag-iingat lang ako dahil baka mahuli tayo," tugon ng taong iyon, ang kasabwat niya.

"Hindi bale na, samahan mo na lang ako sa third floor gaya ng dati." Lumabasa na siya sa maliit niyang kuwarto at muling nagtungo sa tatlo niyang kaklaseng pare-pareho ng patay.

Ibinuhos niya sa dalawa niyang kamay ang mga naipong dugo ng tatlo niyang kaklase. Nanatili pa sila ng ilang minuto roon upang siguraduhing walang tutulong dugo mula sa kamay niya. Mahirap na, baka matunton siya ng mga kaklase niya gamit ang mga patak ng dugo.

Nagtungo na sila sa third floor, at ang kasama niya naman ang taga-bukas ng mga pinto para sa kanya. Hindi niya kasi puwedeng ihawak ang kamay niya dahil sa dugong bumabalot doon. Gan'on palagi ang ginagawa nila: ang kasabwat niya ang taga-bukas ng mga pinto, at siya naman ang taga-pahid ng dugo sa mga portraits.

Pumasok sila sa silid kung nasaan ang mga portraits. Gamit ang dugo sa kaniyang kamay, sinulatan niya ng malaking "6" ang portrait ni Chad, "7" kay Mark, at "8" naman kay Jhun. Himbing pa rin naman sa pagtulog ang mga kaklase niyang walang kaalam-alam sa nangyari kina Chad.

Hinila na nila ang mga bangkay sa malapit sa pinagtutulugan ng mga kaklase niya. Pagkatapos ay nilinis niya ang katawan niya, at isinuot ang dati niyang damit. Mabuti na lang ay may maliit din na cr sa tabi ng kaniyang kuwarto. Gan'on din ang ginawa ng kaniyang kasabwat.

Sa pagbalik niya sa tinutulugan ng kaniyang mga kaklase ay iniisip niya kung sino ang isusunod niya, kaya natulog siyang may ngiti sa kaniyang labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro